Biyernes, Marso 20, 2015

ANG PANINIGARILYO AY NAKAKAMATAY

(March 20, 2015- Biyernes  …Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”. Host –Lucy Duce)
Ang paninigarilyo ay nakaka-addict

Host/Lucy: Sa mga pakete ng sigarilyo, na naka-print ang  Babala ng ating pamahalaan: “ang paninigarilyo ay nakakamatay,”   yan ang tatalaakayin ni Kaka Alih sa ating  segment na: Gabay Kalusugan at Talakayang pampamilya..  

(PLAY INTRO-) GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”

HOST LUCY: Magandang umaga Kaka Ali,  

Kaka Alih:   Magandang umaga, assallamu alaikum WW..

LUCY: Maganda itong napili mong topic ngayon, napapanahon at akmang akma sa mga araw na ito ng Biyernes, Bantay Kalusugan tayo ngayon.

KAKA ALIH: Ako pa…always nating sentro ang usapan sa mga current issues.. kaya makinig po ssila ng regular sa ating segment.

Alam mo Lucy, sa kabila ng babala ng ating goberno, cigaretee smoking KILLS, ay patuloy pa rin ang iilan nating mga kababayan sa   paghitit ng sigarilyo.

Sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ay patuloy pa rin ang programa lalo na ng Kagawaran ng Kalusugan sa Pangunguna ni DOH ARMM Secretary Jojo Sinolinding. Heto may balita akong nahalungkat sa social media: “Bawal ang Paninigarilyo,  Ipapatupad ng ARMM..”

Pwede basahin mo ulit sa ating madla nakikinig, kasamang Lucy:

LUCY:…. Puspusan ang kampanya ngayon ng  Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM upang mai-promote ang 100% Tabacco-Free Environment sa rehiyon.

Kaugnay nito,  nitong ay isinasagawa    ng Department of Health o DOH-ARMM ang Orientation on Tobacco Control at Training on Smoking Cessation Counselling para mga piling empelyado ng bawat ahensya sa rehiyon.

Layunin nito na mabigyan ng kaukulang impormasyon ang mga naninigarilyo patungkol sa masamang dulot ng usok ng sigarilyo sa kalusugan at kapaligiran.

Maliban dito, nakatuon din ang usapin sa tuloy-tuloy na pagsulong ng NO SMOKING POLICY kung saan ipagbabawal na ang paninigarilyo at pagbebenta ng sigarilyo loob ng ARMM Compound.

Binigyan ng pagkakataon na maibahagi ng mga kalahok  sa naturang orientation  lalong lalo na ung mga dating smokers na ngayon ay tumigil na, na maibahagi ng kanilang mga karanasan sa paninigarilyo at mga leksyon o aral na kanilang natutunan.

At  dito inaasahan na matutunan nila ang iba’t-ibang mga paraan ng tamang paghinto sa paninigarilyo at kung papaano ito maipapayo sa iba.

KAKA ALIH: Dagdagan na  balita katulad din nito …please read again sa akin Lucy.

LUCY: Matatandaan na noong taon 2010 ay nagpalabas na ng Islamic ruling o Fatwa ang Supreme Council of Darul Ifta of the Philippines sa Cotabato City sa pangunguna ni Grand Mufti Sheikh Omar Pasigan, na ang paninigarilyo ay ikinokonsiderang “haram” o bawal kung saan sinasabi ding walang Muslim ang dapat na mag-manufacture, bumili, magbenta at magpromote nito dahil ito ay isang kasalanan.

Pinahayag na noo n pa ni dating  Health Secretary Esperanza Cabral, na  wala namang naidudulot na kabutihan ang paninigarilyo kumpara sa pagtigil sa paninigarilyo na nakakabawas ng health risk.

Dagdag pa ni Dr. Cabral, na ang sigarilyo ang natatanging consumer product na delikado,  hindi lamang sa naninigarilyo kundi maging sa nakakalanghap ng usok nito.

Lumilitaw na sampung  Filipino ang namamatay bawat oras dahil sa paningarilyo.
Pinaliwanag din ng   nasabing Fatwa o  Islamic Ruling, na ang paninigarilyo ay masama sa Sharia’h o Islamic Jurisprudence dahil ito ay marumi bunsod na rin ng mga nakamamatay na kemikal.

KAKA ALIH: Heto paang isang nakakagimbal na impoermasyon, mga mrs at Mr, makinig.

LUCY: Kaka bakit anong balita yan, ???

KAKA ALIH: Lumiliit ang penis o ari ng lalaki kapag naninigarilyo. (PLAY LAUGHING)

Kung ayaw mong lumiit ang iyong kargada, itigil na ang paninigarilyo. (PLAY LAUGHING)

Ang paninigarilyo ay nagpapaliit ng blood vessels sa penis na nagpapababa o nagpapahina ng daloy ng dugo.

Ang paghina o pagbaba ng daloy ng dugo ay may negatibong epekto sa elasticity ng penis kaya nahihirapan maabot ang full length ng inyong penis.
Ayon sa isang researcher, ang paninigarilyo ay mas may direktang harmful impact sa penis kaysa sa puso.

Kaya’t kung gusto pang tumagal at mamuhay ng malusog, may paraan para matigil ang inyobng paninigarilyo, subukan ang mga pamamaraang ito:

1. Magtakda ng petsa kung kailan titigil

“Mahalagang magtakda ng QUIT DATE”, ayon kay Dra. Lindy Wolfenden, MD., assistant professor sa medicine ng Emory University School of Medicine sa Atlanta.

Iba na umano kapag may deadline. Kahit umano ilang beses ng nabigo, wag susuko. Tiyakin din na kapag nagtakda ng petsa siguraduhin na nakaiwas sa petsa na may inaasahang stress, dahil ito ang pangunahing hadlang sa ninanais.

Markahan sa kalendaryo ang napiling “quit date”. Iminumungkahi na habang papalapit ang petsa, maging mentally at emotionally focused na simula ito ng panibagong pagpapabuti sa kalusugan.

2. Asahan ang miserableng pakiramdam

Talagang mahirap. Nagiging miserable, irritable at parang depressed ang iyong pakiramdam. Subalit ayon sa  American Lung Association, ang nicotine ay mabilis na nawawala sa ating sistema. Kadalasan umano ay sa loob ng 24 oras mula nang tumigil sa paninigarilyo.

Sa mga susunod na araw ay parang mabilis kang magutom at parang nais na may nginunguya lagi.

Kapag nalampasan ito, magiging in control na sa nais ng bibig. Magbulsa lagi ng sugarless na gum o matigas na kendi bilang panandaliang pamalit sa nakasanayang yosi.

3. Alisin ang mga nagpapalala sa sigarilyo

Alisin ang mga natirang pakete, stick, ashtray, lighter o posporo  na mang-aakit sa iyong muling magsindi. Kailangang kausapin ang mga miyembro ng pamilya na tulungan ka na umiiwas lalo na sa nakaugalian na habang umiinom ng mainit na kape o nagbabasa ng diyaryo. Sabi nga ni Dr. Wolfenden, dapat labanan ang smoke triggers.

4. Subukang palitan ang  Nicotine

May mga nicotine replacements na klase ng mga gamot na nababawasan ang paghahanap sa yosi. Ayon kaya Dr. Neil Schachter, MD, professor sa pulmonary medicine at medical director sa respiratory care department ng Mount Sinai Center sa New York, sa nicotine replacement treatments (NRT), mayroong mga nicotine gum, patches, inhalers, at lozenges. Maaari ring sumailalaim sa replacement therapy. Pinatunayan ni Schachter na hanggang  50% ng mga taong gumamit ng nicotine replacement ang tumigil sa paninigarilyo.

5. Magtanong ng gamot

May mga aprubadong gamot para sa pagpapahinto sa paninigarilyo. Ito ang ikonsulta sa inyong mga duktor. May kilalang antidepressant na talagang nakakawalang gana hanggang sa pagkain at may klaseng humaharang sa nagiging epekto ng nicotine sa inyong utak.

6. Alamin bakit hinahanap-hanap ito

Ilang beses mo na bang tinangkang tumigil? Pakiramdam mo ba guilty ka dahil alam mo nang masama di ka parin lumubay? Paano ngayong may COPD ka na ba o nakakaramdam na ng hirap sa paghinga?

Hihintayin mo bang lumala at magkaroon ng sakit sa puso, bago tigilan ang bisyong ito?

Ayon kay Schachter, nahihiya ka na sa kabiguan mo at nag-aalala sa sinasabi ng iba. Pero ‘wag daw mag-alala ang mga smokers ay hindi “self-destructive, lazy, o unmotivated”. Hindi rin salamin ng tunay na pagkatao ng mga nagtangkang tumigil at nabigo. Naninigarilyo ang tao dahil sa pagiging adik sa nicotine.

Ayon sa aklat na Life and Breath, ang sinumang umuubos ng 5-10 stick kada araw ay maituturing na adik sa sigarilyo. Kinakailangan kung minsan ang malungkot na pangyayari tulad ng pagkakaroon ng matinding sakit bago isiping tumigil.

7. Kumuha ng Suporta o Counseling

Isa sa pinakamabisang paraan para tumigil, kumuha ng indibidwal o grupo na makapagbibigay ng paalala palagi sa bad effects ng yosi, ayon kay Wolfenden. Palaging makipag-usap sa inyong duktor, para lalong tumibay ang paninindigan kontra rito.

Ang sinumang nagtatangkang tumigil sa paninigarilyo ay meron lamang  3% to 5% na matutuloy.

Pero sa tuwing babalakin lagyan iyan ng 5% chance. So kapag nakaapat nang pagtatangka, iyan ay 20% chance na rin.

At pinakamabisa ay palagiang magbasa ng mga artikulo ukol sa masamang epekto ng paninigarilyo.

sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ang segment writer/reporter Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Ito ang inyong kapatid   Kaka Ali ang inyong segment writer at producer,   Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.


(PLAY-EXTRO GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”)