Biyernes, Agosto 23, 2013

PAPAYA O KUPAYA


(August 24, 2013-Sabado-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce.)

 (PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY:   Magandang umaga Kaka Alih, anong tanim naman ang itatanim natin ngayong umaga? 

http://farm3.staticflickr.com/2126/2264091439_b8fc9b8eee.jpg
ALIH:   Good morning , Assallamu alaikum WW. Gulay at prutas ang pag-uusapan natin Lucy.

LUCY:   Bale dalawang subject, ang isa ay tanim na gulay at tanim na prutas?
ALIH:  Hindi isang lang, but gulay na prutas pa, at prutas na gulayv (PLAY LAUGHING) 2 in one ika nga..este mali pala 3 in 1 Lucy dahil medicinal plants din pala ito. 

LUCY:   Sige, sige Kaka tuloy mo na…tiyak marami naman kaming mapupulot diyan, biruin mo 3 in 1, parang kape. (PLAY LAUGHING)

 ALIH:  Alam mo naman tayo Lucy, we always satisfy the needs our clients.. (PLAY LAUGHING)…

Ang pag-uusapan natin ay ang scientific name ay Carica papaya. Papaya sa Tagalog, Kupaya sa Renawon, Kafaya sa Teduray.
Ang papaya ay kilala ng lahat lalo na yaong papayang uwak o kafaya uwak. 
Unahin nating pag-usapan ang papaya bilang gamut.

Ang hinog na bunga ng papaya ay nakatutulong upang matunaw ng mabuti ang pagkaing kinain. Para ito sa mga naimpatso, may mga taghiyawat at mga bulate sa tiyan. Gamot din sa sa sakit na galing sa babae.

LUCY:   Pwede mong ituro Kaka Ali ang paraan ng paghahanda bilang gamut.

KAKA ALIH: of course naman Lucy, ok ganito ang unang gawin.

Kong tgihahawat ang gagamutin ay durugin ang hinog na papaya, lagyan ng katas ng kalamansi at itapal sa mukha na may tagihiyawat.

Kong para sa impatso, simpleng lang,  kumain ng hinog na bunga ng papaya. Kong wala kang tanim, bumili muna, kong walang kang  pera, at medyo kapal muks ka, try na manghingi sa kapitbahay. (PLAY LAUGHING)

Para sa may mga bulate sa tiyan, magdikdik ng mga buto, haluan ng konting gatas at inumin.  Pero may dosage din ito, para sa mga bata edad 7-9 na taon : 1/4 kutsarita lamang. Para naman sa mga bata na may edad 10-12 na taon : 1/2 kutsarita.  Gawin ito 2 oras pagkatapos kumain ng hapunan. Ulitin pagkatapos ng isang linggo kung kailangan.

Heto ang matindi Lucy, para ito sa mga lalaking walang pahinga, at dapat ng magbago, but bago pa makapagbago ay may sakit na galing sa babae dahil sa pambabae, may gamut tayo diyan na hindi mahahalata, at menus gastos, ito nga papaya. (PLAY LAUGHING)

LUCY:   Pwede mong ituro Kaka Ali ang paraan ng paghahanda bilang gamut, sa sakit na y an..

KAKA ALIH: Pwede Lucy, but mangako sila sa Diyos o Allah na hindi na sila uulit. Sana leksyon nay an sa inyo mga pare. Maglaga ng mga buto at inumin ang pinaglagaan,   ito ay makakagamut    sa sakit na galing sa babae dahil sa pambabae.

Ang dahon ng papaya ay ginagamit pang-alis ng mantsa sa damit at mainam na panlinis o panghugas sa bituka ng baboy.

Ang Papaya ay puno ng Vitamin A at C. Isang hiwa ng hinog na papaya ay katumbas sa 7 ½ pirasong latundan (40 gramo bawat isa) katulong ng buong pamilya laban sa sipon.

 Ayon pa rin sa pananaliksik sa laboratoryo (hindi pa sa tao), ang dagta ng dahon ng papaya ay nagpapabagal sa pagdami ng 10 uri ng cancer cells sa cervix, atay, baga, pancreas at dibdib. Ang hinog na bunga naman nito ay nakakapagpalakas ng resistensya. Dagdag pa rito ang enzyme na papain (Papain is a protein-cleaving enzyme derived from papaya and certain other plants.) na may mahalagang papel na ginagampanan upang ang coating ng mga cancer cell ay masira at maging mabisa ang pagke-chemotherapy.

Ang susunod na pag-uusapan naman natin ay ang papaya bilang pagkain.

Ang papaya ay kinakaing tila milong prutas na itinatanim sa kabuuan ng mga maiinit at di may kainitang lagay ng panahong mga bansa sa kabuuan ng mundo. Ang makatas nitong kalamnan ay maaring ginintuang dilaw o kaya’y pula kapag hinog na bagay na bagay sa paggawa ng mga ensalada, pati na sa mga “pies “at “confectious”. Ang hilaw na papaya ay maaring durugin o kaya’y iluto na tila kalabasa na karaniwang isinasangkap o ginagawang panrekado sa mga karaniwan at batid na ng lahat na mga lutuing Asyano.

Ang papaya ay saganang pinagmumulan ng bitamina gayundin ng mineral at hibla.

Marami rin gamit ang papaya bilang panghalo sa mga finisheds products.

Ang papain ng papaya  at iba pang nakakatas at nakukuha sa papaya ay ginagamit sa pagpu pruseso ng mga pharmaceutical pati na mga cosmetic industries Halimbawa na lamang ay sa Pilipinas, ito ay nakilala bilang mahalagang sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, lotion at iba pang produktong  kosmetiko.

Ang papaya rin ay ang saganang pinanggagalingan ng papain, na ginagamit sa paggawa ng beer, pagpapalambot ng karne, produksiyon ng mga   produktong parmasyutikal at iba pang kosmetikong produkto.

LUCY: Ok Kaka kumbinsido na ako, sa paliwanag mo, magtatanim na ako ng papaya pero wala akong maitanim.  Papaano  pipili ng seedling ng papaya na itatanim?

KAKA: Madali lang anong papaya ang gusto mo o gusto ng target customer mo. Kong hindi mo alam pumunta sa palengke at magtanong tanong, sa on demand na papaya.

Kapag nakapagdesisyon ka na, bumili ng hinog na papaya na gusto mo. Hatiin sa gitna, ang nasa baba ang kunin na buto, bakit ang nasa taas ay lalaki at babae  ay ang babae..

Kong ayaw mong maka-experience at matuto eh di bumili na lamang seeds ng papaya, sa agricultural supplies store, sampung piso makakabili ka na ng high variety, dahil may tingi-tingi o retail naman sila.

Sa pagtatanim natin may paalaala ako sa inyo, may pamahiin daw tayo: Mahigpit din na ipinagbabawal ng mga matatanda na magtanim ng papaya sa harap ng inyong bintana dahil sa ito ay maghahatid ng kamalasan.

LUCY: Bakit naman Kaka?


Syempre naman, di naharangan ang inyong bintana, di mo makikita ang mga dumaraan na magagandang chicks na patungo ng UAS. (PLAY LAUGHING) 

Di ko na muna ituturo ang paraan ng pagtatanim at pag-aalaga dahil kulang tayo ng panahon o oras, at alam ko marami kayong alam o  experience sa pagtatanim ng papaya kaysa sa akin.

Ang recommendation ko  na magandang itanim ay pandak na papaya, hanapin ninyo ang sinta variety, semi dwarf ito at matamis, mamumunga ito ng 17-50 at abot ng 1-2 kilo ang bawat prutas. Marami pang variety na mapag-pipilian ninyo, itanong lamang sa store o nagtitinda.

Sa pagluluto naman, abangan na lamang sa mga segment sa buhay buhay.. tiyak na mapapalaway kayo, na sa mga ibabahagi ni Jeanetha, sa programang buhay buhay mamayang ika  8:00-9:00 ng umaga.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pakikiisa sa amin yours truly,  Kaka Alih   wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh..

(PLAY EXTRO- USAPING AGRIKULTURA)

LUCY: Iyan si Kaka Alih   sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..

Huwebes, Agosto 22, 2013

Mag-agahan Para sa Ating Kalusugan

Mag-agahan Para sa Ating Kalusugan

(August 23, 2013-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Ms Lucy Duce)

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Pamilyang sabay sabay mag-almusal

LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, ano naman ang ibabahagi natin sa ating madlang nakikinig ngayong umaga?
 
KAKA ALIH: Maraming salamat Lucy, well prepared tayo sa topics na ibabahagi natin ngayon umaga, pero bago yun ay hayaan mong magpugay tayo sa madlang nakikinig at nanonood, ng magandang umaga   at asssallamu  alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam.

 Matanong kita Lucy, anong oras ka nag-aagahan o nag-aalmusal? Ano ang ina-agahan?

LUCY: ako Kaka, madalas kape at pandesal, ang kanin mga alas nuwebe na ng umaga, after our program.

KAKA ALIH: Thank you Lucy, then for me, I take my breakfast after our Balita, but during Sundays, after I offer my Subuh or morning prayer inum na ako ng kape, habang nagluluto ang mga bata, then pagkaluto, mainit pa kain na ako, ang ibang member of the family tulog pa.

Ayon sa napag-alaman ko, kailangan natin na mag-agahan, kong kaya pa complete diet..

Alam mo Lucy ang  pag-aalmusal o agahan ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw.  Ito ang isa mga itinuturo di Doc Willie Ong. Bakit?

Ito kasi ang nagbibigay sa atin ng lakas at enerhiya upang matugunan ang mga hamon at pagsubok na haharapin natin sa buong araw.

But iba nating mga kapatid ay di nakakalimutan na nilang mag-almusal.  Dahil marahil sa kakulangan ng oras at panahon dala ng modernong pamumuhay, madalas ay nakaliligtaan na natin ang mag-almusal.  Maaga pa ay computer na ang inaatupag, papaano kasi kailangan niyang sagutin ang comments o mag-like sa facebook. (PLAY LAUGHING)

LUCY: Ang iba diyan ang madalas ay kung ano na lang ang madampot sa hapag-kainan.

KAKA ALIH: Tama ka diyan Lucy, kahit anong nakalagay na pagkain sa sa mesa,  ay siya  ng nilalantakan, lalo na yaong   mga batang kailangang pumasok sa eskuwela, na ang nanay ay di nakagising, o kong nakagising di pa nakapagluto, dahil may ginagawa pang iba, kasama si tatay.. (PLAY LAUGHING) 

Mayroon din diyan na   mga magulang na naghahabol ng oras  upang hindi mahuli sa trabaho, kaya kahit ano na lang kinakain, kong minsan kape lang at isang pandesal. At karamihan sa nag—opisina o negosyante ay sa restaurant o karenderya na lamang kumakain.

Sabi ng kaibigang Doktor,  ito ay  nakaaalarma kung umaalis sila ng bahay na kape lamang ang laman ng tiyan! Kung ipapagtuloy ang ganitong kagawian, magdudulot ito ng hindi mabuti sa ating kalusugan.

LUCY: Ano ba ang  tamang almusal Kaka?

KAKA ALIH: Almusal? Dika na nasanay sa  ating mga Pilipino,    kanin sa umaga, kanin-kanin. Sabagay mabuti Naman ang kanin ngunit hindi dapat labis ang pagkain nito. Mainam ito sa almusal dahil nasusunog natin ang calories nito sa buong araw.

But siguraduhin na balanse ang almusal.   Ang  carbohydrates na nakukuha sa kanin at tinapay; ay may dagdag na  protina na mula sa isda at karne, tulad ng tinapa at langgonisa; bitamina, mineral at fiber mula sa prutas at gulay.

At sa mga mahilig uminom ng kape reminder lang po. Huwag ding lalampas ng isang tasa ang pag-inom ng kape, at kung maaari ay mag-tsaa na lang upang hindi nerbyusin. Para sa mga bata, gatas o juice ang pinakamainam.

Nanay o ate..  Huwag ulit-ulitin ang hinahandang almusal upang hindi magsawa ang pamilya. Kung maaari ay magplano ng menu,  na para sa dalawang linggo upang matugunan ang tamang panlasa at nutrisyon na kakailanganin.

Subukan din ang mga tradisyonal na almusal na kinagisnan ng ating mga lolo at lola. Na may gulay, tinapa na karne, sinugba na isda, ano pa.. Mahaba ang kanilang buhay dahil tama sa nutrisyon ang kanilang kinakain.

Ang mga nangauna sa atin   ay bihira silang kumain ng pagkain na galing sa lata at bote na karaniwan ay sinangkapan ng mga kemikal at preserbatibo.

Kumain tayo na parang mga magsasaka, kung saan pawang mga sariwang sangkap at tradisyonal na pagluluto lamang ang ginagamit at ginagawa.

Sa paraang ito, hindi lamang tayo makatitipid, magkakaroon din tayo ng kakaibang lakas ng katawan at makatutulong pa tayo sa ating kalikasan.

LUCY: Ano ba ang    almusal ng mga magsasaka Kaka?

KAKA ALIH: Niluluto ng mga magsasaka ang kanilang almusal sa kanilang tahanan. At di lang yun Lucy, sila pa ang nagtanim ng kanilang niluluto, kaya nakakasigorado silang walang chemical ang gulay na ianaagahan nila. Esperience ko noong nagsasaka pa ako, kasama si aman ay alas-tres pa lang ng bukang liwayway  ay bitbit ko na  ang aking  baon sa bukid, kong minsan naman inihahatid ni ina.

Ang mga mag-sasaka ay karaniwan   kinakain ang baon o hatid ng misis  sa sandaling sumikat na ang araw at nagsimula nang maging mainit at maalinsangan ang panahon.

Madalas ang bida sa kanilang baon ay ang sinangag na bahaw sa konting mantika at bawang na bahagyang inasinan; piniritong binating itlog na may bawang, sibuyas, kamatis na malaki ang pagkakahiwa na sinahugan ng burong mustasa; ensaladang na may sangkap na tinadtad na sibuyas, kamatis at bawang na hinaluan ang pinasingawang talbos ng kamote o sariwang pako; tinapang isda, pritong longganisa, tapang usa o baka; at huwag kalimutan ang atsarang papaya na makakatulong na pampaalis ng sawa.

Subukan din itong ginagawa namin, ang pinagtirhan na sinugba na isda, o ib pang pagkain, kahit kanin, ay ibinabalot sa   dahon ng saging. Mahigpit ang pagkakabalot nito at ilagay sa apoy, ang malamig na, balik ang init. Ang dahilan kung bakit sinasalab sa apoy ang dahon ng saging ay upang maging malambot at makintab ito. Pinapatay din ng init ng apoy ang mga bakterya kaya makakasiguro ka na ang pagkain ay hindi mapapanis.

Ito ang inyong Kaka Alih, Sukran Wassalam.

(PLAY- Gabay at Talakayang Pampamilya)



Gulay Mula sa Sariling Hardin ay Mas Masarap Kaysa Binili sa Merkado

Gulay Mula sa Sariling Hardin ay Mas Masarap Kaysa Binili sa Merkado

 (August 23, 2013-Biyernes-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce.)


 (PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY:   Magandang umaga Kaka Alih, kumusta naman ang iyong umaga? At ano naman tanim ang ibabahagi mo sa amin ngayong umaga? 

ALIH:   Gulay na mula sa sariling hardin mas masarap kaysa ano mang mabili na gulay palengke..  Agree ka dito Lucy?

Siling labuyo
LUCY:   Agree Kaka, but I may request na pwede mong ipaliwanag sa amin, bakit?

ALIH:  Of course that is my  part, this morning, but before anything else, magpupugay muna ako sa madlang nakikinig at nanunood ng magandang umaga at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam.

Marahil Lucy walang kokontra sa sinabi natin,  na  lahat ng nagtatanim ng sarili nilang gulay ay sasang-ayon na mas masarap na di hamak ang mga ito,  , kaysa sa kahit na ano mang gulay na  puwede nilang mabili  sa palengke.

LUCY:   Ganito na lang Kaka ang deal, ang  di sasangayon o may suggestion magtext sila sa atin, right now, our key words is “Bayan” at mga numero na pwede nilang magamit ay ang dalawang mobile number natin:09392558633 at 09276724037.

 ALIH:  Deal! (PLAY LAUGHING) Kong ganoon ay dapat lahat tayo ay dapat may sariling hardin o garden, para makapagtanim ng   sariling mga gulay.

 Ok tuloy ko Lucy, kayo naman pare, tuloy lang ninyo ang pag-inom ng kape, at huwag ka ng magtext kapatid, dahil sinisiguro ko sa iyo, sa sasang-ayon ka sa akin.

Kong gulay na binili sa palengke, lahat ito ay dumaan sa kamay ng mga negosyante o mangangalakal. At ang mga mangangalakal na ito ay pumipili ng ibat-iba klase gulay o prutas na tumatagal sa biyahe, at dahil dito posibleng magkakapareho ang itsura at nahihinog ng sabay-sabay.

Ngunit, ang nagtatanim ng sarili nilang gulay ay nakakapili ng ibat-ibang klase sa pamamagitan lamang ng lasa o sarap at kasariwaan, na gusto nila.

Halimbawa nito Lucy, ay ako.  Yes, tulad ko,  kong kamatis ang pag-uusapan,  ang gusto ko na kamatis ay manibalang at hindi malalaki.  Sa Talong naman  gang gusto ko yang bubot pa, o bata pa, sabagay kahit sa tao gusto ko bata pa.

(PLAY LAUGHING).

Heto pa ang pinaka-rason kong bakit kailangan may sarili tayong gulayan o hardin sa ating mga bakuran.

 Maraming gulay, kasama na na dito ang sweetcorn at mga beans, ay nagtataglay ng asukal na nagbibigay linamnam sa pambihirang lasa nito. Subalit sa sandaling pinitas na ang mga ito, ang asukal o tamis nito ay nagsisimula nang maging starch o harina  at ang lasa ay nawawala na o tumatabang.

Ito ang dahilan kasamang Lucy, mga giliw kong magsasaka, o kumara, kumpare , kung bakit ang palengke ay hindi makakompetensiya sa tamis at lasa ang gulay na   pinitas mula sa inyong tanim,  na isang minuto pa lamang pinitas bago lutuin. 

Isa pang dahilan, ang pagpapalago ng sarili mong gulay ay ang pagiging praktikal dahil na rin sa sobrang mahal ng bilihin sa ngayon.  Nakakasigorado ka ba ang binili mong petsay ay hindi inisprihan ng chemical?

At kung maisipan mong magdagdag ng dahon ng sibuyas sa iyong salad, uutos ka pa ba ba ng anak mo, na papasok pa sa paaralan,  para bumili sa palengke? Hindi na,  dahil  andiyan lamang  sa inyong bakuran ang kailangan mo, at presko pa.

At kung isasa-alang-alang mo rin ang ka-kontentuhan na mararanasan mo, ang kapaki-pakinabang na ehersisyo sa araw-araw na ginagamit mo sa pag-gagarden.  At makakain o magugulay mo pa kong ano ang gusto mong gulay.

 Believe me my friend, masarap ang lasa ng gulay kapag ikaw ang nag-tanim at nagluto, bakit ko ito nasasabi, based in  my personal experience.

Madali lang naman ang pagtatanim ng mga gulay, konting kaalaman lamang at konting tiyaga. Pero kong likas kang tamad, wala na akong magagawa, surrender na ako, wala pa kasi maibento ang gamot sa katamaran. (PLAY LAUGHING).

Ang kailangan mo kaibigan ay lupa na pagtataniman, dahil halos lahat ng tanim ay sa lupa tumutubo. Ang lupa ay ang pinakapangunahin sa mga gamit na kailangan natin sa paghahardin.  Kaya nararapat na ihanda ang lupa na pagtataniman  ng tama at magkakaroon  malaking tsansa ka na makapag-patubo ng magagandang uri at dami ng gulay.

Ang pinakamagandang lupa o location ay yong mataba o fertile at malayang nakakadaloy ang tubig, ngunit nakakapag-iwan ng basa o moist.  Ang ibig kong sabihin pare ay  nakakapagta-ipon ng sapat na tubig para sa mabilis na paglago ng inyong halaman, but sigoraduhin mo na hindi naman ito magiging sanhi ng pagbabara o di pagdaloy ng tubig pag umuulan.  Proper drainage is necessary.

Ang mga gardener ganito ang kanilang ginagawa. Para mapalambot ang makapal at tuyong lupa,   bungkalin ito at haluan na maraming nabulok na bagay, basura, tuyong dahon, animal manure, at iba pa.

Dito sa ating bayan, especially sa Nuro, may mabibilhan tayo ng  mga organic compost o yaong mga nabulok na bagay. Sa MRF center sa may motorpool ay pwede kayong makipag-unayan.  Sa opisina ni Ate Glo Sentillo, ang ESWM,  try to contact,  makakabili kayo sa halagang   more or less isang sako ay  P100.

 Ang sabi nga pala sa akin ni Ate Glo Malbaran, yung organic o nabubulok na material na inihanda nila ay    conditioner,  para sa garden na gulay at bulaklak ang itatanim, tulad sa buhok ha, may hair conditioner din.. (PLAY LAUGHING).

LUCY: Bakit kailangan ang mga garden soil na ganito Kaka Alih?

KAKA: Bakit kailangan ang mga garden soil na ganito, Lucy? Ang mga ito kasi ang magpapalambot sa lupa at makakahikayat ng bulate na lalong makakatulong sa pagkondisyon ng lupa. 

Heto pa ang minsan ginagawa ko.  Ang buhangin at graba ay mahalaga rin para mapa-buti ng husto ang malayang daloy at ang texture o timpla ng lupa.

At para mapabuti ang texture ng lupa, ang organic na sangkap ay nagbibigay ng nutrisyon sa pagkain ang mga halaman. Ang nabubulok ng ipa ng palay o cob ng mais ay mainam rin na panghalo. Marami nang nabibilihan nito sa ngayon.

Sa karamihan, ang mga gulay ay madaling makaagapay o maka-adopt sa klaseng lupa, ngunit ang acidity at alkalinity ng lupa ay mahalaga. Sa pangkalahatan, ang gulay ay gusto ang katamtaman pH na 7. Para maintindihan ang pH ng pure water o tawag natin na mineral water ay almost pH7. Ang 0-6 ay acidic at ang lagpas naman ng 7 ay alkaline water na.

Ngunit may ibang gulay na mas pumapabor sa medyo mataas na kaunti ang alkalinity ng lupa.

Siling labuyo at Sakurab (dahong sibuyas)
Para malaman ang pH ng lupa, bumili ng soil testing kit sa garden center o maghahalaman. Napakadali lang nitong nitong gamitin. Kong gusto mong madagadagan ang kaalaman dito you may contact guro ng  UAS-PTIA o kahit mga student na 3rd or 4th year, tiyak naturuan na sila ng pag-gamit nito. But in our place Upi, di na kailangan ang test na test na yan, just plant ng gulay tutubo na yan.. (PLAY LAUGHING).

Kong sakaling malaman mo na acidic ang lupa na pagtataniman mo, don’t be stress. Ang acidic na lupa ay maaaring gawing katamtaman sa pamamagitan ng pagdadagdag ng lime o durog na limestone or dolomitic limestone, don’t worry sa mga materials na ito, available sa mga agricultural store.

Ang alkaline na lupa naman ay maaaring gawing katamtaman sa palagiang pagdadagdag ng compost at manure.  O di ba madali lang.

Ang mataas na alkaline sa lupa ay ang pinakamahirap na ayusin o itama.  Kung ganito ang klase ng lupa nyo, ay makabubuti na sa container na lang kayo magtanim o kahon na yari sa kahoy.

May nabasa ako kahapon, na hindi paso na nakapatong lupa kundi nakasabit sa dingding, doon nakatanim ang  itinanim na petsay, kamatis, ampalaya..ang tawag nila ditto ay hanging  o vertical gardening.

Yes sa mga taga Nuro, na kulang ang area ng mapagtataniman ninyo ng inyong mga gulay, yaong mga hindi naman kalakihan ang puno, tulad ng petsay, alugbati, ampalaya, linggay, pwede ninyong subukan itong vertical o nakasabit na mga supot o sako. Ang ginawa nila ay tinahi ang plastic na may pormang malalaking bulsa, na sa bawat hilira ay   apat  at apat na patong, sinlaki ng din mga plastic bag na ginagamit sa planting materials.
hanging or vertical  gardening

Sa mga lugar na mabato, o nakasemento,   at hindi maganda ang lupa  pwede pa rin mag tanim ng maramihan: gumamit ng mga sako  ng palay,   NFA sacks. Lagyan ng mataba  o magandang lupa at doon po ninyo itusok yung mga tanim ninyo, maaring bawang bulbs  or luya (ginger) na may isang dangkal ang pagitan.  
Dito na ninyo magagamit ang mga lupa kanina na nabanggit natin, na mabibili sa MRF natin, o kaya kayo na mismo ang nag -gawa na mga   organic materials.

Sa pagluluto naman, abangan na lamang sa mga segment sa buhay buhay.. tiyak na mapapalaway kayo, na sa mga ibabahagi ni Jeanetha, sa programang buhay buhay mamayang ika  8:00-9:00 ng umaga.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pakikiisa sa amin yours truly,  Kaka Alih   wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh..

(PLAY EXTRO- USAPING AGRIKULTURA)


LUCY: Iyan si Kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..

Miyerkules, Agosto 21, 2013

Kadyos


(August 22, 2013-Huwebes-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce.)
                                   
(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)
http://www.stuartxchange.com/Kadios.jpg
LUCY:   Magandang umaga Kaka Alih, kumusta naman ang iyong umaga? At ano naman tanim ang ibabahagi mo sa amin ngayong umaga? 
ALIH:   Hahahaha.. Lucy, ano  nga ba..   eh di gulay pa rin  tayo, at steady pa rin pa rin tayo sa   mga gulay na pampapalakas!!! (LAUGHING)
Natalakay na natin ang gulay ng Bisaya, ang malunggay, this morning  ito namang sinasabi ni Ina na kamo a Ilonggo, ang ibig sabihin ay gulay ng Ilonggo.

LUCY:   Anong gulay yan Kaka Alih, na tinawag ng nanay mo na gulay naming mga Iloggo, kahit ako Ilongga di ko pa alam yan, na may gulay pala kaming mga Ilonggo. (LAUGHING)
ALIH:  Hahaha..favorite menu sa Iloilo…ang  KBL…  Bakit nabansagan ni Ina na kamo a Ilonggo, ito kasing ibabahagi ko na gulay ay madalas doon nakikita sa mga settlers na Ilonggo, madalas na itinatanim sa boundary ng kanilang mga tanim na upland rice, tulad ng sinabi membro ito ng. K stands for Kadyos B stands for Baboy at L stand fort Langka.. (LAUGHING)

LUCY:   Hahaha.. admitted Kaka, kadyos is one of t he favorite lutuin ng mga Ilonggo.  (LAUGHING)

ALIH:  Ang kadyos in  Ingles ay Pigeon pea, red gram o kaya Congo peas.  Ang kadyos  ay isang uri ng gulay.  Ang Kadyos sa Tagalog,  ay kilala na rin sa tawag na kagyos, kagyas, kaldis sa Ilocano, kalios, kardis, kidis at tabios.

Ang uri na matatagpuan sa Pilipinas ay maliit na maitim na buto. Kung minsan ay tinatawag ito sa salitang Ingles na black-eyed peas.

Ang tanim na ito ay mula sa Malaya. Ang tanim na ito hay masanga, mabalahibo, at tuwid, at umaabot ng 1 - 2 metro ang taas. Ang buto nito at ang talbos ay ginugulay. subalit sa Aklan ang buto lang ang kinakain, madalas may halong baboy at langka. Ang dinurog na buto nito ay ginagamit sa namamagang parti ng katawan.

Paborito ito ng  mga Ilonggo ang  kadyos. Nguda o bata pa ang bunga pwede ng gulayin, kong tigulang na, ang buto katulad din sa monggo.
Ang kadyos ay mainam sa lupa na tulad sa Upi.

Ang tanim na kadyos ay malakas ang resistansiya, tag-tuyot, kaya niya ang anim (6) na hindi maulanan, ngunit nabubuhay din sa tag-ulan.

Gusto nito ang direktang tinatamaan ng sinag ng araw, subalit pwede rin  sa may lilim ng mga puno, lalo na kong bago lang itong lumalaki.

Ang dahon at murang bunga ay pwedeng pitasin. A ng dahon ay magandang pakain sa hayop, tulad ng kambing at murang bunga ay magandang  gulayin, ganoon din hinog na  buto nito, ay gulay at pagkain narin.
Ang tanim na kadyos pag maganda ang pangangalaga ay pwedeng mabuhay ng limang taon. Ang punong kadyos ay shrubs, kaya pwedeng panggatong ang puno o mga sanga nito.

Panglaban din sa erosion ng lupa o erosion control, kaya magandang itanim sa mga bagilid o slopes na lupa. Gawin masinsin, o medyo magkakalapid ang pagtatanim.

Sintangkad ng tao ang puno ng kadyos.

Sa pagtatanim ay buto ang itatanim na may pagitan na isang metro  at ibaon sa lupa na mga isang pulgada. Mga 20 kgs na buto ang kailangan sa isang hektarya.

65-80 araw ay magsisimula ng mamulaklak ang kadyos.

Sa pagluluto naman ng kadyos, abangan na lamang sa mga segment sa buhay buhay.. tiyak na mapapalaway kayo, na sa mga ibabahagi ni Jeanetha sa buhay buhay ay 8:00-9:00 ng umaga.

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si Kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..


(PLAY EXTRO)

Martes, Agosto 20, 2013

Konting Ulan lang Baha, Bakit?

Hon Datu Tocao "Hadji Ahmad" Mastura, interviewed by
 Lenyrose B. Sunio, Alih S. Anso of DXUP FM about the
flood in Pulangi river (Rio Grande De Mindanao)
June 21, 2011 at the Delta Bridge, between Sultan Kudarat
and Cotabato City.
(August 20, 2013-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Ms Lucy Duce)

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, ano ang ibabahagi natin sa ating madlang nakikinig ngayong umaga? 

KAKA ALIH: Maraming salamat Lucy, well prepared tayo sa topics na ibabahagi natin ngayon umaga, pero bago yun ay hayaan mong magpugay tayo sa madlang nakikinig at nanonood, ng magandang umaga   at asssallamu  alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam.

Ayon sa balita sa radio at TV, napakarami ng  buhay na ang nasawi dahil sa sunod-sunod na pag baha sa ating bansa. Wala naming bagyo, kundi ulan lang binabaha na ang mga bayan at lungsod. 

LUCY: Bakit Kaka?

KAKA ALIH: Bakit? Iyan ang pag-uusapan natin Kapatid na Lucy, sisikapin natin na masagot ang tanong, na, konting ulan lang naman, nagbaha na, bakit?

Ang pagbaha sa siyudad ay isang seryoso at tumitinding hamon sa kaunlaran ng mga bansa sa Silangang Asia kabilang na ang Pilipinas.  Ang pambansang pamahalaan o national government ay binigyang diin ang agarang pangangailangan na makapaglatag ng flood risk management na regular na pagpaplano ng mga lungsod at munisipalidad, na di man maiwasan ang pagbaha ay medyo ma-minimized ang damages.

Ito ang binigyan-diin ng World Bank sa inilathalang librong “Cities and Flooding: A Guide to Integrated Urban Flood Risk Management for the 21st Century,” na naglalatag ng mga nararapat gawin para maibsan o maiwasan ang malaking epekto ng pagbaha.

Alam natin na ang sunod-sunod na pagbaha ay patuloy na banta sa buhay at kalusugan ng ating mga anak at  sumisira sa ating ekonomiya, lalo sa agrikultura, kaya’t lalong naghihirap ang ating mga mamamayan.

Dapat magkaisa at tumulong ang bawat Pilipino sa paglutas sa problema sa baha, lalo’t sinasabing mas malalaking baha ang darating sa bansa bunga ng climate change.
Taken during the flood in Pulangi river
(Rio Grande De Mindanao)
June 21, 2011 at the Delta Bridge
Ang gobyerno at mga milyon-milyong mamayang Pilipino kasama na ang mga Bangsamoro ay nararapat ng  magkaisa upang maiwasan ang mga delubyong bagyop na naghatid ng baha na ikinasawi naman ng marami nating kababayan.

 Kaya nararapat na ang bawat mamamayan ay dapat mapangalaga at mapagkalinga sa kapaligiran at sa kalikasan. Kong kayo ay nakasakay sa eroplano, makikita mo ang mga kabundukan ay panot na panot na, unti-unti ng nawawala ang mga punong kahoy.

Ang masakit nito, kahit ang mga puno na sadyang itinanim, sa mga lungsod o poblaacion ay  walang awa at kapararakang pinuputol natin.    Sa Kalakhang Maynila ay  marami ng puno ang pinutol, kaya   marami pa ang bilang ng mga poste ng kuryente kaysa mga puno sa ating kalunsuran, kaya’t ang nalalanghap at nadarama natin ay maruming hangin at nakapapasong init.

Ang gahamang pagputol ng mga puno at pagkalbo sa kabundukan ay maraming beses nang naging sanhi ng kamatayan ng ating mga kababayan. Maalaala ninyo ang   nangyari sa Ormoc, Leyte, kung saan, dahil sa walang pakundangang pagputol ng mga puno at patuloy na pag-ulan ay nilamon ng rumaragasang agos ng tubig at putik, mula sa kabundukan, ang isang bayan, na ikinamatay ng libu-libong mamamayan.

May naibalita  rin na   maraming pamilya ang namatay dahil sa pagguho ng lupang kinatatayuan ng kanilang tahanan. Tulad na naibalit na nangyari natrahedya sa Cherry Hills, Antipolo City,(Agosto 2, 1999, 8 :00 pm,  Barangay San Luis, Antipolo- 59 namatay, 32 nasugatan),  kung hindi umano  pinagpupuputol ang mga puno doon  at kung hindi pinatag at pinahina ang bundok sa paligid marahil hindi mangyayari ang pag-guho ng lupa.

Sa mga lungsod o poblacion  ay walang mga ilog na mapasyalan o mapaglanguyan. Ang ilog Matuber na paboritong paliguan ng mga kabataan noon ng taga NCES, nasaan na? silted na, sabagay, may nagsasabi nakabuti daw dahil malapit na ang quary han. (PLAY LAUGHING)

Ang mga ilog ay ginawa natin itong tapunan ng basura o ginawang  basurahan. 

  Ang tubig nito’y lason, hindi lang sa tao, subali’t sa mga isdang dito’y dating naninirahan.

Ang mga estero natin ay patay na rin, nagging  itim ang tubig at barado ng mga basura at putik. Dahil dito, sa kaunting ulan ay binabaha ang ating paligid. Maging ang ating karagatan ay marurumi at hindi mapaglanguyan. Ang mga lumulutang dito’y mga basura, dumi ng tao, langis at plastik.

Nasaan ang ating pagmamahal sa ating salin lahi?

Kong hindi ito mapipigil baka ilang taon na lang ay wala nang malalabi sa ating kapaligiran.

Ang ating kabundukan at parang ay matutuyot at magiging disyerto ng ating kapabayaan sa kalikasan.

Wala ng mga punong paglalaruan ang ating mga anak. Wala ng sariwang hangin na malalanghap.

Wala ng malinis na tubig na iinumin.

Wala ng huni ng ibon na pakikinggan. Wala ng isdang matitikman. Wala ng ilog at dagat na lalanguyan. Papasuin at tutuyuin sila ng matinding init na sanhi ng ating paghalay sa kalikasan.

Mahal ba natin ang ating mga anak? Matanong kita Lucy, mahal mo ba ang iyon mga anak at apo?

LUCY: of course naman Kaka, kahit lamok di ko pinapayagan na makagat sila.

KAKA ALIH: O kita na ninyo? Walang magulang na hindi niya mamahalin ang anak, pero kong minsan, ang ginagawa natin ay hindi nakakabuti sa kanila, kundi ito ay nakakasama na pala sa kanila.

Kong gayon na mahal natin ang mga salin lahi, ang mga mga anak o apo eh   kumilos na  tayo at buhayin ang ating kapaligiran at kalikasan.

Magtanim tayo ng mga puno. Ngayon Na! at hindi na dapat ipabukas pa, baka huli na ang lahat, kong hindi natin sisimulan.

Taniman natin ang lahat ng maaaring taniman. Itanim natin ang kahit anong puno upang tayo’y may lilim na masilungan. Ang lahat ng lugar ay gawin nating luntian.

Gawin nating hardin ang ating kalunsuran at gubat ang ating mga kabundukan. Mga gubat na walang ahas at buwaya na sisira sa kalikasan.

Mag-iwan tayo ng alaala sa ating mga minamahal na mga anak at apo.

Ang punong ating itinanim ang pinakamagandang alaala na ating maiiwan..

Subukan mo itong bagong style, na nabasa ko, gawing mong regaluhan   ng puno ang ating mga kumapare o kaibigan sa kanilang kaarawan at sabihin ito’y alagaan bilang tanda ng ating pagkukumpare o pagkakaibigan.

Magtanim tayo ng puno ng pagkakaibigan, tulad ng pagtatanim natin ng tree of peace sa Maharlika Plaza, kaya lang daw sayang kay isang puno lang.

Instead na in grave ang dalawang puso bilang tanda ng pagmamahalan sa punong kahoy, bakit hindi na kayo magtanim ng puno, at ito na ang gawin ninyong tanikala ng inyong pagmamahalan , magsumpaan kayo na alagaan ang punong yaon, at kong ito ay malalanta ay para na ring nalanta ang inyong pag-iibigan (PLAY LAUGHING)
at Notre Dame ave, Cotabato City Jun 21, 2011

Ulitin ko lang kapatid, Linisin natin ang ating mga ilog at karagatan. Huwag natin itong gawing basurahan, palikuran at tapunan ng mga maruruming bagay.

Pangalagaan at kalingain natin ang ating kapaligiran at kalikasan para sa ating kinabukasan.

Magtanim tayo ng mga puno nang kahit paano’y may maiwan tayong LEGACY O kabutihan sa ating mga anak at bayan.

Ang taong hindi nakapagtanim ng puno kahit minsan ay walang lilim na iiwan sa kabataan at bayan.

Hinihikayat rin natin ang mga mambabatas (barangay hanggang senado) na magpasa ng batas nab ago maka-graduate ay makapagtanim ng isang dosenang  punong kahoy.

Hinihikayat rin natin ang mga mambabatas na magpasa ng batas na bago maka-kuha ng business permit lalo sa malalaking negosyo  ay makapagtanim muna ng isang dosena-dosenang  punong kahoy, at bago maka-renew ay mapatunayan niya nabuhay ang mga itinanim na puno.

Hinihikayat rin natin ang mga mambabatas na magpasa ng batas na bago maka-kuha ng visa ng passport para magtrabaho sa ibang bansa  ay makapagtanim ng isang dosenang  punong kahoy.

Ito ang inyong Kaka Alih, Sukran Wassalam.

(PLAY- Gabay at Talakayang Pampamilya)