Martes, Pebrero 5, 2013

Gaano Kahalaga ang Kagubatan?


(September 5,  2012- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Nenita Minted)

NENITA: Ang tanong natin ay gaano  kahalaga ang kagubatan sa atin? Ang kasagutan ay magmumula sa iyo at iyan ang tatalakayinni Kaka Ali, sa ating segment  na  gabay at talakayang pampamilya, …kaya , samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa ating segment na …

(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NENITA: Good Morning Kaka Alih..

KAKA ALIH:  Good morning din  kapatid na Nenita, at assallamu alaikum warahmatullahi wbarakatuh sa mga kapatid na Muslim o sa mga Nanampalataya sa Islam.   

Nenita bago ko ilahad ng buong-buong ang aking kasaysayan, este,  aking tatalakayin sa umagang ito,(PLAY LAUGHING) ay may ikukuwento ako, tungkong sa baha o nangyaring baha (d’gan sa Iranun)   tandang-tanda ko pa ang lahat Ate Nits, (PLAY LAUGHING)

NENITA: Parang kahapon, ngayon at bukay ni Ate Bai..

 KAKA ALIH: Never mind Nits, para medyo masarap ang kuwento, last year ito   August 14, 2011, its about seven oclock  ng gabing madilim, prepared o handing-handa na akong pumunta sa Masjid, para sa Eisha na sambayang,  ng biglang magsisigaw ang aking  anak,   na may tubig na pumasok sa loob ng aming bahay. Naku laking gulat ko, agad akong napatayo at  ng aking tingnan,  lapt na na sa sala naming ang tubig. Agad kong naisip  ang aking mobile phone, para tawagan si  Mayor Piang, upang ipagbigay alam ang situation, di pa man ako nakatadial, naku tumaas na halos isang pulgada ang tubig.

Kaya din a ako natuloy sa Masjid upang magsambayang ng Jamaah opangmaramihan na sambayang, sa bahay na lang. Ako ay nag-obserbved, di naglipat oras, aanong bilis ng pagdadting ng tubig ganoon din  kabilis ang pag-baba naman ng tubig. At dahil  alas nuwebe ng gabi humupa na rin ang tubig, parang walang nangyari..ito ang tinatawag na “flash flood” omabilis na baha. 

Salamat at may mga ginawang kanal at nilinis na rin  ng LGU  Upi at ng Barangay Nuro ang mga kanal sa  Nuro, lalo na  sigoro kong regular na isasagaawa ang paglilinis sa mga canal para tuloy-tuloy na makadaloy ang tubig, patungo sa ilog.

Dahil sa flashflood na yun Nenita,   ay muling na-alarma ang mamamayan lalon ang ating Mayor Piang, dahil   naranasan na ang  ganito,  noong 1995 at 2008.

At sa gabing iyon  agad namang nagbigay ng babala ang alkalde ng bayan  Ramon Piang Sr, sa pamamagitan n gating community radio DXUP FM sa mga mamamayan,   na mag-ingat sa posibleng landslide,  baha  at flashflood lalo yaong  malalapit sa kabundukan at ilog.

At alam ba ninyo na dahil sa madalas na mga flash flood sa ating bansa,  ang  palaging nakikitang o alam na  dahilan ay ang pagkaubos  ng  mga punong kahoy sa ating mga kabundukan?

Ayon  sa mga siyentipiko, ang mga punong kahoy kasi  ang pansamantalang humaharang  at sumisipsip sa tubig  ulan at dahil  ditto  ay dahan-dahan ang pagbaba  ng tubig sa ating  mga  kapatagan.

Alam mo Kapatid na  Nenita, ang ating mga  kagubatan ay likas yaman o likha ng Diyos.  Noong unang panahon pa man, ang mga  kabundukan natin    ay  maraming punong kahoy, mga galang hayop at iba pang nilikha ng Poong Maykapal, pero ngayon ay halos wala ng natitira,  kong mayroon man ay di na sapat para mabalanse ang ating  ecology o  kapaligiran.

NENITA: Kaka may tanong ako: “Gaano kahalaga ang kagubatan sa ating kapaligiran?”

KAKA ALIH: Ang    kasagutan ko diyan  kapatid na Nenita ay ganito:

“Mahalaga ang gubat sa ating buhay dahil  ito ay pinagkukunan ng ating pagkain, gamot, tubig at mga kahoy para magamit sa ibat-ibang pangangailangan.

Ang kagubatan ay may luntiang kapaligiran na may mga ibat-ibang halaman na  siyang nagbibigay buhay at sigla sa iba pang nilalang na hayop at ng mga tao.

Ang mga naglalakihang mga puno  ang siyang nagpapalakas sa mga bukal ng tubig para magamit ng lahat ng nangangailangan nito (tao,hayop at mga halaman).

Ang buhay at malusog na kagubatan ay gumaganap bilang  pangsala ng kalikasan (buffer system)  sa alin mang kapaligiran sa buong daigdig, di lang ito naglilinis ng hangin, lupa at tubig kundi nagpapanatili sa tamang temperatura na kailangan sa malusog na buhay ng bawat nilalang.

 Ang pinsalang pangkalikasan na ito sa ationg malusog na kagubatan noon   ay panimbang din sa lahat ng  labis  na  init at polusyon.

Ang    pag init ng buong daigdig o ang tinatawag na “global warming” ay isang malinaw na halimbawa, kaya nag-iinit at mundo sa ngayon.  Na ayon sa mga siyentipiko o scientist ay dahil sa dahan-dahang pagkaubos  ng punong kahoy, at dahil dito ay kasabay ding nawawala ang natural buffer system ng mundo o ang nagsisilbing payong sa initi ng araw . 

 Kaya naman ayon sa mga siyentipiko,   kong gusto nating ibalik ang tamang timpla o condition ng mundo ay ibalik natin ang likas yaman ng ating kagubatan.

Sa kalagayan natin sa ngayon na halos kalbo na ang kabundukan ay mahirap ibalik kaagad ang mukha ng ating kagubatan, ngunit kong gagawin natin ay kayan natin.

Ayon sa mga pag-aaral ay dapat  unahin na iwasto,  ay ang kalagayan ng lupa upang magkaroon ng kalagayang  angkop sa mga itatanim na mga puno at halaman. 

Maglagay ng mga shade plants o panganlong tanim, bago  isusunod ang mga  principal seedlings o pangunahing mga punla upang sa gayon ay  madaling makakaayon sa lupaing pagtatamnan.  Isang halimbawa ng shade plant o panganlong na tanim ay ang kakawate o madre kakaw ,isang legumenous plant na may kakayahang pagandahin ang lupa sa pamamagitan ng kakayaham nitong baguhin ang nitrogeno compound sa available forms o anyong magagamit ng mga halaman.

 Magiging mataas ang survival rate o bilang ng mabubuhay kong susundin ang  ganitong pamamaraan, ayon sa mga  pag-aaral. Bukod dito ang mga shade plants ay mainam na gawing gatong o uling na mapagkakakitaan ng iba sa halip na putulin ang principal seedlings o punla na siyang inaaasahang magiging kagubatan sa darating na panahon.

Ang pagtataguyod ng kagubatan ay isang hakbang para sa   pagbibigay daan upang patuloy mabuhay ang lahi ng mga tao at iba pang hayop sa daigdig na ito.

Tanong pa rin ng isang batang nag-aaral:  “Tay, bakit nauubos ang ating kagubatan?”

Anak ganito ang pwede kong isagot sa tanong ninyo: “May mga bahagi ng ating  ang kagubatan sa ngayon ay   walang    namamahala o hindi pa napasasailalim sa anumang klaseng pamamahala  kung kaya’t kahit sino na lang ay malayang pumapasok dito at pumutol o kumuha  ng mga yaman gubat.  Ito ang bahagi ng kagubatan na tinatawag na “open access.” Mayron ding bahagi ang mga kagubatan na mayroon  ngang namamahala, subalit ang mga may hawak nito ay nagpapabaya naman sa kanilang responsiblidad o tungkulin.”

Dahil sa sitwasyong ito,  may mga taong basta na lang pumapasok sa kagubatan upang mamutol  ng kahoy, magsasagawa ng kaingin, at iba pang mapanirang (destructive)  gawain, na nagdudulot ng pagkakasira at patuloy na pagkaubos ng ating  natitirang yamang-gubat o kagubatan.

“Tay may pag-asa pa ba tayo upang isalba o iligtas ang pagkasirang ito ng ating kagubatan?” dagdag na tanong ng anak.

Of course naman  Ting!, (LAUGHING) Ang lahat ng pagkakataon ay nasa tao, oo nasa atin na mamamayan ng Upi, kailangan lamang na gawin,  hindi sa salita lamang .

Sa pamamagitan ng tamang pagpaplano at pamamahala ng ating mga kagubatan,pwede pa nating isalba ang catastrophy o ang delubyo na darating.  

Kinakailangan lamang ang ahensiyang matatag, maunawain, masigasig, at mga namamahala at nagpapatupad na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kalikasan.

Kaya naman saludo ako Nenita, sa ang ating pamahalaan, sa pangunguna ng  Department of Inviroment and Natural Resources (DENR) ay nakipagtulungan sa  ating Local Government Unit of Upi at binuo o itinatag ang FLUP?

NENITA: Ano ang  FLUP Kaka,  pwede mong ipaliwanag sa atingmga  tagapakinig sa bago sa kanilang pandinig.

KAKA ALIH: “Ang FLUP ay ang Forest Land Use Plan.  Ito ang  nagtataguyod o nagsasagawa ng   isang pamamaaraan ng pagpaplano-matapos ang isang masusing pag-aanalisa at pag-aaral sa kalagayan ng kagubatan-upang mailagay sa maayos na pamamahala ang mga ito. Ito rin ang siyang magiging basehan sa “alokasyon” o paglalagay ng tamang sistema ng pamamahala ng kagubatan ayon sa kagustuhan ng nakararami, at para rin sa nakararami.

NENITA : Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na pwedeng gamitin o kumuha ng likas yaman ang mga mamamayan?

KAKA ALIH: Hindi pa naman Nenita, pwede pa rin , subalit may mga allocation o paghati-hati sa ating kagubatan kong papaano pangangalagaan at gagamitin. 

Ang FLUP ay makakatulong sagutin ang mga katanungan tungkol sa alokasyon tulad ng:

·         Anong bahagi ang dapat ay protektado-tulad ng watershed reservation?

·         Anong parte ang maaring ipamahala  sa kumunidad? O sa pribadong sector? O sa pamahalaang lokal (tulad ng communal forest)?  O sa ibang ahensiya ng pamahalaan (tulad ng pamantasan, National Power Corp. O NAPOCOR, Philippine National Oil Corp. Oo PNOC, atbp)?

Ang tamang alokasyon, base sa FLUP, ay mangangahulugan ng paglalagay ng naangkop na pamamahala sa mga kagubatan na titunuturing na “open access” (walang namamahala).  Sa pamamagitan nito, magiging malinaw ang mga responsibilidad at pananagutan ng Department of Inviroment and Natural Resources (DENR), pamahalaang lokal, (LGU), at maging ang lokal na pamayanaN, upang tiyakin na maisakakatuparan ang tamang pamamahaang nabanggit.

NENITA: “Bakit kailangan pa ang FLUP Kaka?”

KAKA ALIH:  “Bakit kailangan pa ang FLUP” dahil ito ay  mahalaga o  iportante,   upang matukoy ang open access na kagubatan at mailagay sa tamang pamamahala ito, kasunod ng pagbibigay ng tenure sa mga interesado at responsableng tao o organisasyon  na maaring mamahala dito.

Alam ko kaibigan marami kang itatanong, maaring itanong mo, “Paano makatutulong ang FLUP sa ugnayang DENR-LGU ukol sa alokasyon at pamamahala ng kagubatan?”

Kaibigan, ang FLUP ay magsisilbing batayan tungo sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng DENR at pamahalaang lokal at iba pang sektor upang malinaw na maitupad ang mga kasunduan ayon sa alituntunin ng batas. Sa gayon, mapapadali ang pagtutulungan ng DENR at LGU na maisakatuparan ang mga mithiin sa pamamahala ng kagubatan, ganun din sa pagpapasya ng DENR sa pag-isyu ng angkop na tenure, ayon sa itinalaga ng plano. 

Ayon sa implementing guidelines, ang FLUP ay magsisilbi   ring batayan ng ibat-ibang sektor sa pagmomonitor ng pagbabago sa kagubatan. Sa pamamagitan ng tamang pagmomonitor, agarang maaksyunan ang mga problema,  na posibleng kaharapin sa pamamahala ng ating kagubatan.

Dahil dito ay ang mga mamamayan ay maraming magiging pakinabang sa oras na ang FLUP ay maisakatuparan na.

Halimbawa ay ang:
·         Pagkakaroon ng tenure. Ang mga kwalipikadong komunidad ay maaring mabigyan ng “tenure” na nagbibigay sa kanila ng pribilehiyo upang siyang mangalaga sa ilang bahagi ng lupang gubat, kasama na ang likas-kayang paggamit ng ilang likas-yamang napapaloob sa kasunduan. Ang tagal ng kasunduang ito ay umaabot ng taon-minsa’y mula sa 25 hanggang 50 taon. Ang “tenure” ay isang pribilehiyo lang; hindi ito isang titulo ng lupa.

·         Maiiwasan ang di pagkakaunawaan sa paggamit ng likas-yaman.   Dahil nga ang pamamahala ng kagubatan at paggamit ng mga yamang-gubat ay ipapasaloob sa isang malinaw na kasunduan na kung saan ang lahat ng maaapektuhan ay kukunsultahin, maiiwasan din ang away at anumang di pagkakaunawaan ng iba’t-ibang sector ng pamayanan.

·         Pagkabawas ng mga illegal na aktibidad.  Kung mayron nang isang komunidad o organisasyon ba responsable sa pangangalaga ng kagubatan, siguradong ang mga ilegal na pagpuputol, kaingin at iba pang mga aktibidad na nakakasama sa kagubatan a nababawasan na.

·         Mga pang-matagalang pakinabang.  Sa pamamagitan ng FLUP, maisasaayos ang mga pamamahala ng kagubatan at mga yamang-gubat upang ito ay patuloy  ng kabuhayan para sa kumunidad/pamayanan.  Kapag maayos ang kalidad ng kagubatan at ang mga yaman nito, patuloy itong magbibigay ng iba’t-ibang uri ng pakinabang, gaya halibawa ng patuloy na supply ng kahoy at iba pang yamgn-gubat, proteksyon sa mga kumunidad, at marami pang iba. Mababantayan din ng mga mamamayan ang paglalagay ng mga proyekto at masusunri nila kung ang mga ito ay naayon sa pangangailangan ng kagubatan at sa kagustuhan ng mga kumunidad.

NENITA: “Ano naman ang pakinabang ng mga nasa kapatagan?”

KAKA ALIH: Ang pagsasaayos ng pamamahala sa kagubatan ay magiging kapaki-pakinabang din sa mga nasa kapatagan.  Ang kagubatan at kapatagan ay kunektado sa isa’t-isa.  Anumang mangyari sa kagubatan ay makakaapekto sa kapatagan. Kaya kung maayos ang pamamahala sa kagubatan, ang kapatagan ay siguradong makikinabang, tulad ng pagkakaroon nto ng regular  na panggagalingan ng tubig para sa irigasyon, gamit sa bahay, atbp.

NENITA: May  papel ba na dapat gampanan ng pamayanan sa pagbuo   at sa pagpapatupad ng FLUP?

KAKA ALIH: Yes, ito ay multi-sectoral.  Mahalaga ang pakikilahok ng mamayan sa pagbuo at pagpapatupad  ng FLUP.  Kaya nanawagan tayo sa mamamayan ng Upi ng tulungan natin ang LGU Upi sa pagpapatupad ng FLUP sa ating bayan ito ay para na rin sa kinabukasan n g ating saling lahi o susunod na henerasyon.

Sukran… Wassallam.

NENITA: Maraming  salamat Kaka Ali,  

(PLAY EXTRO-Gabay at TalakayangPampamilya

TB Orientation sa mga Purok, sinimulan ng DOH sa Nuro

Municipal Health Officer Dr. Carmelo Esberto
pinapaliwanag papaano magagamot at maiiwasan
ang sakti na TB.

Nuro, Upi (Feb 6, 2013)...Nagsagawa ng  Tuberkolosis Orientation  nitong Martes  1:30 ng hapon   sa bakuran nina Imam Saripada Kamasa, sa Purok 9, Barangay Nuro Upi,Maguindanao.

Dinaluhan ng mahigit 30 katao   na miyembro ng pamilya at ang mga  resource person  ay sina Municipal Health Officer Dr. Carmelo Esberto, Rural Health Unit (RHU) Midwife 3 Jacquelyn Flores Gamit at dalawang mga nurse mula sa RHU.

Jacquelyn Flores Gamit habang pinapaliwanag ang
programa ng goberno papaano lalabanan ang sakit
na TB sa mga residente ng Purok 9, Barangay Nuro
Pagkatapos ng Orientation ay nagbigay ng libreng konsultasyon si Dr.Esberto.

Nitong Enero 29, ay nagsagawa  sa Upi  ng  TB Educators Training Counselling  sa mga Barangay Health Workers, (BHW) Muslim Religious Leaders (MRL) at rural health workers.

Unang sinanay ang mula sa anim na barangay ng Nuro, Borongotan, Blensong, Darugao, Mirab, at Kibleg. Agad naman  isusunod ang nalalabi sa 23 barangay ng Upi.
Ang mga dumalo na pamilya mula sa Purok 9
ang orientaqtion sa TB ay ginanap sa tahanan
nina Imaam Saripada Kamsa

Habang ang 2nd  Batch  ay ang mga Barangay ng Ganasi, Kibukay, Tinungkaan, Bugabungan, Sabaken, Kabakaba, Rempes, Nangi, at Sefegefen. Ang ikatlong batch naman ang mga barangay ng Rifao, Ranao, Renti, Bayabas, Bantek, Kinitaan, Renede, at Kiga.

Ang bawat Barangay ay  may limang partisipante, apat na BHW o Barangay health Worker at isang kagawad ng Barangay ang Committee on Health.

Ang training ay isinagawa ng Muslim Youth Religious Organization, Inc. na ginanap sa Barangay Hall ng Nuro.

Ang layunin ng training  ay upang masanay o maging bihasa ang mga BHW, MRL at health workers na labanan ang sakit na TB.

Base sa mga pag aaral, Umaabot na sa 75 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa sakit na TB o tuberculosis, kaya naman nanatili ito sa ika siyam na sa 22 bansa na binabantayan ng World Health Organization (WHO) dahil sa may pinakamataas na problema sa TB.

Pagkatapos ng TB orientation ay nagsagawa ng free
medical check up si DR. Carmelo Esberto.
Ayon  sa Department of Health o DOH, ang TB ay ang pang-anim sa mga sakit na nangungunang sanhi ng kamatayan omortality at morbidity o sakit  sa Pilipinas.

Bagamat mataas ang bilang ng namamatay sa sa sakit na TB,  nilinaw naman ng DOH na batay sa kanilang pinakahuling istatistika, bumaba ang bilang ng TB mortality dahil sa pagtutok ng goberno sa problema.

Nakamit na rin ng DOH ang 70 porsiyento ng TB Case Detection Rate at 85 porsiyento ng Treatment Success Rate sa mga bagong smear positive TB cases nitong nakalipas na anim na taon.

Sa ngayon ay  may panukalang batas na  papaano lalabanan ang sakit na TB, ito ay tinaguriang  Comprehensive Tuberculosis Elimination Act. (Noralyn Bilual at Nenita Minted) 

Lunes, Pebrero 4, 2013

PASAWAY Part 2


PASAWAY Part 2

mga labi ng paputok ng mga pasaway
(February 5, 2013-Martes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –NORALYN BILUAL)

NORALYN BILUAL: Pasaway o sinasabing “matigas ang ulo”,  o taong  mahirap pagsabihan, dahil patuloy na sumusuway sa utos, mga kapatid, sa muli ay makakasama natin in person si     Kaka Alih, ngayon  umaga ng Tuesday, Feb 5, 2013,  at ipapaliwanag sa atin ano itong pasaway….    

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NORALYN BILUAL: Magandang umaga Kaka Alih, 

KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Noralyn,   assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.
Kumare may anak ba kayong pasaway?  Di ba sakit ng ulo?

Pasaway –ano ang ibig sabihin ng  Pasaway?  o sinasabing “matigas ang ulo”. Ang pasaway ay    taong  mahirap pagsabihan,  at patuloy na sumusuway sa utos mo in  madaling-salita, “makulit” at napansin  ninyo  kadalasang mga bata at kabataan ang nasasabihan ng:   “pasaway kang bata ka!”

Pero ang   tutoo lang, hindi lang mga bata at kabataan ang pasaway, hindi ba Noralyn?

NORALYN BILUAL: Tama  ka diyan Kaka Alih, kong ayaw pakontrol ang tao, o may kakulitan matanda man o  bata, dapat tawagin  din na  pasaway, kahit na matanda na.

KAKA ALIH: Tama!  Kahit teenigulang na, tatawaghin pa rin pasaway, kong ayaw paawat. Ang  mga katulad nilang mahirap pagsabihan o talaga namang makulit ang dapat tawagin  na pasaway.

Sabagay hindi bago ang  mga batang pasaway,    of course ganoon din  sa   mga nakatatanda.  At of course, walang gaanong pinagkaiba ang nakatatanda noong panahon   sa mga nakatatanda ngayong panahon natin.   But for sure kailangang idisiplina ang bata at matandang pasaway, dahil sadyang nakakagulo yan.  

Edwards St, Nuro, heto ang image...gawa ng mga pasaway,
after new year of 2013
“At Syempre Kaka nakaka-stress ang ganyang tao…” ang sabi ni Maam. Dapat madisiplina ang ganyang tao.

NORALYN BILUAL: Agree ako  Kaka Alih, dapat talaga n  madisiplina ang  ganyan,  na tao, ang tanong ko Kaka papaano  ang  pagdisiplina sa kanila?

KAKA ALIH: At maraming paraan ng pagdisiplina Kapatid na Noralyn.  Ayon sa mga may kaalaman sa ganitong problema, may dalawang uri ng pagdidisiplina ang dapat pairalin.

Ang isa ay ang tamang pagdidisiplina.

Ito ang uri ng pagdidisiplina nang hindi pagpaparusa ang pangunahing layunin ng dumidisiplina. Sa halip, ang pakay ng pagdidisiplina ay ang maiwasto muli, at hindi maparusahan  ang pasaway sa pamaraang hindi marahas at talagang nagbibigay-leksyon sa dinidisiplina dahil pinagsisikapan nitong mabuti na maipaliwanag sa dinidisiplina ang dahilan ng pagdidisiplina. Kaya nga tinawag na tamang pagdidisiplina sa pasaway.
Ang pangalawa pa ay ang pagdidisiplina ng puro tama.

Kaya naman ito puro tama dahil una, puro tama sa palo ang dinidisiplina at, ikalawa, palaging ang dumidisiplina lang ang tama kasi ayaw tumanggap ng paliwanag ng dinidisiplina. Marahas ang pagdidisiplinang ito. Ganito ang pagdidisiplina ng mga taong sinasabing “mabigat ang kamay”. Makitid din ang pagdidisiplinang ito dahil walang puwang sa pag-uusap o dialogo. At dahil marahas at makitid nga, walang mabuting ibinubunga ang ganitong uri ng pagdidisiplina. Tunay ngang ang batang lumalaki nang walang pagdidisiplina ay sawi, pero ang batang lumalaki naman sa paraan ng ikalawang uri ng pagdidisiplina ang pagdidisiplinang puro tama  ay karaniwang nagiging marahas din at makitid ang utak pagtanda. Ang biktima ngayon nagiging mambibiktima bukas – alam po ba ninyo iyon?

May isang magulang na nabasa ko, na ang ginamit   ay ang tamang pagdidisiplina at hindi pagdidisiplinang puro tama.

Ang paniniwala niya ay dapat turuan ang mga pasaway na kabataan ng mga kapaki-pakinabang na mga gawain para malayo sila sa tukso ng masamang pamumuhay.

Naging bukambibig na niya sa mga bata na ang taong tamad   ay lapitin ng tukso. Kaya nga ang unang hakbang niya sa tamang pagdidisiplina ay ang pagsisikap na unawain at pakibagayan ang kanyang mga dinidisiplina nang hindi binabalewala ang hamon ng tuwid na pamumuhay. Tinipon niya ang mga kabataang delinkuwente mga kabataang pasaway at itinuturing ng lipunan bilang wala nang pag-asa  at tinuruan sila ng mabuting asal at gawaing kapaki-pakinabang, gaya ng mga gawaing mgas physical at teknolohikal .

At hindi naman  siya nalugi  dahil hindi nagtagal ay nakabuo siya ng grupo ng mga kabataan na disiplinado at naniniwala sa Diyos, o  maka Diyos na mga kabataan.

Kaibigan bakit hindinatin subukan, try lang, kong hindi  epektibo try  naman sa ibang paraan.. Ika nga  try  and try  until you succeed.

Ito ang  inyong Kaka Alih.. sukran wassallamu alaikum Warahamatulllahi wabarakatuh.

NORALYN BILUAL: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan,  
(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Miyerkules, Enero 30, 2013

Mga Kauaglian na Dapat Panatilihin at Kalimutan


Mga Kauaglian na Dapat Panatilihin at Kalimutan

(Enero 31, 2013 -Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Bilual)
   
"Overloading" kahit alam natin na ipinagbabawal
Host/ Noralyn:  “Mga Kauaglian na dapat Panatilihin at Kalimutan ang tatalakayin   sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya,  sa ating programang buhay-buhay… at of course makakasama natin ang nakaka… na kapatid na  Bangsamoro, si Kaka Ali.

(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Host/ Noralyn:  Magandang umaga Kaka Alih,

Kaka Alih:  Magandang umaga naman, Assallamu alaikum WW…

Ang kaugaling Pilipino ay sadyang likas na sa ating lahat, papaano kasi ito na ang nakagisnan ng lahat. Kung ating susuriin ang ating mga ikinikilos bilang mamamayang Pilipino/Bangsamoro, marahil ay masasabi mo “ah naituro na sa ating lahat ang ganitong iba’t-ibang kaugaliang Pilipino”.  . Ngunit sa makabagong panahon ngayon, at sa pagbabago ng ating kapaligiran tila nag-iiba na ang kaugaliang nakakasanayan natin.

Sa makabagong panahon ngayon, ang kaugalian ng Pilipino at Bangsamoro ay nananatiling yaman pa rin ng ating kultura at kaugalian. Karamihan sa atin ay  ipinepreserba pa rin bilang isang pamana sa mga susunod nating henerasyon. Kaya naman minarapat nating paksain muli ang mga kaugaliang ito ng mga Pilipino at Bangsamoro,  dahil dito natin malalaman kung ang kaugaliang ito ay kanais-nais pa bang panatilihin o ilibing na lamang sa limot, dahi    hindi na baga angkop sa ating kasalukuyang lipunan na ginagalawan.

Kapatid na nakikinig at nanonood,  ang layunin ng segment na ito,    na palagi nating tinatakay ang mga   kaugaliang Pilipino ay upang maimulat ang mga Pilipino at Bangsamoro sa mga maganda at hindi magandang ugali na ating namana sa ating mga ninuno.  

Pagtutulungan
Ang iba pang layunin natin dito  ay upang maipabatid sa mga Pilipino at ibat ibat tribu sa ating bayan at kalapit bayan,  kung gaano kahalaga ang isang kaugaliang nakasanayan natin na minana pa ating mga ninuno. Upang ang maimulat ang ating mga sarili sa mga maaaring kalabasan ng ating mga ginagawa sa tuwi tuwina, mga ugaling ipinapamalas natin sa mga nakakasalamuha natin sa buhay, na nakikita nila sa atin sa araw-araw, lalo na an gating mga kabataan na sadyan din a nila alam ang mga kaugalian natin.
Tanong: Ano nga ba ang kaugaliang Pilipino?  at ang katangi-tanging mga kaugalian sa ating sistema?

Buweno, kaibigan, unahin natin ang magandang pantilihin dahil nakakabuti hanggang sa ngayon:

Di paghiwa-hiwalay ng pamilya kahit may asawa na. Ang pagiging matibay ang pundasyon ng pamilya ay nagpapatunay na ang Pilipino ay likas na mapagmahal sa kanyang pamilyang kinagisnan, lalo na’t may mga anak silang nagsi-asawa na’y pumupunta pa rin sa kanila para manatiling buo ang pamilya.

Operation Linis ng LGU Upi-June 1, 2012
Ang pagkarelihiyoso o mapaniwalain sa Diyos ng mga Pilipino. Ang pagkakaroon ng takot sa Diyos (o minsan ay tinatawag na rin na may pananalig sa Diyos) ay nagpapatunay lamang na ang tao’y nananalig sa Diyos sa araw na may dinadala siyang problema, nakatatanggap ng mga biyaya, o hindi naman kaya’y gustong makatanggap ng kapatawaran sa lahat ng nagawang sala sa buhay. Kapag wala na’ng pag-asa ang isang tao ay humihingi ito ng tulong sa ating Panginoon para maresolbahan ang kanyang dinadalang ‘pasanin’ sa buhay.

Ang pagtutulungan, ng magkakabarangay. Ito ang bayanihan,  ito ay naglalarawan ng pagtutulungan ng mga Pilipino tungo sa isang magandang bukas, kagaya ng simpleng pag-aani ng mga itinanim na mga palay sa palayan, paglilipat ng mga bahay-kubo, pakikipagtulungan sa oras na kailangan ng tulong, at iba pa. Dito sa bayanihan na ito nakukuha ng mga Pilipino ang kooperasyon sa kada tao na kasapi ng kanyang komunidad.

Ang pagiging matulungin ng mga Pilipino ay isa sa mga magandang kaugalian ng ating bansa dahil ito ay nagbibigay ng kooperasyon sa pagitan ng tao sa kapwa tao, tinutulungan ang bawat isa sa panahon ng sakuna o problema. Tulad ng bago pa lamang na nangyari na sakuna sa mga kapatid silangang Mindanaw, ang mga nahagip ng bayong Pablo.

Marami nang napagdaanan ang ating bansa pagdating sa suliraning kalamidad at iba pang problema ng bansa, ngunit ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat Pilipino ang nagpapa-init ng ating mga damdamin, maaaring ihalintulad na ito sa bayanihan na ginagawa pa noong unang panahon. Kahit ano’ng laki ng problema ng bawat isa sa atin ay nagagawa pa ng ibang tao na tulungan, o gumawa ng paraan upang matulungan ang isang tao.

Pagbibigay halaga sa patay. Tuwing sumasapit ang araw ng mga patay, ang isa pang kaugaliang Pilipino ay ang pag-alala ng mga tao sa kanilang mahal sa buhay na yumao na. Ang paghahandog ng mga bulaklak, nakasinding kandila, mga pagkain, at masasayang kuwentuhan ng mga natirang mieymbro ng naiwan ang kadalasang ginagawa ng mga tao sa tuwing sasapit ang araw ng pag-alala ng kanilang yumaong mahal sa buhay.

Magbibigay tayo ng mga halimbawa na kaugalian na dapat baguhin o kalimutan na dahail hindi nakakbuti sa atin.

Ang colonial mentality. Ang mga Pilipino ay likas na nanggagaya ng kahit anumang bagay na mayroon ang mga banyaga, ngunit karamihan sa mga Pilipino mula noon hanggang ngayon ay tila ‘nahuhumaling’ sa gawang-banyaga. Hindi natin maaaring itanggi na tayo’y sinakop ng tatlong nasyonalidad: Kastila, Hapon, at Amerikano, ng ilang taon. Nakuha natin sa kanila ang iba’t-ibang bagay na mayroon sila. Ano nga ba ang ibig sabihin ng colonial mentality? Ito ay ang isang ugali ng tao na mas gusto niyang i-patronize ang produkto ng ibang bansa kaysa sa kanyang bansang sinilangan. Dito na pumapasok ang produktong stateside na binibili ng mga tao, panonood ng mga hi-tech na pelikula, pagkakaroon ng imported na gadgets, at iba pa.

Ang crab mentality. Kung ang isang tao ay palagiang umaasenso sa kanyang buhay sa sikap at tiyaga, mayroon ring mga tao na gustong sirain ang pagkatao, o hindi naman kaya’y hinihila ng naninira ang estado ng isang tao pababa. Ito ang tinatawag na crab mentality, kung saan ang isang tao’y hindi masayang makakita ng taong umaasenso sa buhay.

Padrino system. Ano nga ba ang ibig sabihin ng Padrino system na ito? Ito ay ang pagpapakilala ng isang tao sa isa pang tao na ito ‘raw’ ay matulungin o kayang tumulong sa mga problema ng isang tao.

Mapanghusga. Ang mga Pilipino sa ngayon ay kadalasang nanghuhusga ng ugali o ng pagkatao ng isang indibidual. Alam naman natin ang kasabihan sa Ingles na ‘don’t judge a book by it’s cover’ na nagpapakahulugan lamang na huwag tignan sa pisikal na anyo kundi sa loob nito; ngunit mayroon talagang mga tao na pilit pinipintasan ang bawat taong may kaunting mali sa kanila. 

Pagkalimot sa nakaraan o madaling makalimot. May  mga pangako tayong binitiwan, ngunit di natutupad. Marami sa mga pulitiko ang ganito, ngunit mayroon ring mga tao ang ganito ang ikinikilos. Ito ay isang kaugalian na hindi malaman kung sa positibo o negatibong ugali ito nabibilang, dahil pagkatapos ng naganap ay nakakalimutan nila ito.

Minsan nakagawa lamang ng kunting mali ang kaibigan nakalimutan muna na ang kaibigan na yaon ay nakagawa ng  sampung kabutihan sa iyo, di mo man naisip na marami ka pang utang sa kanya.

Matigas ang bungo/ulo o ibang taway ay Pasaway. Alam na nating lahat na may taong minsan, o kadalasan, matigas ang ulo. Hindi sinasabi na matigas ang bungo o ulo ng isang tao, kundi ang utak na ginagamit sa pag-iisip. Marami sa mga tao ang matitigas ang ulo dahil isang simpleng babala lang ay pilit nilang sisirain ang babala, gaya ng ‘huwag magtapon ng basura’ pero makikita mo’y puro basura. Hindi nila alintana ang batas natin na ecological solid waste management, tulad natin sa DXUP pangatlong beses na ito na naisuehan  tayo ng citation ticket dahil sa hindi paghihiwalay ng nabubulok na basura sa hindi nabubulok..pasaway talaga ang DXUP at iba pang offices..


Ningas cogon. Ang kaugalian ito ng Pilipino at Bangsamoro na dapat nang mawala o nmakalimutan   dahil ito walang developmental, walang pagsulong ang kaunlaran . Bakit ningas cogon? Ang cogon ay isang damo na madaling mabuhay at madaling mamatay. Ang tao ay mabilis gumawa’t mabilis mapagod. Ang ningas cogon ay isang uri ng ugaling Pilipino na sa una’y masisipag gumawa ng maraming hangarin at sa pagtagal nito’y nagsasawa na rin silang gawin.

Manana habit o Mamaya na lang, may oras pa. Ito ay nanggaling sa Kastila, na ang ibig sabihin ay prokastinasyon, o ang pagpapaliban sa pinagagawa sa kanya at mabilis na gagawin ito pagdating ng eksaktong araw upang magkaroon lamang ng isang bagay na kabilang sa pinagagawa sa kanya. Maraming tao sa gobyerno, paaralan, pamantasan, bahay, at iba pang lugar ang gumagawa ng ganito, na akala nila’y maganda ang dulot nito sa kanila.

Ilan lamang yan sa mga ugaling dapat baguhin nating mga Pilipino at Bangsamoro.…ito po ang inyong Kaka Alih.. sa muli samahan kami sa ating segment na Talakayang Pampamilya.

NORALYN:  Maraming salamat Kaka,   Kaka Alih. Bukas muling abangan ang ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya.

(PLAY EXTRO  Gabay at Talakayang Pampamilya.)
           

Pagsasanay Para Labanan ang Sakit na TB Isinagawa sa Upi


Pagsasanay Para Labanan ang Sakit na TB Isinagawa sa Upi

Upi Health nurse Susan Nogra
Enero 29, 2013 (Nuro, Upi)…Umaabot na sa 75 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa sakit na TB o tuberculosis, kaya naman nanatili ito sa ika siyam na sa 22 bansa na binabantayan ng World Health Organization (WHO) dahil sa may pinakamataas na problema sa TB.

Ayon  sa Department of Health o DOH, ang TB ay ang pang-anim sa mga sakit na nangungunang sanhi ng kamatayan omortality at morbidity o sakit  sa Pilipinas.

Ayon pa rin sa report may 129,000 katao ang dokumentado at kumpirmadong may TB sa Pilipinas
Kaya naman may mga isinasagawang programa ang goberno upang labanan ang sakit na TB.
Participants from Barangay Nuro, 
Borongotan, Blensong, Darugao   Mirab at Kibleg.

Sa bayan ng Upi   ay isinagawa nitong Martes Enero 29 ang TB Educators Training Counselling  sa mga Barangay Health Workers,(BHW) Muslim Religious Leaders (MRL) at rural health workers.

Unang sinanay ang mula sa anim na barangay ng Nuro, Borongotan, Blensong, Darugao, Mirab, at Kibleg. Agad naman  isusunod ang nalalabi sa 23 barangay ng Upi.

Habang ang 2nd  Batch  ay ang mga Barangay ng Ganasi, Kibukay, Tinungkaan, Bugabungan, Sabaken, Kabakaba, Rempes, Nangi, at Sefegefen. Ang ikatlong batch naman ang mga barangay ng Rifao, Ranao, Renti, Bayabas, Bantek, Kinitaan, Renede, at Kiga.

Workshop "How they Do It
Ang bawat Barangay ay  may limang partisipante, apat na BHW o Barangay health Worker at isang kagawad ng Barangay ang Committee on Health.

Ang training ay isinagawa ng Muslim Youth Religious Organization, Inc. na ginanap sa Barangay Hall ng Nuro.

Ang layunin ng training  ay upang masanay o maging bihasa ang mga BHW, MRL at health workers na labanan ang sakit na TB.

Participants Hon Kagawad  Bai Noraida at Jacky Gamit
Bagamat mataas ang bilang ng namamatay sa sa sakit na TB,  nilinaw naman ng DOH na batay sa kanilang pinakahuling istatistika, bumaba ang bilang ng TB mortality dahil sa pagtutok ng goberno sa problema.

Nakamit na rin ng DOH ang 70 porsiyento ng TB Case Detection Rate at 85 porsiyento ng Treatment Success Rate sa mga bagong smear positive TB cases nitong nakalipas na anim na taon.

Sa ngayon ay  may panukalang batas na  papaano lalabanan ang sakit na TB, ito ay tinaguriang  Comprehensive Tuberculosis Elimination Act. (Balita: Nenita Minted at Alih Anso)