Miyerkules, Hulyo 1, 2015

“Still Thursday But Its Like a Market Day!!!???”

Market & Slaughter Updates
July 2, 2015

“Still Thursday But Its Like a Market Day!!!???”
Palileo St as of 6:00AM


“Still Thursday But Its Like a Market Day!!!???”….Bakit? Alam mo  Lucy we stand to be corrected, mali pa yan, dahil its like "Meguyaya festival", dahil kahit ang Palileo street ay mayroon nang naka-display na mga paninda, which only during Meguyaya at Foundation Day ang mayroon.

Ang sagot sa tanong na BAKIT? ay, dahil payout ng 4Ps ngayong araw ng Thursday, July 2, 2015.. Therefore, babaha ang pera sa bayan ng Upi, milyon piso?, sampung milyon daw more or less, ang mag-circulate na pera sa Upi ngayong araw.
Today is PayOut ng 4Ps, na ang ibig sabihin ay ibibigay na sa mga magulang na matagal ng naghihintay sa mga tulong financial sa mga batang nag-aaral mula sa goberno. Ilan buwan ka ang matatanggap ni Nanay ni tatay? Pero Nanay, tatay, reminders ang perang iyan ay para po sa ating mga anak na rehistrado na beneficiaries ng 4Ps o PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM. Ang perang yan ay hindi pambili ng ating luho, kundi pambayad sa bayarin sa paaralan ng ating mga anak na beneficiaries ng 4Ps.
Abad Street as of 6:00 AM JULY 2, 2015, still Thursday,
but its like market day?
 
Ang 300 bawat buwan ay Pambili ng kanilang mga gamit sa paaralan. Ang limang piso bawat buwan ay Gagastusin sa kanilang pangkalusugan, kaya wala ka ng dahilan para hindi mo madadala sa health center ang inyong mga anak, dahil may pamasahi ka na.
Lucy, heto ngayon ang actual na situation, early as yesterday pa, may naglagay na ng kanilang mga tapangko, kaninang mga alas kuwatro pa na pag-daan natin ay may nag-aayos na ng kanilang paninda, mula dito sa bandang Public Market particular sa Edwards st. subalit sa mga sandaling ito, habang tayo ay nag-uulat patuloy ang pagdating mga sasakyan na mga dalang paninda tulad glasswares, school supplies, mayroon din ukay-ukay na damit.

Ang mga nagpapabili naman ang isda, ay doble o triple ang kinumpra dahil inaasahan nila na tulad ng

Corner of Edwards/Abad Street as of 6:00 AM JULY 2, 2015,
still Thursday, but its like market day?
mga nakaraang payout, doble at hanggang 4x ang bentahan, kumpara sa market day o regular days.
Patuloy ang pagdating mga bolantero o peddlers, dahil sa umaasa na makakabenta ng malaki-laki sa araw na ito ng 4Ps payout.

Miyerkules, Hunyo 10, 2015

PRESYO NG LUYA SA UPI SUMIRIT NA RIN ANG PRESYO SA UPI

MARKET & SLAUGHTER  UPDATES-
June 11,  2015-THURSDAY

PRESYO NG LUYA SA UPI SUMIRIT NA RIN ANG PRESYO.
Mga display na gulay sa Upi Public Market

Sumirit na rin o tumaas na rin ang presyo  ng Luya o Ginger sa ating pamilihang bayan nitong Linggo ito ang ating nalaman mula    sa mga retailers  na nasa pamilihang bayan. Bagamat hindi katulad sa Metro Manila na 240 pesos ang kilo, subalit ang presyong 120 bawat kilo ay napakataas para sa mga mamayan ng Upi, dahil nakasanayan natin ay mahigit sampung piso lamang.. para sa taga Upi, pinaka mahal na ang 60 piso bawat kilo. 

Ang ibang presyo ng mga madalas na binibili ni Mr o Mrs sa palengke ay kumuha pa rin tayo ng current price o halaga, sa halagang retail o retail price:

1.     Sibuyas- P80.00/kg
2.     Ahos….100.00/kg
3.     Repolyo…pati Chinese cabbage- P70/kg dati ay 40 lang per kilo
4.     Kamatis…40/kg
5.     Talong…30/kg
6.     Cooking oil… 25 bawat botelyang lapad
7.     Native coffee…200 bawat kilo

Sa mga whosale price o kumpra o bili ng mga bodega sa mga Magsasaka:
1.     Yellow corn…..P12.50 /kg
2.     Copra….P25/kg
Dried fish section sa Upi Public Market
3.     Palay fresh…P19/kg
4.     Lugasing o Mani o peanuts…75.00/kg
Source:   Ben Ching, ang bodega ay nasa harap Rizal Blvd maapit sa Rotonda.

Ang inyong Agri Updates Reporter.. Patrol 1.. Alih para sa DXUP Bantay Bayan


Martes, Hunyo 2, 2015

HIGIT SA TRILPE ANG KOLEKSYON

MARKET & SLAUGHTER  UPDATES-
June 1, 2015-Monday

UPI  PUBLIC BUILDING AT STALLS  UPDATES

Sa present rate na kinu
1st Hataman Building along Abad St. 
kulekta ay Makakakolekta sana ng LGU ay maaring aabot sa  104,060.00 buwan-buwan na RENTALS (di kasali dito ang business licences at cash tickets tuwing market day) kong magbabayad ng husto ang lahat ng mga “resources” na nasa compound ng public market.. sa kasalukuyan ay may collection lamang tayo ng P25,000.00 monthly.

Ang information na ito ay base   sa  mga datos mula sa Treasurer office,   tungkol sa ating pamilihang bayan,  narito ang collection sa pamilihan bayan:

Building  A B C D

#
Building  A-Rent
Building B-Rent
Building C – Rent
Building D-Rent
1
P380/Monthly
P380/Monthly
P380/Monthly
P380/Monthly
2
P365/Monthly
P365/Monthly
P365/Monthly
WALANG RENT
3-9
P350.00/Monthly
P350.00/Monthly
WALANG RENT
WALANG RENT
10
P365/Monthly
P350.00/Monthly
WALANG RENT
WALANG RENT
11
P380/Monthly
P365/Monthly
P380/Monthly
WALANG RENT
12

P380/Monthly

P380/Monthly
  
Sa bagong Market Code- Municipal Ordinance No. 6 Series of 2011 ay P500.00 monthly ang bawat room, but since wala pa daw “dialogue” ang LGU sa mga occupants ay di pa ito naipapatupad.

Isdaan o Fish section, sa nagpapabili ng  isda dagat dalawa lang na stall ang may lisinsiya at sa isda sa tabang ni isa ay walang kumuha ng business permit. 18 ang stalls na dapat sana ay magbabayad ng 250.00.

2nd Hataman building w/7 rooms along Quezon St
Karneng Baboy section- _P275 monthly at 10 stalls pawang may business permit sa municipyo. Sa Pork Section ay 18 na stalls at sampu lang ang may umuukupa o may lisinsiya,

Karneng Baka (Beef)  section- P500 monthly rental per stall- may apt (4) na kumuha ng business permit o lisinsiya. 12 stall din at apat lang may lisinsiya.

Manuk o Chicken Section – P275.00 monthly, isang stall ang kumuha ng lisinsiya. 6 at isa lang may lisinsiya.

Gulayan o Vegetable Section (kasama na ditto ang buladan)– P100 monthly rentals per stalls-
Dry Goods Section – 20 stalls with business permit-50-100 ang monthly ang bayad sa ground rentals.

Cafeteria Section – bagong building- 32 stalls P42 daily kasali na ditto ang water connection/payments, building rentals cash ticket na 2 piso. 9-10 lamang ang regular nakakabayad ng full ang iba ay paliban-liban. Ang makokolekta sana kong straight ang bayad araw-araw na 42.00 equals P1,344.00 x 30 may total na 40, 320.00.

14 rooms ang Hataman buildings, at ayon sa napag-alaman natin ay posibleng sa June 9 ang inauguration,   ang rent ditto ay 1,500 ang monthly  sa 14 na rooms ay makakakolekta tayo ng P 21,000.00 monthly..

Sa average na actual income ay napag-alaman natin sa collector na si Marlon Dimaocor na umaabot lamang ng P25,000 buwan buwan ang nakokolekta sa buong market.  di pa kasali ang cash ticket sa mga bolantero kong Sabado, na araw ng palengke.
on going road concreting along Quezon St.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Market Code- Municipal Ordinance No. 6 Series of 2011
REVENUE CODE OF THE MUNICIPALITY OF UPI

Section 5H.02.  Market Sections.  For purposes of t his Article, the public market shall be divide into the following sections:

1)    Fish Section - fresh fish, clams, oysters, lobster, shrimps, seaweeds and other sea foods or marine products.
2)    Meat Section - fresh meat from cow, carabao, goat, sheep, pigs, etc.
3)    Vegetable Section and Fruit Section - All kinds of vegetables fruits and root crops
4)    Dry Goods and Grocery Section - Ail kinds of textiles, ready to wear dresses anc apparels, kitchen wares, glass wares, school and office supplies canned goods, sugar, rice and other preserved goods.
5)    Eateries and Cooked Food Section -   All kinds of cooked food including refreshments and cakes.
Section 5H.03.  Imposition of Fees.  There shall be collected a monthly space rentals from tiendas or stalls around the market compound and bus terminal building with the following rates:

1)    Market tiendas outside the Municipal Market buildings (this applies to private building or houses surrounding the public market) rental per square meter, per month…………………………..P 10.00

2)   Market stall on government building No. A, B, C, and D the following collection shall be made every month:                              
For   the first and last door of the market stalls                 P500   
For all the second and second to the last door                   500
For the rest of the stalls                                                       500

3)   Market stall owned and constructed by vendors with the market compound, per square meters per month                                                               10.00

4)   Market stall in building (meat section) per month                          350.00
5)  Market stall in building (fish section) per month                             350.00

6)  Market stall in building (vegetable section) per month                  350.00
7)  Market ground rentals in New Terminal Side per square meter      10.00
8)  Parking fee per PUJ per trip (use of Terminal)                                10.00

9)  Terminal and/or parking fee for tricycle/skylab/motorized sikad per day    5.00

10) Terminal and/or parking fee for trisikad per day                                3.00

11) For transient vendor (without license and no permanent space or as free lancer, all kind of business, per square meter/market day or fraction thereof except fresh water and salt water fish                                              
a) For vendor with no stall (ground vendor) per sq.m.      3.50  
b) Vendors using amplifier and sound system for announcing purposes selling articles except medicines, per sq.m. per day                    6.00    
c) Tapangko rentals per day                                             20.00

12) Entrance fee (not licensed owner/person)
a) For dalag, katipa or pantat and the like                              0.30/kl 1 for all
b) For gurami, mestiza, bagong lipunan                                  0.25/kl
c) For sili (eel) and ulang (shrimps)                                         0.35/kl
d) For bangus, maya-maya, lapu-lapu, etc                              0.35/kl
e) For tulingan, perit, etc.                                                         0.25/kl

13) Delivery of merchandize within the market premises by vehicle:
a) For every truck/double tire load of merchandize                            50.00
b) For every load of weapon carrier                                                    35.00
c) For every load of jeep/ford fierra .,                                                 25.00
d) For every load of tricycle                                                                10.00





Biyernes, Mayo 29, 2015

TERMINAL FEE COLLECTION, INAASAHAN NA TATAAS DAHIL ARAW NG PALENGKE… AT PAGSISIKIP NG TRAPIKO SA ILANG LANSANGAN SA UPI, POSIBLENG MANGYARI KONG HINDI MAILALAGAY SA AYOS

May 30, 2015
Terminal Updates –Bantay Bayan morning edition

Today is   Market Day, araw ng Sabado,  araw ng palengke sa buong bayan ng Upi.
Light to heavy ang Traffic sa kanto ng MH del Pilar st
at Edwards st as of 9:56 am May 30, 2015 

Kasabay natin ang pagdami ng tao sa mundo ang pagdami din ng  mamayan sa ating bayan, at  kasabay na rin ang pagsisikip ng mga kalsada, dahil dumami ang tao.  sang ating mga roads o lansangan ay  hindi lumalaki  , ang totoo pa niyan ay lalo pang lumiliit ang mga kalsada dahil sa mga paninda na,  sa   kalsada na mismo inidisplay. Halimbawa nito ay sa harap ng ating public market, dahil sa pagdami ng mga negosyante at kulang ang nag-mamanage sa kanila, hayun kong saan-saan na lamang sila nakapuwesto ang mga bolantero. 

Nakapuwesto sila  na mga negosyante kong saan   pabor sa kanilang negosyo, ay doon sila maglalagay ng kanilang mga paninda.

Halo-halo na ang paninda, may bulad katabi ang damit, may gulay katabi ay nagpapabili ng tsinelas o hardwares.

Ang kalsadang MH Del Pilar, saan ito na kalsada? Ito yung kalye na  papasok sa public market, na nasa kaliwa mo ang  Phoenix gas station, kong ikaw ay papasok dito mula sa highway. 

Nagiging mabigat  na rin sa  trapiko sa MH Del Pilat St. dahil hanggang ngayon ay under construction pa rin ang concrete canal, mag-iilang  buwan na rin itong ginagawa ng LGU Upi, pangalawang dahilan kong bakit matrapik ditto o masikip,….. maraming nakaparking na sasakyan, .

Of course sa kalsadang nasa harap ng public market, ito ang kahabaan na ng Edwards St, mamaya na bandang alas siyete hanggang tanghali ay One Way   ito  , kong papasok kayo sa Palengke dapat dito tayo dadaan  sa MH del Pilar st.

At dahil Market day, Sarado naman ang kalsadang nasa likod ng palengke,  ito ang kalye na  Quezon St, bakit sarado? dahil ditto magdisplay  ng mga ukay-ukay ang mga bolantero  at kahit di market day di pa rin ito madaanan kahit motorsiklo dahil under concreting o sinisimento pa ng LGU Upi.

Dito naman sa Rizal Blvd, mula sa rotunda, ito ang  kalsadang patungong Darugao ay inaasahan din ang pagsisikip ng trapiko   dahil maraming mga sasakyan na darating mula sa Barangay Bugabungan, Bungkog, Rempes, at dumarami din ang namamasaherong skylab, na ditto sila magpapafking sa tabi ng kalsada.  Pag araw ng Sabado,  ito raw ang magandang   samantahin ang pangongolekta ng terminal feee na kinse pesos sa mga skylab.  

Matatandaan na naiulat natin na    ang bilang ng mga skylab at payong payong ditto sa bayan ng Upi na namamasahero ay mga limang daang unit halos lahat ay walang nagbabayad ng kinse pesos na terminal fee.

Kong ating susumahin ang makokolekta dito ay 7,500.00 at idagdag sa kasalukuyang nakokolekta na apat na libo ay makakakolekta tayo ng sampung libong piso na terminal fee araw-araw.

Bakit hindi nagbabayad ang mga skylab? Dahil walang nangongolekta na collector sa kanila ng terminal fee.

Nakaugalian na kasi ng mga driver na ito na sila ang pinupuntahan ng collector ng terminal, noon kasi ay walang pang integrated terminal, ngunit mula ng mag-operate na ang integrated terminal ay centralized na ang pagbibigay ng cash ticket sa integrated terminal na lamang.


KAYA ANG MUNGKAHI  o ang   suggestion , ibalik muna ang pansamantala ang  mobile collector para sa mga skylab at payong-payong  habang hindi pa regular na integrated ang Upi Integrated terminal.

(Balita ni: Patrol 1, Alih Anso)

Lunes, Mayo 25, 2015

MGA DAGDAG KAALAMAN, SA PAGMAMANEHO, NI KAKA ALIH…

TERMINAL UPDATES-MAY 26,2015

Sa umagang ito ay muli tayong magbibigay kaalaman sa kapatid na   driver subalit ang lahat ay inaanyayahan lalo na ang mga seksing asawa ng mga great lover na driver, bakit? kong sakali mang DI makuha ng mga driver an g ating mga ituturo ngayon umaga ay pwedeng ituro ni Mrs. kay Mr.

At dahil wala silang  direct contact sa  ngayon ikaw muna Lucy ang magsisilbing representative nila, ikaw ang sasagot sa mga tanong ko, anong malay mo baka bukas may sasakyan ka na rin, siyempre kailangan mong matutung magmaneho.

1- Anong dapat gawin bago lumiko sa kanan o kaliwa?
Isang Modelong Driver  dahil sinusunod ang batas
A. Biglang lumiko at bumusina
B. Magbigay ng hudyat o senyas na hindi kukulangin sa 30 metro
C. Ipagwalang bahala ang hudyat
Ang tamang sagot ay B. Bago lumiko pakaliwa o pakanan siguraduhin na sumenyas 30 metro bago ito gawin. Ito ay para magbigay ng sapat na oras at konsiderasyon sa mga nakasunod na sasakyan.

2- Ang pagkakaroon ng lisensya ay isang:
A. karangalan
B. pribilehiyo
C. karapatan
Ang tamang sagot ay  B. Dahil ang pagkakaroon ng lisensya ay isang pribilehiyo para sa mga makakapagpatunay na kaya nilang magmaneho ng hindi nagiging panganib sa publiko. Dahil dito, ginawa na mandato ng ating gobyerno na maipasa muna ang ang mga rekisito ng LTO tulad ng "driving test" bago makakuha ng lisensya.

3- Ano ang dapat mong dalhin kung magmamaneho?
A. Lisensya, rehistro at resibo ng huling pinagbayaran ng sasakyan sa LTO
B. Lisensya
C. Lisensya at papel de seguro ng sasakyan
Ang tamang sagot ay A.  Kapag nagmamaneho ang dapat na lagi mong dala ay ang iyong lisensya, rehistro ng sasakyan, at ang pinakabagong resibo ng iyong sasakyang na galing sa LTO.

4-Ang mahuhuling lasing sa alak o ipinagbabawal na gamot ay may parusang:
A. Pagsuspinde ng lisensya
B. Pagkabilanggo ng anim na buwan
C. Tama lahat ng sagot
Ang tamang sagot ay C. Ang pagmamaneho ng nakainom ng alkohol o ipinagbabawal na gamot ay lubhang delikado, ito ay ipinagbabawal ng batas at may karampatang parusa.

Ito po ang inyong DXUP  Patrol 1 Kaka Alih.



Mga Payo ni Kaka Alih sa mga Kapuwa Driver, at sa mga “Hari ng Lansangan”

Mga Payo ni Kaka Alih sa mga Kapuwa Driver, at sa mga “Hari ng Lansangan”
TV Repair Shop sa Rizal Boulevard, Barangay Nuro, Upi

Ngayong umaga ay magkakaroon tayo ng maikling examination, para sa mga Driver. Ako ay magtatanong at sasagutin ninyo sa inyong sarili lamang, ditto ay malalaman mo na isa ka san a mga professional driver, kahit iyang driver license mo ay nakuha mo na binayaran an gang examiner ng LTO.

Tanong: Ano ba ang dapat gawin ng isang driver kapag nakakita ka ng pedestrian lane sa kalsada? A. mag-full stop, B. mag-menor sa pagmamaneho, C. padaanin ang mga taong tumatawid, D. lahat ng nabanggit o E. wala sa mga nabanggit?

Habang kayo ay nag-iisip ng inyong sagot, ipapaliwanag ko muna ano ang sinasabing pedestrian. Ang pedestrian po mga kapatid ay daanan ng tao, madalas sa ating mga lansangan ay may tanda o marka kong saan ang tawiran ng tao, ditto sa Upi, wala pang marka, imaginary lamang. Subalit sa tabi po Rizal Blvd. mula sa NCES hanggang na highway may designated na pedestrian sa tabi ng kalsada, ang masaklap nito ay may nakaharang tulad diyan sa tapat ng shop, mga sira ng TV ay nakasalansan sa pedestrian. Sa Tapat ng tahanan ni Mr Paco, may nakatambak na buhangin, at sa unahan ay nakaparking na manga motor.  Kaya kong lumakad sa kalye na ito para rin wlang silbi ang pedestrian, dahil mapipilitan kang gamitin ang kalye.

Balikan natin ang tanong kanina: ano ba ang dapat gawin ng isang driver kapag nakakita ka ng pedestrian lane sa kalsada? A. mag-full stop, B. mag-menor sa pagmamaneho, C. padaanin ang mga taong tumatawid, D. lahat ng nabanggit o E. wala sa mga nabanggit?

Kung isa kang matinong motorist at alam mo ang mga batas sa kalsada, malamang letrang D ang sagot mo.  Pero kung   isa ka sa mga pasaway na driver ng sasakyan, sigurado akong letrang E ang pinili mo.

Tapat ng tahananan ni Mr Paco, Rizal Boulevard,
 Barangay Nuro, Up
Payo din sa mga naglalakad sa kalye, na mga seksi, mga nanay, mga estudyante, kailangang walang nakapasak sa inyong tenga para marinig ang parating na sasakyan, at higit sa lahat gamitin ang pedestrian, kong wala ay tumabi.

Bago ko tapusin itong report, may kuwento ako, Kagabi habang binabagtas namin ang Edwards St.. may mag-ina na naglalakad sa kalye, nasa bandang kanan namin, nasa tabi naman sila but still sa sementadong lugar din at ang anak nasa bandang kaliwa, hawak-hawak pa ang kamay ng anak na sigoro mga 3-4 na taon lamang.

Ang tanong ko sa inyo Lucy, tama ba ito?

Ang sagot bukas, natin pag-uusapan.

Para sa Bantay Bayan Patrol 1 Kaka Alih, nag-uulat, Wassallamu alaikum WW.