(August 24, 2013-Sabado-Ang script na ito
ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) ,
ang host ay si Ms. Lucy Duce.)
(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, anong
tanim naman ang itatanim natin ngayong umaga?
http://farm3.staticflickr.com/2126/2264091439_b8fc9b8eee.jpg |
ALIH: Good morning , Assallamu alaikum WW. Gulay at
prutas ang pag-uusapan natin Lucy.
LUCY: Bale dalawang subject, ang isa
ay tanim na gulay at tanim na prutas?
ALIH: Hindi isang lang, but gulay na
prutas pa, at prutas na gulayv (PLAY
LAUGHING) 2 in one ika nga..este mali pala 3 in 1 Lucy dahil medicinal
plants din pala ito.
LUCY: Sige, sige Kaka tuloy mo
na…tiyak marami naman kaming mapupulot diyan, biruin mo 3 in 1, parang kape. (PLAY LAUGHING)
ALIH:
Alam mo naman tayo Lucy, we always satisfy the needs our
clients.. (PLAY LAUGHING)…
Ang pag-uusapan natin ay ang scientific
name ay Carica papaya. Papaya sa Tagalog, Kupaya sa Renawon, Kafaya sa Teduray.
Ang papaya ay kilala ng lahat
lalo na yaong papayang uwak o kafaya uwak.
Unahin nating pag-usapan ang
papaya bilang gamut.
Ang hinog na bunga ng papaya ay
nakatutulong upang matunaw ng mabuti ang pagkaing kinain. Para ito sa mga
naimpatso, may mga taghiyawat at mga bulate sa tiyan. Gamot din sa sa sakit na
galing sa babae.
LUCY: Pwede mong ituro Kaka Ali ang
paraan ng paghahanda bilang gamut.
KAKA ALIH: of course naman Lucy, ok
ganito ang unang gawin.
Kong tgihahawat ang gagamutin
ay durugin ang hinog na papaya, lagyan ng katas ng kalamansi at itapal sa mukha
na may tagihiyawat.
Kong para sa impatso, simpleng
lang, kumain ng hinog na bunga ng papaya.
Kong wala kang tanim, bumili muna, kong walang kang pera, at medyo kapal muks ka, try na manghingi
sa kapitbahay. (PLAY LAUGHING)
Para sa may mga bulate sa tiyan,
magdikdik ng mga buto, haluan ng konting gatas at inumin. Pero may dosage din ito, para sa mga bata
edad 7-9 na taon : 1/4 kutsarita lamang. Para naman sa mga bata na may edad
10-12 na taon : 1/2 kutsarita. Gawin ito
2 oras pagkatapos kumain ng hapunan. Ulitin pagkatapos ng isang linggo kung
kailangan.
Heto ang matindi Lucy, para ito
sa mga lalaking walang pahinga, at dapat ng magbago, but bago pa makapagbago ay
may sakit na galing sa babae dahil sa pambabae, may gamut tayo diyan na hindi
mahahalata, at menus gastos, ito nga papaya. (PLAY LAUGHING)
LUCY: Pwede mong ituro Kaka Ali ang
paraan ng paghahanda bilang gamut, sa sakit na y an..
KAKA ALIH: Pwede Lucy, but
mangako sila sa Diyos o Allah na hindi na sila uulit. Sana leksyon nay an sa
inyo mga pare. Maglaga ng mga buto at inumin ang pinaglagaan, ito ay
makakagamut sa
sakit na galing sa babae dahil sa pambabae.
Ang dahon ng papaya ay
ginagamit pang-alis ng mantsa sa damit at mainam na panlinis o panghugas sa
bituka ng baboy.
Ang Papaya ay puno ng
Vitamin A at C. Isang hiwa ng hinog na papaya ay katumbas sa 7 ½ pirasong
latundan (40 gramo bawat isa) katulong ng buong pamilya laban sa sipon.
Ayon pa rin sa pananaliksik sa laboratoryo
(hindi pa sa tao), ang dagta ng dahon ng papaya ay nagpapabagal sa pagdami ng
10 uri ng cancer cells sa cervix, atay, baga, pancreas at dibdib. Ang hinog na
bunga naman nito ay nakakapagpalakas ng resistensya. Dagdag pa rito ang enzyme
na papain (Papain is a protein-cleaving enzyme derived
from papaya and certain other plants.) na may mahalagang papel na
ginagampanan upang ang coating ng mga cancer cell ay masira at maging mabisa
ang pagke-chemotherapy.
Ang susunod na
pag-uusapan naman natin ay ang papaya bilang pagkain.
Ang papaya ay kinakaing
tila milong prutas na itinatanim sa kabuuan ng mga maiinit at di may kainitang
lagay ng panahong mga bansa sa kabuuan ng mundo. Ang makatas nitong kalamnan ay
maaring ginintuang dilaw o kaya’y pula kapag hinog na bagay na bagay sa paggawa
ng mga ensalada, pati na sa mga “pies “at “confectious”. Ang hilaw na papaya ay
maaring durugin o kaya’y iluto na tila kalabasa na karaniwang isinasangkap o
ginagawang panrekado sa mga karaniwan at batid na ng lahat na mga lutuing
Asyano.
Ang papaya ay saganang
pinagmumulan ng bitamina gayundin ng mineral at hibla.
Marami rin gamit ang
papaya bilang panghalo sa mga finisheds products.
Ang papain ng papaya at iba pang nakakatas at nakukuha sa papaya ay
ginagamit sa pagpu pruseso ng mga pharmaceutical pati na mga cosmetic
industries Halimbawa na lamang ay sa Pilipinas, ito ay nakilala bilang
mahalagang sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, lotion at iba pang
produktong kosmetiko.
Ang papaya rin ay ang
saganang pinanggagalingan ng papain, na ginagamit sa paggawa ng beer,
pagpapalambot ng karne, produksiyon ng mga
produktong parmasyutikal at iba pang kosmetikong produkto.
LUCY: Ok Kaka kumbinsido na ako, sa paliwanag mo, magtatanim na ako
ng papaya pero wala akong maitanim. Papaano pipili ng seedling ng papaya na itatanim?
KAKA: Madali lang
anong papaya ang gusto mo o gusto ng target customer mo. Kong hindi mo alam
pumunta sa palengke at magtanong tanong, sa on demand na papaya.
Kapag nakapagdesisyon ka
na, bumili ng hinog na papaya na gusto mo. Hatiin sa gitna, ang nasa baba ang
kunin na buto, bakit ang nasa taas ay lalaki at babae ay ang babae..
Kong ayaw mong maka-experience at matuto eh di bumili na lamang seeds ng papaya, sa agricultural supplies store, sampung piso makakabili ka na ng high variety, dahil may tingi-tingi o retail naman sila.
Sa pagtatanim natin may paalaala ako sa inyo, may pamahiin
daw tayo: Mahigpit din na ipinagbabawal ng mga matatanda na magtanim ng papaya
sa harap ng inyong bintana dahil sa ito ay maghahatid ng kamalasan.
LUCY: Bakit naman Kaka?
Syempre naman, di
naharangan ang inyong bintana, di mo makikita ang mga dumaraan na magagandang
chicks na patungo ng UAS. (PLAY LAUGHING)
Di ko na muna ituturo ang paraan ng pagtatanim at pag-aalaga dahil kulang tayo ng panahon o oras, at alam ko marami kayong alam o experience sa pagtatanim ng papaya kaysa sa akin.
Ang recommendation ko na magandang itanim ay pandak na papaya, hanapin ninyo ang sinta variety, semi dwarf ito at matamis, mamumunga ito ng 17-50 at abot ng 1-2 kilo ang bawat prutas. Marami pang variety na mapag-pipilian ninyo, itanong lamang sa store o nagtitinda.
Sa pagluluto naman,
abangan na lamang sa mga segment sa buhay buhay.. tiyak na mapapalaway kayo, na
sa mga ibabahagi ni Jeanetha, sa programang buhay buhay mamayang ika 8:00-9:00 ng umaga.
Maraming salamat sa
patuloy ninyong pakikiisa sa amin yours truly, Kaka Alih wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh..
(PLAY
EXTRO- USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY: Iyan si Kaka Alih sa ganito ding oras abangan ang mga
kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento