Martes, Mayo 8, 2012

Pagdisiplina sa Anak

Ulirang Pamilyang Bangsamoro

Pagdisiplina sa Anak

(May 8, 2012 Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Nancy Lawan)

Host/Nancy: “Kaibigang nakikinig at  nanonnod, matanong ka  namin papaano mo dinidisplina ang inyong mga   Anak? Bago mo pa sagutin ang katanungan, heto  pakinggan natin si Kaka Ali sa ating segment na: 

 (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Host/Nancy: Magandang umaga Kaka Alih, pagdisiplina sa anak papaano  ba?

KAKA ALIH :  Magandang umaga din Nancy, assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

Alam mo Nancy,  at kaibigang nakikinig at nanonood, maraming mga traditional “daw” na pagpapalaki sa anak na dapat nang ibasura ng pamilyang Pilipino.

Halimbawa nito  ay ang inilalagay sa sako ang bata at ibinibitin sa kisame.

NANCY: Naku po, grabe naman yan na magulang, din a siya kinakabahan nab aka madisgrasya niya  ang  anak?..
KAKA ALIH: Tama ka Nancy, but kong minsan epektibo din ito, kailanganlamang ang ibayong  pag-iingat, at gamitin lang daw  ito sa last recourse.  
Alam mo Nancy,  minsan ko  rin  itong ginawa sa pamangkin ko na hindi  sumusunod sa nanay niya, hay salamat naman at ngayon ay matino na  siyang tao, siya na ang nagdidisplina sa pamilya at hindi  lang  pamilya mga ibang  tao, dahil isa ng  siyang official na Pulis.

Mayroon pa akong halimbawa na dapat na daw ma-ammend  dahil medyo luma na daw.. (LAUGHING) Pinaluluhod sa banig na may   asin, o kaya ay paluluhurin sa isinaboy na monggo sa sahig. Itinatali sa puno para pagtawanan ng kapwa bata sa barangay. Hahagisan ng matatalim na bagay at bahala na ang bata kung papaano iilag.

Host/Nancy: Grabe!! Naman  yun Kaka…Wala bang mga isip ang mga magulang na ganito? Puwedeng-pwede nilang mapatay ang sarili nilang mga anak.

KAKA ALIH: Agree ako dyan Nancy, sa sinabi mo, posibleng may masamang epekto, pero may magulang  na nagsabi na depende sa pagpapatupad ng magulang.

May nagsabi noon sa akin na  isang relihiyosong  Kristiyanong  kaibigan na  nakasulat daw sa Kawikaan   ang wastong pagpalo  ang dapat pairalin o gagawin ng mga magulang.

Ang tanong ko sa kanya ay papaano pare?

Ang sagot sa akin ay:  “Ganito pare pwede mong  tatawagin mo ang anak mo, ipapaliwanag mo sa kanya kung bakit mo siya papaluin, sasabihin mong mahal mo siya pero hindi puwedeng palampasin ang pangit na ugali, mananalangin kayo, at pagkatapos ay papaluin mo siya ng tsinelas sa puwit at reminder, kinakailangan sa oras na  pagpalo mo  hindi ka na  galit.”

Tinanong ko minsan ang kasama natin na  si Nenita, kong papano siya magdisiplina sa mga anak.

Ang kuwento niya ay ganito, kapag nasabi daw niya  na papaluin ang anak,  pag sinuway pa ang mga rules na  pinapatupad ay tinutupad niya iyon, ibig sabihin ay tinutuloy niya ang pagpalo sa kanila,  subalit pagpalo na pangdisiplina lamang sa anak, ibig sabihin yaong nasa tamang pamamaraan.

Ano ang tamang pamamaraan  ng pagpalo? Paluin ang anak sa hindi  siya mapipilayan, yaong  maramdaman lamang ang sakit, ako sa puwitan ko pinapalo.

NANCY: Ako Kaka may nakita ako na tatay sinusuntok ang anak, di ako  sang-ayon  doon.

KAKA ALIH: Ako din Nancy, I beg to  dis-agree sa ganoon  paraan, sinasabi ko but hindi ko gagawin, kong  sumuntok man  ako, pahaginglamang, di  ko  pinatattama. (LAUGHING)

Alam mo Nancy, kahit sa  mga kapatid na Bangsamoro na  Muslim ay  pinapayagan din sa Islam ang pagpalo sa anak, kong kinakailangan. Kailangan pwede? halimbawa na pwede na paluin ang anak  ay,  ipalo sa anak na umabot na  ng pitong taon gulang at kapag sinabihan  mo na magsambayang (salaah) at hindi  sumunod, pwede na yun ipalo,    kong kinakailangan, katulad din yan sa mga Kristiyano. Reminders nga pala,  dapat hindi ka galit, sa mga oras na  yaon  na  papaluin mo  ang inyong anak.

Pansamantala hanggang dito na lamang  muna,  sa araw na ito ang  ibabahagi natin sa ating segment  na gabay at talakayang pampamilya. Ito ang inyong kumpare o kaibigan na si  Kaka Ali, na nagpapaalaala na mahalin at ingatan natin ang ating mga anak dahil sila ay biyaya ng Allah, Diyos o  Poong Maykapal.

Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu.

NANCY: Ang inyong narinig ay ang tatay   anmin dito sa DXUP .. Kaka Alih, maraming salamat Kaka, sa magandang topics nay an, mga kapatid abangan  bukas ang iba pang ibabahagi  sa inyo  ng ating nakaka na segment writer na si  Kaka Alih.

(EXTRO)