Linggo, Agosto 30, 2015

Market @ Slaughter Updates-AUGUST 31, 2015...

Market @ Slaughter Updates-AUGUST 31, 2015...
Dinidispley sa fish section ng Upi public market ang ibat ibang uring isda, na dala ng negosyanteng si Jun Osi. Dumating ang 60 boxes na isda na lulan ng fishcar, nitong hapon ng Linggo mula sa GenSan.
Current price ng isda sa Upi Public Market:
1-Bangus.140/kg
Fish section, Upi public Market

2-Pirit/boron..120 /kg
3-Lopoy-70-80/kg
4-matambaka...140 /kg
5-Danggit..120/ kg
6-Tilapia...140 /kg
7-Tamban...80 /kg
8-Tayang...130 /kg
9-tuna/barilis slice..180-200 /kg
10-Tulingan...120/kg
11-Small barilis...140 /kg
12-pusit s/b...120 /kg
13-Sulig...160-180 /kg
14-Lapulapu...220 /kg.
15-Salmonite, 220/kg.
Napag alaman mula sa reliable source na sa Fish Section..with license  .ay sina:
Amalia Jun Osi..stall # SW-07 at Jovelyn Pasawilan stall#SW-01.

Ulat.ni..Patrol 1, Alih S. Anso
 Fish section, Upi Public Market

Huwebes, Agosto 13, 2015

320 DAYS LEFT, FOR REALIZATION OF BANGSAMORO ENTITY

320 DAYS LEFT, FOR REALIZATION OF #BANGSAMORO ENTITY???

320  Days left for the realization of #Bangsamoro Entity

NOW ITS August 14, 2015, so counting from today, President Aquino's administration, is ONLY 320 DAYS LEFT..

Therefore Senate/Upper and Lower House should enact ASAP the Bangsamoro Basic Law (BBL) in "Letter and Spirit of FAB/CAB," to pave the way for the creation of the NEW #Bangsamoro government, a new political entity that would replace the 23-year old "FAILED EXPERIMENT" the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). 

REMEMBER! that May 13, 2016 the scheduled, 1st Election for New (#BANGSAMORO) government, and in June 30, 2016, the day that President Benigno Aquino III ends its term.

Miyerkules, Agosto 12, 2015

MAGELCO PATULOY ANG UPGRADING SA FACILITIES


.Dxup Teleradyo Interview kay Engr. Adzal Rasul, 
MAGELCO Area 1-Project Manager 
(covering DOS, Upi, South Upi at Datu Blah Sinsuat) 
Nuro, Upi (August 12, 2015)......DXUP Teleradyo Interview kay Engr. Adzal Rasul, MAGELCO Area 1-Project Manager (covering DOS, Upi, South Upi at Datu Blah Sinsuat).

"Patuloy ang ating upgrading sa facilities ng ating MAGUINDANAO ELECTRIC COOPERATIVE (MAGELCO) tulad ng pagpapalit ng dating meter sa digital meter".

Nanawagan din si Engr. Razul na magbayad ng kanikanilang electric bill ang member/consumers para maiwasan na maputulan ng linya.

Nagpaalaa siya na iwasan ang illegal na gawain sa kuryente, tulad ng pagtampered sa metro, series connection, paglalagay ng jumper, pagsira ng seal ng metro, at iba pang uri illegal na gawain.

Kapag kayo ay nahuli maari kayong maparusahan, putulin ang inyong linya, pagbaabayad ng back billing ng nawalang kurente at pagbayad ng surcharge hanggang 100%.

Maari rin kayong mapatawan ng korte ng penalties o multa mula P10,000-100,000 o pagkabilanggo na mula 6 hanggang 20 taon.

Martes, Agosto 11, 2015

LGU Upi Mapalad na Tatanggap ng 2014 Rafael M. Salas and Development Award

Nuro, Upi, Maguindanao (August 11, 2015) .......Mangunguna ang Upi Local Government Units sa tatlo na LGU mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM ) na tatangap ng "2014 Rafael M. Salas and Development Award " 

Bulwagan Bayan ng Upi (courtesy of FB of Mayor Pian
Ang Regional Awarding ngayong araw ay gaganapin sa Koronadal City.

Pumapangalawa ang LGU Buluan at pangatlo naman ang LGU Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ang mga Local na Pamahalaan ay tatanggap ng Award, dahil sa magandang pamamahala sa larangan ng kalusugan, paglalaan ng pondo sa kalusugan, pagpapatayo ng mga pasilidad at maayos na pamamahala at monitoring ng may kaugnayan sa program sa Kalusugan. 

May limang LGU naman mula sa Region 12 ang tatanggap katulad din na awards, ito ang Koronadal City, Kidapawan city at General Santos City, at ganoon di ang mga bayan ng South Cotabato, Isulan sa Sultan Kudarat at Tupi mula sa South Cotabato. 

Ipagkakaloob ngayon umaga kay Upi Mayor Ramon Piang Alejandro Pkasama ang iba pang opisyal ang katangi-tanging Awards. (Balita-Alih Anso)

Biyernes, Agosto 7, 2015

Teduray Village sa ARMM Compound, Open sa Publiko.

Ang mga leader
Ang traditional na kainan ng Teduray

Agosto 7, 2015 (Upi, Maguindanao)….Pormal na binuksan nitong Biyernes sa publiko ang Teduray mock Village bilang bahagi ng mga ‘cultural community villages’ sa loob ng Autonomous Region in Muslim Mindanao compound.

Bago ang pagbubukas sa Teduray village ay nagsagawa ng parade ang mahigit tatlong daang mga Teduray na pinangunahan ni Timuay Larry Tanzo, Deputy Governor ng ARMM para sa IPs at ni Mayor Ramon Piang Sr, kasama ang mga leader mula sa bayan ng Upi, South Upi, Datu Odin Sinsuat, Datu Blah Sinsuat at Coatabato City.

Ang Teduray ay mula sa Angkan ni Mamalu ang kapatid ni Tabunaway.

Nagkaroon din ng maikling opening program at bago nagtakip silim ay nagkaroon ng traditional na kainanan, na pawang lutong Teduray. At isa dito ang kilalang pagluluto ng Teduray sa buong manok na sinabawan ng gata ng niyog, na ang kanin ay nakabalot naman sa dahon ng saging.

Sa gabi ay nagkaroon ng kantahan ng Rayray Band, na kilala sa mga awiting Teduray version.

Nauna ng binuksan ang mga iba pang community villages nitong buwan ng Ramadan. Kabilang na dito ang pitong pangunahing tribo sa ARMM ang Maguindanaon, Tausug, Sama, M’ranaw, Yakan, Iranun, at Teduray.

Ayon kay ARMM Tourism Secretary Marites Maguindra, ang pagbubukas muli ng cultural villages ay para maipamahagi, maintindihan at lalong maunawaan ng ating mga mamamayan ang kultura, kasaysayan at pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang probinsya ng ARMM.

Matatandaang binuksan noong Nobyembre 2014 ang limang cultural community villages bilang bahagi ng ika-25 na anibersaryo ng ARMM.

Sa mga naunang mga buwan ay nagkaroon na ng iba’t-ibang aktibidad at pakulo tulad ng children’s day at indigenous arts and handicraft exhibit, zumba, hataw at yoga session.

Tampok din sa naturang mga village ang pagsasabuhay sa mayaman at makulay na kultura at sining ng iba’t ibang tribong bumubuo sa Bangsamoro.

Ang ARMM ay kinabibilangan ng mga probinsya ng Maguindanao, Lanao Del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. (Alih S. Anso-)

Miyerkules, Agosto 5, 2015

REVENUE COLLECTION SA UPI PUBLIC MARKET PWEDENG MA-TRIPLE o HIGIT PA

REVENUE COLLECTION SA UPI PUBLIC MARKET PWEDENG MA-TRIPLE o HIGIT PA


Current Revenue Collection natin sa Market, ay may average na P25,000.00 kada buwan, ito ang latest na datos na napag-alaman natin mua sa office of the Treasurer.
Bago ang buwan ng Hunyo, n g ating ating 60th Foundation Anniversary ay nagsaliksik o researched tayo ng mga information na may kaugnayan sa revenue collection sa may public market.

Lumalabas sa ating computation ay pwedeng   makakolekta  ang  LGU Upi  na  aabot sa  104,060.00 buwan-buwan na RENTALS lamang  di kasali   ang business licences at cash tickets tuwing market day  kong magbabayad ng husto ang lahat ng mga “resources” na nasa    public market area na may  collection lamang tayo ng P25,000.00 monthly

Papaano ko nakuha ang figure na 104,060.00 na makokolekta?

Ang actual na nakokolektahan ng renta sa mga stalls o kuwarto na nasa public market:
Building  A B C D
#
Building  A-Rent
Building B-Rent
Building C – Rent
Building D-Rent
1
P380/Monthly
P380/Monthly
P380/Monthly
P380/Monthly
2
P365/Monthly
P365/Monthly
P365/Monthly
WALANG RENT
3-9
P350.00/Monthly
P350.00/Monthly
WALANG RENT
WALANG RENT
10
P365/Monthly
P350.00/Monthly
WALANG RENT
WALANG RENT
11
P380/Monthly
P365/Monthly
P380/Monthly
WALANG RENT
12

P380/Monthly

P380/Monthly
  
Samantaa Sa bagong Market Code- Municipal Ordinance No. 6 Series of 2011 ay P500.00 monthly ang bawat room, but since wala pa daw “dialogue” ang LGU sa mga occupants ay di pa ito naipapatupad.

Mayroon pang ibang facilities ang LGU Upi na pwede pa tayong maka kolekta:
Isdaan o Fish section, sa nagpapabili ng  isda dagat dalawa lang na stall ang may lisinsiya at sa isda sa tabang ni isa ay walang kumuha ng business permit. 18 ang stalls na dapat sana ay magbabayad ng 250.00

Karneng Baboy section- _P275 monthly at 10 stalls pawang may business permit sa municipyo. Sa Pork Section ay 18 na stalls at sampu lang ang may umuukupa o may lisinsiya,

Karneng Baka (Beef)  section- P500 monthly rental per stall- may apt (4) na kumuha ng business permit o lisinsiya. 12 stall din at apat lang may lisinsiya.

Manuk o Chicken Section – P275.00 monthly, isang stall ang kumuha ng lisinsiya. 6 at isa lang may lisinsiya.

Gulayan o Vegetable Section (kasama na ditto ang buladan)– P100 monthly rentals per stalls-
Dry Goods Section – 20 stalls with business permit-50-100 ang monthly ang bayad sa ground rentals.
Cafeteria Section – bagong building- 32 stalls P42 daily kasali na ditto ang water connection/payments, building rentals cash ticket na 2 piso. 9-10 lamang ang regular nakakabayad ng full ang iba ay paliban-liban. Ang makokolekta sana kong straight ang bayad araw-araw na 42.00 equals P1,344.00 x 30 may total na 40, 320.00.


14 rooms ang Hataman buildings, at ayon sa napag-alaman natin ay posibleng sa June 9 ang inauguration,   ang rent ditto ay 1,500 ang monthly  sa 14 na rooms ay makakakolekta tayo ng .P 21,000.00 monthly..