(May 8, 2012 Martes- Script na sinulat ni
Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na
“Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Nancy Lawan)
Host/Nancy: “Kaibigang nakikinig at nanonnod, matanong ka namin papaano mo dinidisplina ang inyong
mga Anak? Bago mo pa sagutin ang
katanungan, heto pakinggan natin si Kaka
Ali sa ating segment na:
(Play-
Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
KAKA ALIH :
Magandang umaga din Nancy, assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Alam mo Nancy, at kaibigang nakikinig at nanonood, maraming
mga traditional “daw” na pagpapalaki sa anak na dapat nang ibasura ng pamilyang
Pilipino.
Halimbawa nito ay ang inilalagay sa sako ang bata at
ibinibitin sa kisame.
NANCY: Naku po, grabe naman yan na magulang,
di na siya kinakabahan na baka madisgrasya niya
ang anak?..
KAKA ALIH: Tama ka Nancy, but kong minsan
epektibo din ito, kailanganlamang ang ibayong
pag-iingat, at gamitin lang daw
ito sa last recourse.
Alam mo Nancy, minsan ko
rin itong ginawa sa pamangkin ko
na hindi sumusunod sa nanay niya, hay salamat
naman at ngayon ay matino na siyang tao,
siya na ang nagdidisplina sa pamilya at hindi
lang pamilya mga ibang tao, dahil isa ng siyang official na Pulis.
Mayroon pa akong halimbawa na dapat na daw
ma-ammend dahil medyo luma na daw..
(LAUGHING) Pinaluluhod sa banig na may
asin, o kaya ay paluluhurin sa isinaboy na monggo sa sahig. Itinatali sa
puno para pagtawanan ng kapwa bata sa barangay. Hahagisan ng matatalim na bagay
at bahala na ang bata kung papaano iilag.
Host/Nancy: Grabe!! Naman yun Kaka…Wala bang mga isip ang mga magulang
na ganito? Puwedeng-pwede nilang mapatay ang sarili nilang mga anak.
KAKA ALIH: Agree ako dyan Nancy, sa sinabi
mo, posibleng may masamang epekto, pero may magulang na nagsabi na depende sa pagpapatupad ng
magulang.
May nagsabi noon sa akin na isang relihiyosong Kristiyanong
kaibigan na nakasulat daw sa
Kawikaan ang wastong pagpalo ang dapat pairalin o gagawin ng mga magulang.
Ang tanong ko sa kanya ay papaano pare?
Ang sagot sa akin ay: “Ganito pare pwede mong tatawagin mo ang anak mo, ipapaliwanag mo sa
kanya kung bakit mo siya papaluin, sasabihin mong mahal mo siya pero hindi
puwedeng palampasin ang pangit na ugali, mananalangin kayo, at pagkatapos ay
papaluin mo siya ng tsinelas sa puwit at reminder, kinakailangan sa oras
na pagpalo mo hindi ka na
galit.”
Tinanong ko minsan ang kasama natin na si Nenita, kong papano siya magdisiplina sa
mga anak.
Ang kuwento niya ay ganito, kapag nasabi daw
niya na papaluin ang anak, pag sinuway pa ang mga rules na pinapatupad ay tinutupad niya iyon, ibig
sabihin ay tinutuloy niya ang pagpalo sa kanila, subalit pagpalo na pangdisiplina lamang sa
anak, ibig sabihin yaong nasa tamang pamamaraan.
Ano ang tamang pamamaraan ng pagpalo? Paluin ang anak sa hindi siya mapipilayan, yaong maramdaman lamang ang sakit, ako sa puwitan
ko pinapalo.
NANCY: Ako Kaka may nakita ako na tatay
sinusuntok ang anak, di ako
sang-ayon doon.
KAKA ALIH: Ako din Nancy, I beg to dis-agree sa ganoon paraan, sinasabi ko but hindi ko gagawin,
kong sumuntok man ako, pahaginglamang, di ko
pinatattama. (LAUGHING)
Alam mo Nancy, kahit sa mga kapatid na Bangsamoro na Muslim ay
pinapayagan din sa Islam ang pagpalo sa anak, kong kinakailangan.
Kailangan pwede? halimbawa na pwede na paluin ang anak ay,
ipalo sa anak na umabot na ng
pitong taon gulang at kapag sinabihan mo
na magsambayang (salaah) at hindi
sumunod, pwede na yun ipalo,
kong kinakailangan, katulad din yan sa mga Kristiyano. Reminders nga
pala, dapat hindi ka galit, sa mga oras
na yaon
na papaluin mo ang inyong anak.
Pansamantala hanggang dito na lamang muna,
sa araw na ito ang ibabahagi
natin sa ating segment na gabay at
talakayang pampamilya. Ito ang inyong kumpare o kaibigan na si Kaka Ali, na nagpapaalaala na mahalin at
ingatan natin ang ating mga anak dahil sila ay biyaya ng Allah, Diyos o Poong Maykapal.
Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi
Wabarakatu.
NANCY: Ang inyong narinig ay ang tatay namin dito sa DXUP .. Si Kaka Alih,........ maraming
salamat Kaka, sa magandang topics na yan, mga kapatid abangan bukas ang iba pang ibabahagi sa inyo
ng ating nakaka na segment writer na si
Kaka Alih.
(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Note: Ang artikulong ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM
(dated May 8, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti ng Admin. na ipost muli sa bago nating blog: http://dxupteleradyo.blogspot.com/..(from
admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento