Linggo, Pebrero 9, 2014

Ang Edukasyon ay Mahalaga sa Pag-unlad ng Bansa

Nuro Central Elementary  Scholl Pre-school activities
na ginanap sa Upi gymnasium, ang layunin ay upang
lalong mahasa ang mga bata na makihalubilo sa lipunan.
 (February 10, 2014 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talalakayang Pamapamilya”. Host –Lucy Duce)
Host/LUCY: “Ang edukasyon ay sadyang napakahalaga sa tao, kaya naman ang lahat ay nagsisikap na pag-aralin ang kanilang mga anak, para hindi lumaking mangmang at salat sa karunungan.   Samahan ninyo kami  ni Kaka Alih sa segment: 
(Play- Intro- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
Host/LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, 
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.
Host/LUCY: Matanong kita  Kaka  Alih, gaano ba kahalaga ang edukasyon  sa atin ang edukasyon?
Bago  kita sagutin ng tuluyan Kapatid, ang  tanong ano ang ibig sabihin  ng karunungan o edukasyon?
Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim, ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.
Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.
Ang  ibig sabihin ito Lucy,  ay hindi  lamang ang dapat mong  malaman ang isang bagay  kundi dapat  mo rin pag-aralan ang kahalagahan  nito, at papaano gagamitin.
Ang kong sakalaing may sapat ka ng  kaalaman dito ay kinakailangan naman ang pag-sasanay sa sarili, na gamitin  ito.
May nagtanong din sa  akin na estudyante, assignment yata niya, “Sir, Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
Ang tanging naisagot ko sa kanya ay,  “…mahalaga ang edukasyon pagkat ito ang magsisilbing gabay sa lahat,  lalo na sa mga kabataan na tulad mo. Mahalaga  ito dahil ang isang taong may talino, matutupad ang mga pangarap saan man siya magpunta.    Ito ay  isang kayaman na kailan man ay hindi mananakaw. Ito ang  kayamanan  na kapag ipinamigay mo ay hindi  nababawasan, kundi  lalo pang  nadagdagan.”
Ikaw Lucy, may  maisasagot ka   sa ganoon tanong  “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
Host/LUCY: Mahalaga ang edukasyon, kapag may  taglay ang isang tao sya ay nagkakaroon ng higit na kapakinabangan hindi sa kanyang sarili,  kundi sa pamilya at lipunan,  samantala  ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng suliranin hindi lang sa kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.
Kaka Alih: Sadyang hindi matatawaran ang kahalagahan ng edukasyon  Lucy sa ating  mga  tao.
Ang salat sa edukasyon ay tatanda siyang mangmang o kulang sa kaalaman, ang taong kulang sa kaalaman ay kukunti ang maiaaabag o maitutulong sa ating pag-unlad.
Sino  na ang  gagagawa ng mga tulay, kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa mga paaralan kong walang  nakatapos na mga guro? Sino  abng gagamot sa sakitin kong walang  mga doctor?
Kaya an g ating goberno ay may programa na tinawag na”    Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na binubuo ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD)  
4843 ang active benificiaries ng 4Ps sa Upi    at ang approved na may  biometric registration ay 3920 lamang.
Ang tentative schedule ng cash payout sa Upi March 5 at 6, nitong taon.
Ang layunin ng biometric registratioin ay para maiwasan ang mga pekeng claimants sa biyaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay nagsagawa ng malawakang rehistrasyon ng biometric sa bansa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kinukunan ng automated fingerprints ang bawat membro ng 4Ps.
Ang biometric registration ay una ng  inilunsad sa Leyte at dito  sa probinsiya ng Maguindanao ay sinimulan nitong ika-15 ng Enero 2013. At isusunod naman kaagad ang ibang probinsiya ng Lanao, Basilan, Sulu, at Tawi-tawi, na pawang sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM),  at   kasama din ang lungsod ng Marawi at Lamitan.
Ang 4P’s ay isang istratehiya ng DSWD na nagbibigay tulong sa mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagkakaloob ng conditional cash grants upang mabawasan ang kahirapang kanilang nararanasan.
Kaakibat sa patuloy na pagtanggap ng cash grant ang mga kondisyon, na ang pagpapatingin ng ina sa mga anak sa health centers, bakit kailangan ang health department sa 4Ps?
Nahalaga ang kalusugan ng bawat mamayan, lalo na ating mga anak; pagsisigurong pumamapasok ang bata sa eskwelahan at pagdalo ng mga magulang sa family development sessions.
Ang 4Ps ay sinimulan noong bago magtapos ang  taong 2010 sa rehimen ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA), inilunsad ang Conditional Cash Transfer (CCT) sa bansa. Sa panunungkulan ni Pangulong Benigno ‘Noy-Noy’ Aquino III (P-Noy) ang CCT ay kinilala bilang 4Ps at itinaas sa P39.5 bilyon mula sa P10.8 bilyong badyet para dito.  
Ang education ay napakahalga sa ating lalo sa ating mga anak. Kaya nararapat lamang na mag-aral tayo,  pag-aralin aang  ating mga anak. May sinabi ang Propeta Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin  ang karunungan mula sa duyan hanggan sa libingan).
 Ito po ang inyong Kapatid - Kaka   Alih,  Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay Kalusugan at Talakayang Pamapamilya,  Sukran and Wassallam.
Host/LUCY: Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral na  ibinahagi mo  ngayong umaga, mga kapatid sadyang ang edukasyon ay mahalaga sa tao, ang taong kulang sa edukasyon ay salat sa karunungan at yaman.

(EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Miyerkules, Enero 29, 2014

BUKO Juice ay Gamot?

coconut nursery of UAS PTIA
BUKO Juice ay  Gamot?

(January 31, 2014, Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Bantay bayan” (5:00-6:30 A.M) sa segment na “UGRI UPDATES”. Host –Lucy Duce)

Host/ Lucy:  “Kapatid na Magsasaka, May problema ka ba sa bato dahil sa pagkahilig sa mga pagkaing maaalat?  Kong mayroon, makinig sa amin ni Kaka Alih, dahil may gamut na tayo, na available sa ating bakuran, para malaman ninyo samahan kami  sa ating segment na:

(PLAY INTRO- AGRI UPDATES)

Lucy:  Good morning Kaka Alih, itudo mo na.. (LAUGHING)

KAKA ALIH:  Ang ibig sabihin ni Kasamang Lucy ay Volume na nila!! (LAUGHING)  ang kanilang mga radio.  

Bago ang lahat ang aking pagpupugay ng magandang umaga sa mga magsasaka ng Darugao at Rempes.

My greetings of peace or Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o yaong mga kapatid na Muslim.

Ang tanong kanina ni Lucy: “May problema ka ba sa bato? dahil sa pagkahilig sa mga pagkaing maaalat?”  

Ang sagot ni Pare: “Pare para yata!!”…Kong mayroon, don’t worry dahil,  may gamut na tayo, sa sakit nay an, at  available pa sa ating bakuran, provided kong ikaw ay hindi tamad. Anong gamut? Ana … beteng a  niyog!

Lucy:  Anong beteng Kaka?

Kaka Alih:   buko juice, iyan ang ibig sabihin ng  beteng a niyog, R'nawon term ito.

Pero bago natin pag-usapan ang sakit sa bato, ito ang paalaala ko sa mga kapatid, na mahilig sa maalat na pagkain, may kasabihan ang mga health conscious  “ounce of prevention, a is better a kilo of cure or medicine”.. (LAUGHING) What I mean is, lalong maigi na di magkasakit kaysa sabihing walang problema may gamut naman diyan. (LAUGHING)

Ang maalat na pagkain ay   ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng bato sa ating kidney.  Halimbawa nito ay asin, patis, bagoong, toyo at iba pang gaya nito ang kinahihiligan ng marami sa atin, tulad ko na  hindi makakain kapag walang sawsawan na patis o bagoong kapag sinigang na isda   ang ulam. Magana nga namang kumain kapag ganito ang sawsawan na may konting anghang. Di ba?

Sa ngayon, ipinapayo ng health experts ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Ang umiwas sa mga pagkaing matataba at maaalat.

Hindi biro ang pagkakaroon ng sakit sa bato. Kadalasan ayaw magpa-opera ng iba dahil natatakot at umaasa lamang sa gamot at iba pang supplements para tunawin ang bato na namuo sa kidney.

Kong sakaling mayroon na kayo heto ang isa sa inirerekomenda at napatunayan nang panlaban sa sakit sa bato regular na uminom  ng sabaw ng buko o in short buko juice.

Lucy:  Bakit Kaka Alih, may pag-aaral na bang naisagawa tungkol sa buko juice?

KAKA ALIH: Yes, of course marami na. Alam mo ba Lucy, na ipinakita sa isang pag-aaral ng Urology Department, Chinese General Hospital sa Maynila, napatunayan na ang injection o pagtuturok ng coconut water o  buko juice sa pamamagitan ng catheter sa urethra ay nakababawas sa laki ng bato, nakapagpapabilis sa pagtunaw ng bato nang hindi sumasailalim sa operasyon.

Ang proseso ay tinawag na “bukolysis” ay epektibo sa 87% ng 1,672 pasyente na sumailalim “buko therapy.” Ipinapayo ng report na ang pag-inom ng coconut water (buko juice) ng 2 hanggang 3 beses sa isang linggo upang maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stones.

Dahil  sa resulta ng pananaliksik na ito,  inirekomenda ni AGHAM Party-list Rep. Angelo B. Palmones ang coconut water o buko  juice bilang pambansang inumin ng mga Pinoy dahil sa mabuting dulot nito sa ating kausugan at wala pang maituturing na ganito sa Pilipinas gaya sa ibang mga bansa.

 Paliwanag ni Palmones, “…base sa mga pag-aaral, ang buko juice ay natural na mababa sa carbohydrates, sugar at fat-free. Nagtataglay ito ng organic compounds na nakatutulong na manatiling wasto ang temperatura sa katawan, nakapagpapataas ng metabolismo sa katawan, boost immune system, nakapaglilinis ng digestive tract, nakapagpapababa ng timbang, at nakatutulong mabawasan ang kulubot at lumalaylay ang balat.  Idinagdag pa ng mambabatas na ipinakita sa mga pananaliksik na ang buko juice ay nakapagpapataas ng good cholesterol ng 46.2%, nakapagpapababa ng liver cholesterol ng 26.3% at nakapagpapabawas ng panganib sa naninigas na arteries ng 41.1%.”

Ang ganda pa nito Kaibigan, available o sapat  ang supply nito. Dahil ayon sa ilat ang Industriya ng niyog sa Pilipinas, (kong saan ditto nanggagaling ang buko juice,  ay isa sa pangunahin at mahalagang "agri-based industries" natumutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Ang niyog ay ang siyang pangunahing agricultural crop ng higit kumulang na 69 na lalawigan sa bansa . Ito din ay isa sa panguna- hing "foreign exchange earners." Sa huling limang taon (2005-2010), ito ay nakapagtala ng mahigit kumulang isang bilyong dolyar na kita para sa bansa.

Mahigit kumkulang na 3.5 milyong magsasaka at 24 milyong mga Pilipino ang umaasa sa industrya ng Niyog.
UAS-PTIA Coconut plantation 

Heto Lucy ang another na magandang dahilan kong bakit ko ito napili na topic ngayon. Ang niyog, dahil gusto ko ding suportahan ang goberno sa hinihikayat tayong magtanim ng niyog. Kayo nakatanim na ba kayo ng niyog? Kong wala pa at nagbabalak pa lang kayong magtanim, makipag-ugnayan pos a LGU Upi o sa UAS.
May tanong naman ako ulit, Pumasok na ba sa inyong isipan na ang buko juice o coconut water ay maging isang pangunahing inumin ng mga propesyonal na manglalaro sa Estados Unidos?

Lucy:  Hindi pa Kaka Alih, bakit? Katulad ba yan ng Gatorade?

KAKA ALIH: Yes Lucy,  pwedeng ihalili sa Gatorade.  Totoo po, ang buko juice ay pinagtutuunan ng isang masusing pag-aaral sa Estados Unidos na maaaring ipalit sa Gatorade.

Mismong ang Pangulong Benigno Aquino III ang nagtataguyod upang gawing pangunahing inumin na makakapagbigay sigla o lakas sa bawa't sulok ng Pilipinas ang buko juice.

Ayon sa ating Pangulo, dalawang kompanya sa Estados Unidos ay nagbabalak na mamuhunan sa buko juice o "coconut water" para matugunan ang pandaigdigang "supply" o pangangailangan nito. Maging ang ating Pangulo ay nananabik sa magiging bunga ng programa na magdudulot ng magandang pag-unlad sa ibat-ibang panig ng pilipinas.

Ang pag-inom buko juice ay mabilis na lumalaganap sa Estados Unidos dahil ito ay masustansiyang inumin na hindi nakakasira ng kalikasan at magiging isang bagong likas na inumin ng mga manglalaro sa Estados Unidos at makakapag-bigay ng milyon dolyar na kita sa industriya ng niyog.
Kaya kapatid, pagtuunan natin ng pansin ang niyog, may gamut ka na, may pera ka pa.
Madali lang naman itanim ang niyog, kailangan lamang ang dagdag kaalaman ditto, kaya makinig ng regular sa ating segment na Agri Updates.
Ito ang inyong kapatid na Iranun na Bangsamoro, at inyong segment writer sa AGRI UPDATES. Kaka Ali, Wassallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Lucy:  Maraming salamat Kaka, sa napakagandang  kaalaman na  yan, na iyong ibinahagi, kaya  mga giliw naming tagapakinig, abangan sa Lunes  ang segment ni ni Kaka Ali na Agri Updates, dahil di pagtatanim ng gulay at puno, kundi   tiyak marami kayong mapupulot na aral at impormasyon, sa ibat ibat larangan, tulad ng pangkalusugan, na siyang dapat makamtan ng bawat mamayan.

(PLAY-EXTRO- AGRI UPDATES)



Linggo, Enero 26, 2014

Bayan Ko, Mamahalin Ko

Magtanim ng puno at maging masipag
sa pagtatanim pagkain ng ma Pinoy
 Bayan Ko, Mamahalin Ko

(January 27, 2014 -Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)

Host/Lucy:   Ang mga taga Upi, maging Teduray, Kasila o R’nawon ay nagsisikap kong papaano uunlad ang ating bayang Upi. Ang katanungan natin sa madlang nakikinig at nanonood ay:  ang bayan ba ng Upi ay maituturing ng  maunlad? Ang Kasagutan sa kabuuan ng ating segment na:

(PLAY INTRO-GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)

Host/Lucy:   Magandang umaga Kaka Alih.

Kaka Alih:  “Magandang umaga din Lucy at magandang umaga good morning sa Lahat, at Assallamu  Alaikum Warahmataullahi Wabarkatuh, sa mga kapatid na Nanampalataya sa Islam, sa mga kapatid na Muslim.  

Ang tanong ay:  “…ang bayan ba ng Upi ay maituturing ng  maunlad?”

Bago ko yan sagutin ay maganda rin itanong ang ganito: “Papaano Uunlad ang Bayan?”

Anong sagot ninyo diyan…hoy.. pare/mare koy..  itigil muna ninyo ang tsismis maaga pa.. sama-sama muna tayo.. (PLAY LAUGHING)

OK sagot!

“Dapat ang goberno hindi mangurakot” sagot ni Tapulano o  Juan Dela Cruz.

May dagdag pa akong  tanong  kong mararapatin ninyo,kasi ang dami damiko ng tanong kasi eh. (PLAY LAUGHING) “Ang  bansang Pilipinas ba ay  maituturing  na bang maunlad?”

 Ang sagot  ng karamihan na natanong ko na ay: “Hindi!” (PLAY LAUGHING)

Ang tanong ko ulit ay “Bakit?”

Bakit, bakit,  bakit……….. hanggang ngayon ay hindi pa rin  umuunlad ang Pinas? At naiwanan na tayo ng kapit bansa natin tulad Vietnam, Malaysia, na tayo pa ang naunang magsariling bansa o magka-independence. Bakit nauna pa sa sila sa larangan ng kaunlaran? Bakit kaya?  

Ikaw kaibigan maulit ang tanong,   “papaano ba uunlad ang bayan o ng bansa?”

Ang tanong ni Tapulano sino ba ang goberno Kaka? Tama ka may friend,   Sino ba talaga ang goberno?  Ang sagot ni Atty aming guro sa History.    tayong mamayan,  ang goberno? Tama ka sir. Hindi ba ang ating gobernong  ay tinatawag na demokrasiya?

Alam ba ninyo ang kahulugan ng salitang democracy?  

Ang democracy ay …. “Ang demokrasya ay ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala")..”

Aminin natin na sangkatutak na nga talaga ang problema ng ating bansang  Pilipinas. Kaya naman  ang tanong,  may pag-asa pa ba tayo?   

Ikaw may sagot ka ba s  tanong o talagang wala kang alam, kaibigan.. kong wala ....makinig…

My answer?

Ako Lucy  ang sagot ko ang sagot ko ay    Yes!!! Na yes, may pag-asa tayong umulang kong gugustuhin natin.?

Host/Lucy:   yes din ako Kaka Alih..

Kaka Alih: Very good Lucy, Alam mo naman tayo,   positive palagi, dapat kasi huwag   tayong mawalan ng pag-asa.

Dapat na tayong humulagpos o makawala sa tanikala,   sa ating mental  kolonisasyon…na  ipinama ng mga naging “colonizers” natin o mga mananakop na dayuhan at kapuwa Pilipino na rin,   na ang  pinamulat sa atin ay     sila ang magaling at tayo ay mga “Segunda Mano” lamang na mga mamamayan.

“Kaka Ali, sana maliban sa mga negatibong obserbasyon, magbigay din tayo ng mga positibo na likas sa ating mga Pilipino na maipagmamalaki natin.” Payo ng isang retiradong guro.

Ang tanong Maam papaano nga ba?, please give me an example o halimbawa.

Heto ang Halimbawa:   “… alam ninyo.. (hindi ko pa alam, tuloy mo) likas sa atin (sino? Mga Pilipino of course)  ang pagkakaroon ng close family ties”, tugon pa rin ng isang retiradong guro. “Diba sa ibang mauunlad na bansa, kadalasan pinapaubaya na lang sa mga caregivers ang pag-aalaga sa mga matatanda.”

Ito ang isa pang positibong sagot: “...unahin and edukasyon ng ating mga mamamayan” advise nagging kasama natin sa Suara Talainged na si  Ustadz Muhamad Taha Yusof (guro sa Arabic school sa Upi).

Tama si Ustadz Taha, marami sa ating mga mamamayan ang hindi alam ang mga proseso sa gobyerno, marami rin ang hindi alam ang pinag-kaiba ng Senado sa Congreso, kahit ako   hindi ko alam ang tunay na struktura ng gobyerno,  Democracy raw tayo, pero anung klase? Free Capital pero may kulang, di ba minsan  kailangan  din natin ng political science?

“…dapat highschool palang ituro na ang economics,   politics at sistemang  goberno na dapat pairalin”.   tugon ng isang educators na nainterview natin.,

Yes,  marami sa ating mga kabayan ang hindi aabot na makapasok sa Unibersidad o college.. dito sa bayan ng Upi, mapalad ka na kong makatungtong ka sa high school.

Dapat alam natin  paano pinalalakad ng mga opisyal ng goberno ang bansa at kung bakit ginagawa ang mga "bill and policy", sa totoo lang kahit ako.... natutohan ko lang ang mga term na ito ng nasa media na ako.   

Ayon sa isang nakasama natin sa seminar workshop: “ang kulang lang satin ay pagmamahal sa sariling bayan, ang tao natin laging pinagbibintangan ang goberno ng negatib, pero kelangan din natin kumilos hindi lamang ang gobyerno, sabi nga … demokrasiya tayo, kaya may kapangyarihan ang boses natin (tulad sa EDSA I and II), pero kelangan din natin alamin ang limitasyon ng kakayahan na ito, hindi lahat ay gagawin ng gobyerno,o hindi lahat gagawin ng mamamayan, alalahanin ang Pilipinas ay isang pamilya.”

“Dapat Kaka Ali,  matuto tayong  sumunod sa batas papaano kasi kahit simpleng batas lamang, tulad ng traffic rules di sinusunod ng mamayan.”ito ang minsan naidaing sa atin noon  ng isa sa dating babaeng Sanggunian Bayan ng Upi, si   Maam Neneng Castro.

Kaibigan, kailangan seryosohin na natin ang sinasabi nating pag-unlad, dapat lahat tayo ay  kikilos, kung ang gobyerno man ay walang ginagawa, at least tayo kumilos, kung mapaganda natin ang paligid o ambiance  sa Pilipinas pwedeng tumaas ang tourism natin. 

Alam nyo napansin ko kasi dito sa Pinas (Pilipinas/Philippines)… ang ibang Pilipino   lakas manglait sa kapuwa Pinoy, napansin ninyo?   

Ang problema  natin ay hindi natin tinitingnan ang mga mabuting gawain ng gobyerno, ang hinahanap lagi ng mga  reporter o media (hindi kasama ang DXUP FM)  ay yaong mga palpak na nagagawa o  basurang ginagawa ng ating mga lider, kung may ipakita naman na maganda, ang sinasabi natin ay "ngayon lang yan", o di kaya "hindi yan totoo" “ginagawa lang iyan dahil malapit ng eleksyon”.

Kaibigan, kailangan itaas rin natin ang morale ng ating mga kababayan, kailangan rin mahalin natin ang ating sariling kultura, mayroon pa rin sa ating mga mamayan na hindi nila kilala ang kanilang sariling kultura at kaugalian, kong minsan pa ikinahihiya pa nila na sila ay nabibilang sa kanilang tribu.

Madali lang Kaka, teach Pinoys how  to plant malungay para hindi na sila manghingi.. bigyan sila ng talbos ng kamote para makatanim at din a manghingi sa kapitbahay.. bigyan ng buto ng kamatis, para di nabumili sa palengke.” Dagdag ng kaibigan guro.

Kaya nga sa umagang programa natin na Agri updates,  ay palaging may mga pangkalusugan na bahagi ang mga itinatanim na gulay o prutas.

“Regaluhan ng    tandang at inahin na manok na walang bird flu para  paramihin at sigoradohing  hindi gawing pulutan or pang ulam ang inahin para dumami pa”. biro ni Maestro, nakaugalian kong tawag sa kaibigang guro.

“… use condom or magpa vasectomy.. para hindi masyadong maraming palamunin.” Paliwanag ng health worker, na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Ayon naman sa isang manunulat sa  blog: (baka si Kaka Ali na yan) “Disiplina ang kailangan”  Ang tanong papaano mo ipapatupad ang disiplina?

Para kay Marvin: “Magiging maunalad ang pamayanan pag ang mga tao ay relihiyoso” nagbabayad sila ng kaukulang buwis, may proyekto silang pangkaunlaran na pinapatupad sa kanilang mga barangay”

Ano pa kaibigan?  "…manalangin tayo palagi sa Allah, sa Diyos at hilingin natin na palaging ituro sa ating ang tamang gagawin at tamang pagmamahal at bigyan ng gabay sa araw-araw  para sa   ating mga mahal sa buhay…  “

Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi natin..   sa ating segment na  GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA) …. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP F .. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Host/Lucy:   MARAMING SALAMAT Kaka Alih, sa magandang ibinahagi mo ngayong umaga, Kaibigan, Kapatid magsama-sama tayo, magtulong-tulong tayong maipatupad ang mga batas na umiiral sa ating bayan, para sa ating kaunlaran.

EXTRO: GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA

Linggo, Nobyembre 24, 2013

UPO-part 2

(September 25  2013-Lunes - Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce.       
         
(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

Upo, which in Iranun is "labu"
LUCY:   Magandang umaga Kaka Alih, kumusta na  ang iyong umaga at ano ang ibabahagi mo ngayong umaga?  

ALIH:   Hahahaha.. Lucy, ano pa nga ba..   eh di gulay pa rin  tayo, este its fine, nag-gugulay na rin ako (PLAY LAUGHING) but kaibigan please huwag mata-matain ang gulay, ano mang ay pampapalakas dahil ay maraming sustansiya!!!

LUCY:   at huwag kalimutan ang payo ni Doc Willie na kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw kong gusto mong humaba ang iyong buhay.

ALIH:  Tama!  But before anything  else Lucy eh, allow me to greet everybody,     with sweet “Good morning, ladies and gentlemen” in Filipino ay… magandang umaga mga kababayan ko… Sa mga kapatid na Muslim,  my greetings ng: asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.

Buweno tulad ng nasabi natin, pampalakas at pampalusog na gulay ang ibabahagi ko ngayong umaga, …tantaraan!!!!  ang Upo.

Ang  scientific name ng upo ay Lagenaria siceraria at sa  Ingles called is as  calabash or other called it white squash (putting kalabasa). Ang tawag dito ng Iranun at Teduray ay labu…

Ang Upo  ay isang uri ng halamang baging o gumagapang na may mga mahahaba at mapuputing bunga na kahugis ng batuta. Ang kinakain o ginugulay ay ang bata pang bunga.

LUCY:   Masarap lutuin yan lalo kong  ihahalo sa native na manok.
 
KAKA ALIH:  Lucy wag mo naman akong paglawayin, maaga pa, saka na lang nating pag-usapan ang paano lutuin ito, paglabas ko, pwqede mo ng ikuwento ang pagluluto,…LAUGHING)

Ang gulay na ito ay mayaman sa carbohydrates. Ang buto nito ay maaaring mapagkunan ng langis na panggamit sa buhok.

Napakadaling patubuin ang Upo, may dalawang uri, ito ay  ang Indian club Shape at Round form.

Sa pagpili ng lupang pagtataniman, ang upo ay nangangailangan ng lupang mabuhaghag at mayaman sa organiko.  Iwasang magtanim sa mga lugar na may mataas na acidity, alkalinity o salinity. Malaki ang epekto ng hindi magandang lupa sa produksyon ng babaeng bulaklak ng tanim.

Maaaring itanim ang upo sa anumang uri ng klima. Gayunpaman, ang malakas na pag-ulan ay hindi makabubuti sa tanim. Ang temperaturang kailangan ng upo ay 300 hanggang 350C. Kapag ang temperatura ay masyadong mataas, mas maraming bulaklak na lalaki ang mabubuo na nagdudulot ng mababang ani at kita. Para sa mas masaganang ani, magtanim sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre o mula Mayo hanggang Hulyo.

Linisin, araruhin at suyurin nang dalawang beses ang lupang tatamnan. Gumawa ng tudling na may layong 3 metro at butas ng mga tudling na may layong 1 metro.

Ang upo ay maaaring itanim nang direktang buto (direct seeded) o punla (transplanted). Ang distansya ng pagtatanim ay 3 metro x 10 metro. Sa panahon ng tag-ulan, itanim ito sa bandang ibabaw ng tudling at sa bandang ibaba naman ng tudling sa panahon ng tag-araw. Maglagay ng dalawang buto sa bawat butas. Bunutin ang mga payat na punla 7 araw pagkatapos umusbong. Magtira lamang ng isang tanim sa bawat butas.

Magdamo 14 na araw pagkatapos magtanim at magsablay o araruhin palabas ng puno isang buwan pagkatanim kapag hindi naalip-ipan.

Maglagay ng abono o dumi ng hayop upang mapakinabangan ng mga pananim ang mga sustansiya mula sa dumi ng hayop. Makakatulong ang pagpapatubig dito.

Maaari nang anihin ang bunga 50 hanggang 60 araw pagkatanim. Mainam na gumamit ng kutsilyo sa pamimitas ng bunga upang mahiwa ang tangkay 5 sentimetro mula sa dulo ng bunga.

Sa pagluluto ng Upo ay abangan  sa buhay-buhay  doon tayo magluluto.

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahagi na tiyak naming na pakikinabangan nating lahat.


(PLAY EXTRO)

Larawan ng Magandang Ehemplong Pamilya


(November 25, 2012, Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –LUCY DUCE)

Larawan ng masayang pamilya 
LUCY:  Gabay KALUSUGAN  at Talakayang Pampamilya, ang tatalakayin ni Kaka Alih, ay larawan ng magandang ehemplong pamilya na mainam na tularan, kapatid maya apamilya ka na ba?

 (PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

LUCY:  Magandang umaga Kaka Alih,

Kaka Alih:  Magandang umaga namanLucy, Assallamu alaikum WW…

Sisimulan ko ang presentasyon na ito sa tanong na, kaibigan  ano ang kahulugan ng pamilya para sa iyo? 
Bakit ko ito naitanong sa inyo? Kasi po may ilang taong naniniwalang ang isang pamilya’y tulad ng isang magandang kahong puno ng mga bagay na gusto nila. Andiyan daw ang mga laman na  tulad ng pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon ng kasama (companionship) at iba pang magagandang bagay. Ito katulad sa isang kahong mabubuksan  na pwedeng buksan kailang mo gusto.

 Ang iba naman ay  naihahantulad  sa isang walang lamang kahon ang pamilya.  Nagiging maganda at makabuluhan lamang ito  depende  sa kung ano ang ilalagay mo.  Kong gusto mong may laman dapat  sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuha kang anuman mula rito.  

 Halimbawa kung nais mo ay  pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim o magpunla  muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa ating mga anak.  

 Sabagay aminin natin na pwede kang makakita  ng  maraming matatag na pamilya, sa lugar natin na Upi o sa buong mundo man.  Maaaring mayaman o mahirap sila.  Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, ng kanilang pamilya, andiyan ang pamilya ay may isang ina, ama, at mga anak, o kaya ay isang ina na may isa o higit pang anak, o dili kaya naman ay mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo. Minsan ay mayroon ding  mag-asawang walang anak. 

 Alam mo Lucy, di lang natin minsang sinabi sa ating mga program na ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng maunald na bansa.     

Ngang kapatid, kung gusto mong lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak mo, mahalagang magkaroon ka ng matatatag na pamilya.

LUCY:  Kaka Alih, matanong ko   kayo,  mayroon bang katangian na kailangan para pagbuo ng matatag na pamilya?
Nagmamahalan na magkakamag-anak

 KAKA ALIH: Of course mayron Lucy,  ika nga tulad ng halimbawa natin, para mapuno ang “kahon”, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya:   una dapat may pananagutan (commitment ) si nanay at si tatay; dapat  nagpapakita ng pagpapahalaga sa bawaty isa; may magandan silang komunikasyon, hindi nagbabangayan, dapat may dialogue;  maglaan din sapat na   panahong nagkakasama-sama kayo ng inyong pamily, ito ang tinatawag na family bonding; nararapat lamang sumusunod kayo sa inyong  mga paniniwalang ispiritwal o relihiyong kinaaniban at at bigyan  pagpapahalaga ang bawat isa;

Makatutulong din tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa,  sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang pangkat, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. 

Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya.  Halimbawa ay   sa papaano maging tapat sa inyong pamilya.  Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling nila. Tuparin din ang mga pangako sa  miyembro ng pamilya. Halimbawa kong umaalis kayo ay para makaalis kailangan mangako sa anak na bibilhan ng ganito, dapat matupad.

Sa usaping  sekswal, dapat maging tapat din tayo sa kapareha. Kong din a kaya dapat aminin.. (LAUGHING)  Dapat kayo ay   maaasahan, tumawag sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi. Yes call or text  at magsabing I love u kung naglakbay ka sa malayo. O di ba sweet? ..(LAUGHING).   Itong akin ay thru experienced,  pwede ninyong gawin o subukan itong ginawa ko na, halimbawa ay  gumawa  ng mga alaalang pampamilya,  like magtago ng family album na may mga retrato at magkuwento kayo what is behind this picture,   o di kaya koy may facebbok account kayo ay pwede mong ipost sa facebook.

Just in case, kong minsan di maiiwasan naman , o may problema family problem. Kapag may problema, tumawag kahit sa sinong membro ng pamilya na alam mo na may responsibilidad, sa isang kamag-anak, kaibigan   para matulungan kayong harapin ito.

Huwag kalimutan bigyan ng halaga ang bawat membro ng pamilya. Palpak man o achievement be positive ka ditto. Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ’y mahal ninyo. Magsabi ng anumang positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw. Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, lalo na kay nanay . ..(LAUGHING)   Hanapin ang mabuti sa bawat miyembro ng pamilya at sabihin ito sa kanila, para ma-motivate o maipagtuloy o gayahin ng iba ang magandang ginagawa.

Heto pa ang magandang ehemplo, kayo tatay, kuya,  tulungan si nanay sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba, paghuhugas ng pinggan, atbp.

Ang isang epektibo na paraan para mahubog ang anak,  isama sa trabaho ang inyong mga anak para makita nila kung ano ang ginagawa ninyo.

Magtrabaho bilang isang pamilya sa isang proyektong pang-eskwela o pangkomunidad, gaya ng pamumulot ng basura.

Kahit isang beses isang araw, kumaing magkakasalo bilang isang pamilya.

Dumalo sa miting ng mga magulang, sa isang pangyayaring pang-isport o pang-eskuwela, at sa mga seremonyang kumikilala ng tagumpay ng isang miyembro ng pamilya.

 At pinaka finally huwag kalimutan imulat ang inyong mga anak sa paniniwala sa Diyos, anoman relihiyong kayong naniniwala, dapat mong ipakita na magulang ang tamang paniniwala. Kong Islam  ang relihiyon mo dapat nagsasalah ang bawat membro ng pamilya, kong Kristiyano naman nagsisimba kayo sa mga araw na itinakda ng inyong simbahan.

Ito po ang inyong Kaka Alih.. Sukran.. Wassallam.

LUCY:  Maraming salamat Kaka, sa napakagandang  kaalaman na  yan, na iyong ibinahagi, sa kaya  mga giliw naming tagapakinig, abangan  bukas , ang iba pang segment na ibabahagi ni Kaka Ali sa Gabay kalusugan  at Talakayang Pampamilya, dahil tiyak marami pa kayong mapupulot na aral at impormasyon.

(PLAY-EXTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)



Miyerkules, Nobyembre 20, 2013

Bakit Ang Mga Magulang ay Ayaw ng Maagang Pag-asawa ng Kanilang Anak?-2

(September 21, 2013 Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –LUCY DUCE)
KALILANG PAMILYA GUYO AT CAMIR

Host/LUCY:   “Kadalasan sa   mga magulang, ay ayaw nilang magasawa ng bata pa  na ang kanilang mga anak.    Bakit nga ba ang mga magulang   ayaw na mag-asawa  ng maaga ang kanilang anak?  Ikaw Kapatid may sagot ka diyan? Si    Kaka Ali sigorado kong may sagot diyan, kaya samahan ninyo kami sa ating segment Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya, susunod na:

 (INTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)

Host/LUCY:   Good morning Kaka. Bilang magulang matanong kita, Pabor ka ba  sa maagang pag-aasawa?

Kaka Ali:  “Ako? Pabor sa maagang pag-aasawa? Kong ako ang ikakasal,  yes na yes…  .(LAUGHING).. pero kong ang anak ko, NO!  .(LAUGHING)..

Host/LUCY:   Ano? Kaka pabor ka? Pero anak mo ayaw mo…ang labo yata mo yata Kaka Alih? .(LAUGHING)..

Kaka Alih: Take easy Lucy, Mamaya sasagutin kita   kong bakit,  but again sa muli, my greeting of peace sa lahat.

Alam mo Lucy, generally speaking, ang mga magulang na tulad mo, tulad ko, hanggat maari,  ayaw natin ang ating   mga anak ay mag-asawa ng maaga.

Host/LUCY:   Bakit nga ba Kaka, paki-explain!   

Kaka Ali: Ok I will explain… “Wala  na akong mauutusan” …(LAUGHING)  heto ang sagot ng isang magulang na hindi pinapag-aral ang anak.

Pero heto ang sagot ng  isang Nanay na nainterview ko: “Payag akong makapag-asawa ang mga anak ko, provide    makatapos na sila sa pag-aaral”.

Host/LUCY:   Tama! Aral mo bago makapagpamilya.. Dahil bilang mga magulang alam nila ang hirap at sakripisyo ng pagpapamilya at pagkakaroon ng mga anak.

KAKA ALIH:  Alam nila o sadyang naranasan nila   ang bunga ng maagang pag-aasawa.  Ikaw kaibigan pabor ka ba  sa maagang pag-aasawa  ng inyong mga anak?

Balikan ko lang ang tanong ni Lucy, ang tanong  ay kong pabor ba daw akong mag-asawa ng maaga. Ang sagot ko ay pabor ako…. kong ako ang ikakasal. .(LAUGHING)..Ang problema, pwede pa ba akong bumalik sa pagkabata?

Ang sarap yata  noon .(LAUGHING)..bakit ayaw mo ba ng masarap? Halos lahat gusto ng masarap pero ako ay naniniwala na walang gusto ng hirap, alam ko din na ang gusto natin ay pawang ligaya at sarap. .(LAUGHING)..

Alam mo Lucy,, ang ating mga kabataan sa ngayon ay iilan lamang  ang  nakakaalam sa tunay na  layunin kong bakit tayo  nag-aasawa.

Mga anak makinig kayo, ang sabi ni Father: “…ang pag-aasawa ay sagrado, hindi bahay-bahayan.”

Karamihan sa mga murang edad tulad ko noon, (limampung taon na ang nakakaaraan,)  .(LAUGHING).. ay sex lamang ang unang hangad kong bakit nag-asawa , hindi ang pagpapamilya. .(LAUGHING)..

No joke Lucy, karamihan sa mga kabataan ay mahina ang “resistansya” sa paglaban sa udyok ng tawag ng kalikasan o yaong tinatawag nilang “sex”. Ang iniisip nila ay ang dulot na sandaling ligaya, Hindi pa halos  malirip sa murang isipan  ang maaring idudulot ng maagang pag-aasawa o bata pa ay nag-kakapamilya na.

Host/LUCY:   Bakit Kaka Ali ano ba ang negatibong epekto ng maaga o bata pa ay nagka-asawa na?

Kaka Alih:  Negatibo? Akala ko ang gusto mong malaman ay ang positive effect. .(LAUGHING)..

Noon kasi may mga magulang na maaga nilang pag-aasawahin ang anak, para daw may apo na sila .(LAUGHING)..sabi nila: “Anak mag-asawa kana..bago man ako bawian ng buhay, makita ko man lang ang aking apo  , kaya anak mag-asawa ka na anak.” .(LAUGHING)..

Buweno heto  ang research ni Kaka Ali,  sa bunga o epekto  ng maaagang pag-aasawa o bata pa ay nagkakapamilya  na.

Una, pag bata pa ang babae ay nag-asawa na at natural magbubuntis at pag nagbuntis, siyempre manganganak, dahil ditto maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya, at maari niya itong ikamatay, o di man ikamatay ay manghihina na ang kanyang katawan, na sanhi na madali siyang kapitan ng sakit.

Pangalawa na nalaman ko, pag bata pa pareho ang mag-asawa, madalas ang kanilang pag-aaway at pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa, akala kasi ni babae at ni lalaki  ay bahay-bahayan lang. 

Ting /Adi !!may kasabihan tayo na ang pag-aasawa ay hindi kanin na isusubo na pag ikaw ay napaso ay pwede mong iluwa. .(LAUGHING)..

Heto pa ang negatibong epekto ng maagang pag-aasawa. Magiging kawawa ang mga magulang, ng mga anak na maagang nag-aasawa,  dahil natural na sa kanila pa rin pipisan o makikitira ang mag-asawa dahil kapuwa, walang pang hanap-buhay.
Kaya naman Ting, Bai, Awi, Adi, Inday, Dong, maawa ka kay nanay at tatay, magtapos ka muna ng pag-aaral bago mag-asawa.

Kung mag-kakaanak agad, (Ay ano?.. di lang masisira ang figure oy) Hirap ang daranasin.mo Day!  Ikaw na ang mag-lalaba, ikaw na ang magluluto, ikaw na ang maghahanap ng inyong kabuhayan, lahat-lahat kayo na dahil isang pamilya na kayo at  hindi lang kayo  ang mahihirapan kundi pati mga anak ninyo, wala silang kakainin. Papaano sila mag-aaral?. Hindi maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay.

Sabagay Lucy, sa kabilang banda, may maganda rin namang bunga ang maagang pag-aasawa,  dahil parang makakasabayan lang nila ang paglaki ng kanilang anak, para ka na rin may kapatid, na bunso .(LAUGHING)..

Bweno hanggang dito na lamang ang  talakayan at mag-aasawa na ako .. .(LAUGHING)..ano ba ito, nagkamali-mali na tayo.. mga kapatid bago natin wakasan ang segment na ito ay   mag-iiwan muna ako ng mensahe sa mga magulang na tulad ko:

“Mga kapatid na magulang huwag pabayaan ang inyong mga anak, ilayo sila sa tukso, sa tawag ng laman, gabayan sila ng tamang landas, ituro sa kanila ang tamang sex education, iparamdam sa kanila ang tunay na pagmamahal ng magulang. Bigyan ng inyong panahon ang inyong mga anak, hindi yaong pawang trabaho lamang.”

Sukran o maraming salamat, kapatid sa konting oras na ibinahagi mo sa pakikinig sa ating programang buhay-buhay,  wasallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

Host/LUCY:   Maraming  salamat Kaka , sa very informative at nakakaaliw na presentation, Kapatid abangan ang susunod na segment, n gating responsible parenthood. 

(PLAY-EXTRO)