(Agosto 6, 2012-Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa
programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00
A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Bilual)
(taken from Barangay Bantek) |
NORALYN: “Ano ba ang epekto ng maraming anak sa
PAMILYA? Iyan ang aming katanungan ni
Kaka Alih, na dapat ninyong sagutin at
kanya rin sasagutin para sa ating segment na
“Gabay at Talakayang Pampamilya”.
( INTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya )
NORALYN: Fiyo Gifuwon (Magandang Umaga) Kaka Alih,
KAKA ALIH: Magandang umaga din
Nor, Assallamu alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.
NORALYN: Matanong
nga pala kita ilan ba ang anak
ninyo ng Mrs mo?
KAKA ALIH: Ako? Sa isang ina,
……ay apat lang naman Nor, (LAUGHING)..
Tatlong babae at isang lalaki lang naman.
NORALYN: Bakit ilan pala ang nanay ng mga bata?
(LAUGHING)
Kaka Alih: Isa lang,… subalit
bilang Muslim pwede akong makapag-asawa ng apat.
NORALYN: Hahaha .. (LAUGHING) ok serious na tayo Kaka Ali, Ano nga ba ang
epekto sa pamilyang Pilipino ng maraming anak?
KAKA ALIH:“ Dalawa lang epekto
niyan, negative at positive… ok Nancy sagutin natin ang tanong mo na Ano nga ba ang epekto sa pamilyang Pilipino
ng maraming anak? At of course sasagutin
ko ng with comparison … ibibigay ko ang positive at negative effect sa pamilyang
Pilipino.
Unang epekto, positive daw? Heto
my friend, kong kakandidato ka sa
barangay election.. maraming boboto sa iyo,
dahil marami kang anak…subalit may negative effect naman ito, ano
yun? Pare….sigorado kong bata pa ay
lusyang na si Mrs. (PLAY LAUGHING)..
akala ko gusto mong ng bata? (PLAY LAUGHING)..
Heto pa ang isang
positive/negative na epekto ng maraming anak, kong marami kang anak.. marami
kang mauutusan. (PLAY LAUGHING)... but may negative din ito my friend, ang
hirap lang nito marami ka ring pakakainin…(PLAY LAUGHING).. baka wala ka ng
makain kong hindi ka masipag magtrabaho sa bukid, dahil masipag ka lang kay
Mrs.. (PLAY LAUGHING).
Yes pagkain ang problem sa maraming membro ng
pamilya at pag kulang ang pagkain.. tiyak malnourished ang ating anak.
Alam mo ang ibig sabihin ng
malnourished Noralyn?
NORALYN: simple lang abng sagot diyan Kaka, kulang sa
nutrition o kulang sa pagkain, kaya payat ang bata.
KAKA ALIH: “Agre ako Nor,
ang Sabi naman ng kumpare ko: “Kaka
Alih, maganda ang maraming anak, provided, kong kaya mo silang
palakihin..kong kaya mo silang
papag-aralin, kong kaya mo silang
pakainin at damitan.. ang hirap lang niyan umaayaw na si Mrs.. ay
kinukulit mo pa rin. .. di lang makatanggi sa pangangalabit mo dahil…
nakikiliti din (PLAY LAUGHING) este
hindi dahal mahal ka din niya…”
Sabi ng isang nanay: “Kaka Ali,
Bibihira ang nagiging maganda ang epekto ng maraming anak, dahil ang naobserb ko, karamihan sa maraming anak na kamagnak ko ay naghihirap
ang pamilya at bibihira ang nakakatapos sa kanilang mga anak.” Ipagpatuloy
natin ang kuwento ang sabi ng asawa, ni pare.
“… kong ako lang ang tatanungin
Kaka , kong ako lang masusunod.. kong kaya ko lang sanang pigilin.. ang
pang-gigil (PLAY LAUGHING) kay Mrs.. every 2 to 3 years bago masundan si
Bunso.. kasi ako sa totoo lang pangarap ko ding makapagtapos at di magutom ang
aking pamilya, hindi ko kasi alam papaano pipigilin ang pagbubuntis ni Mrs.. na
hindi naming ititigil ung ganoon.. (ang alin?) basta ung umiikot ang iyong mata
sa sarap.. (PLAY LAUGHING)
May kasagutan din akong
nabasa sa facebook: “…na Sabi nila mas
masaya daw pag marami ang anak o malaking pamilya. Oo, kung ang pamilya ay nakaka-angat
sa buhay at maibibigay lahat ng pangangailangan ng mga anak at ng buong
pamilya. Pero sa mga hirap sa buhay, mahalaga ang pagkakaroon ng maliit na
pamilya. Isa o dalawang anak ay tama na.”
Agree ako sa idea nay an,
talagang maraming pangangailangan ang
bawat anak, tulad halimbawa ng magandang edukasyon, sapat na pagkain, maayos na kagamitan at
marami pang iba.
Pag-aasikaso, pagmamahal at
panahon ng magulang ay importante din sa pamilya.
Kung hirap sa buhay, natural
lamang na maghihirap ang magulang sa
magtrabaho at kumita ng pera lalo pa kung maraming anak ang dapat
sustentuhan.
NORALYN: Tama ka Kaka Alih,
kung isa o dalawa lamang ang anak, kahit papaano ay masusustentuhan sila
ng sapat.
KAKA ALIH: Agree din ako diyan
Nor, kaya mga pare ko.. mga mare ko..
makinig… para di na tayo. Magtatalo dito sa radio, heto ang gawin ninyo…
pumunta kayo sa pinaka malapit na health center at bisitahin ang inyong rural
health midwife at ikunsulta ang inyong problema.. kong taga Nuro po kayo, pumunta ka sa health center..
andiyan lang sa tabi ng highway kalapit ng ating barangay hall.. kong mahiya
ka… hanapin si Maam Jackie Gamit at ibulong ang iyong problema.. sure ako..
matutulungan ka pare ko… (PLAY LAUGHING)
Bweno hanggang dito na lang muna
ang tsismis, dahil pupunta pa ako sa
health center.. bukas muli kaming
aabangan kasama si Noralyn ... This is
your segment writer and producer.. at
your service …. Kaka Alih. Sukran and
Wassallam.
NORALYN: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang
talakayan ngayong umaga, mga kapatid na nakikinig bukas muli kamaing samahan sa ating programang Gabay at
Tlakayang Pampamilya at sinisigorado ko inyo, muli
kayong hahandog ni Kaka Alih ng
nakaka-aliw at informative na usapin…
(EXTRO - Gabay at Talakayang
Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento