Ulirang Pamilyang Bangsamoro |
Pagdisiplina sa Anak
(May 8, 2012 Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Nancy Lawan)
Host/Nancy: “Kaibigang nakikinig at nanonnod, matanong ka namin papaano mo dinidisplina ang inyong mga Anak? Bago mo pa sagutin ang katanungan, heto pakinggan natin si Kaka Ali sa ating segment na:
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Host/Nancy: Magandang umaga Kaka Alih, pagdisiplina sa anak papaano ba?
KAKA ALIH : Magandang umaga din Nancy, assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Alam mo Nancy, at kaibigang nakikinig at nanonood, maraming mga traditional “daw” na pagpapalaki sa anak na dapat nang ibasura ng pamilyang Pilipino.
Halimbawa nito ay ang inilalagay sa sako ang bata at ibinibitin sa kisame.
NANCY: Naku po, grabe naman yan na magulang, din a siya kinakabahan nab aka madisgrasya niya ang anak?..
KAKA ALIH: Tama ka Nancy, but kong minsan epektibo din ito, kailanganlamang ang ibayong pag-iingat, at gamitin lang daw ito sa last recourse.
Alam mo Nancy, minsan ko rin itong ginawa sa pamangkin ko na hindi sumusunod sa nanay niya, hay salamat naman at ngayon ay matino na siyang tao, siya na ang nagdidisplina sa pamilya at hindi lang pamilya mga ibang tao, dahil isa ng siyang official na Pulis.
Mayroon pa akong halimbawa na dapat na daw ma-ammend dahil medyo luma na daw.. (LAUGHING) Pinaluluhod sa banig na may asin, o kaya ay paluluhurin sa isinaboy na monggo sa sahig. Itinatali sa puno para pagtawanan ng kapwa bata sa barangay. Hahagisan ng matatalim na bagay at bahala na ang bata kung papaano iilag.
Host/Nancy: Grabe!! Naman yun Kaka…Wala bang mga isip ang mga magulang na ganito? Puwedeng-pwede nilang mapatay ang sarili nilang mga anak.
KAKA ALIH: Agree ako dyan Nancy, sa sinabi mo, posibleng may masamang epekto, pero may magulang na nagsabi na depende sa pagpapatupad ng magulang.
May nagsabi noon sa akin na isang relihiyosong Kristiyanong kaibigan na nakasulat daw sa Kawikaan ang wastong pagpalo ang dapat pairalin o gagawin ng mga magulang.
Ang tanong ko sa kanya ay papaano pare?
Ang sagot sa akin ay: “Ganito pare pwede mong tatawagin mo ang anak mo, ipapaliwanag mo sa kanya kung bakit mo siya papaluin, sasabihin mong mahal mo siya pero hindi puwedeng palampasin ang pangit na ugali, mananalangin kayo, at pagkatapos ay papaluin mo siya ng tsinelas sa puwit at reminder, kinakailangan sa oras na pagpalo mo hindi ka na galit.”
Tinanong ko minsan ang kasama natin na si Nenita, kong papano siya magdisiplina sa mga anak.
Ang kuwento niya ay ganito, kapag nasabi daw niya na papaluin ang anak, pag sinuway pa ang mga rules na pinapatupad ay tinutupad niya iyon, ibig sabihin ay tinutuloy niya ang pagpalo sa kanila, subalit pagpalo na pangdisiplina lamang sa anak, ibig sabihin yaong nasa tamang pamamaraan.
Ano ang tamang pamamaraan ng pagpalo? Paluin ang anak sa hindi siya mapipilayan, yaong maramdaman lamang ang sakit, ako sa puwitan ko pinapalo.
NANCY: Ako Kaka may nakita ako na tatay sinusuntok ang anak, di ako sang-ayon doon.
KAKA ALIH: Ako din Nancy, I beg to dis-agree sa ganoon paraan, sinasabi ko but hindi ko gagawin, kong sumuntok man ako, pahaginglamang, di ko pinatattama. (LAUGHING)
Alam mo Nancy, kahit sa mga kapatid na Bangsamoro na Muslim ay pinapayagan din sa Islam ang pagpalo sa anak, kong kinakailangan. Kailangan pwede? halimbawa na pwede na paluin ang anak ay, ipalo sa anak na umabot na ng pitong taon gulang at kapag sinabihan mo na magsambayang (salaah) at hindi sumunod, pwede na yun ipalo, kong kinakailangan, katulad din yan sa mga Kristiyano. Reminders nga pala, dapat hindi ka galit, sa mga oras na yaon na papaluin mo ang inyong anak.
Pansamantala hanggang dito na lamang muna, sa araw na ito ang ibabahagi natin sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya. Ito ang inyong kumpare o kaibigan na si Kaka Ali, na nagpapaalaala na mahalin at ingatan natin ang ating mga anak dahil sila ay biyaya ng Allah, Diyos o Poong Maykapal.
Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu.
NANCY: Ang inyong narinig ay ang tatay anmin dito sa DXUP .. Kaka Alih, maraming salamat Kaka, sa magandang topics nay an, mga kapatid abangan bukas ang iba pang ibabahagi sa inyo ng ating nakaka na segment writer na si Kaka Alih.
(EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento