Huwebes, Mayo 21, 2015

PAPAANO MAIIWASAN ANG MAPAGNAKAWAN NG MOTORSIKLO?

MAY 22, 2015-TERMINAL UPDATES
one of the parking lot in medium mall in Jakarta, Indonesia, 

Ang motorcycle o motorsiklo ay isa sa mga kayaman natin  na gustong- gustong tangayin ng mga magnanakaw. Bakit?  dahil mahal ito, yes mga motor na mahigit isang daang libo, dalawang daang libo at higit sa lahat   madaling itakas. Pwede itulak na lamang din at di na kailangan paandarin, free wheeling lang ika ay pwede na.

At alam ba ninyo na kaya ring isagawa ng mga “professional na kawatan ng motorcycle”  nang maikli pa sa isang minuto ang pagnanakaw nila sa motorsiklo?

Sa Bayan ng Upi, marami na tayong nairekord na napagnakawan ng motorsiklo, na nasa bakuran pa nila, nasa loob ng bahay, nasa parking lot, andiyan pa ang inaabangan sa daan.
one of the parking lot in medium mall in Jakarta, Indonesia

Magbibigay tayo ngayong ng ilang tips o paraan para maiwasang matangayan ng motorsiklo:

1. SA PAGPARKING. Papaano? Magparada lang sa official o designated  at secure parking.  Sa mga siyudad tulad sa Cotabato City, laging magparada sa mga parking lot na may professional monitoring at may mataas na seguridad.

Pumili ng mga parking lot na laging may nagbabantay at laging i-check ang vehicle registration kapag iniiwan ang parking place, dalhin ang inyong registration ng motor huwag iwanan sa tool box. Lalong maigi na doon magparking sa kong saan nakatutuk ang  surveillance cameras o CCTV at kaibiganin din ang mga security officer na nagbabantay sa paligid ng parking lot.

Magkaroon ng mabuting relasyon sa mga kaibigan at sa lugar ng pagpaparadahan. Para mas ligtas, kung ipaparada sa campus, offices, bahay, mini markets, shops, etc.makipagkaibigan sa mga nakapaligid dito. Kung mayroong tagabantay, maaring bigyan siya ng pera para maging pamilyar sa pinagpaparadahang motor.
one of the parking lot in medium mall in Jakarta, Indonesia


2. EXTRA PADLOCK. Ako kong nasa ibang lugar, tulad sa Bandar a Kutawato o Cotabato City, naglalagay ako   ng   safety lock sa aking  motorcycle. Yes, maglagay ng ekstrang  kandado  at ilagay sa  wheel lock, handlebar secrets, alarms, padlocks, disc lock discs, at iba pa. Kung magpa-park sa tabi ng poste o puno ikandado ng kadena.

3. BANTAYAN   ang sariling motorsiklo. Kong wala ka rin lang bibilhin sa loob ng mall, magpaiwan na lang sa parking lot, hayaan si Mrs na mamili. Kong magmimirinda o kakain sa restauranti-parking ang inyong motor sa   sa lugar na madaling makita dahil mabilis na isinasagawa ng mga magnanakaw ang krimen.

4.  ILAYO SA TUKSO ANG MGA MAGNANAKAW. Ano yun Kaka Alih? Tukso layuan mo ako? Yes… huwag bigyan ng motibo ang ga magnanakaw. Alam ba ninyo na madaling maengganyo  ang mga magnanakaw sa mga motosiklo na magaganda, bago at mamahalin.  Tulad din sa Babae yan, gusto gusto ng mga lalaki ang mga magaganda. 

Kong nakaparking ang motor, sa inyong tahanan, o opisina lalong maigi lagyan ng takip o takpan para di nakikita ng mga magnanakaw, para di sila matukso.

Pangalawa ligtas pa sa init ng araw at ulan ang maganda at bago ninyong motorsiklo.

At para naman sa ating  updates sa income n gating terminal:May 21-P4,955.00, May 20-4,690.00 at May 19-P4,080, so therefore malayo pa tayo sa dapat na makolekta, dahil ang ating pagtataya ay dapat P10,000.00 araw araw ang makokolekta. 
one of the parking lot in medium mall in Jakarta, Indonesia,

Para sa sasakay ng multicab patungong Awang: 6 ang multicab na dito  na natulg sa terminal at isa ngayon ang striker na umiikot para makaalis na.

Para sa Bantay Bayan, Patrol 1, Kaka Alih direktang naguulat mula ditto sa national highway, kong saan matatagpuan ang isa sa walong “emergency terminal” ng skylab at payong-payong.

Martes, Mayo 19, 2015

MGA PAYO NI KAKA ALIH SA MGA KAPATID NA DRIVER NG MOTORSIKLO NA ANG ASAWA AY BUNTIS NA, or PAPAANO DAPAT GAGAWIN O PAGPA ANGKAS SA ASAWANG BUNTIS

MGA PAYO NI KAKA ALIH SA MGA KAPATID NA DRIVER NG MOTORSIKLO NA ANG ASAWA AY BUNTIS NA, or PAPAANO   DAPAT GAGAWIN O PAGPA ANGKAS SA ASAWANG BUNTIS


Papaano ba magpaangkas sa buntis na asawa?  O kaya ay….babaing buntis, maaring kaibigan, kakilala o higit pa roon.

Honestly dapat sana ay  , hindi isinasakay sa single motor ang isang  babaing  buntis,  lalo ang inyong magandang misis.

Motorsiklong nakunan ng picture sa may Crossing Simuay
noong ginaganap UBJP General Assembly
But , dahil  misis mo naman ito, at pareho pa kayong sa labas ng tahanan naghahanapbuhay,   hindi maiiwasan na sabay kayong magbiyahe.  Natural lamang , isasakay mo  siya, sa inyong motor, lalo na sa lugar natin na ang tanging transportation ay motorsiklo .

Andiyan na  yan,  wala ka namang alternatibo, kundi isasakay mo ang maganda mong  misis na Buntis,

Unang advise ni Kaka Alih, ay - Dapat lamang na bagalan lang ang takbo ng inyong motor mga 20 - 45 KPH, especially ditto na kayo sa Barangay Nuro, dahil may batas tayo na 20 KPH ang speed limit.

Ting!  Adi! Maging maingat  sa pagmamaneho,  tingnan ang dinaraanan lalo na ang mga lubak at kong nasa Poblacion o City ay huwag gigitgit sa ibang behikulo.

Paupuin ng normal at huwag pabukakang pasakayin ang buntis na katulad mong nakaupo . Ako ang ginagawa ko sa buntis kahit hindi ko asawa, side view kong maupo…at of course pinsusuot ko ng   helmet, noon si |Mrs..

Pasuotin din siya ng maluluwag  na protective gear o damit, upang hindi magkaroon ng pressure sa dinadala niyang sanggol.

Huwag basta-basta pumihit ng pabigla sa kanan o kaliwa upang ‘di dumausdos ang sakay na buntis at hindi ito mahulog.

KAPATID SUNDIN mo an gating mga  payong pangkaligtasan  upang ligtas ang  buhay   ng iyong minamahal na asawa, . 

Sa situation naman ng ating terminal:

Naka-ready ng sasakyan dahil dito na natulog ay 6 na multicab.

Sa collection kahapon May 19 ay 4,085.00.

Bakit bumaba ? at di naabot ang dapat na makolekta na sampung libo, karamihan sa mga skylab at payong payong ay HINDI  nagbabayad ng terminal fee…

HINDI NAIPAPATUPAD ANG BATAS NA DAPAT AY MAGBAYAD NG TERMINAL FEE ANG MOTORSIKLO  NA KINSI PESOS BAWAT ARAW NA BIYAHE.


Lunes, Mayo 18, 2015

KALAHATI LAMANG ANG NAKOKOLEKTA, SA DAPAT NA COLLECT NA TERMINAL FEE NG UPI

KALAHATI LAMANG ANG NAKOKOLEKTA,  SA DAPAT NA COLLECT  NA TERMINAL FEE NG UPI
VEHICLES
# UNITS
AMOUNT
TICKET
ESTIMATED TOTAL
COLLECTED
ACTUAL COLLECTION
Cargo Trucks
50
50.00
2,500.00

PUJ
30
30.00
900.00

Payong2
162 Registered
15.00
2,430.00

SkyLab
265
15.00
3,975.00

Sikad-sikad
151
4.00
604.00

TOTAL
658 Vehicles

P 10,409.00

Nitong nakaraang  Martes  ay ating nilibot   ang  walong mga emergency terminal, mga pansamatalang terminal na nasa ibat-ibat lugar sa Nuro,  ng mg a sky lab at ng payong-payong. Ay napaga-alaman natin na may mahigit na anim na raan ang  estimated na bilang na sasakyang pampasahero, at karamihan ditto ay hindi nakakakapagbayad ng terminal fee.  

Sa cargo trucks ay may 50 NA SASAKYAN NA ANG TERMINAL FEE AY 50.00,  KAYA ANG MAKOKOLEKTA SA KANILA AY 2, 500. 

ANG  MGA PUJ NAMAN , kabilang na dito ang MGA  Van, MULTI CAB,   ay may tantiya na bilang na 30 SASAKYAN,  ANG TERMINAL FEE NITO AY 30.00  KAYA MAY MAKOKOLEKTA TAYO NA 900 PESOS.

Sa payong-payong naman ay MAY BILANG NA 162, BASE ITO SA  ang rehistrado SA LGU at ANG  terminal fee NITO ay kinse pesos, KAYA MAY MAKOKOLEKTA TAYO DITO NA P2,430.00

Sa Sky lab NAMAN AT DITO ANG PROBLEMA, DAHIL KARAMIHAN AY DI NAGBABAYAD NG TERMINAL FEE, MALIBAN LAMANG ANG BIYAHENG AWANG DAHIL DUMADAAN ITO SA CHECKER NG LGU UPI,   MAY  bilang na 265 NA MOTORSIKLO   at  ANG terminal fee ay tig kinse pesos LAMANG, KAYA MAY MAKOKOLEKTA SANA TAYO DITO NA P3,975.00.

At sa sikad sikad O DI PADYAK NA BISIKLITA  naman ay may bilang na 151,  na may araw-araw na binabayaran bilang terminal fee na APAT NA PESOS..

KONG MAKOKOLEKTAHAN ANG LAHAT NG DAPAT NA MAGBAYAD NG TERMINAL FEE MAYROON TAYONG AVERAGE NA COLLECTION SA ARAW-ARAW NA   P10,  409.00.

Sa ngayon ang regular na nakokolekta  ay tatlo hanggang ANIM  na libo lamang ang nakokolekta NA TERMINAL FEE O AVERAGE LANG TAYO NG APAT NA LIBONG PISO,  ARAW-ARAW….

ALAM BA NINYO,  ANO ANG  RASON NILA (NG MGA DRIVER)  NA DI NAGBABAYAD NG TERMINAL FEE?

Ang rason ng karamihan lalo na  ng MGA  skylab na nasa walong emergency terminal ay: “dahil walang nangongolekta ”’..

AYON SA RELIABLE SOURCE NATIN, dati rati ay may mobile   collector o nag-iikot na collector, subalit ng mula ng magawa na ang intergrated terminal, ay wala ng mobile collector, dahil inaasahan na ang lahat ay doon na magbabayad sa integrated terminal, subalit hindi nangyari ang inaasahan.

Kaya ang suggestion ng bayan, ibalik muna  ang mobile collector para sa mga skylab at payong-payong,   habang hindi pa regular na integrated ang Upi Integrated terminal


 ----------------------------------------------------

KALAHATI LAMANG ANG NAKOKOLEKTA,  SA DAPAT NA MA-COLLECT  NA TERMINAL FEE …. DAHIL DAW SA  MGA SKY LAB, DI   NAKAKABAYAD NG TERMINAL FEE,  DAHIL WALA DAW  NANGONGOLEKTA    SA KANILA?

  Ang  suggestion  , ibalik muna ang mobile collector para sa mga skylab at payong-payong  habang hindi pa    integrated ang ATING  Upi Integrated terminal.

Huwebes, Mayo 14, 2015

MGA PAYO NI KAKA ALIH SA MGA KAPUWA DRIVER NG MOTORSIKLO NA MGA GREAT LOVER DAW

MGA PAYO NI KAKA ALIH SA MGA KAPUWA DRIVER NG MOTORSIKLO NA MGA GREAT LOVER DAW
DXUP Teleradyo Terminal Reporter
Patrol 1, alih Anso, habang ginagampanan
ang kanyang tungkulin
1)  MAKUSINSIYA-unang payo natin sa kapuwa Driver na mga Great Lover daw. Yes makunsiyasiya naman tayo, sa mga nabubulahaw natin, dahil sa ang tambutso natin ay OPEN PIPE. Ang sinasabing open pipe ay yaong tambudso ng motor na walang silencer, kaya maingay masyado ito, habang pinahaharurut ang motorsiklo.
Kaugnay ng open pipe may kasama tayo ngayon at sasabihin atin ang experience sa open pipe.
INTERVIWEE: “…Nakakagulat, nakakaistorbo lalo na kong ikaw ay namamahinga, kahit tulog ka, magigising ka dahil sa ingay n adult nito, lalo na kong ang bahay mo ay malapit sa highway…”

Ang request niya sa nag-mamay-ari ng motor na open pipe, makunsiyasiya naman kayo.
Ang akin naman na payo, ingat po kayo dahil labag po to sa batas. 
Open pipe?   
Bakit madaming riders o drivers  ang gumagamit  nito?
Sabi ng iba, para malalaman nila na sila Kaka Alih ay dumarating na!  or yaong sinasabi nila na maging aware ang mga tao na may paparating na motor, ganun din sa sasakyan.
Ang sabi naman ng kaibigang motorist, dagdag  power daw at hindi mag-iinit ang  makina lalo na kapag modified na ang cylinder or yung bore ng inyong motorsiklo.  
Ano man ang rason nila ang alam ko   walang konsiderasyon lalo na kapag gabi, ang madalas na nakitaan ko nito ay mga bagitong driver. 
Dahil sa dulot na ingay ang Makati Cityang  unang umalingawngaw na nagpasa ng   ordinance na bawal na ang naka open pipe.  
2)  ALISTO- BE ALERT-Laging maging alisto ang mata o make eye contact. Siguraduhing naka-eyeglass ka ng tamang grado, kong Malabo na mga mata. Huwag mong asahang lagi kang nakikita ng ibang motorista. Kaya dapat ang damit ay may reflector, lalo ng kong nagbibiyahe sa gabi. Laging sanayin ang tumingin sa mga drivers ng ibang behikulo na maaaring bumagtas ng biglaan sa iyong dinaraanan.
3)  BODY LANGUAGE- Basahin ang mga vehicle language pati na rin ang mga "body language” ng mga  drivers, cyclist at ang pedestrian na naglalakad sa langsangan o kalsada. 
Ang sinasabi ko ditto ay yaong gusting ipahiwatig ng kanilang galaw, hindi yung mga nakashort at seksi ang binabantayan mo. Halimbawa, inilabas o iniwagayway niya ang kaliwang kamay siya ay liliko sa kaliwa, ganoon din kong kanang kamay sa kanan, lilko. Ang Iba diyan ay paa, although wala sa batas na pwedng paa ang signal, bigyan halaga na yan, dahil iyan ang kultura ng mga motorist sa ating lugar. Magsignal, ng iyong turn light o kamay,   Huwag kang umasa na nalalaman nila ang gusto mong gawin. Ikaw lang ang nakakarinig sa sinasabi ng iyong puso.

BUKAS MAY DAGDAG PA TAYO, NA … MGA PAYO NI KAKA ALIH SA MGA KAPUWA DRIVER NG MOTORSIKLO NA MGA GREAT LOVER DAW OF COURSE BLENDED WITH THE PINAKALATEST NA COLLECTION NG UPI  INTEGRATED TERMINAL  

WALONG EMERGENCY TERMINAL SA UPI,NG PAYONG-PAYONG AT SKYLAB

May 14, 2015
Terminal Updates  (by Patrol 1-Alih Anso)  –Bantay Bayan morning edition
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Para sa kaalaman ng mga riding public, narito ang ipinangko natin kahapon na mga emergency terminal ng mga Skylab at Payong.

I- TERMINAL NG SKYLAB  NA NASA TAPAT  NG COMPOUND NI LILY ONG-50 UNITS, ANG MORE OR LESS NAGTERMINAL DITO AT NA MAY BIYAHENG:
1.     Tinindanan             P 60.00-pero dalawa ang ilarga-P120
2.     Sarungpalay             100.00 ka-pasahero
3.     Rempes                       30.00
4.     Darugao                     10.00
5.     DelaFuente              25.00
NOTE: Dalawa ang kailangan na pasahero, bago lalarga or kong kailangan mo ng umalis dahil nagmamadali ka, imagined na may kasama kang pasahero, bayaran mo ang anino mo.
           
Team leader ng LTO ARMM Bernardo Delos Reyes,,
,nagsagawa sila ng inspection sa bayan ng Upi Maguindanao
 kung nakapag renew ng rehistro ng kanilang mga sasakyan
 at may lisensiya ang mga Drivers  (Marrch 25, 2015)
II-LINOBO TERMINAL (HARAPAN NG ROTONDA)-15 UNIT NG MOTORSIKLO 
1.     Sabaken       P 75.00
2.     Awang          P75.00

III- GIANS TERMINAL (sky lab only) -50 UNITS NG MOTORSIKLO
1.     Bungo –       150.00
2.     Ganasi           30.00
3.     Timanan -    150.00

IV- OLD TERMINAL (sky lab lang) -25 UNITS NA MOTORSIKLO
1.     Baka                          P40.00
2.     KABUTUYEN            20.00
3.     Suaran                        10.00

V - MAMARIL TERMINAL (in front ng Public market)-30  UNIT SKYLAB AT  25 PAYONG PAYONG:
·        Kamonsawi                P 25.00
·        Kabalu                         25.00
·        Sampaguita                15.00

VI-HIGHLANDER TERMINAL (nasa harapan din ng public market) -50 units Motorsiklo
1.     Kipongpong-          75.00
2.     Marges                     75.00

VII- HIGHWAY TERMINAL-tapat ng compound ni  VICENTE “ATEE” ONG-30 unit Skylab, Payong 50  plus  na units,
1.     Awang          P75.00
2.     UAS-                 5;00 Student-Regular 7.00
3.     Mirab               15.00
4.     Kibleg               20.00
….sa kabilang kanto ay 20 units na payong paying:
5.     Borongotan                P15-20.00
6.     Nangi                             20.00

VIII-CROSSING BLENSONG TERMINAL-15 UNITS NG MOTORSIKLO
1.     Siparan                     P60.00
2.     Kapilit                          75.00
3.     Pidong                          25.00

TANTIYA OR ESTIMATED NA BILANG SA PAYONGPAYONG AY 162
AT SA SKYLAB AY ESTIMATED NA 265 UNITS MAY TOTAL NA 427 KONG MAGBABAYAD NG TERMINAL FEE NA KINSE PESOS NA MAKOKOLEKTA ANG LGU UPI NA –P6,405.00. AYON SA ATING RELIABLE NA INFORMATION KARAMIHAN DITO AY NAKOKOLEKTA.

 BAKIT?

AYON SA PAHAYAG NG MGA SKY LAB DRIVER , DI NA SILA NAKAKABAYAD DAHIL WALA NG NANGONGOLEKTA SA KANILA NG TERMINAL FEE.

KAYA ANG RECOMMENDATION: Ang  suggestion  , ibalik muna ang mobile collector para sa mga skylab at payong-payong  habang hindi pa regular na integrated ang Upi Integrated terminal.

Sa tanong kong may organization ba ang mga skaylab?

YES, MAYROON. Sa mga skylab ay May organization,  subalit ayon sa napag-alaman natin ito ay isang  LOSS Organization  at ang  PRESIDENT nito ay si  JOSELITO COLCOL.

 Sa Payong payong naman ay si Unsa Mohammad ang president.

Ang mga LGU Upi employees, na working related sa Terminal:
Main Terminal-integrated Terminal personnel:

1.     GINA Tenorio-RCCRevenue Collection Collector 1
2.     Jomar Pasawilan-Collector
3.     Pelagio Ado-Collector
4.     Marlon Martin-Collector (South Bound)
SPES- SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT FOR STUDENT
1.     Al-Hessam M. Ebad-Terminal Collector
2.     Edwin Savariz- Terminal Collector

CHECKER – nasa crossing Blensong-baba ng Saint Francis High School, tapat ng Technical Support Platoon,   Police outpost :
1.     Muslimin Abas
2.     Fernando Lopog Padernal




Martes, Mayo 12, 2015

KALAHATI ANG NAKOKOLEKTA, SA DAPAT NA MA- COLLECT NA TERMINAL FEE

Nuro, Upi, Maguindanao (May 13, 2015)....Nitong Martes ay nilibot ng DXUP Patroller
Ang skylab "emergency" trminal sa may harapan ng
Lily Ong Muslim Residence, sa Rizal Blvd. St., Nuro, Upi
ang
Terminal ang walong mga emergency terminal, o mga pansamatalang terminal na nasa ibat-ibat lugar sa Nuro, ng mga sky lab at ng payong-payong,  ay tinatantiya na mahigit na anim na raan ang bilang na sasakyang pampasahero, at karamihan dito ay hindi nakakakapagbayad ng terminal fee.

Ang cargo trucks ay may tantiya na 50 na unit na dapat ang bayaran ay ting limang piso.

Ang PUJ, kabilang na ditto ang multicab, Van ay may tantiya na bilang na 30 na tig tatlongpung piso din ang termila fee.

Sa payong-payong naman ay 162 ang rehistrado at at terminal fee ay kinse pesos.
Sa Sky lab ay may tantiya na bilang na 265 at terminal fee ay tig kinse pesos din, at sa sikad sikad naman ay may bilang na 151 na tatlong piso ang bayad bawat araw na terminal fee.
Ang suma total  na sana ay  collectiona araw-araw  ay sampung libong peso. (P10, 258.00).

Sa kasalukuyan,  ang regular na nakokolekta ay tatlo hanggang anim na libo lamang,   
Karamihan sa Skylab at payong-payong na di nakakapagbayad,  ang rason  ay: “dahil walang nangongolekta sa kanila na collector”’..

Dati rati ay may mobile na collector o nag-iikot na collector, subalit mula ng magawa na ang intergrated terminal, ay pansamatalang tinigil ang pangongolekta sa labas ng integrated terminal..

Ang suggestion ng bayan,ay  ibalik ang mobile collector para sa mga skylab at payong-payong habang hindi pa regular na-integrate  ang Upi Integrated terminal.

(Balita ni Alih Anso-para sa Terminal Updates-May 13, 2015)