Huwebes, Hulyo 9, 2015

MGA PARAAN AT KAILANGAN SA PAGKUHA NG BUSINESS PERMIT SA BAYAN NG UPI

MGA PARAAN AT KAILANGAN SA   PAGKUHA NG BUSINESS PERMIT SA BAYAN NG UPI
Bulwagan Bayan ng Upi

Para sa Bago (New) na Business Permit…
UNANG HAKBANG (Step 1): Pupunta ka sa Office of the Mayor (nasa 2nd floor ng Bulwagang Bayan ng Upi)  para kumuha at fill-up  ang Business Permit Unified Application Form, ang incharge   ay si Herlinda F. Aguilos. 
Pagkatapos  ay in-code ang mga data sa computer, ay susunod ay kukuha kang ng kaukulang papeles sa mga opisinang ito:
1.     Office of the Treasurer (nasa ground floor bandang kaliwa,  kong papasok sa bulwagan bayan ng Upi) para sa Clearance, kong ikaw ba ay “clear” na sa bayarin sa inyong Real Property Tax (RPT), kong may babayaran ka pa ba sa mga stall sa market, o di kaya ay may utang ka (loans);
2.     Kumuha ng Sedula kong wala pa sa taong kasalukuyan na nasa Office of the Treasurer;
3.     Gumawa o magpagawa ng Sworn Statement of Capital Investment o capital sa negosyo, at ay notarized ng abugado o notary public;
4.     Kumuha ng Barangay Clearance, sa Barangay,  kong saan isasagawa ang negosyo;
5.     Office of the Municipal Planning & Development Coordinator (MPDC) (na nasa ground floor, bandang kanan kong ikaw ay papasok sa bulwagan bayan) at kumuha ng Zoning Clearance;
6.     Bureau of Fire Protection (na nasa harapan ng Nuro Central Elementary School)  at kumuha ng  Fire Safety Inspection Certificate;
7.     Office of the Municipal Environment and  Natural Resources (na nasa ground floor, bandang kanan kong ikaw ay papasok sa bulwagan bayan, kakuwarto ng MPDC office) at dito kumuha ng Solid Waste Management Certification;
8.     Municipal Health Office, kong ang negosyo ay mga pag-kain (nasa Rural Health Center, kalapit gusali ng  Barangay Hall ng Nuro) at kumuha ng Sanitary Permit/Health Certificate for Food Handler;
9.     Department of Trade and Industry (DTI) kong single proprietor business (ang Maguindanao provincial office ay nasa Cotabato City)  at kumuha ng Business Name Registration (BNR);
10.                     Cooperative Development Authority (CDA) para sa mga negosyo ng pag-aari ng kooperatiba;
11.                     Securities and Exchange Commissions (SEC) kong ang negosyo ay corporation;
12.                     2 piraso na larawan na 2 x 2; at
13.                     2 pirasong Documentary Stamp, sa Bureau of Internal Revenue office, ang sub-office sa Upi ay sa lumang municipal building ng Upi.
Para sa Renewal ng Business permit ang #3 o Sworn Statement of Capital Investment ang mapapalitanat at ang isusumite ay Financial Statement ng nakaraang taon;

PANGALAWANG  HAKBANG (Step 2): Office of the Treasurer, (nasa ground floor bandang kaliwa,  kong papasok sa bulwagan bayan ng Upi)  para sa Assessment/Billing/Payment of Fees/Signature of the Treasurer. Ang responsible person para  sa Assessement ay si Eduardo Pahati at sa Billing/Payment ay si Edna Claveria. 

PANGATLONG  HAKBANG (Step 3): Bureau of Fire Protection at  Bureau of Internal Revenue office, para fire fee at   bayarin sa Buwis (tax).

PANG-APAT NA  HAKBANG (Step 4): Office of the Mayor, para sa Approval/Signature ni Mayor Ramon A. Piang Sr. Kong aprubado na ito, ay irelease na ng Releasing Responsible Personnel na si Herlinda Aguilos, ang inyong Business Permit.

Samantala, ayon sa record, nitong taong 2015 ay 35 ang bagong aplikante at may   343 ang nag-Renew  ng Business Permit at ang Approved at narelease  na ay 346 lamang, ang nalalabi ay hindi pa naibabalik ng aplikante ang mga papeles.
Nitong nakaraang taon 2014 ay may 377 na  nabigyan ng Business Permit.

Kaugnay nito ay nanawagan an gating Alkalde Ramon Piang Sr. na ang hindi pa nakapag-renew na mag-Renew na ng Business Permit at ang lahat ng may negosyo at mag-nenegosyo pa sa Upi na kumuha ng Business Permit.

MARKET & SLAUGHTER  UPDATES-MORNING  EDITION (5:00-6:30 A.M.)
July 10,  2015-ARAW NG BIYENRES 

PARA SA MARKET & SLAUGHTERS HOUSE UPDATES… PATROL 1-ALIH ANSO,  


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento