Kagawad hadji Guiamel Abutazil mula sa LGu Upi |
Laitul Qadr (Gabi ng Kapangyarihan) Muling Ipinagdiwang sa Upi
Balita ni: Alih S. Anso
Nuro, Upi (Agosto 16, 2012) Nitong
gabi ng 27 ng Ramadhan (15 Agosto) ay ipinagdiwang ng mga Muslim ( Nanampalataya
sa Islam) ng Upi ang Lailatul Qa'dr (Ang
gabi ng Kapangyarihan) na ginanap sa social hall ng Upi Agricultural School.
Ang mga dumalo ay nagmumula sa 29 na Masjeed ng Upi, mga Muslim na estudyante ng Upi Agricultural School, Notre Dame of Upi, Saint Francis High School at Nuro Central Elementary School.
Pinangunahan ni Engr. Sukrano Datukan,
pinuno ng Upi Muslim Consultative
Assembly (UMCA) ang pagdiriwang.
Ustadz Anwar Ameril habang nagbabasa ng Qur'an |
Naging panauhin si Kagawad Hadji
Guiamel Abutazil na siyang kinatawan ni Mayor Ramon Piang.
Ang pagdiriwang ay nagsimula ika
siyam ng gabi sa paamamagitan ng pagbabasa ng Banal na aklat na Qur’an na sinundan pagpapahayag ng kahalagaan
ng Laitul Qad’r. pagbabasa ng Quran, at ang pinaka
mahalaga na gawain ay ang pag-sambayang ng Tahajjud at nagtapos ang program sa pagsambayang
ng Fajar (madaling araw na pagdarasal).
ang mga mga dumalo |
Ustadz Ahmad Mamalangkas |
UMCA chairman-Engr Sukraano B. Datukan |
Ustadz Esmael Haron-Chairman of the affair |
Ayon kay Ustadz Ahmad
Mamalangkas, membro ng mayor council, na ang
isang gabi na pagdarasal sa gabi ng mga
araw na ipinagdiriwang ang Laitul Qadr ay katumbas ng isang-libong (1000) buwan, dahil sinabi ng Allah:
“Katotohanang Aming ipinanaog ang
Qur’an sa Gaabi ng Al Qadr(Kapasiyahan).
At paano momapag-aalaman kung ano ang
Gabi ng Al Qadr? Ang Gabing Qadr (Kapasiyahan) ay higit na mainamsa isang
libong buwan (alalaong bagaa, ang
paagsambaa kay Allah sa Gabing ito at higit sa mainam kaysa sa pagsamba sa
Kanya sa isang libong buwan o katumbas ng 83 taon at apat na buwan).(Soorah
Al-Qadr: 1-3)
Ang mga Muslim ay naniniwala din
sa sinabi ng Propeta Muhammad: “Sinuman ang mag-ayuno sa Ramadhaan na
nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na
nagawa. Sinumang magsalaah (ng boluntaryong salaah) sa gabi ng Ramadhaan na
nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na
nagawa. Sinumang magtaguyod ng (boluntaryong) Salaah sa gabi ng Laylatul Qadr
na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan
na nagawa.” (Iniulat nina Imaam Bukhaaree at Muslim.)
Ang laitul Qadr. ay
ipinagdiriwang ng mga Muslim sa Buong
mundo sa 25, 27, 29 ng Buwan ng Ramadhan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento