Miyerkules, Setyembre 11, 2013

Magtanim ng Bawang sa Backyard Para personal na Pangangangailangan

bawang
Magtanim ng Bawang sa Backyard Para personal na Pangangangailangan
Ajos/Bawang/garlic, lansona sa baras

(September 12, 2013-Thursday-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang regular host ay si Ms. Lucy Duce)

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga Good morning Kaka, ano naman ang inyong ibabahagi sa amin at sa ating madlang nakikinig at nanonood ngayong umaga?

ALIH:  Good morning. Assallamu Alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Lansona sa baras o kilala sa tawag na bawang, which in English garlic, ajos naman sa Espanyol, na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin natin na pangtawag ditto, tanda na tayo ay onece upon a time ay nasakp ng Espanya. Ang bawang,  ang tanim na lahat ng kusina ay di nawawalan, dahil walang masarap na lutuin na walang sahog na bawang.

Herbal plants din ang bawang.. kong nanonood ka ng Juan Dela Cruz, gamit din ito na pangontra sa asuwang. (PLAY LAUGHING).

Ang pinaka source ng bawang dito sa  Pilipinas ay nagmumula sa Ilocos, sa lugar ng mga Ilocano, sa pinagmulan ni Apo Marcos.

Mga panahon ng pagtatanim ng bawang ay buwan ng October to November.

Mahilig tayong mga Pinoy mag-alaga ng mga halaman  sa mga paso. At  isa na itong libangan ng mga Pinoy sa ngayon.

Kung nais nyong mag tanim ng bawang, mas maganda sa tray kaysa sa paso. Ok magtatanim na tayo mga kapatid, ito ang mga steps sa pagtatanim.

Ø Kailangan mo ang lupa na Sandy soil, o kaya bumili ng lupa/soil (traited na ito conditioned na) sa ESWM, tig one hundred pesos ang sako.  Remember,  ayaw ng bawang ang nabababad sa tubig, mabubulok ito.  Ito ang dahilan kong   kailangan sandy soil, para drain agad ang tubig, pwede naming magproduce nitong sandy soil, ganito ang  mixture  na 60% sand at-40% garden soil (yaong mula sa ESWM nga na lupa).  
Ø Ang pagtataniman ay recommended natin ang tray na pinaglumaan o sira na. – You can used o pwede mong gamitin  yong lumang case ng mga softdrinks, (coke o pepesi) na di naibalik sa kumpaniya. Kong may budget ka, maraming mabili na paso o plastic na flower pot.  Bakit kailangan mo ang mga pot o itong madaling ilipat na pagtataniman?  Para madaling ilipat sa    shade o lilim mula ika sampu ng umaga hanggang ika tatlo ng hapon o kapag matindi na ang init ng araw.
Ø Sa seedlings naman,   ang Garlic bulb ang itinatanim.  Maganda yaong native na bawang, ang magandang hanapin mo yaong may umusbong ng dahon, usually sa stock na ito sa kusina. – Ang isang bulb madalas ay may laman na 8 o higit pa.  , paghiwahiwalayin ang mga ito, ang bilog o magandang piraso lang ang itanim,    ang maliit o  flat pieces, ay puede na pang-kusina na lang o for consumption.   Kongting paalaala lang po, ang mga bawang na nabibili sa market, lalo na sa mga imported variety ayt chemically treated   at minsan di na yan  magtubo. Ang biro sa akin, para daw di tayo makapagtanim ng bawang at sila lang ang makapagtanim.
Ø Sa Pagtatanim, simple lang din- Ibaon sa lupa ang kalahating bahagi ng butil ng garlic  ng nakatayo, at ang upper portion ay litaw o angat sa lupa/soil.          Pwedeng takpan ng dayami, or anything that can keep the water to moisten-up the garlic, like coco husk, abaka fiber, etc   at the same time, protect the seedlings from sun's burning heat.
Ø Sa Pag-aalaga, papaano?. - Two times a week lang ang pagdidilig dito, as I have said, ayaw nya ng matubig. At kung may mga damo na tumutubo sa paligid nya, bunutin ito para wala syang kaagaw sa sustansiya ng lupa.
Ø Maglalagay ba ako ng Fertilizer?  Yes - Mas magandang malagyan ng kaunting fertilize  ang lupa bago taniman, para malago ang bawang.
Ø Kung masasahod nyo ang tubig na pinandilig dito, puede nyo uling ipandilig ito after 3 days, para ang sustansiya sa na fertilized na  ay hindi masayang at maibabalik pa.  Happy planting.    
     
Sukran si Kaka Alih po to wassallam..


(PLAY EXTRO)

8 komento:

  1. THIS HELPS ME A LOT

    TumugonBurahin
  2. Tanong ko lang po kong sakaling makapag palaki n po ang ng tanim n bawang mga ilang buwan naman po bagu anihin.

    TumugonBurahin
  3. Kya pla nagkamatay mga bawang ko kc 2x a day ko sya dinidiligan.. E 2x a week pla ang dilig nya at hnd pla pwdng matubig..

    TumugonBurahin
  4. Slamat at naintindihan ko n kung pano mag alaga ng bawang..

    TumugonBurahin
  5. ilang buwan bago ma harvest ang bawang

    TumugonBurahin
  6. Ilang buwan bago ma harvest ang bawang

    TumugonBurahin
  7. Ask ko lang po nasa paso po bawang ko bakit po parang namamatay na sila?

    TumugonBurahin