Ting, Handa Ka na Ba sa Bago mong Mundo?
(September 20,
2012-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay
–buhay” (7:00-8:00 A.M) sa segment na
“Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
"..ang pagbabagong pisikal ay dapat ninyong paghandaan, dahil ito din ang nagbubunsod ng pagbabagosa emosyon ng inyong pagka-kabataan." |
NORALYN: Mga kabataan
kayo ang bida ngayon sa ating yugto o segment ng ating programang buhay-buhay,
kaya abangan ninyo si Kaka Alih, susunod
na ang segment na:
(PLAY INTRO-GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
NORALYN: Magandang
umaga Kaka Alih
.
KAKA ALIH: “Magandang
umaga din Noralyn, at Assallamu Alaikum
Warahmataullahi Wabarakatuh,(ang kapayapaan ay sumasainyo, at ang Pagpapalaa
ng Allah ay sasainyo) sa mga kapatid na Nanampalataya sa Islam, sa
mga kapatid na Muslim.
Ang buhay ng kabataan ay maari nating ihahambing sa isang
hagdanan..na may stages..
Mga anak, mga kabataan,
dapat na ninyong paghandaan ang
mga pagbabago sa inyong mga sarili.
Yes mga anak, ang pagbabagong pisikal ay dapat ninyong
paghandaan, dahil ito din ang nagbubunsod ng pagbabago sa emosyon ng
inyong pagka-kabataan.
Yes mga anak,
pakatandaan mo maraming nagaganap na
pagbabago sa panahon ninyong mga kabataan. Dahil dito Hindi ka
dapat mabahala sa mga pagbabagong nagaganap sa iyong pagkatao, halimbawa nito ay sa
pangangatwan o pisikal, kaisipaan o mental, paglipunan, dahil likas o natural lamang ang mga ito, sa
mga kaatulad ninyong mga kabataan.
Alam mo Ting, (tawag sa batang Lalaki ng mga Iranun) ang
pagiging tinedyer ay nagsisimula sa gulang na labintatlo hanggang labingsiyam.
At sa ganitong edad, kayong mga kabataan
ay gustong-gusto mapabilang sa mga
pangkat ng tinedyer, na katulad sa inyong edad?
tama pa ako? Bakit?
sapagkat ito na ang panahon ng pag- unlad ng inyong katauhan at pagkatao.
And be careful ka rin
Ting, dahil sa edad ninyong iyan, ang mga kabataan ay madaling
maimpluwensiyahan ng mga taong nasa paligid. Dahil marahil sa ang kabataan ay
guso ng adventure o pakikipagsapalaran,
sapagkat gusting umali ng tagumpay.
Ang inyong panahon sa
ngayon ay isang mahalagang yugto na
nag-uugnay ng inyong pagkabata sa pagiging matanda, at kayo ay nasa yugto ng
mga pangarap.
Yes, Ting, ang tulad mo, tulad ko noon (I still young) ay punong-puno ng pangarap, at pangarap na kailangan
linangin ng inyong mga magulang at guro.
Kayo ang magiging leader balang araaw, you are the future of
our nation ika nga, kaya naman nararaapat na kayo ay may sapat na edukasyon o
kaalaman at karanasan o experience, lalo na sa pamumuno.
NORALYN: Sang-ayon
ako diyan Kaka Alih. Ang kabataan ay mahalagang yugto ng buhay ng mga kabataan.
Ito ang pinaka-kritikal na panahon ng buhay nila, sapagkat ito ay nasa pagitan
ng pamamaalam sa mundo ng pagiging bata
patungo sa buhay pagbibinata at pagdadalaga.
KAKA ALIH: Tama ka Noralyn , at napakarami ring mga pagbabago
at impluwensiya na magaganap sa kaanilang mga kabataan. At tulad ng nasabi na
natin ang kabataan ay yugto ng maraming pagbabago. Maraming mga magkakatulad na
pagbabago ang magaganap sa inyo. May mga pag-babago sa inyong pisikal,
pagbabagong pisikal bilang Lalaki
at Pagbabagong Pisikal bilang Babae, tulad ng pag-tangkad, pagkakaroon ng adams apple, paglapad ng
katawan at dibdib, matuto ka ng manaamit
at kong minsan ay medyo pihikan.
At kayo namang mga babae,
Bai, ay natural na pagkakaroon ng regla o monthly period, kaya ingat
pwede na kayong mabuntis (LAUGHING) yes this
is true anak.
May paagbabago din sa
inyong kaataawan, tulad ng paglkaaki ng inyong dibdib, paglaki ng balakang,
maagiging cocaa-colaa body naa kayo (LAUGHING)
at of course medyo magaastos na, dahil magiging palaayos at dina
mapalagay kong hindi nakapagpalagay ng pabango.
At heto pa mga anak, mga pagbabagong emosyonal na magaganap
sa inyo. Halimbawa ay paghanga sa
katapat na kasarian, o affection sa opposite sex, at titibok na inyong puso sa
tawag na pag-ibig, kaya kong minsan ay
makipagrelasyon sa katapat na kasarian.
Mga kapatid na magulang, ang ganitong edad ng mga kabataan ay ayaw nang mapahiya, at gustong ay pinupuri.
Pinapalaala ko din mg
kaptid na magulang, na may mga pagbabagong sosyal sa ating mga aanak nagiging tinedyer na, tulad ng gusting paghawak sa mga mabibigat na
responsibilidad sa bahay lalo na ang inyong mga anak na babae, pati na rin ang
mga binabae (LAUGHING) of course kasama
sa paaralan, at sa community o pamayanan, may pagkahilig sa barkada, pag-gimik o party.
May mga pagbabagong
pangkaisipan din sila, dahil dito nais nilang gumawa ng sariling pagpapaapasya,
iyong bang gusto ay autonomiya o independensiya.
Ang ganitong edad ng mga anak natin ay nagiging mapanuri,
mapangatwiran, puno ng mga ideya puno ng
mga pangarap, malikhain. Kong may motorsiklo ka
pare, tiyak, susubukan niyang
anak mo, pati babae ha/na mag-drive,
kaya, ihanda mo na siya, pag-applayin
mo na siya ng driver license,
para di mahuli ng pulis o LTO. (LAUGHING).
Mga kumare at kumpare, mga losod ko sa tiyan, ihanda aang
inyong mga sarili sa mga pagbabago ng inyong mga anak, kaya nararapat lamang na
tayo ay mapagmasid at maingat sa pag-gabayu
sa kanila.
Ito ang inyong kapatid na magulang na rin, na
naghihikayat na mahalin ang atingmga anak, dahil sila ay biyaya ng Allah.
Sukran, wasallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
(PLAY- EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento