Miyerkules, Pebrero 27, 2013

Mensahe ni Lola sa Kanyang Apo (Updated Version-2013)


Mensahe ni Lola sa Kanyang Apo (Updated Version-2013)
          
(February 28, 2013-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

NORALYN:    May Lola ka pa  ba?  Naalaala  mo pa ang inyong bonding-bonding noon maliit ka pa?  maalaala mo pa noong inihahatig ka niya sa paaralan dahil wala ang nanay mo, dahil nasa  abroad?     Ngayong umaga muling  sasariwain ni   Kaka Alih ang mga bakas ng lumipas… sa ating segment na….

 (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih, 

KAKA ALIH: Magandang umaga din Nor, Insha Allah, (may awa ang Allah  Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig. Noralyn ano ang lola sa Teduray?

NORALYN: Opo mayron pa akong Lola at ang tawag sa T'duray sa Lola ay  Bebe.  Kaka Alih matanong naman kita may Lola ka pa ba?  At anon man ang tawag sa inyo sa R’nawon ang lola?

KAKA ALIH: Maalaala mo pa ba Nor, na last Feb 8, 2012 sa  ika 9th na pagdiriwang ng pagkakatatag ng ating community radio na DXUP FM,  at ang naging panauhin  tagapagsalita  ay isang  kasama o kaibigan natin sa media o journalist,  si Hadji Julmunir Jannaral, ng PTV 4?

NORALYN:  Of course naman Kaka Alih, ang sinulat mo nga article na naipost sa ating blog na dxup.multiply.com ang  bahagi ng kanyang speech, yaong naipost  mo sa ating blog tungkol kay lola. 

KAKA ALIH:   At dahil may mga nagtanong ano daw ba yun kabuan ng kuwento tungkol kay Lola,  minabuti  nating ipresent  muli  sa ating buhay-buhay segment, but of course “updated version  na.

NORALYN:  Kaka ikuwento mong muli,  dahil kahit ako  naging  interesado kong bakit isang batikang  manunulat “medyo” humanga sa naipost ninyo sa ating blog.

KAKA ALIH:   Nor, hindi sigoro  humanga, at totoo pinahanga lang tayo, kinuha ang ating atensyon… ( LAUGHING)

Anyway ganito ang kuwento ni Lola.  May isang lola daw na gustong magpahatid ng mensahe sa kanyang apo, na ngayon ay isa ng maestro o guro.  Pero ang pakiusap ni  Lola  hindi  na daw kikilalanin sa  himpapawid,  ating naitala o na-record ang mga ilan sa mensahe ni Lola na gustong ipaabot sa  apong Maestra sa pamamagitan ng ating programa na buhay buhay particular sa Gabay at talakayang Pampamilya.

Itong si Lola ay siyang naging  tagapag-alaga sa apong babae,  dahil ang Nanay ng bata ay nagtrabaho sa ibayong dagat o nag-abroad bilang Katulong o domestic worker.   

Noong   umalis ang nanay ng bata ay dumidede pa sa botelya,  hanggang sa magcollege na ay nasa abroad pa rin  ang nanay.

Sina Lola kasama ang mga  pamangkin at apo, habang nakikinig
sa orientation ng TB, 
Ngayong umaga Sa ngayon ang Lola ay nasa bahay na  lamang parati dahil medyo may  katandaan na  at palaging may karamdaman na.

Ang bahagi  ng  mensahe ni  Lola sa kanyang apo:

(PLEASE PLAY SENTIMENTAL MUSIC AS BACKGROUND-music dow-under)

“Aking apo, sa aking pagtanda unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Sa aking pagtanda, tiyak na may  kalabuan na ang aking  mga mata at maaring akoy  nakabasag   ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana ako kagagalitan.

Alam mo  apo ko, sadyang maramdamin ang isang matanda. Nagsa-self-pity   sa tuwing sisigawan mo .

Apo ko, kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana ako sabihan ng “binge!”paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang o dili kaya ay pakisenyas na  lamang  apo.

Aking apo, pasensya ka na  dahil  matanda na talaga ako. At kapag matanda na  mahina na ang  tuhod, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Aking apo,  pagpasensyahan mo sana kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Ang pakiusap ko apo ko,    pakinggan mo na lang ako,  huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo  pa  ba apo ko  noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng kendi  paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggat di mo nakukuha ang gusto mo. Ganoon pa man ay pinagtitiyagaan ko ang kakulitan mo noong bata ka pa  hanggang sa ikay ay nagdadalaga na.

Aking apo, pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy, na amoy matanda, na amoy lupa na. Huwag mo sana ako piliting maligo, dahil kaming  mgamatatanda kong minsan ay takot sa tubig,  lalot malamig.  Kaming mga matatanda  na ay mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Aking apo, natatandaan mo ba noong bata ka pa?  Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Aking  apo, pagpasensyahan mo na rin  sana kung madalas, ako’y masungit, dala na  yan aking  katandaan. Alam mo  apo  ko, pagtanda mo maiintindihan mo rin itong mga sinasabi  ko ngayon.

Sana kapag may konti kang panahon, bisitahin mo  naman ako sa aking kuwarto at magkuwentuhan naman tayo, kahit sandal lang.  Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa, walang  makausap. Aking apo  alam kong maraming  kang pinagkakaabalahan na trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka na interesado sa mga kwento ko, dahil narinig mo ito ilang beses. Pwede namang ikaw  na ngayon ang magkuwento ng  buhay mo, ng karanasan mo, handa akong makinig at gustong kong  marinig.

Natatandaan mo ba apo ko, noong bata ka pa? Na ang Nanay mo ay nasa abroad, at ang  tatay  mo ay nasa duty, dahil sundalo na nagtatanggol sa bayan? . Alam mo Apo ko, pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong mga kwento tungkol sa iyong manika, na  pinagtiyagaan  kong namang kumpunihin, dahil gutay gutay na, dahil luma na ito ng  mabili ko sa ukay-ukay sa  palengke ng Nuro.

Aking  apo,  kapag dumating ang sandali na ako’ymagkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo nasana kung ako man ay maihi o madumi sahigaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng akingbuhay.  Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Aking mahal  na apo, kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay ay bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Poong    Lumikha, Ipapanalangin ko sa Kanya na pagpalain ka sana… dahil naging mapagmahal ka sa iyong mahal na lola…..”

Nor,   yan po  ang ilan sa mga mensahe ni     Lola na gustong  ipaabot sa kanyang apo na isa ng maestra  sa ngayon .

At sana napakinggan din ng ibang apo at kahit papaano ay maalaala ninla ang  kanilang mga Lola at Lolo na  ngayon ay mga ulyanin  na…

Ito po ang  inyong  lolo na,  si  Kaka Ali, na nagpapaabot din  sa aking mga  apo, paumanhin lang po mga apo, dahil wala ng  oras, bukas ay muling magbabalik ang  inyong Lolo Ali, este Kaka Alih  sa ating segment.    

Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi  wabarakatuh.

Host/Nor: Maraming salamat Kaka Alih, sa hindi pa  nakakaalam ang  ating  pong segment writer na si Kaka Ali ay  isa  ng lolo…bukas muling abangan  ang ating segment  gabay pampamilya.

(PLAY- EXTRO)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento