Islamic
Symposium at Lailatul Qad’r o Gabi ng Kapasiyahan Ipinagdiwang ng Taga Upi
Nuro, Upi (Hulyo
11, 2015) …Nitong
gabi ng Sabado ika 25 ng
Ramadhan na gregorian calendar ay ika 11 ng Hulyo, ay nagsagawa ng
Islamic symposium at kasabay ay ang ipagdiriwang ng Lailatul Qa'dr o “Ang gabi ng Kapasiyahan” na
ginanap sa social hall ng Upi
Agricultural School.
Ayon kay Ustadz Julqarnain ay: "Ang isang gabi na pagdarasal sa gabi ng mga
araw na ipinagdiriwang ang Laitul Qadr ay
katumbas ng isang-libong (1000) buwan, dahil sinabi ng Allah: “Katotohanang Aming ipinanaog ang Qur’an sa
Gaabi ng Al Qadr (Kapasiyahan). At
paano mo mapag-aalaman kung ano ang Gabi
ng Al Qadr? Ang Gabing Qadr (Kapasiyahan) ay higit na mainam sa isang libong
buwan (alalaong baga, ang paagsambaa kay
Allah sa Gabing ito at higit sa mainam kaysa sa pagsamba sa Kanya sa isang
libong buwan o katumbas ng 83 taon at apat na buwan). (Soorah Al-Qadr: 1-3)
Ang mga Muslim ay naniniwala din sa sinabi ng
Propeta Muhammad: “Sinuman ang mag-ayuno sa Ramadhaan na nananampalataya at
umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na nagawa. Sinumang
magsalaah (ng boluntaryong salaah) sa
gabi ng Ramadhaan na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang
kanyang mga kasalanan na nagawa. Sinumang magtaguyod ng (boluntaryong) Salaah
sa gabi ng Laylatul Qadr na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad
ang kanyang mga kasalanan na nagawa.” (Iniulat
nina Imaam Bukhare at Muslim.)
Fatima Lidasan vice president ng MWF |
Ang programa ay sponsor ng Muslim Youth
Fellowship (MYF) sa pakikipagtulungan sa Upi Muslim Consultative Assembly at ng
Lokal na Pamahalaan ng Upi.
Ang laitul Qadr. ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo sa tuwing ika 25, 27, o 29 sa buwan ng Ramadhan.
Ang programa ay nagsimula ganap na ika siyam ng gabi sa pamamagitan
ng pagbabasa ng Banal na aklat ang Qur’an
at pagpapahayag ng kahalagaan
ng Lailatul Qad’r.
Naging panauhing tagapagsalita si Atty.
Rolando “Anwar” Chew, na dating nanampalataya sa Kristiyanismo na simula noong
taong 2007 ay Nanampataya na sa relihiyong Islam.
Naging special na bisita naman ang mga international Qarie o bihasang
mambabasa ng Quran, na pawang nagpamalas ng pagbabasa ng Quran, na sina
Al Qarie Ebrahim Duli at Al Qarie Mohammad Taha Kagi,
Ang pagbabasa ng Quran, at ang pinaka
mahalaga na ginawa ay ang pag-sambayang ng Tahajjud o pagsambayang sa kalalim
ng gabi at nagtapos ang program sa pagsambayang ng Fajar o bukang liwayway na pagdarasal.
Mga membro ng MYF na
estudyante ng Upi Agricultural School,
Notre Dame of Upi, Saint Francis High
School at Nuro Central Elementary School. May dumalo din mula sa mga
Jamaah o congregation mula sa mga ibat-ibang Masgit sa Upi.
Nagbigay din ng kanyang inspirational na
mensahe si Engr. Sukarno Datukan, UAS-PTIA school administrator
at pinuno ng Upi Muslim Consultative Assembly (UMCA) ang
pagdiriwang.
Dumalo din si Muncipal Kagawad Norodin Musa, na siya ring kinatawan ni Mayor Ramon Piang.
(Balita ni:
Alih S. Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento