Haharapin ang Problema
|
"....ang taong may problema ay stress, may taong kapag may problema, parang nagugunaw na ang mundo." |
(Oct 18, 2012- Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para
sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00
A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Kaibigan may problema ka ba? Mabigat bang
Problema? Madalas ang taong may problema ay
stress, may taong kapag may
problema, parang nagugunaw na ang mundo para sa kanya, gayan ka rin ba kaibigan? Buweno, malaki o maliit man yan na problema mo, relaks ka lang muna diyan kaibigan, dahil
ang ibabahagi sa atin ni Kaka Ali ay papaano haharapin ang
problema, sa ating segment na
gabay at talakayang pampamilya?
(PLAY NAKAKA- INTRO)
NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih, kumusta ang umaga,
mayroon ka bang problema?
KAKA ALIH: Magandang
umaga din Nor. Problema? ‘ika mo ang
tanong sa akin Nor?
Hay naku! Sino ba naman ang taong walang problema, bibihira
sa isang normal na tao, na hindi
makaranas ng problema, maaring personal o
problema ng kanyang pamilya.
Bago ko makalimutan, bago natin talakayin ang solusyon
sa ako ay magpupugay muna sa madlang
nakikinig ng , Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.. ang kapayapaan ay sasaatin nawa.. at sa
pagbati ng sambayanang Pilipoino, magandang umaga o Good morning sa inyong
lahat..
Ok balikan natin ang problema, agree ako Nor sa tinuran mo,
na madalas ang taong may problema ay
stress, may taong kapag may
problema, parang nagugunaw na ang mundo.. Kaya ang una kong solusyon sa
problema mo kaibigan, malaki o maliit man yan na problema, ay making muna sa
amin,a makalimutan ang problema? (PLAY LAUGHING).
NORALYN: Kaka ano nga ang stress o tensiyon?
KAKA ALIH: alam mo ba
Noralayn na ang istres ay hindi
problema? kundi nasa isipan mo lamang?
Ang ating katawan ay
may pang-kagipitang pagtugon na nangyayari kapag tayo ay nakararamdam ng
tensiyon o istres.
Halimbawa, kapag tayo ay kailangang humabol sa sasakyan, ang
bahagi ng ating katawan ay naghahanda para matugunan ang kagipitan o gahol sa oras. Ang pagtugon na ito ay
tumutulong para tayo makatakbo ng mabilis at umabot sa nag-iisang sasakyan.
Ang pagpintig ng puso ay bumibilis at ang presyon ng dugo ay
tumataas. Lumalabas ang sugar patungo sa dugo. Ang paghinga ay bumibilis. Ang
ibang bahagi ng katawan ay bumabagal. Ang pantunaw ay humihina. Ang sistema ng
ating katawan na lumalaban sa sakit ay bahagyang sumasara.
Noralyn, may halimbawa pa ako, stress naman sa trabaho.
NORALYN: Sige Kaka para lalong maintindihan ang usapin sa
stress na yan.
KAKA ALIH: Stress sa trabaho. Ang ganitong stress ay nakararamdam tayo ng tensiyon sa trabaho
kapag hindi natin nagagampanan ang mga hinihinging gawain ng ating trabaho,
lalo na kong sinabihan ka ng booss mo na tapusin kaagad.. Maaaring hindi natin
nagagampanan ang ating trabaho
dahil sa panahon o ikli ng oras na
ibinibigay sa inyo para tapusin ang gawain.
Palpak o may sira ang mga kagamitan ninyo, tulad ng naviruys
ang computer, walang signal ang inyong internet, di ninyo Makita ang topic ninyo, o di kaya
maka like sa inyong face book.. (PLAY LAUGHING).
Nalalabag ninyo ang
mga alituntunin o regulasyon ng inyong opisina
na kailangan ninyong sunurin, ngunit labag sa inyong paniniwala o
kultura. Ito ang para sa akin na maka-stress.
Ia pa ay ang mga trabaho na nagbibigay ng sobrang stress ay
yaong mga mabibigat ang hinihiling sa manggagawa subalit walang gaanong kontrol
na ibinibigay sa kanila kung paano gagawin ang trabaho.
Ang sabi ng kaibigan,
“hindi naman lahat ng problema ay
nakakasira sa tao, kundi kong
minsan pa nga ay magagamit natin ang problema para maging lalong matatag at
malapit sa isa’t isa.” Nor, agree o
disagree ?
NORALYN: Agree!!! Ang experience Ko Kaka sa problema, pag
may problema ako, feel ko down na ako, papaano ba haharapin ang ating problema?
KAKA Alih: Kailangan
lamang na harapin natin ang problema, kong anon a siya, dahil kung
babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang
oportunidad para maging matatag.
Pag-uusapan natin ang
ilang bagay na maaaring makagamot kung sakaling dumating ang problema sa
inyong buhay.
1. Maging kalma
(Be calm) mag-isip ng anumang mabuti,
kahit gaano man kakumplikado ang sitwasyon na inyong kinakaharap.
2. Humingi ng payo
o tulong sa kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, o humingi ng payo sa mga
espesyalistang gaya ng sikolohista, abogado, o tagapangalaga ng kalusugan.
Depende sa problema, kong sino ang alam mo na expert o nakakaalam, ang siya
mong dulugan ng inyong problema. Maaari
silang makapagbibigay ng magandang payo, dahil hindi sila “tense’ tulad ninyo
na hindi na makapag-isip dahil sa problema.
3. Kunsultahin ang
iyong pamilya o sikaping magsama-sama
bilang isang pamilya. Dahil sa
pagsasama-sama ay maliligtasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
4. Tandaan ang
anumang pagbabago sa buhay -- pagsilang ng isang anak, bagong trabaho o
pagkataas sa tungkulin, kasal, kamatayan o pagreretiro--ay laging stressful.
Alam m oba Leny na kapag wala kang pera problema, pag marami ka ng pera
problema pa rin? (PLAY LAUGHING).
NORALYN: Papaano nangyari ang ganoon Kaka?
KAKA ALIH: Problema niya papaano gastusin ang kanyang
miliones…(PLAY LAUGHING).
5. Pakatandaan
din, Kaibigan na ang mga stress,
problema at paghihirap ay bahagi ng isang normal na buhay ng tao. Abnormal
daw ang taong walang
problema? TOTOO?
6. Kaibigan, Para
masolb ang problema mo, harapin ito ng
dahan-dahan o isa-isa, one alter one another. Ganito ang gawin, ilista ang mga bagay na dapat gawin at isa-isang
asikasuhin o gawin ito.
7. Huwag
alalahanin ang mga nakalipas o ang mga
bagay na wala kayong kapangyarihang kontrolin.
8. Ayon naman sa
mga nakaranas ng mga ganitong sitwasyon na problema, maaring manood ng isang nakakatawang palabas
sa TV (kong may tv kayo, hindi ang X rated- (PLAY LAUGHING), kong sakaling wala
kayong tv tumawag sa isang kaibigan, (naku wala pa ring celpon- PLAY LAUGHING)
makipagkuwentuhan sa membro ng pamilya o kapitbahay nang masasayang kuwento,
piliting tumawa at kong hindi mapigilang
umiyak, huwag pigilan, ilabas sa pamamagitan ng luha, ingat lang, siguraduhing walang nakakakitang mga tsismoso
(PLAY LAUGHING). Bakit baka magtaka sila bakit ka umiiyak, at itsismis ka sa
bayan.
9. Ang last na
advise natin, huwag maging tamad na mag-ehersisyo araw-araw lalo sa umaga, para mawala ang tensiyon at
matulungan kayong magrelaks. Lalong
maigi kong gagawin ito nang magkakasama ang buong pamilya.
This is your segment
writer at producer, Kaka Ali, Sukran,
Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabarakatuh