Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Edukasyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Edukasyon. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Enero 10, 2016

Edukasyon ay Kayamanan

 (January 11, 2016 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talalakayang Pampamilya”. Lucy Billones)
 (Play- Intro- Gabay   at Talalakayang Pampamilya)
LUCY : Asssallamu alaikum Warahmataullahi Wabaraakatuh.   Kaka Alih, 
Kaka Alih:  Wallaikumi Sallam Lucy  at ang aking pagbati ng  assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.
Matanong kita kapatid,  gaano ba kahalaga ang edukasyon   para sa iyo?
Abdulkareem during His KinderGarten graduation
Alam mo Kapatid Ang edukasyon ay kakambal ng kaunlaran, mahirap marating ang kaularan kong salat tayo ng karunungan.
Ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan.  
Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi, hindi lamang po ng pagbasa at pagsulat.
Ang  ibig sabihin ito   ay hindi  lamang dapat mong  malaman ang isang bagay  kundi dapat  mo rin pag-aralan ang kahalagahan  nito, at papaano gagamitin. Ang kong sakalaing may sapat ka ng  kaalaman dito ay kinakailangan naman ang pag-sasanay sa sarili, na gamitin  ito.
May nagtanong din sa  akin na estudyante, assignment yata niya, “Bakit ba mahalaga ang edukasyon sir?”
Ang naging tugon sa kanya ay,  “…mahalaga ang edukasyon pagkat ito ang magsisilbing gabay sa lahat,  lalo na sa mga kabataan na tulad mo. Mahalaga  ito dahil ang isang taong may talino, matutupad ang mga pangarap saan man siya magpunta.    Ito ay  isang kayaman na kailan man ay hindi mananakaw. Ito ang  kayamanan  na kapag ipinamigay mo ay hindi  nababawasan, kundi  lalo pang  nadagdagan.”
Ikaw Lucy , may  maisasagot ka   sa ganoon tanong  “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
LUCY: Mahalaga ang edukasyon, kapag may  taglay ang isang tao sya ay nagkakaroon ng higit na kapakinabangan hindi sa kanyang sarili,  kundi sa pamilya at lipunan,  samantala  ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng suliranin hindi lang sa kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.
Kaka Alih: Tama ka Lucy, Sadyang hindi matatawaran ang kahalagahan ng edukasyon    sa ating  mga  tao. Ang salat sa edukasyon ay tatanda siyang mangmang o kulang sa kaalaman, ang taong kulang sa kaalaman ay kukunti ang maiaaabag o maitutulong sa ating pag-unlad.
Sino  na ang  gagagawa ng mga tulay, kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa mga paaralan kong walang  nakatapos na mga guro? Sino  abng gagamot sa sakitin kong walang  mga doctor?
Kaya nararapat lamang na mag-aral tayo,  pag-aralin aang  ating mga anak, DAHIL  ang edukasyon ay mahalaga sa tao, ang taong kulang sa edukasyon ay salat sa karunungan at yaman.
May sinabi ang Propeta Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin  ang karunungan mula sa duyan hanggan sa libingan).
 Ito po ang inyong Kapatid - Kaka   Alih,  Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya,  Sukran and Wassallam.
LUCY: Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral na  ibinahagi mo  ngayong umaga,   (EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Huwebes, Abril 3, 2014

Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa Pag-unlad ng Bansa

Ang  Kahalagahan ng Edukasyon sa Pag-unlad ng Bansa

June 25, 2012 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Nuro Central Elementary School Pre-School
Host/Noralyn: “Ang edukasyon ay sadyang napakahalga sa tao, kaya naman ang lahat ay nagsisikap na pag-aralin ang kanilang mga anak, para hindi lumaking mangmang at salat sa karunungan.   Samahan ninyo kami  ni Kaka Alih sa segment:

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih,

Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.

Host/Noralyn: Matanong kita  Kaka  Alih, gaano ba kahalaga ang edukasyon  sa atin ang edukasyon?
Bago  kita sagutin ng tuluyan Kapatid, ang  tanong ano ang ibig sabihin  ng edukasyon?

Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim, ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.

Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.

Ang  ibig sabihin ito Noralyn ay hindi  lamang dapat mong  malaman ang isang bagay  kundi dapat  mo rin pag-aralan ang kahalagahan  nito, at papaano gagamitin. Ang kong sakalaing may sapat ka ng  kaalaman dito ay kinakailangan naman ang pag-sasanay sa sarili, na gamitin  ito.

May nagtanong din sa  akin na estudyante, assignment yata niya, “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”

Ang naging tugon sa kanya ay,  “…mahalaga ang edukasyon pagkat ito ang magsisilbing gabay sa lahat,  lalo na sa mga kabataan na tulad mo. Mahalaga  ito dahil ang isang taong may talino, matutupad ang mga pangarap saan man siya magpunta.    Ito ay  isang kayaman na kailan man ay hindi mananakaw. Ito ang  kayamanan  na kapag ipinamigay mo ay hindi  nababawasan, kundi  lalo pang  nadagdagan.”

Ikaw Noralyn, may  maisasagot ka   sa ganoon tanong  “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”

Host/Noralyn:  Mahalaga ang edukasyon, kapag may  taglay ang isang tao sya ay nagkakaroon ng higit na kapakinabangan hindi sa kanyang sarili,  kundi sa pamilya at lipunan,  samantala  ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng suliranin hindi lang sa kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.

Kaka Alih: Sadyang hindi matatawaran ang kahalagahan ng edukasyon  Noralyn sa ating  mga  tao. Ang salat sa edukasyon ay tatanda siyang mangmang o kulang sa kaalaman, ang taong kulang sa kaalaman ay kukunti ang maiaaabag o maitutulong sa ating pag-unlad.

Sino  na ang  gagagawa ng mga tulay, kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa mga paaralan kong walang  nakatapos na mga guro? Sino  abng gagamot sa sakitin kong walang  mga doctor?
Kaya nararapat lamang na mag-aral tayo,  pag-aralin aang  ating mga anak. May sinabi ang Propeta Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin  ang karunungan mula sa duyan hanggan sa libingan).

 Ito po ang inyong Kapatid - Kaka   Alih,  Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya,  Sukran and Wassallam.

Host/Noralyn:  Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral na  ibinahagi mo  ngayong umaga, mga kapatid sadyang ang edukasyon ay mahalaga sa tao, ang taong kulang sa edukasyon ay salat sa karunungan at yaman.

(EXTRO- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

DXUP FM  blog photo files


PAALAALA: Ito ay Re-Post mula sa naisarang Multiply.com na blog

Miyerkules, Oktubre 9, 2013

Kabataan ang Pag-asa ng ating Bansa?

Kabataan ang Pag-asa ng ating Bansa?
Saint Francis High School student

(October 10, 2013,   -Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –Nancy Lawan)

(PLAY INTRO-Gabay Kalusugan at Pampamilya)

Host/NANCY: Magandang umaga Kaka Alih. What is our topic for today?

Kaka Alih:  Magandang umaga din kasamang Nancy, my topic? Dahil suspended ang mga klase sa elementary level sa lahat ng  paaralan sa Upi, of course kasama na diyan ang UAS-PTIA high school at college department, heto  pangkabataan ang ating tatalakayin.

Last October 3, 2013 ay pinirmahan ng president Pinoy ang Republic Act 10632 amended o pagsususog sa RA 9340 and reset o ipinagpaliban ang halalan ng kabataan o  the youth council elections na inischedule sa  Oct. 28, 2014 at Feb. 23, 2015. Ang meaning nito, ay hindi sasabay ang election ng kabataan sa Barangay election this coming October 28, 2013.

Speaking barangay election reminders: May gun ban na ipinaairal sa buong bansa ngayon, September 28, 2013 (SAT) – November 12, 2013 (TUE) (30 DAYS BEFORE THE DATE OF THE ELECTION AND 15 DAYS THEREAFTER)

It also does not allow current SK officials to retain their positions in a holdover capacity. The term of youth officials will end on Nov. 30, 2013.

Back to our topic,  May memoriyado tayong line, “Ang Kabataan ang Pag-asa ng bayan,” kasabihan ito ni Gatpuno  Jose Rizal.  Ang tanong ay: papaano sila magiging pag-asa ng bayan? 

Alam ba ninyo noong kabataan natin ito na rin ang mga linya na palagi naming isinisigaw noong bago pa mag-martial law.  Last  Sept 21, 2011 nga pala  ay anniversary ng declaration ng martial law o batas military, at tila nakakalimutan na natin, dahil sigoro ang lahat ng mga kabataan sa ngayon ay hindi nila ito inabutan, si Kaka Alih ok pa. (PLAY LAUGHING) Subalit hindi  martial law ang topic natin, dahil kong minsan di magandang sariwain ang malagim na karanasan na yun ng mga kabataan noon , in which  isa na ako doon.

Balikan natin ang kasabihan na: “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”. Ang tanong ay papaano?

Ang realidad ay maraming batang Pilipinong lumalagi at naghahanap-buhay sa lansangan. Ang iba naman ay palaboy-laboy lamang at nagugumon na sa pinagbabawal na gamot. Kaawa-awa ang kalagayan ng mga ito kailangan nila ng kalinga at pagmamahal ng magulang at kapuwa.

Alam nyo bang may ibat-ibang uri ng mga batang lansangan? Maaring wala pa tayo niyan ditto sa Upi, subalit maiging magkaroon na kayo ng idea, anon a ba ang kalagayan ng mga kabataan sa ngayon.  Halimbawa sa Metro Manila, doon ay may mga batang sa gabi’y naglalako ng sampaguita, kendi, at sigarilyo upang maka-ambag sa kani-kanilang pamilya o kaya naman para sa matrikula ng kanilang pag-aaral. Delikado ang pinagdaraanan nila  para lang may mapagkakitaan.

Regular na tanawin din sa mga siyudad na may mga batang sa umaga’y masayang nakikipagpatintero sa mga saskayan, nagmamalimos sa mga simbahan, parke at tindahan. Ang iba naman ay sadyang naghihintay ng paglubog ng araw, at sa gabi ay naghihintay kong may masisila silang biktima na mapagnanakawan. Ang iba naman,   matapos makadilihensya’y pawang nasa langit ang pakiramdam sa pag singot ng rugbie. Kaka Ali, ano kayang kapanyarihang taglay ng rugbie? Never mind Aywan ko, forget that.

(PLAY  LAUGHING WOMAN)

Hindi! Heto may sagot ako: “..sabi ng iba’y nakakapawi ng pagod, gutom at problema.” (Totoo bayan?)  

Yes Kaka,  ito ang nagsisilbing bitamina na nag susuplay sa mala tingting nilang pangangatawan upang harapin ang mga pagsubok na dala ng buhay. Pag patak ng dilim, matapos ang mag hapong pakikipag sapalaran, sila’y tutungo sa kani-kanilang lungga. Meron sa isang abandunadong gusali, containers, automobile, kariton, parke, o kaya naman sa gilid na ng kalsada mismo.

Kaibigan, na hindi pa masyado nakapagpasyal sa mga lungsod, tulad ng Maynila,   ang pinaka masaklap sa lahat sa mga kabataan na ito ay may mga sindikatong ginagamit ang mga musmos na ito upang mapag kakitaaan. Pinagbebenta ng mga droga, pinagnanakaw, o kaya’y pinagbibili ang katawan. Kadalasang inaabuso, pinagbubuhatan ng kamay, hindi pinapakain sa halip ikinukulong at pinapatay pag wala silang pakinabangan ito ng hindi makapasumbong sa otoridad.

Kong ganito ang palaging mangyayari ay makakapaniwala ka pa ba ang kasabihan na “Kabataan ang Pag-asa ng bayan,”. Matatawag pa bang   ang kabataan pundasyon ng isang matatag na republika,

Ayon sa ating batas  nakasaad na  ang bawat bata ay may mga karapatan. Karapatang makahawak ng libro’t lapis, mahagkan ang haplos ng kalinga, proteksyon, at pagmamahal ng isang magulang, matustusan ang panangailangan at masilayan ang kagandahan ng mundo.

Pero bakit ganito? Sa bawat pagtiktak ng orasan kahirapan ang bumabalot sa mga palad ng sangkatauhan, kasabay nito ang pag-lubo ng pupulasyon, ngunit hindi nadagdagan ang kita ng bawat pamilya.  

Ang mga tao ba’y nag iisip o sadyang mapurol ang utak at talagang nakasanayan na ang pagluwal ng sanggol bawat taon? Matapos nito’y pababayaan na parang basahan ang mga batang nabuo at iniluwal sa magulong mundo ngayon, na dapat sana ay matamasa ang kalinga at pagmamahal ng isang magulang o talagalang    ito’y bahagi na ng sirkulasyon, na pabayaan ang anak, at hayaan mabuhay tulad sa isang hayop o ibon na bahala na siyang maghanap ng makakain upang mabuhay.

Matatandaan ko noon sa aming klase,  nasabi  ng aming guro: “…na masuwerte ang panganay na anak dahil siya ay nabuo ng dahil sa pagmamahal ni nanay at tatay at ang mga kasunod ay habitual na gawain na lamang raw.

Kong ganito ang situwasyon di ba nakakatawa ? Pero Kaka Alih yan ang realidad, iyan ang nagdudumilat na katotohanan. Kaya ngayon sa bawat pagtaas at pagbaba ng araw ay siya ring paglitaw ng mga batang   sinuswerte, ang iba nama’y sinawing palad at sa lansangan na lamang ipinagpatuloy ang magulong buhay. Ang ganitong kabataan ang nag sisilbing mukha ng di-umuunlad na bansa.  

Sa bawat araw na lumilipas, isang obserbasyon ang namuo sa murang isipan ng mga isisilang na sanggol, na paglaki ay kusa ng mahahawa ng kanyang kapaligiran.

Masosolb ba ang problema kong patuloy tayong magsisihan?

“Kaka Alih ang sakit isipin na walang magawa o hindi mabigyan ng sulosyon ng ating   gobyerno ang poblemang ito. Ano na lang ang sasabihin ni Dr. Jose Rizal sa kanyang kasabihang ” kabataan ay pag-asa ng bayan”? Kawawang kabataan.”

Tama ka kaibigan, ngunit ibabalik ko sa iyo ang katanungan: “Sino ba ang may pananagutan? mga magulang o gobyerno? O silang dalawa ay dapat magtulungan?”

Mga giliw naming tagapakinig  kayo ang makakasagot sa tanong na iyan, kayo na ang bahalang humusga, sino ang dapat na sisihin, o heto ang dapat hindi tayo magsisihan.

Para sa akin, bilang kabataan (noon) gagampanan ko ang aking tungkulin bilang magulang, na iniatang sa akin Poong Lumikha, kusa kong babalikatin ang aking responsiblidad, at ako’ maniniwala na hindi tayo pababayaan kong tayo ay mananalig at mananampalataya sa ating Poong Lumikha.

Ako ay naninindagan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kapatid sama-sama tayong manindigan. Kaya natin ito…Matutupag natin ito sa tulong ng Poong Lumikha ng Diyos , ng Allah.

Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid …mas lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi natin.. bukas  sama-sama tayo sa ating segment na  Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya…. Sa ating programang buhay  .. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

(PLAY EXTRO-Gabay Kalusugan at Pampamilya)


Host/NANCY:  

Martes, Agosto 13, 2013

Pagkontrol sa Pag-gamit ng Plastic Bags

 (August 14, 2013-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)

karamihan sa tinatapon na basura sa KM 30 ay mula sa plastic
na material, na hindi nabubulok kahit sa matagal na panahon,
na hindi naman pwedeng sunugin dahil sa wawasakin ang
ozone layer
Host/ Lucy: “Bilang magulang may maitutulong ba tayo sa pangangalaga ng ating kapaligiran,  halimbawa konting ulan lang ay baha na kaagad?”

(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya”.)

Host/ Lucy: “Magandang umaga sa iyo Kaka Alih, gusto ko itong topic na inihanda mo ngayong umaga na: pangagngala n gating kapaligiran, itong makapagpasa tayo ng batas sa pagkontrol ng pag-gamit ng plastic bags, tulad ng mga batas na naipasa ng ibang LGU, halimbawa ay sa Bayan ng Makilala, North Cotabato.

Kaka Alih:  I like yung sinabi mo sa Makilala North Cotabato, ako din medyo nabigla ng bumili ako sa isang tindahan, ayaw nilang ilagay sa plastic bags.. pag usapan natin yan, but begfore anythingGood morning Lucy, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Anything else allow me to say Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam, and like goodmorning to all listeners especially to members of the Sangguniang Bayan ng Upi at ng mga 23 barangay ng Upi, kasama na rin ang South Upi LGU.

Ang Upi ay may batas na sa pangangalaga ng basura-   o ORDINANCE NO. 003 Series of 2007 “A COMPREHENSIVE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ORDINANCE  OF THE MUNICIPALITY OF UPI AS AMENDED.

Ang inaasahan naman ng mga environmentalist (mga taong mgay pagmamahal at pangangalaga sa kalaikasan)  ay maipasa ng ang batas naman sa nagbabawal sa paggamit ng plastic bags sa mga dry goods, pagkontrol ng paggamit nito sa mga wet goods at ang paggamit ng styrofoam na lubhang nakakapinsala sa kalikasan.

Bakit Kagawad, my friend kailangan ang ganitong batas? Ito ang batas na makakasuporta sa solid waste management. Papaano kasi, gng mga plastic bags ay isang sanhi ng pagbara sa mga kanal at estero na karaniwang dahilan ng pagbaha lalo na sa panahon ng bagyo.

Gusto mo bang magaya natin ang Metro Manila at ibang parte ng bansa o ng mundo, na binabaha na?
Heto mga balita, hinggil sa plastic, please listen.

"Plastik ang siyang itinuturo ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) na siyang pinakamatinding sanhi ng mga pagbaha sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Ayon kay LLDA General Manager Rodrigo Cabrera, base sa kanilang pag-aaral ay lumalabas na ang mga plastik ang sanhi ng mga matinding pagbaha dahil sa pagbabara ng mga estero, kanal at Ilog.

Nabatid na karamihan sa mga ilog, estero at kanal sa silangang bahagi ng kamaynilaan gaya ng Marikina, Pasig, Mandaluyong, San Juan at Quezon City ay patungo sa lawa ng Laguna.

Kaugnay nito ay umapela ang ang pamunuan ng LLDA sa lahat ng mga local government units (LGUs) na ipagbawal o itapon sa tamang basurahan ang mga plastic upang hindi bumara sa estero.

Ayon pa kay Cabrera, sakaling makiisa ang mga LGUs ay unti-unting maiiwasan na ang matitinding pagbaha na dulot ng pagtapon ng plastik.

Magdadaos rin ang ahensya ng mga seminar workshop sa iba’t-ibang siyudad at munisipalidad kasama ang environment and natural resources officers sa darating na  Mayo 25 kung saan ilalahad dito ang perhuwisyong dulot sa paggamit ng plastic bag na karaniwang ginagamit bilang lalagyanan ng mga pinamili mula sa mga palengke o mga groserya.

“Noong nakalipas na bagyong Ondoy, ang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig probinsiya ay dulot ng mga basurang nagsipagbara sa mga estero, kung saan, ang mga basurang nagsipagbara sa mga  kanal at estero ay 90 porsiyeno na pawang mga plastic bag.” Ani Cabrera.

Kasabay nito ay iminumungkahi ng LLDA ang paggamit ng biodegradable bags na mabibili sa mga iba’t-ibang tindahan na kung saan ang mga ito ay nalulusaw at hindi tulad ng plastic na hindi natutunaw sa mahabang panahon.

Heto pa ang ibang balita na nakuha natin sa ibang website at marahil napanood mo o narinig na balita sa radio:

LUCY: (BALITA INTONATION) “Sa survey na isinagawa ng Ecowaste Coalition at iba pang environmental group noong 2010, nasa 76.9% ng basura sa Manila Bay ay gawa sa plastik.

Sa kasalukuyan ay mayroong walong syudad sa buong Metro manila ang nagpapatupad ng plastic ban. Ito ay ang mga siyudad ng Muntinlupa, Marikina, Pasig, Las Pinas, Pateros, Pasay, Makati at Mandaluyong.”

KAKA ALIH: o narinig mo, ang balita? Heto pa ang isa na balita, pakibasa muli Lucy.

LUCY: “UMAPELA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng mga barangay council na magpasa ng batas para sa mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng plastic bags at styrofoam.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kapag ang mga plastic ay bumara sa daluyan ng tubig tulad ng kanal at estero ay magreresulta sa mga pagbaha sa Metro Manila.

Kalimitan na gumagamit ng mga styro at plastic products ang mga food chain at ang mga pribadong establisimiyento.

Nakatakda ring pulungin ni Tolentino ang mga Metro Manila mayors para isulong ang naturang hakbang upang matapos na ang matagal nang problema ng Kamaynilaan sa baha.”

Hay salamat naman dahil nabasa ko nitong umaga ang balita na:

Upang hindi kani-kanya ang mga Local Go­vernment Units (LGUs) sa kanilang kampanya laban sa paggamit ng plastic, gagawa ng batas ang Kongreso upang maipatupad ito sa buong bansa.

Sa House Bill 106 na inakda ni Cavite Rep. Lani Mercardo-Revilla, panahon na para magkaroon ng plastic ban sa buong bansa upang mapangalagaan ang kapaligiran na sinisira ng mga produktong ito.

Sinabi ng lady solon na napadali ang buhay ng mga tao dahil sa plastic subalit nakita umano ang epekto nito sa kapaligiran kung saan naging sanhi ito ng pagbara ng mga ilog, kanal, estero at iba pa.

Hindi lamang, aniya, sa Metro Manila nagkakaroon ng problema dahil sa walang pakundangang paggamit ng plastic pro­ducts mula sa bag, plato, kutsara, tinidor, baso, Styrofoam containers at iba pa.

Nais ni Revilla na pabigatin ang parusa sa mga lalabag kapag naging batas ang kanyang panukala partikular na sa multa.

Mga kapatid, na nagmamahal sa kalikasan, huwag na tayong maghintay na tayo naman ang bahain, di pa nagbaha ay gumawa na tayo ng programa o batas na maiwasan ang mga problema sa ibang bayan. Hikayatin na tin ang ating mga konsehal na inihalal na magpasa ng batas tungkol sa pagkontrol ng pag-gamit ng plastic.

Ito ang inyong kapatid na Iranun na Bangsamoro, at inyong segment writer sa Gabay at Talakayang Pampamilya.. Kaka Ali, Wassallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Host/ Lucy: Maraming salamat Kaka, sa napakagandang  kaalaman na  yan, na iyong ibinahagi, kaya  mga giliw naming tagapakinig, abangan bukas ang segment ni ni Kaka Ali na Gabay at Talakayang Pampamilya, dahil tiyak marami kayong mapupulot na aral at impormasyon.


(PLAY EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Linggo, Hulyo 14, 2013

Edukasyon Kailangan ng Bansa

  (July 15, 2013, - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host Lucy Duce)–Ms
Host/LUCY: “Ang edukasyon ay sadyang napakahalga, kaya naman ang lahat ng magulang ay nagsisikap na pag-aralin ang kanilang mga anak, para hindi lumaking mangmang at salat sa karunungan.    
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)
Host/LUCY: Magandang umaga Kaka Alih.        
ALIH:   Magandang umaga din Lucy, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim, ika anim na araw ng pag-puwasa o pag-aayuno ng mga kapatid na Nanampalataya sa Islam, o ang mga kapatid na Muslim.
Host/LUCY: Ang aking pakikiisa sa inyo na mga Kapatid na Muslim, happy Ramadan.
Matanong kita  Kaka  Alih, gaano ba kahalaga ang edukasyon  sa atin?
ALIH:   Gaano kahalaga ang edukasyon? Ganito kita sasagutin Lucy, Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim, ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.
Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.
Ang  ibig sabihin ito Lucy,  ay hindi  lamang dapat mong  malaman ang isang bagay  kundi dapat  mo rin pag-aralan ang kahalagahan  nito, at papaano gagamitin. Ang kong sakalaing may sapat ka ng  kaalaman dito ay kinakailangan naman ang pag-sasanay sa sarili, at isabuhay o gamitin ito.
May nagtanong din sa  akin na estudyante, assignment yata niya, “Bakit ba mahalaga ang edukasyon, sir?”
Katiguesen Elementary School-in Barangay Kibucay, Upi
Grade 1 pupils with Teacher Sittie Raysa Anso-Kamsa
Ang naging tugon sa kanya ay,  “Bai…mahalaga ang edukasyon pagkat ito ang magsisilbing gabay sa lahat,  lalo na sa mga kabataan na tulad mo.”
Yes, my friend, mahalaga ang edukasyon,   dahil ang isang taong may talino, matutupad ang mga pangarap.       Ito ay  isang kayaman na kailan man ay hindi mananakaw. Ito ang  kayamanan  na hindi nababawasan kong ipinamimigay mo, dahil  kapag ipinamigay mo ito ay hindi  nababawasan, kundi  lalo pang  nadagdagan.”
Ikaw Lucy, may  maisasagot ka,   sa ganoon tanong na  “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
Host/LUCY: Of course naman Kaka Alih, bilang magulang ito ang sagot ko, Mahalaga ang edukasyon, kapag may  taglay ang isang tao sya ay nagkakaroon ng higit na kapakinabangan hindi sa kanyang sarili,  kundi sa pamilya at lipunan,  samantala  ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng suliranin hindi lang sa kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.
Nuro Central Elementary School, Barangay Nuro, Upi
Kaka Alih: Sadyang hindi matatawaran ang kahalagahan ng edukasyon  Lucy.
May kasabihan nga tayo na ganito: “Ang salat sa edukasyon ay tatanda siyang mangmang” o kulang sa kaalaman. Halimbawa nito ay ang taong kulang sa kaalaman o knowledge ay kukunti ang maiaaabag o maitutulong sa   pag-unlad ng kanyang bayan o bansa.
Tulad na lang na, Sino  na ang  gagagawa ng mga tulay, kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa mga paaralan kong walang  nakatapos na mga guro? Sino  na ang gagamot sa sakitin kong walang  mga doctor? Ang lahat ng yan ay nag-aral.
Kaya nararapat lamang na mag-aral tayo,  pag-aralin ang  ating mga anak.
 Bago ako magwakas sa aking presentasyon, kapatid na nakikinid at nanonood ay itoa ng iiwan kong mensahe:  May sinabi ang Propeta Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin  ang karunungan mula sa duyan hanggan sa libingan).
 Ito po ang inyong Kapatid - Kaka   Alih,  Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya,  Sukran and Wassallam.
Host/LUCY: Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral na  ibinahagi mo  ngayong umaga, mga kapatid sadyang ang edukasyon ay mahalaga sa tao, ang taong kulang sa edukasyon ay salat sa karunungan at yaman.

(EXTRO- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

Miyerkules, Hunyo 5, 2013

Brigada Eskuwela

(May 16, 2012-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Nenita Minted)

NENITA:      Brigada Eskuwela na naman.. kaya ito ang pag-uusapan natin,   kaya  samahan mo kami  kaibigan  sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya, dito ay makakasama  natin si Kapatid na Alih.

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NENITA: Magandang umaga Kaka Alih,

KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Nenita,   assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.

Muli naman magsasagawa ang mga paaralan  ng Brigada  Eskuwela nitong Mayo at dito  sa Nuro  Central Elementary School ang nakuha natin na schedule ay May 21-25.

Ano ang sinabing  Brigada Eskuwela?

Ang brigade Eskwela ay isang boluntaryong gawain na nilalahukan ng mga guro, magulang, mga mag-aaral, mga mamamayan at mga organisasyong pang-sibiko na siyang tutulong sa pagpapanatili ng kalinisan, pagpapaganda at pagsasaayos ng mga bakod ng paaralan.

Layunin ng programang ito na pasimulan ang buong-taong pagtutulungan upang maging maayos at maaliwalas ang mga pampublikong paaralan para naman magingganado at maginhawa ang mga bata sa kanilang pag-aaral.

Ayon kay principal Abel Ersando principal ng NCES,   malaki ang maitutulong ng ganitong gawain sa kanila bago magsimula ang araw ng pasukan, para pagpasok ng mga bata ay deretso na silang aral, hindi na  sila magtrabaho para maglinis sa paligid ng  paaralan.

“Ang brigada Eskwela is intended to prepare the school sa nalalapit na pasukan. Imbes ang mga pupils ang maglilinis sa pasukan, ngayon parents na lamang para ang mga pupils makapag-aral agad,” ayon kay Ersando

Ayon  pa rin  kay Ersando, ang lahat ng mga magulang ay dapat lumahok dahil magbibigay sila ng certificate, at kinakailangan ito sa pag-enroll ng  mga anak  nila.

Kahapon ay nag-meeting  ang mga guro kasama si Hon Kagawad Andress,  ang Philippine Army at Pulis, para sa sama-samang paglulunsad sa Lunes nitong programang Brigada Eskuwela, sa bayan ng Upi. 

Alam mo Nenita matataandaa ko pa noong ako  ay  nag-aaral  pa, kami ang naglilinis.

NENITA: Ganoon din  ako Kaka, ang matandaan ko bago inilunsad ng DepEd ang Brigada Eskwela ang mga mag-aaral ang siyang naglilinis ng kanilang paaralan dahilan upang maantala ang pagsisimula ng unang araw ng kanilang klase.

KAKA ALIH: Tama ka diyan Kapatid na Nits, Sa ibang    paaralan nga kadalasan lumilipas pa ang isang linggo bago ang pormal ng pagsisimula ng klase dahil sa paglilinis ng kanilang mga paaralan.

Sabin g isang parents, “Maganda ang   layunin nito na pasimulan ang buong-taon ang pagtutulungan upang maging maayos at maaliwalas ang mga pampublikong paaralan para naman maging ganado at maginhawa ang mga bata sa kanilang pag-aaral.”

Dahil salat sa badyet ang DepEd ay kailangan talaga ang pakikisangkot ng mga mag-aaral, guro at magulang, mga kawani ng barangay at pamahalaang lokal, mga grupong sibiko at iba pa para linisin at kumpunihin ang mga paaralan.

Sa mga  magulang guro at mag-aaral, na  konting paalaala lamang po tayo:

Alam natin na may  nakagawian tayong mga Pinoy, ang  pagsusunog sa mga nalaglag na tuyong dahon, mga pinutol na damo, mga winalis na papel at iba pa.

Alalahanin natin na ang pagsisiga ay lumilikha ng usok, uling at abo na nakapagpapasama sa kalidad ng hangin na ating nilalanghap. Ikinakalat nito ang mga pinong dumi at lasong kemikal na maaaring maging sanhi ng pananakit ng ulo, pagka-irita ng mga mata, balat at lalamunan, paninikip ng diddib, pagsumpong ng hika at maging sakit na kanser.

Imbes na magsiga na lalo lamang pinapainit ang kapaligiran ay maaaring sinupin at gawing kompos ang mga panapong nabubulok na kinalaunan ay magagamit na pataba sa halamanan ng paaralan.

Sa listahan ng gagawin ng mga Brigada Eskwela ay maisaayos rin sana ang pampaaralang Materials Recovery Facility (MRF) upang makatulong sa wastong pagpapairal sa pagbubukod at paggamit muli ng mga panapon.

Pangalawa na  paalaala natin ay ang pagtanggal ng mga lumang pintura sa mga dingding, bintana, pinto, kisame at pader at ang muling pagpipinta ng mga ito.

Ang pagbakbak o pagliha ng mga pinturang may tingga (lead) ay peligroso para sa mga gumagawa nito at sa mga batang malalantad sa mga alikabok at tapyas na kontaminado ng tingga.

Ang pagkakalantad sa tingga kahit na sa mababang antas lang ay maaaring humantong sa ”neurological damage” na kung minsan ay hindi na malulunasan pa.

Ayon sa mga eksperto, ang pagkakalantad sa tingga ay maaaring magdulot ng pagkabalam sa pag-unlad na pisikal at pangkaisipan, mababang IQ, maiksing attention span, at problema sa pag-uugali ng mga bata.

Kung nasa mabuti pang kondisyon ang mga lumang pinta na posibleng may tingga ay mas mabuti pa na huwag itong galawin upang hindi na kumalat pa ang lasong kemikal.

Kung nais namang pintahan ang mga silid aralan at iba pang bahagi ng paaralan ay pumili ng pinturang wala o mababa ang tingga. Mabuting bigyang diin rin ito sa mga kaibigan ng paaralan na nagbabalak magkaloob ng pintura sa Brigada Eskwela.

Sa pagsusuring isinagawa ng EcoWaste Coalition, Global Alliance for Incinerator Alternatives at ng International POPs Elimination Network sa mga pinturang mabibili sa merkado ay nakitang higit na mas mababa ang antas ng tingga sa mga pinturang ”water-based.”

Sa mga kalahok sa Brigada Eskwela nitong 2012, Congratulation in advance,  mabuhay  kayo…maraming salamat  sa inyo at nawa’y maging kabahagi kayo sa pagsusulong ng malinis, malusog at ligtas na mga paaralan, pampubliko man o pribado, na karapatan ng bawat batang Pilipino at Bangsamoro.

Ito  ang inyong magulang na naghihikayat   sa lahat sama-sama tayo sa Lunes para sa Brigada Eskuwela.

Sukran  wassallamu alaikum warahmatulahi  wabarakatu.

NENITA: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, 

(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)


Note: ang article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated May 16, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bago nating  blog: DXUP Teleradyo..(from admin: Alih Anso)

Martes, Hunyo 4, 2013

Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa Pag-unlad ng Bansa?

Pre school ng Nuro Central Elementary School
Ang  Kahalagahan ng Edukasyon sa Pag-unlad ng Bansa?

 (June 25, 2012 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Noralyn: “Ang edukasyon ay sadyang napakahalga sa tao, kaya naman ang lahat ay nagsisikap na pag-aralin ang kanilang mga anak, para hindi lumaking mangmang at salat sa karunungan.   Samahan ninyo kami  ni Kaka Alih sa segment:

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih.

Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.

Host/Noralyn: Matanong kita  Kaka  Alih, gaano ba kahalaga ang edukasyon  sa atin ang edukasyon?

Bago  kita sagutin ng tuluyan Kapatid, ang  tanong ano ang ibig sabihin  ng edukasyon?

Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim, ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.

Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.

Ang  ibig sabihin ito Noralyn ay hindi  lamang dapat mong  malaman ang isang bagay  kundi dapat  mo rin pag-aralan ang kahalagahan  nito, at papaano gagamitin. Ang kong sakalaing may sapat ka ng  kaalaman dito ay kinakailangan naman ang pag-sasanay sa sarili, na gamitin  ito.

May nagtanong din sa  akin na estudyante, assignment yata niya, “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”

Ang naging tugon sa kanya ay,  “…mahalaga ang edukasyon pagkat ito ang magsisilbing gabay sa lahat,  lalo na sa mga kabataan na tulad mo. Mahalaga  ito dahil ang isang taong may talino, matutupad ang mga pangarap saan man siya magpunta.    Ito ay  isang kayaman na kailan man ay hindi mananakaw. Ito ang  kayamanan  na kapag ipinamigay mo ay hindi  nababawasan, kundi  lalo pang  nadagdagan.”

Ikaw Noralyn, may  maisasagot ka   sa ganoon tanong na:  “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”

Host/Noralyn:  Mahalaga ang edukasyon, kapag may  taglay ang isang tao sya ay nagkakaroon ng higit na kapakinabangan hindi sa kanyang sarili,  kundi sa pamilya at lipunan,  samantala  ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng suliranin hindi lang sa kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.

Kaka Alih: Sadyang hindi matatawaran ang kahalagahan ng edukasyon  Noralayn sa ating  mga  tao. Ang salat sa edukasyon ay tatanda siyang mangmang o kulang sa kaalaman, ang taong kulang sa kaalaman ay kukunti ang maiaaabag o maitutulong sa ating pag-unlad.

Sino  na ang  gagagawa ng mga tulay, kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa mga paaralan kong walang  nakatapos na mga guro? Sino  abng gagamot sa sakitin kong walang  mga doctor?

Kaya nararapat lamang na mag-aral tayo,  pag-aralin aang  ating mga anak. May sinabi ang Propeta Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin  ang karunungan mula sa duyan hanggan sa libingan).

 Ito po ang inyong Kapatid - Kaka   Alih,  Kapatid, bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya,  Sukran and Wassallam.

Host/Noralyn:  Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral na  ibinahagi mo  ngayong umaga, mga kapatid sadyang ang edukasyon ay mahalaga sa tao, ang taong kulang sa edukasyon ay salat sa karunungan at yaman.
Muling  abangan  ang segment   na Gabay at Talakayang Pampamilya, dahil tiyak marami pa kayong mapupulot na aral at impormasyon, lalo na sa ating nakaka na kapatid si Kaka Alih..

 (PLAY-EXTRO- GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)


Note: ang article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated Hunyo 25, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bago nating  blog: DXUP Teleradyo..(from admin: Alih Anso)