BUKO Juice... Gamot?
(May 31, 2013, Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso
para sa programang “Buhay –buhay ”
(8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn
Bilual)
Host/ Noralyn: “May problema ka ba
sa bato dahil sa pagkahilig sa mga pagkaing maaalat? Kong mayroon, may gamut na tayo, na available
sa ating bakuran, para malaman ninyo samahan kami sa ating segment Gabay at Talakayang Pampamilya sa ating
programang buhay-buhay… at of course makakasama natin ang nakaka… na kapatid
na Bangsamoro, si Kaka Ali.
(PLAY
INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NORALYN: Good morning Kaka Alih, itudo mo na.. (LAUGHING)
KAKA ALIH: Volume na nila!! (LAUGHING)
ang kanilang mga radio. Assallamu
alaikum warahmatullahi wabarakatuh. Magandang umaga sa kapatid na Pilipino. good morning sa mga Banyaga...
May
problema ka ba sa bato dahil sa pagkahilig sa mga pagkaing maaalat?
Ang
sagot: Kong mayroon, may gamut na tayo, na available sa ating bakuran, beteng
a niyog, o buko juice.
Pero
bago natin pag-usapan ang sakit sa bato, ito ang paalaala ko sa mga kapatid, na
mahilig sa maalat na pagkain, “ounce of prevention, a is better a kilo of cure
or medicine”.. (LAUGHING) What I
mean is, lalong maigi na di magkasakit kaysa sabihing walang problema may gamut
naman diyan. (LAUGHING)
Ang
maalat na pagkain ay ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng bato
sa ating kidney. Halimbawa nito ay asin,
patis, bagoong, toyo at iba pang gaya nito ang kinahihiligan ng marami sa atin,
tulad ko na hindi makakain kapag walang
sawsawan na patis o bagoong kapag sinigang na isda ang
ulam. Magana nga namang kumain kapag ganito ang sawsawan na may konting
anghang. Di ba?
Sa
ngayon, ipinapayo ng health experts ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Ang
umiwas sa mga pagkaing matataba at maaalat.
Hindi
biro ang pagkakaroon ng sakit sa bato. Kadalasan ayaw magpa-opera ng iba dahil
natatakot at umaasa lamang sa gamot at iba pang supplements para tunawin ang
bato na namuo sa kidney.
Kong
sakaling mayroon na kayo heto ang isa sa inirerekomenda at napatunayan nang
panlaban sa sakit sa bato regular na uminom ng sabaw ng buko o in short buko juice.
NORALYN:
Bakit Kaka Alih, may pag-aaral na bang naisagawa tungkol sa buko juice?
KAKA
ALIH: Yes, of course marami na. Alam mo ba Noralyn, na ipinakita sa isang
pag-aaral ng Urology Department, Chinese General Hospital sa Maynila,
napatunayan na ang injection o pagtuturok ng coconut water o buko juice sa pamamagitan ng catheter sa
urethra ay nakababawas sa laki ng bato, nakapagpapabilis sa pagtunaw ng bato
nang hindi sumasailalim sa operasyon.
Ang
proseso ay tinawag na “bukolysis” ay epektibo sa 87% ng 1,672 pasyente na
sumailalim “buko therapy.” Ipinapayo ng report na ang pag-inom ng coconut water
(buko juice) ng 2 hanggang 3 beses sa isang linggo upang maiwasan ang
pagkakaroon ng kidney stones.
Dahil sa resulta ng pananaliksik na ito, inirekomenda ni AGHAM Party-list Rep. Angelo B.
Palmones ang coconut water o buko juice
bilang pambansang inumin ng mga Pinoy dahil sa mabuting dulot nito sa ating
kausugan at wala pang maituturing na ganito sa Pilipinas gaya sa ibang mga
bansa.
Paliwanag ni Palmones, “…base sa mga
pag-aaral, ang buko juice ay natural na mababa sa carbohydrates, sugar at
fat-free. Nagtataglay ito ng organic compounds na nakatutulong na manatiling
wasto ang temperatura sa katawan, nakapagpapataas ng metabolismo sa katawan,
boost immune system, nakapaglilinis ng digestive tract, nakapagpapababa ng timbang,
at nakatutulong mabawasan ang kulubot at lumalaylay ang balat. Idinagdag pa ng mambabatas na ipinakita sa
mga pananaliksik na ang buko juice ay nakapagpapataas ng good cholesterol ng
46.2%, nakapagpapababa ng liver cholesterol ng 26.3% at nakapagpapabawas ng
panganib sa naninigas na arteries ng 41.1%.”
Ang
ganda pa nito Noralyn, available o sapat
ang supply nito. Dahil ayon sa ilat ang Industriya ng niyog sa Pilipinas,
(kong saan ditto nanggagaling ang buko juice, ay isa sa pangunahin at mahalagang
"agri-based industries" natumutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng
bansa.
Ang niyog
ay ang siyang pangunahing agricultural crop ng higit kumulang na 69 na
lalawigan sa bansa . Ito din ay isa sa panguna- hing "foreign exchange
earners." Sa huling limang taon (2005-2010), ito ay nakapagtala ng mahigit
kumulang isang bilyong dolyar na kita para sa bansa.
Mahigit
kumkulang na 3.5 milyong magsasaka at 24 milyong mga Pilipino ang umaasa sa
industrya ng Niyog.
Heto
Noralyn ang another na magandang dahilan kong bakit ko ito napili na topic
ngayon, niyog, dahil gusto ko ding suportahan ang goberno sa hinihikayat tayong
magtanim ng niyog.
Pumasok
na ba sa inyong isipan na ang buko juice o coconut water ay maging isang
pangunahing inumin ng mga propesyonal na manglalaro sa Estados Unidos?
NORALYN:
Hindi pa Kaka Alih, bakit? Katulad ba yan ng Gatorade?
KAKA
ALIH: Totoo po, ang buko juice ay pinagtutuunan ng isang masusing pag-aaral sa
Estados Unidos na maaaring ipalit sa Gatorade.
Mismong
ang Pangulong Benigno Aquino III ang nagtataguyod upang gawing pangunahing
inumin na makakapagbigay sigla o lakas sa bawa't sulok ng Pilipinas ang buko
juice.
Ayon
sa ating Pangulo, dalawang kompanya sa Estados Unidos ay nagbabalak na
mamuhunan sa buko juice o "coconut water" para matugunan ang
pandaigdigang "supply" o pangangailangan nito. Maging ang ating
Pangulo ay nananabik sa magiging bunga ng programa na magdudulot ng magandang
pag-unlad sa ibat-ibang panig ng pilipinas.
Ang pag-inom buko juice ay mabilis na
lumalaganap sa Estados Unidos dahil ito ay masustansiyang inumin na hindi
nakakasira ng kalikasan at magiging isang bagong likas na inumin ng mga
manglalaro sa Estados Unidos at makakapag-bigay ng milyon dolyar na kita sa
industriya ng niyog.
Kaya kapatid, pagtuunan natin ng pansin
ang niyog, may gamut ka na, may pera ka pa.
Ito
ang inyong kapatid na Iranun na Bangsamoro, at inyong segment writer sa Gabay
at Talakayang Pampamilya.. Kaka Ali, Wassallamu Alaikum Warahmatullahi
Wabarakatuh.
NORALYN: Maraming salamat Kaka, sa napakagandang kaalaman na
yan, na iyong ibinahagi, kaya mga
giliw naming tagapakinig, abangan sa Lunes ang segment ni ni Kaka Ali na Gabay at
Talakayang Pampamilya, dahil tiyak marami kayong mapupulot na aral at
impormasyon.
(PLAY-EXTRO-
Gabay at Talakayang Pampamilya)