Miyerkules, Agosto 5, 2015

REVENUE COLLECTION SA UPI PUBLIC MARKET PWEDENG MA-TRIPLE o HIGIT PA

REVENUE COLLECTION SA UPI PUBLIC MARKET PWEDENG MA-TRIPLE o HIGIT PA


Current Revenue Collection natin sa Market, ay may average na P25,000.00 kada buwan, ito ang latest na datos na napag-alaman natin mua sa office of the Treasurer.
Bago ang buwan ng Hunyo, n g ating ating 60th Foundation Anniversary ay nagsaliksik o researched tayo ng mga information na may kaugnayan sa revenue collection sa may public market.

Lumalabas sa ating computation ay pwedeng   makakolekta  ang  LGU Upi  na  aabot sa  104,060.00 buwan-buwan na RENTALS lamang  di kasali   ang business licences at cash tickets tuwing market day  kong magbabayad ng husto ang lahat ng mga “resources” na nasa    public market area na may  collection lamang tayo ng P25,000.00 monthly

Papaano ko nakuha ang figure na 104,060.00 na makokolekta?

Ang actual na nakokolektahan ng renta sa mga stalls o kuwarto na nasa public market:
Building  A B C D
#
Building  A-Rent
Building B-Rent
Building C – Rent
Building D-Rent
1
P380/Monthly
P380/Monthly
P380/Monthly
P380/Monthly
2
P365/Monthly
P365/Monthly
P365/Monthly
WALANG RENT
3-9
P350.00/Monthly
P350.00/Monthly
WALANG RENT
WALANG RENT
10
P365/Monthly
P350.00/Monthly
WALANG RENT
WALANG RENT
11
P380/Monthly
P365/Monthly
P380/Monthly
WALANG RENT
12

P380/Monthly

P380/Monthly
  
Samantaa Sa bagong Market Code- Municipal Ordinance No. 6 Series of 2011 ay P500.00 monthly ang bawat room, but since wala pa daw “dialogue” ang LGU sa mga occupants ay di pa ito naipapatupad.

Mayroon pang ibang facilities ang LGU Upi na pwede pa tayong maka kolekta:
Isdaan o Fish section, sa nagpapabili ng  isda dagat dalawa lang na stall ang may lisinsiya at sa isda sa tabang ni isa ay walang kumuha ng business permit. 18 ang stalls na dapat sana ay magbabayad ng 250.00

Karneng Baboy section- _P275 monthly at 10 stalls pawang may business permit sa municipyo. Sa Pork Section ay 18 na stalls at sampu lang ang may umuukupa o may lisinsiya,

Karneng Baka (Beef)  section- P500 monthly rental per stall- may apt (4) na kumuha ng business permit o lisinsiya. 12 stall din at apat lang may lisinsiya.

Manuk o Chicken Section – P275.00 monthly, isang stall ang kumuha ng lisinsiya. 6 at isa lang may lisinsiya.

Gulayan o Vegetable Section (kasama na ditto ang buladan)– P100 monthly rentals per stalls-
Dry Goods Section – 20 stalls with business permit-50-100 ang monthly ang bayad sa ground rentals.
Cafeteria Section – bagong building- 32 stalls P42 daily kasali na ditto ang water connection/payments, building rentals cash ticket na 2 piso. 9-10 lamang ang regular nakakabayad ng full ang iba ay paliban-liban. Ang makokolekta sana kong straight ang bayad araw-araw na 42.00 equals P1,344.00 x 30 may total na 40, 320.00.


14 rooms ang Hataman buildings, at ayon sa napag-alaman natin ay posibleng sa June 9 ang inauguration,   ang rent ditto ay 1,500 ang monthly  sa 14 na rooms ay makakakolekta tayo ng .P 21,000.00 monthly.. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento