Ang mga leader |
Ang traditional na kainan ng Teduray |
Agosto 7, 2015 (Upi, Maguindanao)….Pormal na binuksan nitong Biyernes sa publiko ang Teduray mock Village bilang bahagi ng mga ‘cultural community villages’ sa loob ng Autonomous Region in Muslim Mindanao compound.
Bago ang pagbubukas sa Teduray village ay nagsagawa ng parade ang mahigit tatlong daang mga Teduray na pinangunahan ni Timuay Larry Tanzo, Deputy Governor ng ARMM para sa IPs at ni Mayor Ramon Piang Sr, kasama ang mga leader mula sa bayan ng Upi, South Upi, Datu Odin Sinsuat, Datu Blah Sinsuat at Coatabato City.
Ang Teduray ay mula sa Angkan ni Mamalu ang kapatid ni Tabunaway.
Nagkaroon din ng maikling opening program at bago nagtakip silim ay nagkaroon ng traditional na kainanan, na pawang lutong Teduray. At isa dito ang kilalang pagluluto ng Teduray sa buong manok na sinabawan ng gata ng niyog, na ang kanin ay nakabalot naman sa dahon ng saging.
Sa gabi ay nagkaroon ng kantahan ng Rayray Band, na kilala sa mga awiting Teduray version.
Nauna ng binuksan ang mga iba pang community villages nitong buwan ng Ramadan. Kabilang na dito ang pitong pangunahing tribo sa ARMM ang Maguindanaon, Tausug, Sama, M’ranaw, Yakan, Iranun, at Teduray.
Ayon kay ARMM Tourism Secretary Marites Maguindra, ang pagbubukas muli ng cultural villages ay para maipamahagi, maintindihan at lalong maunawaan ng ating mga mamamayan ang kultura, kasaysayan at pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang probinsya ng ARMM.
Matatandaang binuksan noong Nobyembre 2014 ang limang cultural community villages bilang bahagi ng ika-25 na anibersaryo ng ARMM.
Sa mga naunang mga buwan ay nagkaroon na ng iba’t-ibang aktibidad at pakulo tulad ng children’s day at indigenous arts and handicraft exhibit, zumba, hataw at yoga session.
Tampok din sa naturang mga village ang pagsasabuhay sa mayaman at makulay na kultura at sining ng iba’t ibang tribong bumubuo sa Bangsamoro.
Ang ARMM ay kinabibilangan ng mga probinsya ng Maguindanao, Lanao Del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. (Alih S. Anso-)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento