Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaunlaran. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaunlaran. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Enero 26, 2014

Bayan Ko, Mamahalin Ko

Magtanim ng puno at maging masipag
sa pagtatanim pagkain ng ma Pinoy
 Bayan Ko, Mamahalin Ko

(January 27, 2014 -Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)

Host/Lucy:   Ang mga taga Upi, maging Teduray, Kasila o R’nawon ay nagsisikap kong papaano uunlad ang ating bayang Upi. Ang katanungan natin sa madlang nakikinig at nanonood ay:  ang bayan ba ng Upi ay maituturing ng  maunlad? Ang Kasagutan sa kabuuan ng ating segment na:

(PLAY INTRO-GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)

Host/Lucy:   Magandang umaga Kaka Alih.

Kaka Alih:  “Magandang umaga din Lucy at magandang umaga good morning sa Lahat, at Assallamu  Alaikum Warahmataullahi Wabarkatuh, sa mga kapatid na Nanampalataya sa Islam, sa mga kapatid na Muslim.  

Ang tanong ay:  “…ang bayan ba ng Upi ay maituturing ng  maunlad?”

Bago ko yan sagutin ay maganda rin itanong ang ganito: “Papaano Uunlad ang Bayan?”

Anong sagot ninyo diyan…hoy.. pare/mare koy..  itigil muna ninyo ang tsismis maaga pa.. sama-sama muna tayo.. (PLAY LAUGHING)

OK sagot!

“Dapat ang goberno hindi mangurakot” sagot ni Tapulano o  Juan Dela Cruz.

May dagdag pa akong  tanong  kong mararapatin ninyo,kasi ang dami damiko ng tanong kasi eh. (PLAY LAUGHING) “Ang  bansang Pilipinas ba ay  maituturing  na bang maunlad?”

 Ang sagot  ng karamihan na natanong ko na ay: “Hindi!” (PLAY LAUGHING)

Ang tanong ko ulit ay “Bakit?”

Bakit, bakit,  bakit……….. hanggang ngayon ay hindi pa rin  umuunlad ang Pinas? At naiwanan na tayo ng kapit bansa natin tulad Vietnam, Malaysia, na tayo pa ang naunang magsariling bansa o magka-independence. Bakit nauna pa sa sila sa larangan ng kaunlaran? Bakit kaya?  

Ikaw kaibigan maulit ang tanong,   “papaano ba uunlad ang bayan o ng bansa?”

Ang tanong ni Tapulano sino ba ang goberno Kaka? Tama ka may friend,   Sino ba talaga ang goberno?  Ang sagot ni Atty aming guro sa History.    tayong mamayan,  ang goberno? Tama ka sir. Hindi ba ang ating gobernong  ay tinatawag na demokrasiya?

Alam ba ninyo ang kahulugan ng salitang democracy?  

Ang democracy ay …. “Ang demokrasya ay ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala")..”

Aminin natin na sangkatutak na nga talaga ang problema ng ating bansang  Pilipinas. Kaya naman  ang tanong,  may pag-asa pa ba tayo?   

Ikaw may sagot ka ba s  tanong o talagang wala kang alam, kaibigan.. kong wala ....makinig…

My answer?

Ako Lucy  ang sagot ko ang sagot ko ay    Yes!!! Na yes, may pag-asa tayong umulang kong gugustuhin natin.?

Host/Lucy:   yes din ako Kaka Alih..

Kaka Alih: Very good Lucy, Alam mo naman tayo,   positive palagi, dapat kasi huwag   tayong mawalan ng pag-asa.

Dapat na tayong humulagpos o makawala sa tanikala,   sa ating mental  kolonisasyon…na  ipinama ng mga naging “colonizers” natin o mga mananakop na dayuhan at kapuwa Pilipino na rin,   na ang  pinamulat sa atin ay     sila ang magaling at tayo ay mga “Segunda Mano” lamang na mga mamamayan.

“Kaka Ali, sana maliban sa mga negatibong obserbasyon, magbigay din tayo ng mga positibo na likas sa ating mga Pilipino na maipagmamalaki natin.” Payo ng isang retiradong guro.

Ang tanong Maam papaano nga ba?, please give me an example o halimbawa.

Heto ang Halimbawa:   “… alam ninyo.. (hindi ko pa alam, tuloy mo) likas sa atin (sino? Mga Pilipino of course)  ang pagkakaroon ng close family ties”, tugon pa rin ng isang retiradong guro. “Diba sa ibang mauunlad na bansa, kadalasan pinapaubaya na lang sa mga caregivers ang pag-aalaga sa mga matatanda.”

Ito ang isa pang positibong sagot: “...unahin and edukasyon ng ating mga mamamayan” advise nagging kasama natin sa Suara Talainged na si  Ustadz Muhamad Taha Yusof (guro sa Arabic school sa Upi).

Tama si Ustadz Taha, marami sa ating mga mamamayan ang hindi alam ang mga proseso sa gobyerno, marami rin ang hindi alam ang pinag-kaiba ng Senado sa Congreso, kahit ako   hindi ko alam ang tunay na struktura ng gobyerno,  Democracy raw tayo, pero anung klase? Free Capital pero may kulang, di ba minsan  kailangan  din natin ng political science?

“…dapat highschool palang ituro na ang economics,   politics at sistemang  goberno na dapat pairalin”.   tugon ng isang educators na nainterview natin.,

Yes,  marami sa ating mga kabayan ang hindi aabot na makapasok sa Unibersidad o college.. dito sa bayan ng Upi, mapalad ka na kong makatungtong ka sa high school.

Dapat alam natin  paano pinalalakad ng mga opisyal ng goberno ang bansa at kung bakit ginagawa ang mga "bill and policy", sa totoo lang kahit ako.... natutohan ko lang ang mga term na ito ng nasa media na ako.   

Ayon sa isang nakasama natin sa seminar workshop: “ang kulang lang satin ay pagmamahal sa sariling bayan, ang tao natin laging pinagbibintangan ang goberno ng negatib, pero kelangan din natin kumilos hindi lamang ang gobyerno, sabi nga … demokrasiya tayo, kaya may kapangyarihan ang boses natin (tulad sa EDSA I and II), pero kelangan din natin alamin ang limitasyon ng kakayahan na ito, hindi lahat ay gagawin ng gobyerno,o hindi lahat gagawin ng mamamayan, alalahanin ang Pilipinas ay isang pamilya.”

“Dapat Kaka Ali,  matuto tayong  sumunod sa batas papaano kasi kahit simpleng batas lamang, tulad ng traffic rules di sinusunod ng mamayan.”ito ang minsan naidaing sa atin noon  ng isa sa dating babaeng Sanggunian Bayan ng Upi, si   Maam Neneng Castro.

Kaibigan, kailangan seryosohin na natin ang sinasabi nating pag-unlad, dapat lahat tayo ay  kikilos, kung ang gobyerno man ay walang ginagawa, at least tayo kumilos, kung mapaganda natin ang paligid o ambiance  sa Pilipinas pwedeng tumaas ang tourism natin. 

Alam nyo napansin ko kasi dito sa Pinas (Pilipinas/Philippines)… ang ibang Pilipino   lakas manglait sa kapuwa Pinoy, napansin ninyo?   

Ang problema  natin ay hindi natin tinitingnan ang mga mabuting gawain ng gobyerno, ang hinahanap lagi ng mga  reporter o media (hindi kasama ang DXUP FM)  ay yaong mga palpak na nagagawa o  basurang ginagawa ng ating mga lider, kung may ipakita naman na maganda, ang sinasabi natin ay "ngayon lang yan", o di kaya "hindi yan totoo" “ginagawa lang iyan dahil malapit ng eleksyon”.

Kaibigan, kailangan itaas rin natin ang morale ng ating mga kababayan, kailangan rin mahalin natin ang ating sariling kultura, mayroon pa rin sa ating mga mamayan na hindi nila kilala ang kanilang sariling kultura at kaugalian, kong minsan pa ikinahihiya pa nila na sila ay nabibilang sa kanilang tribu.

“Madali lang Kaka, teach Pinoys how  to plant malungay para hindi na sila manghingi.. bigyan sila ng talbos ng kamote para makatanim at din a manghingi sa kapitbahay.. bigyan ng buto ng kamatis, para di nabumili sa palengke.” Dagdag ng kaibigan guro.

Kaya nga sa umagang programa natin na Agri updates,  ay palaging may mga pangkalusugan na bahagi ang mga itinatanim na gulay o prutas.

“Regaluhan ng    tandang at inahin na manok na walang bird flu para  paramihin at sigoradohing  hindi gawing pulutan or pang ulam ang inahin para dumami pa”. biro ni Maestro, nakaugalian kong tawag sa kaibigang guro.

“… use condom or magpa vasectomy.. para hindi masyadong maraming palamunin.” Paliwanag ng health worker, na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Ayon naman sa isang manunulat sa  blog: (baka si Kaka Ali na yan) “Disiplina ang kailangan”  Ang tanong papaano mo ipapatupad ang disiplina?

Para kay Marvin: “Magiging maunalad ang pamayanan pag ang mga tao ay relihiyoso” nagbabayad sila ng kaukulang buwis, may proyekto silang pangkaunlaran na pinapatupad sa kanilang mga barangay”

Ano pa kaibigan?  "…manalangin tayo palagi sa Allah, sa Diyos at hilingin natin na palaging ituro sa ating ang tamang gagawin at tamang pagmamahal at bigyan ng gabay sa araw-araw  para sa   ating mga mahal sa buhay…  “

Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi natin..   sa ating segment na  GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA) …. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP F .. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Host/Lucy:   MARAMING SALAMAT Kaka Alih, sa magandang ibinahagi mo ngayong umaga, Kaibigan, Kapatid magsama-sama tayo, magtulong-tulong tayong maipatupad ang mga batas na umiiral sa ating bayan, para sa ating kaunlaran.

EXTRO: GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA

Miyerkules, Oktubre 9, 2013

Kabataan ang Pag-asa ng ating Bansa?

Kabataan ang Pag-asa ng ating Bansa?
Saint Francis High School student

(October 10, 2013,   -Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –Nancy Lawan)

(PLAY INTRO-Gabay Kalusugan at Pampamilya)

Host/NANCY: Magandang umaga Kaka Alih. What is our topic for today?

Kaka Alih:  Magandang umaga din kasamang Nancy, my topic? Dahil suspended ang mga klase sa elementary level sa lahat ng  paaralan sa Upi, of course kasama na diyan ang UAS-PTIA high school at college department, heto  pangkabataan ang ating tatalakayin.

Last October 3, 2013 ay pinirmahan ng president Pinoy ang Republic Act 10632 amended o pagsususog sa RA 9340 and reset o ipinagpaliban ang halalan ng kabataan o  the youth council elections na inischedule sa  Oct. 28, 2014 at Feb. 23, 2015. Ang meaning nito, ay hindi sasabay ang election ng kabataan sa Barangay election this coming October 28, 2013.

Speaking barangay election reminders: May gun ban na ipinaairal sa buong bansa ngayon, September 28, 2013 (SAT) – November 12, 2013 (TUE) (30 DAYS BEFORE THE DATE OF THE ELECTION AND 15 DAYS THEREAFTER)

It also does not allow current SK officials to retain their positions in a holdover capacity. The term of youth officials will end on Nov. 30, 2013.

Back to our topic,  May memoriyado tayong line, “Ang Kabataan ang Pag-asa ng bayan,” kasabihan ito ni Gatpuno  Jose Rizal.  Ang tanong ay: papaano sila magiging pag-asa ng bayan? 

Alam ba ninyo noong kabataan natin ito na rin ang mga linya na palagi naming isinisigaw noong bago pa mag-martial law.  Last  Sept 21, 2011 nga pala  ay anniversary ng declaration ng martial law o batas military, at tila nakakalimutan na natin, dahil sigoro ang lahat ng mga kabataan sa ngayon ay hindi nila ito inabutan, si Kaka Alih ok pa. (PLAY LAUGHING) Subalit hindi  martial law ang topic natin, dahil kong minsan di magandang sariwain ang malagim na karanasan na yun ng mga kabataan noon , in which  isa na ako doon.

Balikan natin ang kasabihan na: “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”. Ang tanong ay papaano?

Ang realidad ay maraming batang Pilipinong lumalagi at naghahanap-buhay sa lansangan. Ang iba naman ay palaboy-laboy lamang at nagugumon na sa pinagbabawal na gamot. Kaawa-awa ang kalagayan ng mga ito kailangan nila ng kalinga at pagmamahal ng magulang at kapuwa.

Alam nyo bang may ibat-ibang uri ng mga batang lansangan? Maaring wala pa tayo niyan ditto sa Upi, subalit maiging magkaroon na kayo ng idea, anon a ba ang kalagayan ng mga kabataan sa ngayon.  Halimbawa sa Metro Manila, doon ay may mga batang sa gabi’y naglalako ng sampaguita, kendi, at sigarilyo upang maka-ambag sa kani-kanilang pamilya o kaya naman para sa matrikula ng kanilang pag-aaral. Delikado ang pinagdaraanan nila  para lang may mapagkakitaan.

Regular na tanawin din sa mga siyudad na may mga batang sa umaga’y masayang nakikipagpatintero sa mga saskayan, nagmamalimos sa mga simbahan, parke at tindahan. Ang iba naman ay sadyang naghihintay ng paglubog ng araw, at sa gabi ay naghihintay kong may masisila silang biktima na mapagnanakawan. Ang iba naman,   matapos makadilihensya’y pawang nasa langit ang pakiramdam sa pag singot ng rugbie. Kaka Ali, ano kayang kapanyarihang taglay ng rugbie? Never mind Aywan ko, forget that.

(PLAY  LAUGHING WOMAN)

Hindi! Heto may sagot ako: “..sabi ng iba’y nakakapawi ng pagod, gutom at problema.” (Totoo bayan?)  

Yes Kaka,  ito ang nagsisilbing bitamina na nag susuplay sa mala tingting nilang pangangatawan upang harapin ang mga pagsubok na dala ng buhay. Pag patak ng dilim, matapos ang mag hapong pakikipag sapalaran, sila’y tutungo sa kani-kanilang lungga. Meron sa isang abandunadong gusali, containers, automobile, kariton, parke, o kaya naman sa gilid na ng kalsada mismo.

Kaibigan, na hindi pa masyado nakapagpasyal sa mga lungsod, tulad ng Maynila,   ang pinaka masaklap sa lahat sa mga kabataan na ito ay may mga sindikatong ginagamit ang mga musmos na ito upang mapag kakitaaan. Pinagbebenta ng mga droga, pinagnanakaw, o kaya’y pinagbibili ang katawan. Kadalasang inaabuso, pinagbubuhatan ng kamay, hindi pinapakain sa halip ikinukulong at pinapatay pag wala silang pakinabangan ito ng hindi makapasumbong sa otoridad.

Kong ganito ang palaging mangyayari ay makakapaniwala ka pa ba ang kasabihan na “Kabataan ang Pag-asa ng bayan,”. Matatawag pa bang   ang kabataan pundasyon ng isang matatag na republika,

Ayon sa ating batas  nakasaad na  ang bawat bata ay may mga karapatan. Karapatang makahawak ng libro’t lapis, mahagkan ang haplos ng kalinga, proteksyon, at pagmamahal ng isang magulang, matustusan ang panangailangan at masilayan ang kagandahan ng mundo.

Pero bakit ganito? Sa bawat pagtiktak ng orasan kahirapan ang bumabalot sa mga palad ng sangkatauhan, kasabay nito ang pag-lubo ng pupulasyon, ngunit hindi nadagdagan ang kita ng bawat pamilya.  

Ang mga tao ba’y nag iisip o sadyang mapurol ang utak at talagang nakasanayan na ang pagluwal ng sanggol bawat taon? Matapos nito’y pababayaan na parang basahan ang mga batang nabuo at iniluwal sa magulong mundo ngayon, na dapat sana ay matamasa ang kalinga at pagmamahal ng isang magulang o talagalang    ito’y bahagi na ng sirkulasyon, na pabayaan ang anak, at hayaan mabuhay tulad sa isang hayop o ibon na bahala na siyang maghanap ng makakain upang mabuhay.

Matatandaan ko noon sa aming klase,  nasabi  ng aming guro: “…na masuwerte ang panganay na anak dahil siya ay nabuo ng dahil sa pagmamahal ni nanay at tatay at ang mga kasunod ay habitual na gawain na lamang raw.

Kong ganito ang situwasyon di ba nakakatawa ? Pero Kaka Alih yan ang realidad, iyan ang nagdudumilat na katotohanan. Kaya ngayon sa bawat pagtaas at pagbaba ng araw ay siya ring paglitaw ng mga batang   sinuswerte, ang iba nama’y sinawing palad at sa lansangan na lamang ipinagpatuloy ang magulong buhay. Ang ganitong kabataan ang nag sisilbing mukha ng di-umuunlad na bansa.  

Sa bawat araw na lumilipas, isang obserbasyon ang namuo sa murang isipan ng mga isisilang na sanggol, na paglaki ay kusa ng mahahawa ng kanyang kapaligiran.

Masosolb ba ang problema kong patuloy tayong magsisihan?

“Kaka Alih ang sakit isipin na walang magawa o hindi mabigyan ng sulosyon ng ating   gobyerno ang poblemang ito. Ano na lang ang sasabihin ni Dr. Jose Rizal sa kanyang kasabihang ” kabataan ay pag-asa ng bayan”? Kawawang kabataan.”

Tama ka kaibigan, ngunit ibabalik ko sa iyo ang katanungan: “Sino ba ang may pananagutan? mga magulang o gobyerno? O silang dalawa ay dapat magtulungan?”

Mga giliw naming tagapakinig  kayo ang makakasagot sa tanong na iyan, kayo na ang bahalang humusga, sino ang dapat na sisihin, o heto ang dapat hindi tayo magsisihan.

Para sa akin, bilang kabataan (noon) gagampanan ko ang aking tungkulin bilang magulang, na iniatang sa akin Poong Lumikha, kusa kong babalikatin ang aking responsiblidad, at ako’ maniniwala na hindi tayo pababayaan kong tayo ay mananalig at mananampalataya sa ating Poong Lumikha.

Ako ay naninindagan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kapatid sama-sama tayong manindigan. Kaya natin ito…Matutupag natin ito sa tulong ng Poong Lumikha ng Diyos , ng Allah.

Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid …mas lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi natin.. bukas  sama-sama tayo sa ating segment na  Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya…. Sa ating programang buhay  .. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

(PLAY EXTRO-Gabay Kalusugan at Pampamilya)


Host/NANCY:  

Linggo, Setyembre 22, 2013

Maunlad na ba ang aking Bayan?

Maunlad na ba ang aking Bayan?
tangsa ng kaunalaran ay pagpapatayo ng mga gusali, tulad ng Hospital


(September 23,  2013-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay Pampamilya at Kalusugan”. Host –Lucy Duce)

 (PLAY INTRO-GABAY PAMPAMILYA AT KALUSUGAN)

LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, ano naman ang ibabahagi mo sa amin, ngayon umagang ito, na napakaaliwas?

KAKA ALIH:  Magandang umaga din Lucy, at Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa lahat ng mga nanampalataya sa Islam.

Kasamang Lucy, medyo sasagutin natin ang mga tanong sa atin.

  • Ang mga tanong ay: Maunlad na ba ang aking lugar?
  •  Paano nga ba natin masasabi na maunlad ang ating  komunidad?


·        Anu-ano ang mga maaaring maging batayan natin para masabing may pag-unlad na nagaganap sa isang lugar?

Construction ng gusali
Ikaw Lucy, gusto kong itanong muna sa iyo,  kong may maisasagot ka ba dito sa mga tanong?

LUCY: Masasabi ko na   maunlad ang isang lugar o bayan dahil ang bawat mamamayan ay may hanapbuhay, o may source of income? 

GUMAGAMIT NG MAKINARYA ANG MGA MAGSASAKA
KAKA ALIH: Lucy, May sagot din akin ng isang estudyante ng UAS, sa tanong na yan. “Para sa akin Kaka, Yes, dahil kapag ang mga mamamayan nito ay may hanapbuhay lahat, ang bunga  nito ay wala ng pamilya na maghihikahos, wala ng pamilya na umaasa lamang sa kamag-anak.”   

Ang dagdag ko lang dito, sa sagot ng estudyante ay  provided ang source of income natin ay mula sa malinis na paraan.  Oo nga’t may income ang mga mamamayan  but ang iba naman ay mula   sa ipinagbababawal  ng tao at Diyos. I beg to disagree, my friend.  (PLAY LAUGHING) Yes what I mean is walang illegal na negosyo, tulad ng sugal, illegal drugs kagaya  ng shabu, pagnanakaw at pandaraya sa kapuwa.

LUCY: Masasabi din natin na maunlad ang   bayan O ANG ISANG KUMUNIDAD  kapag ang   mga mamamayan sa isang lugar ay nakapag-aral, dahil mas malaki ang tsansa na makakuha sila ng  magandang trabaho o kabuhayan at may malaking magiging kontribusyon sila  sa pag-unlad ng bayan.

KAKA ALIH: Nakapag-aral o sapat na edukasyon?, Yes agree ako Lucy,  Provided pa rin   na ang pinag-aralan ng mga  yaon ay nababatay sa pamantayan ng Poong Maykapal, ang ibig kong sabihin ay nababatay sa kagandahang asal, kultura at kaugalian ng mga tao.

Ano pa Lucy ang palatandaan mo?

LUCY: Another na palatandaan Kaka Alih na maunlad ang pamayanan na yaon ay kung ang komunidad ay mayroong elektrisidad.

KAKA ALIH: Sang-ayon ako diya Lucy, dahil isa sa mga pangunahin at mahalagang pangangailangan ng tao ang elektrisidad para makapamuhay nang maayos at maginhawa. Maraming gawain ang maisasakatuparan kung ang isang lugar ay mayroong elektrisidad. Katulad na lamang ng mga paaralan, mga bangko, mga ahensya ng gobyerno na nangangailangan ng elektrisidad upang mahusay na magampanan ang kanilang mga tungkulin sa mga mamamayan ng naturang lugar. 

But,… subalit, kailangan ang mga tao ay marunong magbayad ng kanilang electric bills, tulad dito sa atin, Magelco ang nag-provide ng electrisidad. Ang Magelco ay isang kooperatiba, pag-aari ng mga members consumers, kinakailangan itong pangalagaan natin, huwag sirain ang mga linya at huwag magnakaw ng power, dahil kapag nalugi, lugi tayong lahat, at simula na rin ng pagbagsak ng ng ekonomiya ng lugar at kapag nawala ang Magelco, nawala na rin ang korente, at kapag nawala ang korente din a kumpleto ang kaunlaran ng sambayanan.

LUCY:  May dagdag pa ko, na tanda o sign ng kaunlaran, kapag daw   ang mga  pamilya sa isang komunidad ay mayroong kanya-kanyang sariling tahanan.

KAKA ALIH: Agree pa rin ako diyan Lucy, tahanan ay mahalaga sa taon, ang ibon nga may bahay, ang langgam may sariling bahay, tao pa kaya? Maliit man ito o malaki, ang importante ay namumuhay sila ng tahimik at sama-sama.

Di ba napaka-inam  pagmasdan ang isang lugar ,  kung walang mga makikitang palaboy-laboy sa mga kalsada dahil  walang mauwian. Sabagay ditto sa Upi walang palaboy ditto, sa Mayila at  mga lungsod marami ang ganito, tulad sa Bandar a Kutawato

LUCY: Saan yun Kaka Ali ang Bandar a Kutawato?

KAKA ALIH: Bandar a Kutawato? Cotabato City o Lungsod ng Kotabato. Bandar a Kutawato ay term ng mga Bangsamoro, na hinalaw sa Malay, Bandar means Lungsod, malaking o maraming tao na lugar at Kutawato ay ito ang orihinal na pangalan ng Cotabato City, Kuta +Wato (fort + stone).

May mga bahay nga ang karamihan,  but hindi naman sa kanila ang lupang kinatitirikan.  Squatters ang tawag sa mga tao na nakatira sa mga lupa na hindi sa kanila, na hindi naman sila nagrerenta. Tulad ng mga kalsada, pinatayuan ng bahay, lote ng ibang tao, at pinatayuan ng ibang tao na walang pahintulot.

Ang sabi naman ng isa pang estudyante   ang palatandaan na maunlad ang isang kumunidad ay kung ang komunidad ay may  mga  commercial facilities, halimbawa ay may mall,  kung saan maaaring pumunta ang mga tao para magpalipas ng oras, mamamsyal at magsaya. Isang halimbawa nito ay ang mga malls kung saan maraming tao ang pumupunta para maglibang at magpalamig, tulad sa South Seas mall sa Cotabato City, at malapit na daw matapos ang Al Nor Mall, na nasa Al Nor complex.

Isama na rin natin ang bangko na siya na ngayon ang gamit ng mga mangangalakal o businessman. Dahil dito nasusukat kung gaano kadami sa mga mamamayan ang may kakayahan na makipag-transact o mag-invest sa ibang mga mangangalakal. But ikonsidera din natin ang paniniwala ang mga Muslim sa lugar, na ang system of banking na natin na by “interest rate” ay hindi katanggap-tanggap sa Islam. Ang pwede sa Islam na systema ng banking ay  katulad ng Banking system ng Al Amanah  Islamic Investment  Bank of the Philippines.

LUCY: Kaka pwede pakipaliwanag ang pagkakaiba ng regular na banking system natin at ng Islamic Banking?

KAKA ALIH: Pwede total mahaba pa man ang oras natin. Narito ang ilan sa pagkakaiba ng Islamic banking sa conventional banking na mahalagang malaman ng mga mamamayan natin, lalo ng mga Muslim, nanampalataya sa Islam.

·        Ang Islamic banking ay pinapatakbo ng naaayon sa batas ng Shariah, samantalang ang conventional banking ay base sa sistemang ginawa ng tao.
·         Ang pinakamalaking pagkakaiba ng dalawang ito ay:  sa Islamic banking ay hindi nahahaluan ng riba (usury o interest), subalit ang conventional banking ay napapalooban ng riba.
·        Sa Islamic banking ay isinusulong ang magkahalong kita at pagkalugi ng investor (depositor) at ng gumagamit ng pondo nito o enterpreneur, ibig-sabihin ay kung kumita ang enterpreneur ay kikita rin ang investor at kung nalugi ang enterpreneur ay malulugi ka rin na investor (depositor). Ito ang tinatawag na sistema ng mudarabah sa Islam. Pero sa conventional banking ay sinisigurado ang kita ng depositor sa pamamagitan ng pagbibigay ng partikular na interest rate kahit nalulugi na ang bangko.
·        Sa Islamic banking ay maaari kang direktang maglabas ng iyong zakat (na obligasyon ng bawat Muslim na ibigay mula sa kita)  at tulungan ka na kuwentahin ito at sila na rin ang kokolekta nito at magbibigay sa nararapat na pagbigyan, na siyang hindi naman isinasagawa sa conventional banking.
·        Ang relasyon ng Islamic banking sa kanilang mga (kliyente) depositor ay katulad ng pagiging business partners, o ng investor at trader (mangangalakal), o ng buyer at seller. Kung saan ay ang banko ay negosyante at ikaw naman ay nagbibigay ng share para sa kanilang negosyo, produkto at serbisyo. Kung kumita ang produkto ay kikita rin ang depositor subalit kung malugi ay malulugi rin ang depositor. Sa conventional banking naman ay creditor (pinagkakautangan) at debtor (may utang) ang katulad ng relasyon ng depositor at bangko. Kung kaya ito ay pumapasok sa riba dahil ito ay katulad ng pagpapautang ng pera at bibigyan nila ng interes ang nagpautang sa kanila (depositor).
·        Siyempre ang Islamic banking ay hindi nakikipagnegosasyon sa mga gawaing haram, hindi nagnenegosyo ng haram o anumang produkto o serbisyo na taliwas sa Islam, na taliwas naman sa conventional banking.

Ang pinaka-final na tanda ng maunlad na bayan ay kapag ang mga mamamayan ay lubos at tapat na Nanampalataya at sumusunod sa kanila-kanilang mga relihiyong kinaaniban.

Ito ang inyong Kaka Alih, Sukran, Wassallamu alaikum warahamatullahi wabarakatuh.


(PLAY EXTRO)

Miyerkules, Agosto 28, 2013

SARISARI O VARIETY STORE

SARISARI O VARIETY STORE

(August 29, 2012-Huwebes… Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “SIMPLENG KABUHAYAN”. Host –Ms Lucy Duce)

 (PLAY INTRO-SIMPLENG KABUHAYAN)

LUCY:  Good morning Kaka Alih.  

Kaka Alih:  Good morning Lucy, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam.

LUCY:  Anong simpleng kabuhayan ang maibabahagi mo sa amin ngayon umaga?  

Kaka Alih:  Simple lang naman, Lucy, Variety store na lalong kilala sa tawag na sari-sari store.

Ang sarisari which in  English ay we call it, variety store.  Ang mga Sarisari store na ito ay karaniwang nakikita sa mga Barangay, madalas sa kanto ng mga daanan, o dili kaya ay   nasa mataong mga lugar.

Ang variety o sarisari store na  ito  ay nagtitinda  ng  ibat-ibang goods o paninda, mula sa unang pangangailangan sa kusina,  sa bahay, personal na gamit, ang madalas daw napkin ng babae. Bakit? (PLAY LAUGHING)
typical sari sari store...
http://www.holidayphilippinesblog.com/filipino-culture-food/
sarisari-store-filipinoretail/

LUCY:  Bakit Kaka may nagnanapkin  ba na lalaki?  (PLAY LAUGHING)

KAKA ALIH: Anong malay mo, kaya sinisigoro ko lang na pambabae yang napkin. (PLAY LAUGHING)  

Anyway tuloy tayo sa usapin na sari-sari iwan natin ang napkin. Basta tinatawag na sari-sari, maraming klase ang paninda, anything in this world, mayroon .. ang pinaka-latest daw ay ang load…sa celpon. (PLAY LAUGHING)  at marami pang iba. Kong  ano  ang hinahanap ng kanilang  customers  ay siya   ipinagbibili ng mga sari-sari store na ito. Madalas ang mga pagkain nakalagay sa garapon, subalit dahil medyo may kamahalan ang garapon sa ngayon, nakasabit na lamang dahil nakasupot naman ito sa plastic, pati cooking oil na dati nakagay sa botelya ay nakasupot na rin ng plastic.

Marami na sa Pilipino ang umunlad dahil sa sari-sari store, dahi sa magandang pamamalakad,  subalit marami din ang sumubok, na pawang failure naman,  na sa loob ng isa, dalawang buwan ay dahan dahan nauubos ang paninda hanggang sa magsasara na, therefore bagsak ang negosyo. (PLAY LAUGHING)  Bakit Kaya? Iyan ang aalamin natin, Kuya, Ate..

Ang sari sari  store ang karaniwan ay ang pinagsisilbihan ay ang mga mamayan sa barangay,  kaya naman ang paninda ay yaong  mga pangangailangan ng karaniwang pamilyang Pilipino.

Ang sarisari store na  ito  ang gumaganap na retailers o tindahang nagtitingi.

Ang Sari-sari Store ay kabilang sa small and medium enterprise na siyang pinagkukunan ng bansa ng kabuhayan ng mahihirap na mamamayan.  Kahit saang sulok ng bansa ay makakakita ka ng maliliit na tindahan maging iyan man ay tindahan ng bagoong, suka, bawang o paminta.

Reminders my friend, Huwag padalos dalos, na dahil nakakita ka lang ng nakabili ng karaoke na may sari-sari store na magpapatayo ka na rin. Ano mang negosyo ay kailangan ang plano, at kailangan malaman ang mga pros-and-con. Ano ang mga posibleng hadlang. Ano ang tama at  mali.

Sa pag-gawa ng  plano ay mahalaga dahil ang sa plano ay malalaman mo ang kikitain ng iyong negosyo sa hinaharap.

Malalaman mo sa plano kung anong parte ng iyong negosyo ang pwedeng pagbutihin.

Pinapakita ng isang plano kung magkano ang kikitain at gagastusin ng iyong maliit na negosyo.

Pagkatandaan lamang na pag gumagawa ka ng  plano, gawin itong simple, madaling gamitin at madaling abutin.

Piliin ang pinakaakmang panahon para sa plano maaring itong hatiin  sa lingguhan o buwanan.

Gawin ang mga ito bago kinakailangan gamitin. Huwag hintayin na matapos ang isang plano bago simulan ang susunod at paikutin ang iyong mga plano.

Maghanap ng impormasyon, magresearch  iwasan ang manghula lang. Halimbawa saan mo kukunin ang iyong supply o ititinda, papaano makakarating sa inyong tindahan?

Walang balakid sa pagsisimula ng isang sarisari store dahil sa kahit ang isandaang piso ay makapagsisimula ka ng isang negosyo. Simulan mo sa mga paninda na kailangan ng pamilya, para kahit walang bibili ay di masasayang, dahil kayo ang gagamit. Ilista ang hinahanap ng inyong mga customers, at iyon ang priority ninyong ikumpra o bilhin.

Maghanap ng suki na tindahan, makipagkaibigan dito, o ipaalam sa may-ari o manager na kayo ay nagsisimula pa lamang sa inyong sari-sari store.

Ang payo ng Kapatid na Meranaw, kong mamimili ka ng paninda, huwag ubusin ang capital, kalahati lamang, reserved ang kalahati sa capital.. dahil hindi mo pa alam ang mga item na kailangan ng inyong customers… ang mga Chinese traders “daw” magtitiwala sa inyo kapag napansin na palaki ng palaki ang nabibili ninyo sa bawat kumpra ninyo, hindi yaong paliit ng paliit, ibig sabihin palugi ang negosyo.

Sa hirap ng buhay ngayon, kung saan marami ang nawalan ng trabaho, mainam na malalaman natin papaano magpalago ng isang sari-sari store. Huwag mag-pautang, that is the general principle, but wala pang negosyo na walang pautang, kinakilangan maunawaan ng husto ng inyong customers kong bakit di kayo nagpapautang, dahil maliit lang ang capital? Huwag sabihin na wala akong tiwala sa inyo, kasi kilala na kita na hindi marunong magbayad.. (PLAY LAUGHING) 

Magsasara na po ako ng tindahan este hanggang ditto na lang muna,   heto po  ang inyong  Kaka Alih, na nagsasabing, ang taong nagsisikap ay may magandang naghihintay na kinabukasan  Sukran at maraming salamat, wasallamu alaikum warahamatullahi wabarakatuh.


(PLAY EXTRO-SIMPLENG KABUHAYAN)

Linggo, Hulyo 21, 2013

Bayan Ko, Mahal Ko

(July 22, 2013-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Ms Lucy Duce)

Host/Lucy:   Tayong mga taga Upi, maging Teduray, Kasila o R’nawon ay nagsisikap kong papaano patuloy na uunlad ang bayang Upi. Ang tanong ay  maituturing na bang maunlad na ang ating bayan? 

(PLAY INTRO-GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)

Host/Lucy:   Magandang umaga Kaka Alih.

Mayor Ramon Piang Sr, sa programang Paeng Mon
(every Wed, 3:00-4:00 pm) nag-uulat sa bayan at sinasagot
ang mga tanong ng mamamayan...
Kaka Alih:  “Magandang umaga din Nenita, at Assallamu  Alaiuukum Warahmataullahi Wabarkatuh, sa mga kapatid na Nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim. 

Ayon kay kasamang Lucy, tayong  mga taga Upi, maging Teduray, Kasila o R’nawon ay nagsisikap kong papaano patuloy na uunlad ang bayang Upi. Ang tanong niya  ay  maituturing na bang maunlad   ang ating bayan? Lets try to answer that, kay hoy, hoy , kaibigan pause  muna ninyo ang tsismis, aba’y  maaga pa ah.. sama-sama muna tayo.. (PLAY LAUGHING)

 Lucy, ganito ko sasagutin ang tanong mo:

Heto ang madalas marinig na daing ni Tapulano: “Dapat ang goberno hindi mangurakot”.  

May tanong din  ako Lucy. Ang  bansang Pilipinas ba ay  maituturing  na bang maunlad?  But marami na akong narinig at nabasa na sagot:  “ Hindi pa!”

LGU Upi heavy equipment habang ginagawa ang nasirang culvert,
sa may extension ng Quezon Street, sa Nuro =, Upi, Maguindanao
Kong ganoon ay ang tanong ko ulit ay “Bakit?” Bakit, bakit,  bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo umuunlad? Abay eh   naiwanan na tayo ng kapit-bansa natin,  tulad ng Vietnam at Malaysia.  Remember  tayo pa baya  ang naunang nagsarili    o independence sa mga bansang ito.

Tanong ko ulit, bakit nauna pa sila sa larangan ng kaunlaran? bakit kaya?, ikaw kaibigan  papaano ba uunlad ang ating bayan o ang ating bansa?

“Dahil yan sa goberno”,  sigaw ni Tapulano. Hoy kaiibigan sino pala  ang goberno?  Hindi ba  tayong mamayan ?  Hindi ba ang  goberno natin   ay tinatawag na demokrasiya?

Alam mo ba  ang kahulugan ng salitang democracy?  

Ok wag mo ng sagutin ako na. Ang democracy ay …. “Ang demokrasya ay ang pamamahala ng mga tao o ang ibig sabihin ay mula sa Griyego na demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala")..”

Aminin natin na sangkatutak na nga talaga ang problema ng ating bansang  Pilipinas.  Kaya naman  ang tanong,  “may pag-asa pa ba tayo?”  

Ikaw may sagot ka ba s a tanong o talagang wala kang alam, kaibigan.. kong wala ....makinig…mamayang hapon   ay SONA ni makinig ka   doon, live yan mamaysa sa DXUP, baka may sagot sa mga tanong natin, anong malay mo…(PLAY LAUGHING)

Ok my sona, este my paunang sagot, baka masagot  ang tanong.

Ako Lucy  ang sagot ko,  ang sagot ko ay    Yes!!! Yes may pag-asa tayong umunlad. Ikaw Lucy?

Host/Lucy:  I second the motion kaka,  yes na yes din…

Kaka Alih: O kitam, second the motion si Lucy, kaya approved. (PLAY LAUGHING). Alam mo naman tayo,   positive palagi, dapat kasi huwag   tayong mawalan ng pag-asa.

Dapat na tayong humulagpos o makawala sa tanikala,   sa ating mental  kolonisasyon…na  ipinama ng mga naging “colonizers” natin o mga mananakop na dayuhan at kapuwa Pilipino na rin,   na ang  pinamulat sa atin ay sila ang magaling at tayo ay mga “Segunda Mano” lamang na mga mamamayan.

Upi Sangguniang  ang gumagawa ng mga batas  (ordinansa
at resolution)  na pinatutupad naman ng Executive  Dept. 
“Kaka Ali, sana maliban sa mga negatibong obserbasyon, magbigay din tayo ng mga positibo,”  Payo ng isang retiradong guro.

Ang tanong Maam papaano nga ba?, please give me an example o halimbawa.

Heto ang Halimbawa:   “… alam ninyo.. (hindi ko pa alam, tuloy mo) likas sa atin (sino? Mga Pilipino of course)  ang pagkakaroon ng close family ties”, tugon pa rin ng isang retiradong guro. “Diba sa ibang mauunlad na bansa, kadalasan pinapaubaya na lang sa mga caregivers ang pag-aalaga sa mga matatanda.”

Yes, umaasa palagi sa tatay na bilang “bread earner” may mga pamilya pa rin na umaasa palagi sa magulang, kahit di pamilya na sila.. tama na Ting… Adi, noong nag-aaral ka pa, it ok na si tatay at nana yang bumubuhay sa iyo, pero ngayong damulag ka na, matuto kang manginain na rin ng damo.. este maghanapbuhay..

Ito ang isa pang positibong sagot: “...unahin and edukasyon ng ating mga mamamayan” advise ni Ustadz Ali Abdulatip  isang Ustadz o guro sa Arabic school sa Upi.

Tama si Ustadz Ali, marami sa ating mga mamamayan ang hindi alam ang mga proseso sa gobyerno, marami rin ang hindi alam ang pinag-kaiba ng Senado sa Congreso, kahit ako   hindi ko din alam noon ang tunay na struktura ng gobyerno natin.   Democracy raw tayo, pero anung klase? Free Capital,  pero may kulang, di ba minsan  kailangan  din natin ng political science?

“…dapat highschool palang ituro na ang economics,   politics at sistemang  goberno na dapat pairalin”.   tugon ng isang educators na nainterview natin.,

Yes,  marami sa ating mga kabayan ang hindi na uma aabot na makapasok sa Unibersidad o college.. dito sa bayan ng Upi, mapalad ka na kong makatungtong ka sa high school.

Dapat alam natin  paano pinalalakad ng mga opisyal ng goberno ang bansa at kung bakit ginagawa ang mga "bill and policy", at ang mga ordinansa,  sa totoo lang kahit ako.... natutohan ko lang ang mga term na ito,  ng nasa media na ako.   

Ayon sa isang nakasama natin sa seminar workshop: “ang kulang lang satin ay pagmamahal sa sariling bayan, ang tao natin laging pinagbibintangan ang goberno ng negatib, pero kelangan din natin kumilos hindi lamang ang gobyerno, sabi nga … demokrasiya tayo, kaya may kapangyarihan ang boses natin (tulad sa EDSA I and II), pero kelangan din natin alamin ang limitasyon ng kakayahan na ito, hindi lahat ay gagawin ng gobyerno,o hindi lahat gagawin ng mamamayan, alalahanin ang Pilipinas ay isang pamilya.”

“Dapat Kaka Ali,  matuto tayong  sumunod sa batas papaano kasi kahit simpleng batas lamang, tulad ng traffic rules di sinusunod ng mamayan.”ito ang minsan naidaing sa atin noon  ng isa sa dating babaeng Sanggunian Bayan ng Upi, si   Maam Neneng Castro.

Kaibigan, kailangan seryosohin na natin ang sinasabi nating pag-unlad, dapat lahat tayo ay  kikilos, kung ang gobyerno man ay walang ginagawa, at least tayo kumilos, kung mapaganda natin ang paligid o ambiance  sa Pilipinas pwedeng tumaas ang tourism natin. 

Alam nyo napansin ko kasi dito sa Pinas, Filipinas, Pilipinas o Philippines … ang ibang Pilipino   lakas manglait sa kapuwa Pinoy, napansin ninyo?   

Ang problema  natin ay hindi natin tinitingnan ang mga mabuting gawain ng gobyerno, ang hinahanap lagi ng mga  reporter o media,  of course  hindi kasama ang DXUP FM ha?  Ang hinahanap nila ay yaong mga palpak na nagagawa o  basurang ginagawa ng ating mga lider, kung may ipakita naman na maganda, ang sinasabi natin ay "ngayon lang yan", o di kaya "hindi yan totoo" “ginagawa lang iyan dahil malapit ng eleksyon”.

Kaibigan,  kailangan itaas rin natin ang morale ng ating mga kababayan, ng mga leader.  Kailangan rin mahalin natin ang ating sariling kultura, mayroon pa rin sa ating mga mamayan na hindi nila kilala ang kanilang sariling kultura at kaugalian, kong minsan pa ikinahihiya pa nila na sila ay nabibilang sa kanilang tribu.

“Madali lang Kaka, teach Pinoys how  to plant malungay para hindi na sila manghingi.. bigyan sila ng talbos ng kamote para makatanim at din a manghingi sa kapitbahay.. bigyan ng buto ng kamatis, para di nabumili sa palengke.” Dagdag ng kaibigan guro.

“Regaluhan ng    tandang at inahin na manok na walang bird flu para  paramihin at sigoradohing  hindi gawing pulutan or pang ulam ang inahin para dumami pa”. biro ni Maestro, nakaugalian kong tawag sa kaibigang guro.

“… use condom or magpa vasectomy.. para hindi masyadong maraming palamunin.” Paliwanag ng health worker, na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Ayon naman sa isang manunulat sa  blog: (baka si Kaka Ali na yan) “Disiplina ang kailangan”  Ang tanong papaano mo ipapatupad ang disiplina?

Para kay Marvin: “Magiging maulnalad ang pamayanan pag ang mga tao ay reklihiyoso” nagbabayad sila ng kaukulang buwis, may proyekto silang pinatutpad sa kanilang mga barangay”

Ano pa kaibigan?  "…manalangin tayo palagi sa Allah at hilingin natin na palaging ituro sa ating ang tamang gagawin at tamang pagmamahal at bigyan ng gabay sa araw-araw an gating mga mahal sa buhay…  “

Mga LGU Upi empleyado naglalgay ng   organic fertilizer ang
mga punong Ufi na itinanim noong revisit of planted
trees  program, last 58th Upi Founding anniversary.
 
Mahalin mo ang iyong bayan, katulad sa pagmamahal mo sa iyong sarili.

Ok medyo napahaba ang presentasyon natin buweno Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…mas lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi ko..   sa ating segment na  gabay at talakayang pampamilya…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Host/Lucy:   MARAMING SALAMAT Kaka Alih, sa magandang ibinahagi mo ngayong umaga, Kaibigan, Kapatid magsama-sama tayo, magtulaongtulong tayong maqipatupad ang mga batas na umiiral sa ating bayan, para sa ating kaunlaran.


EXTRO: GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA