Linggo, Hunyo 2, 2013

Kalikasan ay Pagyamanin

Kalikasan ay Pagyamanin

(July 25, 2012-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Rose Langcuas during the tree planting in national highway

Host/Noralyn: Bantay Kalikasan tayo, at nasa  segment na gabay at talakayang pampamilya tayo  ngayon at of course muli nating makakasama ang ating  segment writer at presenter na si Kaka Alih.

(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)

Host/Noralyn:  “Good morning Kaka Alih.”   

Kaka Alih:  Good morning Noralyn, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam.

“Pangalagaaan  ang kalikasan, para sa kinabukasan ng susunod nasalin-lahi” ito ang  isinusulong  ng mga taong may pagmamamalasakit sa ating  unti-unti ng naagnas/nasisirang na kalikasan.

Kung kalikasan lamang ang pag-uusapan tiyak hindi tayo mahuhuli na taga Pinas,  kumpara sa ibang bansa, bakit?  Sapagkat marami tayong mga maipag-mamalaking mga magagandang tanawin, marami tayong tinaguriang national park,  andiyan ang underground river ng Puerto Princesa, Palawan, na isa 7 wonders of the world.

Dito sa bayan Upi, mayroon din tayong magagandang tanawin at kapaligiran, andiyan ang Tudok mamot at childrens park,  na kalagay na sa mapa ng  Autonomous Region in Muslim  Mindanao. Ang kinakailangan lamang pagyamanin ang mga lugar na ito.

NORALYN: Ang tanong  ko lamang Kaka    ay... "papaano pagyayamanin o pangangalagaan ang mga magagandang tanawin na ito?"

KAKA ALIH: Magandang tanong yan kapatid na Noralyn,  naalaala ko tuloy ang text (sms)  sa ating programa noon, ganito ang nakasulat: “Kaka Alih, sang-ayon sa sinasabi ninyo sa radio na  Pangalagaan natin ito at pagyamanin.” 

Ang sagot ko noon sa kanya: “Tama ka may friend, dahil ang iba walang pakialam!”   

At maidagdag ko na rin hindi  basta walang  pakiaalam kundi sinisira pa  likaas yaman ng ating   kalikasan!. Gusto mo ng proof? Halimbawa nito  sa ating kagubatan, pumuputol sila ng sangkatutak na kahoy na di naman pinapalitan, at sa ating yamang tubig naman, halimbawa na lamang ng ilog natin sa Matuber, di  ngayon ilog namatatawag kundi creek na  lamang.  .

 NORALYN: Tama ka diyan Kaka Alih, dati rati napakalalim at napakalinaw daw ang tubig ng ilog na ito,  pero ngayon? Wala na , matatawag pa bang may pangangalagaa sa  kalikasan ito Kaka Ali?

KAKA ALIH:  May payo  pala si Maam, dating Maestra, ngayon ay retirado na, ang sabi eh: “Kaka Alih maari naman natin pangalagaan ang ating kalikasan kahit sa simpleng paraan lamang.” 

NORALYN:  Papaano daw Kaka?,

KAKA ALIH: “Itapon ang basura sa tamang basurahan at kung puputol na puno ay agad palitan, sa pagtatanim ng isa  pang  puno.” Dagdag ni  maam.

Don’t worry kaibigan mayroon naman tayong makakatuwang o partner na ahensiya.

NORALYN: Anong ahensiya ng goberno Kaka?

KAKA ALIH: Ito   ang   Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isang ahensya ng pamahalaan na itinalaga upang pangalagaan ang ating kalikasan. Ang   hangad lang sana natin  tumupad naman sa tungkulin ang “forest guard” o mga ahente ng goberno, ng buong puso at walang pag-iimbot, hindi yaong sial mismo ang pasimuno sa pagpapaabili sa mga seedlings.

Alam ba ninyo nA ang kalikasan ang pangunahing pinagkukunan ng ating mga pangangailangan?

Saan tayo kumukuha ng pagpapatayo ng  ating mga tahanan?

Di  ba sa kabundukan, sa mga puno natin kinukuha ang  iba nating pangangailan.

 At  di  lang tao ang nangangailangan ng tubig at mga puno, pati hayop at sa iba pang nilalang ng Diyos, tiyak mamatay sila, kasama tayong tao  dahil kailangan ng ating katawan ang tubig. Hindi   tayo    mabubuhay ng walang tubig.

Nilikha ng Diyos ang tubig para sa tao at kanyang mga nilikha.  Ngunit ang masaklap nito ay walang nakakaalam kung saan nang-gagaling ang tubig.  Ang alam natin  ito’y paikot-ikot lang sa mundong ito.  Ito’y pumapatak na ulan sa lupa, pagkatapos ay muling nagbabalik sa kalawakan sa paghigop ng init ng araw at sa pamamagitan ng mga halaman.

Kaya nararapat lamang na ito'y ating suklian.Hindi ba’t kaysarap manirahan sa isang kapaligirang mayroong kalikasan?  Kong oo ang sagot mo,  ay dapat ay  kilos na!  ako mismo, ikaw mismo! may magagawa......Yes may magagawa tayo kapag tulong tulong, kapag sama-sama.

Sa   bayan ng Upi ay mapalad tayo,  dahil mayroon tayong mapagkunan ng tubig, ang Romagonrong Falls, at sa kasalukuyan ay may proyekto ang bayan natin na pinadadaloy o pinaagas mula Romagonrong hanggang dito sa Barangay Nuro, upang sa gayon may mainom tayong mga tao of course kasama na diyan ang mga hayop.

Kaya katungkulan ng bawat mamayan ang pagpapabuti at pangangalaga ng ating “water system” na itinayo o binuo natin, upang matustusan ang dumaraming mamamayan at ang kanilang pangangailangan sa tubig na inumin.

NORALYN:  Kaka Alih, paki replay, Bakit kailangan pangalagaan ang tubig?

KAKA ALIH: Noralyn, kailangan ang tubig Dahil sadyang  mahalaga ang tubig sa kalinisan ng kapaligiran, sa kalusugan ng mga mamamayan at kaligtasan ng bayan.

Ganoon din sa pagpatay ng sunog.  Paano kung walang dumadaloy na tubig  sa gripo o di sapat na tubig?  Di lang libo kundi milyon-milyong piso ari-arian ang magiging abo.  Bukod pa ang buhay ng tao.

Kaya alagaan natin ang pinanggalingan ng ating tubig. Ang isa sa nagpapanatili sa tubig sa ating kabundukan ay ang mga punong kayong, lalo na yaong malalaking punong kahoy.

Kaya naman ang ating LGU Upi, ay may mga programa sa pangangalaga ng ating kapaligiran an gating  kalikasan.

Tree planting in UAS-PTIA
Isa sa components o bahagi nito ay pagtatanim at pangangalaga ng mga punong kahoy sa ating mga watershed area. Halimbawa ng water shed area sa Upi ang nasa Barangay Nangi, sa Romagonrong Falls na ang area ay sakop ng Barangay Nangi at Ganasi sa Upi, kasama na dito ang ilang bahagi ng South Upi tulad ng Barangay Looy at Lamud.

Ang lahat ng mga mamamayan ay hinihikayat na pangalagaan ang mga punong kahoy na ito, higit lalo ang mga nasasakop ng mga water shed area na ito. Hindi tayo dapat magputol ng mga puno dito, ang nararapat pa nga ay magtanim tayo dito ng puno.

Pangalagaan ang kapaligiran, dahil ito ay pangangalaga din sa susunod na salin lahi.

Sukran,  ito po ang inyong Kapatid na Bangsa Moro, na may pagmamalasakit sa kalikasan .. Kaka Alih po .. sukraan…Wassallamu alaikum wrahamatullahi wabarakatuh

NORALYN:  Maraming Salamat Kaka Alih,   na  pangangalaga sa ating kalikasan, mga kapatid bukas muling abangan si Kaka Ali sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya, at tinitiyak ko sa inyo  na mae-enjoy kayo, at maraming mapupulot na aral..


(PLAY-EXTRO- gabay at talakayang pampamilya)

Note: ang article na ito ay naipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY COM (dated Hulyo 30
, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bagong  blog: DXUP Teleradyo..(.from admin: Alih Anso)

Hindi Makatulog?

Hindi Makatulog?


 (Hulyo 26, 2012-Huwebes – Script na sinulat ng segment writer na si   Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. ..Host Noralyn  Bilual)

NORALYN:  Kaibigan hindi makatulog?   Ayaw ka bang dalawin  ng  antok? o nahihirapan kang matulog ng mahimbing sa gabi?  Kong yes or no  ang sagot mo,   makinig sa ibabahagi ni Kaka Alih, baka masulosyonan ang problema mo kaibigan.

 (PLAY-INTRO  - GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)

NORALYN: Magandang umaga Kaka.

KAKA ALIH: Magandang umaga din Norlyn,    Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,. 

Marami sa kaibigan natin ang naidaing sa atin na hindi makatulog, ayaw dalawin ng antok.. kaya ang ginawa natin ay agad tayong  naghanap sa internet ng mga kasagutan.

Kaya Ngayon umaga ay agad  akong nag-hanap  ng sulosyon sa problemang nasagap natin.

Naisip ko kaagad ang naging friend natin sa Facebook at Blogs, ang mag-asawang Dr. at Dra. Willie Ong, ang nagpadala sa ating mga babasahing aklat sa mga sagot sa ganitong ganitong problema.

Naku laking disgrasya, hiniram pala ng anak ko, ayaw na kasing bitiwan dahil very informative daw a aklat, kaya nasabi kahit sa facebook  man lang   magpasalamat ka kay Dr Willie Ong.

Wala ang libro, kaya ang ginawa ko, nag-explore ako sa internet,  sa search engine na GOOGLES, type ko ang words na: hirap akong makatulog willie ong..  KLIK!

Ayon may sagot na  kaagad. Hahaha  ito ang nagustuhan kong may internet connection ka,   dahil sa new technology, sa isang kisap mata may sagot kana sa mga tanong.

Ayon sa sinulat ni Dr. Willie Ong, ganito ang nakasulat: “Dear Doc. Willie. Hirap akong makatulog. Kapag stressed ako, hindi ko mapigilan mag-isip ng mga problema. Ano po ang mapapayo niyo? Umaasa, James”

Heto  naman ang sagot ni Doc Willie:

“Ang pagtulog ay isang normal na proseso ng katawan. Puwede mong turuan ang iyong sarili na makatulog ng mahimbing.

Kapatid kong may problema ka sa pagtulog o  kong wa la pa  naman, makinig ka  parin  anong malay  baka bukas, maranasan mo ang nararanasan ni Kaka Ali at James. Kapatid heto na   ishare ko sa inyo ang  mga payo ni Doctor:

1)      Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog. Matulog ng parehong oras bawat gabi. Halimbawa, tuwing alas-9 ng gabi ay nakahiga ka na para masanay ang inyong katawan.

Kaka, Papaano ang favorite kong teleserye sa TV? No probs my friend,  Eh  simple lang adjust ka ng time sa pag-tulog, tuwing 11 oclock ka matulog, ang iportante sabi  ni Dok sanayin ang oras sa pagtulog. Suggestion

2)      Kumain ng tama. Huwag magpakabusog o magpakagutom. Mahirap matulog kung kumukuo ang tiyan dahil sa gutom,   . Umiwas din sa maaanghang o spicy foods bago matulog.

3)      Uminom ng Vitamin B Complex. Pampagana ito ng pagkain at makatutulong din sa pagtulog

4)      Magkaroon ng regular na ehersisyo. Masarap ma-tulog kapag napagod ang katawan sa umaga. Ayon sa Bibliya, masarap ang tulog ng manggagawa. Ito’y dahil pagod ang katawan ng isang nagtratrabaho.

Kaibigan pwede kang maglinis sa umaga sa bakuran o sa bukid kaya, huwag masyadong tamad.

5)      Umiwas sa pag-inom ng kape. Pampagising kasi ang caffeine, na nakukuha sa kape.

6)      Umiwas din sa pag-inom ng alak. Marami ang gumagamit ng alak para sila makatulog pero may masamang epekto po ito sa ating puso at atay. Matamlay ka at may hang-over din sa umaga.

7)      Umiwas sa paninigarilyo. May nicotine ito na nagdudulot ng kanser at gumigising sa iyong isipan.

8)      Huwag magtrabaho pagkalampas ng 6 ng gabi. Ihinto mo na ang iyong isipan. Hayaan mo nang mag-relax ang iyong utak.

9)      Mag-relax bago matulog. Puwede kang manood ng katawa-tawang palabas sa telebisyon o magbasa ng magasin o komiks.

Kaibigan, mayroon    nakaka na payo si  Dok Willie, at alam ko magugustuhan  mo  na rin katulad ng kumpare ko,. 

Makakatulong daw  ang makipag-sex sa gabi sa inyong asawa.

Ayon sa study, na isinagawa ang mga expert,  nakatatanggal daw ng stress ang pagtatalik. (Basta asawa mo)  (LAUGHING).

Nagiging mahimbing din ang pag-tulog ng tao pagkaatpos daw n g sex.. (LAUGHING).. Pare Walang malisya! Telling the truth tayo, mula iyan kay Doc Willie. (LAUGHING).

10)   Ilayo ang mga relos O  ALARM  CLOCK. Huwag kumuha ng maiingay na relos na tumutunog kada oras. Baka ka ma-stress dahil maaalala mong hindi ka pa nakatulog.

11)  Huwag mag-schedule ng maagang meeting. Kung alam mong may gagawin ka ng maaga bukas, baka hindi ka makatulog sa gabi. Normal lang po ito dahil excited ka.

12)  Gawing matahimik at kom­portable ang iyong tulugan. Bawasan ang mga ingay at kaluskos sa tabi. PUKSAIN ANG PESTENG DAGA NA  MAINGAY. Itali ang asong tahol ng tahol. Patulugin na si beybi. Gawing madi-lim ang silid.

13)  Bumili ng komporta-bleng kama, unan at kumot. MAYROON NAMAN DIYAN NA INSTALLMENT. Puwede kang magkulambo para hindi ka kagatin ng lamok.

14)  Huwag itapat sa iyo ang electric fan. Masama po ito at puwede kang magka-Bell’s Palsy (ngumiwi at maparalisa ang mukha). Hayaan lang umi­kot-ikot paitaas ang hangin.

15)  Uminom ng mainit na ga­tas o sopas bago matulog. Maganda rin ang saging o cookies sa gabi. Ang saging ay may tryptophan na nakakaantok.

16)  Huwag umidlip sa hapon. Umiwas sa siesta at pagtulog sa araw. Dahil kapag nakatulog ka na sa araw ay hindi ka na aantukin sa gabi. Ipunin mo na lang ang iyong tulog sa gabi.

17)  At siyempre, huwag kalimutan mag-dasal   Ipasa mo ang iyong iniisip sa Diyos. Siya na ang bahala lumutas nito.SA MGA MUSLIM PWEDE MABISA ANG MAGTASBIH KAYO  HALIMBAWA SUBAHANALLAH, ALLAH AKABAR, ALHAMDULLLILAH…

SA MGA KRISTIYANO Magdasal ng ganito: “Diyos ko, naging maganda ang araw natin ngayon. May mga problema ako pero alam kong hindi mo ako pababayaan. Matutulog na ako at ipapakiusap ko na bantayan mo ang aking mga mahal sa buhay. Ipapasa ko na sa iyo ang lahat ng problema ko. At paggising ko bukas, ng malakas at masa­ya, magagawa ko na po ang pina­gagawa mo sa akin. Amen.”


Ito po ang inyong Kapatid  na si  Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat ituloy ang pananaliksik ng karunungan, katulad ng sinabi ng Propeta Muhamad SAW:  “Seek knowldege from the cradle to the grave” (hanapin mo ang karunungan mula sa duyan hanggang sa libingan.)  

Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na gabay at talakaayang pampamilya,..  Sukran and Wassallam

NORALYN: Maraming salamat Kaka Alih sa isa sa magandang presentasyon na yan. Mga kapatid na nakikinig, muling abangan BUKAS , sa ganitong oras at himpilang  ang ating segment na gabay at talakayang pampamilya, at muli ninyong makakasama si Kaka Ali.,

(PLAY-EXTRO- GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)

Note: ang article na ito ay naipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY COM (dated Hulyo 30

, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bagong  blog: DXUP Teleradyo..(.from admin: Alih Anso)

Sa Puso, Sa Isip, Sa Salita at Sa Gawa

Sa Puso, Sa Isip, Sa Salita at Sa Gawa
Operation ng LGU Upi

(Hulyo 30, 2012-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Noralyn: Sa Puso, Sa Isip, Sa Salita at Sa Gawa, ito ang bagong kasabihan ni Kaka Alih, ang ating segment writer at presenter sa segment na gabay at talakayang pampamilya.

 (PLAY INTRO)

Host/Noralyn:  “Good morning Kaka Alih.”   

Kaka Alih:  Good morning Noralyn, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nanampalataya sa  Islam.

Kaibigan, Madalas mong maririnig at mababasa (lalo na sa mg facebook at blog) ang tungkol sa maraming kanais-nais na katangian bilang mamamayang Pilipino. Ito ay ba ay sapat na? NO! Hindi sapat ito dapat na malaman at maisagawa ang   ang mga katangiang ito. At mahalagang isagawa mo kaibigan ang mga katangiang ito ay dapat , sa puso, sa isip, salita at gawa.

Narito ang  ilang halimbawa   sa mga katangian na dapat mong laging isagawa kaibigan:  

Ang pagmamahal at paggalang sa ating mga nakatatanda. Bakit pagmamahal at paggalang sa ating mga nakatatanda? Ang  sagot!  Dahil maaaring maging gabay natin sa ating pangaraw-araw na buhay ang kanilang dunong at karanasan. Igalang ang mga nakatatanda sa lahat ng oras. Alagaang mabuti ang iyong mga magulang at lolo’t lola habang tumatanda sila at sikaping lagi silang kapiling, dahil ang mga matatanda ay katulad sa mga bata na kailangan ang umaalalay  sa kanila.

Naalala ko  tuloy ang mensahe ni Lola sa apo.

NORALYN: pakireplay nga Kaka Alih kahit  ilang linya lang, nagustuhan ko yun, ng minsang isama ng ating panauhin pangdangal na si Hadji Munir Jannaral.


KAKA ALIH: Ok, heto ang ilang linya sa aking sinulat namemsahe ni  Lola: “Aking apo, sa aking pagtanda unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Sa aking pagtanda, tiyak na may  kalabuan na ang aking  mga mata at maaring akoy  nakabasag   ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana ako kagagalitan.

Alam mo  apo ko, sadyang maramdamin ang isang matanda. Nagsa-self-pity   sa tuwing sisigawan mo .

Apo ko, kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana ako sabihan ng “binge!”paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang o dili kaya ay pakisenyas na  lamang  apo.

Aking apo, pasensya ka na  dahil  matanda na talaga ako. At kapag matanda na  mahina na ang  tuhod, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Aking apo,  pagpasensyahan mo sana kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Ang pakiusap ko apo ko,    pakinggan mo na lang ako,  huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Pangalawang halimbawa   sa mga katangian na dapat mong laging isagawa kaibigan ay: Katapatan sa ating bayan, Yes   isa itong katangian na   na  dapat nating pagyamanin at paunlarin. Papaano? Maaari mong ipakita ito sa pamamagitan ng pagsasalita ng  ating tinubuang wika, ang wika ng mga Pilipino,  pagpapahalaga sa ating mga bayani, lahat ng  mga bayani kasama na diyan ang mga Bangsamoro, na nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol sa bansa mula sa mananakop na Espaniol, Americkano at Hapon.

Sa  pamamagitan ng pagtulong mo sa iyong bayan para maging  masagana at maunlad ito.

Alam mo may mga katangian ang mga Pilipino na magandang mapanatili.

NORALYN: Ano  ang mga kanais-nais na katangiang Pilipino, Kaka Alih na magandang mapanaitili?

KAKA ALIH:  Mga katangian?  Una na magadang mapanatili ay ang Pananalig sa Diyos. Napakalakas ng paniniwala ni Ting o ni  Juan  sa Diyos. Hindi siya nagrereklamo tulad ng inaasahan dahil alam niyang bahala na ang Diyos sa lahat. Nag-iingat siya ng mga simbolong panrelihiyon at  mga santo sa kanyang bahay at sumasamba siya sa mga ito. At ang mga Muslim naman o mgaa Nanampalataya sa Islam ay sinusunod ang limang haligi ng Islam at pinaniniwalan  ang anim na Rukon ng Islam.

Ang iba pang magandang kaugalian,  na magandang panatilihin ay ang  pag-galang sa mga nakatatanda.    Si Ting o si Juan   ay  nagmamano sa kanyang mga magulang, ninong at ninang at nakatatandang kamag-anak. Nakikinig siya at  nagpapahalaga sa payo nila at tumutulong sa abot ng kanyang  makakaya. Inaalagaan  ang kanyang mga magulang  kapag matanda na sila.

Ang ibang magandang kaugalian na magandang panatilihin ay pag-eestima sa bisita, Tayong  mga Pilipino ay magaaling  mag-estima ng mga bisita, kaibigan at kahit estranghero. Napakainit ang pagtanggap niya at bukas-palad siya sa mga bisita sa bahay, opisina o saan man siya. 

Ang ibang magandang kaugalian na magaandang panatilihin ay  paggalang sa mga nakatatanda. . Ginagalang ni ting  o Juan  ang kanyang ina pati na ang kanyang mga kapatid, kaibigan at kasamahang babae. Nagbubukas siya ng pinto, nag-aalok ng kanyang upuan at nagbibitbit ng bag para sa mga babae at umaalalay sa kanila kapag sumasakay o bumababa sa  sasakyan.

Ang ibang magandang kaugalian na magandang panatilihin ay  mapamaraan o maabilidad/malikhain tayong mga Pilipino kasama na diyan ang Bangsamoro. Marunong mag-recycle si Ting o si  Adi. Napakahusay umimbento ni Adi ng mga bagong bagay na pwedeng gamitin at pagkapirahan. Lumilikha siya ng mga dekorasyong gawa sa lumang dyaryo at lata ng soft drink. Nagtatabi siya ng mga lumang papel at basyong lata para magamit sa susunod.

Ang ibang magandang kaugalian na magandang panatilihin ay,   matiyaga o positibong pananaw sa buhay, at ito ang dapat na makamtan at maapanitili. 

Tayong mga Pilipino ay lagi siyang umaasa at tumatanaw sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Hindi siya nawawalan ng pag-asa kapag may nakakaharap na mga problema. Sa katunayan, gaano man kamiserable ang buhay niya, sumusulong pa rin siya, dahil alam niyang sa bandang huli’y muling sisikat ang araw. Tulad naniniwalaa s kasabihan naa: “Don’t lost your hope beyond the dark clouds, the sun is still shining” ang ibig sabihin ay huwag mawalan  pag-asa sa makulimlim na ulap, dahil sa likod ng maitim na ulap na  yan ay andoon ang sikat ng araw.. (LAUGHING)..

Yes totoo may friend tulad ko, noon mga ilang taon lumipas, nagtitiis at  nananatili akong  mahinahon kahit nahihirapan akong  sumakay noon  ng pampasaherong sasakyan, dahil kulang ang sasakayan at baku-bakong daan papuntang Bandar a Kutawato.o Cotabato City.

Tree sa UAS-PTIA
O diba ngayon    ang sasakyan ang may problema, dahil ang daming di  pasahero at namimili lang si Kaka Alih kong saan sasakay. .. (LAUGHING).. at walang  serbisyo ng telepono, matandaan ko noon pupunta ka pa sa Kibleg para magtext.. (LAUGHING)..pero ano ngayon? May mobile phone service provider na, dalawa pa, di lang celpon, di internet pa, PM PM na  lang sa facebook o kaya naman ay  patwit-twit na lang sa twitter.

Marami pang magagandang kaugalian  nating mga Pilipino o Bangsamoro, subalit ang lahat ng ito ay hindi  lamang nating sasabihin, kundi dapat magmula sa ating puso.  Pag-iisipan natin ng maigi, bago sabihin at kong ok na sa palayagay natin, na ito ay makakabuti sa atin at sa kapuwa mo  ay gawin ng buong katapatan at walang pag-iimbot.

Maniwala ka  may friend, bukas,  makalawa ay maari ng  ibibigay sa iyo ng Poong Lumikha ang bunga ng inyong pagsisikap, pagpupunyagi.

Ang kailangan  para tayo ay umunlad isa-puso, pag-isipan, bago sabihin at higit sa lahat isagawa. Ito po  ang inyong segment writer Kaka Alih. Sukran . Waassallam.

NORALYN: Maraming salamat Kaka Alih sa magandang ibinahagi mo sa  amin ngayong umaga, ako man ay may napulo na aral, di lang pala sa isip salita at sa gawa kundi sa puso pa.


(PLAY- EXTRO) 

Note: ang article na ito ay naipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY COM (dated Hulyo 30
, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bagong  blog: DXUP Teleradyo..(.from admin: Alih Anso)

Bakit Hindi Nag-kakaisa ang mga Tao?

Bakit Hindi Nag-kakaisa ang mga  Tao?
Bakit Hindi Nag-kakaisa ang mga  Tao?

(Hulyo 31,  2012-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

NORALYN: “Kaibigan bakit kong minsan hindi  nagkakaisa o nagkakasundo  ang mga  tao? Kong minsan pa nga, nag-away-away sa sakitan at mayroon pang  humantong na sa patayan?  bakit nga kaya?   Samahan mo kami kaibigan.

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih.

KAKA ALIH : Magandang umaga din Nits, Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang  kapayapaan sasaatin nawa..)

Ang tanong mo  kanina Noralyn   ay, bakit    hindi nagkakaisa o nagkakasundo sundo  ang mga tao? nag-away-away sa sakitan at mayroon pang  humantong na sa patayan?  bakit nga ba Kaibigan ?

“Ah na Kaka Ali, maraming dahilan  bakit nag-away away o hindi nagkakasundo  ang mga tao dito sa mundo.” Paliwanag kaagad ng  isang  sa ating  kumpare.   

Ang kuwento ng aking kaibigan  na Pastor, ang away na ito  ay  nag-ugat pa sa mga unang taong nilikha ng Diyos, nagsimula pa ito  sa mga anak ni Adan at ni  Eba, sinimulan  ito na ina Abel at ni  Cain.

Para konting replay  sa kuwento ni Cain at Abel sa Bibliya.  Ito ang kuwento ng dalawang magkapatid na parehong sumasamba sa Diyos o  parehong relihiyoso.

Ayon Bibliya, mas pinapaboran ang mga handog na sakripisyong hayop ni Abel kaysa sa mga alay na tanim ni Cain. Dahil dito, nagselos si Cain kay Abel at pinatay ito. Nalaman ito ng Diyos at pinalayas si Cain sa Hardin ng Eden. Dalawang magkapatid, nagselos yung isa at selos na matindi para makuha niyang patayin ang kanyang kapatid.

May hailimbawa ako kaibigan na nangyari sa kasalukuyang panahon,  ang Ramgen Revilla case.

Maalaalaala ninyo   di ba   ayon sa sinumpaang salaysay na sinumite ng abogado ni Janelle Manahan, ang nakaligtas na kasintahan ni Ramgen Revilla nung siya’y pinatay, matinding away ng mga magkakapatid ang maaaring dahilan kung bakit pinatay si Ramgen. May mga okasyon daw na pisikal na nananakit si Ramgen sa kanyang mga nakakabatang mga kapatid, kahit mga babae pa ito. May tsimis pa na nanutok pa raw ng baril, at nanakal. Istrikto raw kasi si Ramgen, kaya ganun ang kanyang mga pamamaraan para disiplinahin ang kanyang mga kapatid. May kinalaman din daw ang pera sa away ng magkakapatid.

Ang ibang dahilan na siya  ngayong ang uso,  alam mo ba kapatiod?  na dahilan kong bakit hindi nagkakasundo kahit magkakapatid o magkakamag-anak.

Ang  pulitika!!! (LAUGHING) Yes, politics ito ang madalas  na dahilan,    politika o politics.
Ito pa ang isang dahilan, karapatan sa lupang ninuno  o ang ancestral domain. Sa R’nawon at T’duray  ay tinatawag nilang “pusaka inged” .

Tulad halimbawa sa ngayon, ang Bangsamoro ancestral domain, ang IP’s Ancestral domain, unti unti ng nawawala sa kanila, kaya dapat na maibalik na sa kanila ang pamamahala sa kanilang lupang ninuno.

Katunayan nga kahit konting bahagi lamang   ng lupa, kahit na daw yaong mohon lang  o pananda ng lupa at inilipat ng isang hakbang lamang,  ay pinag-aawayan  na yan ng magkakamag-anak.  Kong minsan  magkapatid  pa nga.

Dahil marahil sa dumami ang tao at kinukulang ang lugar na dapat nating tirahan, kaya sigoro dapat ng isulong ng mababatas ang RH o reproductive Health Bill? (LAUGHING)

Karapatang pangtao o  human rights, isa ito sa mga matinding mga dahilan kong bakit mga nag-away-away ang  mga tao  sa ngayon:

”Hindi Nagkakasundo  ang mga tao tao    dahil  sa kulang sa kaalaman sa kanilang karapatan;”  ito naman ang paliwanag ni Atty Rolando “Anwar”  Chew.  “..maraming dahilan ang nagiging dahilan ng mga di pinagkakasunduan ng mga tao” 

NORALYN: Papaano  lulutasin ang mga ganitong problema, na nag-away  away o hindi nagkakasundo ang mga tao?

KAKA ALIH: Ang solusyon sa mga ganitong  problema;   Sa problema  sa pulitika kinakailangan ang pairalin ang tunay na  pulitika, wlang dayaan, matuto tayong sumunod sa itinakda ng  batas, huwag ng palitan ang mga nakuhang  botante ng kandidato, at kong minsan kong sino ang  maliit ang boto ay siya pa ang naproklem.

Ayon naman kay Atty Rolando Anwar Chew, isang abogadong  Muslim sa Upi, Ang sulosyon sa ganitong problema ay, alamin mo ang inyong karapatan  ayon  sa nakasaad sa  batas.
Ang sabi  naman ni Ustadz Faizal Dacungan sa ating  interview by phone ay ang  paniniwala sa Poong Maykapal o Diyos ang pinaka-solusyon sa ganitong problema, ang  buhay ng tao ay pinahahalagaan  ng Allah  o  Diyos tayo pa  kayang tao?

Kong  ikaw ay isang Kristiyano, sundin mo inyong Biblia at kong ikaw naman ay Muslim o nanampalataya sa Islam, sundin ang Sunnah at Qur’an.

Para sa  Gabay at Talakayang Pampamilya, ito ang inyong  Kaka Ali, ang inyong segment writer ,  na  naniniwala na ang may paniniwala sa Poong Lumikha, ay  mahirap makumbinsi ni Shaitan o Satanas na gumawa ng  masama, sapagkat ang Shaitan ang naguudyok sa tao  na gumawa ng masama, kaya itakwil natin  ang Shaitan o si Satanas.

Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu.

NORALYN: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran.


(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Note: ang article na ito ay naipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY COM (dated Hunyo 31, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bagong  blog: DXUP Teleradyo..(.from admin: Alih Anso)

Epekto sa Pamilya ng Maraming Anak



(Agosto 6, 2012-Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Bilual)

NORALYN:  “Ano ba ang epekto ng maraming anak sa PAMILYA?  Iyan ang aming katanungan ni Kaka Alih, na dapat ninyong  sagutin at kanya rin sasagutin para sa ating segment na  “Gabay at Talakayang Pampamilya”.

( INTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya )

NORALYN:  Fiyo Gifuwon (Magandang Umaga)  Kaka Alih,

Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, Assallamu alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh. 

NORALYN:  Matanong  nga pala kita  ilan ba ang anak ninyo ng Mrs mo?

KAKA ALIH: Ako? Sa isang ina, ……ay apat lang  naman Nor, (LAUGHING).. Tatlong babae at isang lalaki lang naman.

NORALYN:  Bakit ilan pala ang nanay ng mga bata? (LAUGHING)

Kaka Alih: Isa lang,… subalit bilang Muslim pwede akong makapag-asawa ng apat.

NORALYN:  Hahaha .. (LAUGHING)  ok serious na tayo Kaka Ali, Ano nga ba ang epekto sa pamilyang Pilipino ng maraming anak?

Kaka Alih:“ Dalawa lang epekto niyan, negative at positive… ok Nancy sagutin natin ang tanong mo na  Ano nga ba ang epekto sa apmilyang Pilipino ng maraming anak?  At of course sasagutin ko ng with comparison … ibibigay ko ang positive at negative effect sa pamilyang Pilipino.

Unang epekto, positive daw? Heto my friend, kong kakandidato ka  sa barangay election.. maraming boboto sa iyo,  dahil marami kang anak…subalit may negative effect naman ito, ano yun?  Pare….sigorado kong bata pa ay lusyang na si Mrs.  (PLAY LAUGHING).. akala ko gusto mong ng bata? (PLAY LAUGHING)..

Heto pa ang isang positive/negative na epekto ng maraming anak, kong marami kang anak.. marami kang mauutusan.(PLAY LAUGHING)... but may negative din ito my friend, ang hirap lang nito marami ka ring pakakainin…(PLAY LAUGHING).. baka wala ka ng makain kong hindi ka masipag magtrabaho sa bukid, dahil masipag ka lang kay Mrs.. (PLAY LAUGHING).

 Yes pagkain ang problem sa maraming membro ng pamilya at pag kulang ang pagkain.. tiyak malnourished ang ating anak.

Alam mo ang ibig sabihin ng malnourished Noralyn?

NORALYN:  simple lang abng sagot diyan Kaka, kulang sa nutrition  o kulang sa pagkain,  kaya payat ang bata.

Kaka Alih:“ Agre ako Nor, ang  Sabi naman ng kumpare ko: “Kaka Alih, maganda ang maraming anak, provided, kong kaya mo silang palakihin..kong  kaya mo silang papag-aralin, kong kaya mo silang  pakainin at damitan.. ang hirap lang niyan umaayaw na si Mrs.. ay kinukulit mo pa rin. .. di lang makatanggi sa pangangalabit mo dahil… nakikiliti din  (PLAY LAUGHING) este hindi dahal mahal ka din niya…”

Sabi ng isang nanay: “Kaka Ali, Bibihira ang nagiging maganda ang epekto ng maraming anak,  dahil ang naobserb ko, karamihan  sa maraming anak na kamagnak ko ay naghihirap ang pamilya at bibihira ang nakakatapos sa kanilang mga anak.” Ipagpatuloy natin ang kuwento ang sabi ng asawa, ni pare.  “…    kong ako lang ang tatanungin Kaka , kong ako lang masusunod.. kong kaya ko lang sanang pigilin.. ang pang-gigil (PLAY LAUGHING) kay Mrs.. every 2 to 3 years bago masundan si Bunso.. kasi ako sa totoo lang pangarap ko ding makapagtapos at di magutom ang aking pamilya, hindi ko kasi alam papaano pipigilin ang pagbubuntis ni Mrs.. na hindi naming ititigil ung ganoon.. (ang alin?) basta ung umiikot ang iyong mata sa sarap.. (PLAY LAUGHING)

May kasagutan din akong nabasa  sa facebook: “…na Sabi nila mas masaya daw pag marami ang anak o malaking pamilya. Oo, kung ang pamilya ay nakaka-angat sa buhay at maibibigay lahat ng pangangailangan ng mga anak at ng buong pamilya. Pero sa mga hirap sa buhay, mahalaga ang pagkakaroon ng maliit na pamilya. Isa o dalawang anak ay tama na.”

Agree ako sa idea nay an, talagang  maraming pangangailangan ang bawat anak,  tulad halimbawa  ng magandang edukasyon,  sapat na pagkain, maayos na kagamitan at marami pang iba.

Pag-aasikaso, pagmamahal at panahon ng magulang ay importante din sa pamilya.

Kung hirap sa buhay, natural lamang na maghihirap ang magulang sa  magtrabaho at kumita ng pera lalo pa kung maraming anak ang dapat sustentuhan.

NORALYN: Tama  ka Kaka Alih,  kung isa o dalawa lamang ang anak, kahit papaano ay masusustentuhan sila ng sapat.

KAKA ALIH: Agree din ako diyan Nor, kaya mga   pare ko.. mga mare ko.. makinig… para di na tayo. Magtatalo dito sa radio, heto ang gawin ninyo… pumunta kayo sa pinaka malapit na health center at bisitahin ang inyong rural health midwife at ikunsulta ang inyong problema.. kong taga   Nuro po kayo, pumunta ka sa health center.. andiyan lang sa tabi ng highway kalapit ng ating barangay hall.. kong mahiya ka… hanapin si Maam Jackie Gamit at ibulong ang iyong problema.. sure ako.. matutulungan ka pare ko… (PLAY LAUGHING)

Bweno hanggang dito na lang muna ang tsismis,  dahil pupunta pa ako sa health center..     bukas muli kaming aabangan kasama si  Noralyn ... This is your    segment writer and producer.. at your service ….   Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

NORALYN:  Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang talakayan ngayong umaga, mga kapatid na nakikinig bukas muli  kamaing samahan sa ating programang Gabay at Tlakayang Pampamilya at sinisigorado  ko  inyo, muli  kayong hahandog ni  Kaka Alih ng nakaka-aliw at informative na usapin…

(EXTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya)
Note: ang article na ito ay naipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY COM (dated August 6, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa ibang blog..(.from: Alih Anso)