(May 18,
2012-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay
–buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na
“Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Nenita Minted)
NENITA: Biyernes ngayon at tuwing araw ng
Biyernes ay ang theme natin ay tungkol sa mga Kultura, kaugalian at paniniwala
nating mga Pilipino, at nitong araw ang
ibabahagi sa atin ni kaka Alih ay Kultura, Kaugalian at Paniniwala ng mga
Bangsamoro Muslim kaya naman samahan kami
sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya.
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NENITA: Magandang umaga Kaka Alih,
KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na
Nenita, assallamu alaikum
warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating
Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim.
Sa makabagong panahon at henerasyon, marami
na ang mga taong naeenganyo sa mga bagong gadgets, pag-ibig, karahasan, at iba pang bagay
na nagaganap sa ating bansa sa mga panahong nagdaan.
Sa makabagong panahon at
henerasyon na ito’y karamihan na sa ating mga kababayang Pilipino na ang tila
‘nakakalimot’ na sa kaugaliang ating nakasanayan pamula sa ating mga ninuno,
ngunit meron pa ring mga Pilipino ang hindi pa nakakalimot at
magpahanggang-ngayo’y sinsasanay rin nila ang kanilang mga kamag-anakan sa
kaugalian at kultura nakasanayan na.
Ano ang kultura?
Ang Kultura ay tumutukoy sa pamamaraan ng
pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao sa isang tiyak na teritoryo na may
pagkakakilanlan. Ito rin ang humuhubog
sa pamumuhay ng tao at nagbibigay ng kahulugan sa buhay.
Kaya sa umagang ito ay kilalanin natin ang ilan sa mga
Kultura, Kaugalian at paniniwala
ng mga kapatid na Bangsamoro Muslim.
Kasamang Nenita, sisimulan ko ang usaping ito sa bago pa man dumating sa mga pulo ang mga Kastila, o sa lupang nasa Silangan o tinawag ni dating
president Marcos na Maharlika, ( ang mananakop, the colonizers), noong 1521 ay
may kultura at kaugalian na ang mga naunang naninirahan dito sa lupain na
ngayon ay tinatawag na Pilipinas.
Bagamat ang mga ninuno natin ay nagtanggol sa
kanilang mga kaharian, sila ay nagapi dahil sa makabagong armas sila ay natalo
at nasakop ng Espania. Dahil ang mga
mamayan sa Lupang Silangan (na tinawag ng Espania na Pilipinas, na ang ibig
sabihin ay “tao ni Haring Felipe”) ay nasakop ang ating mga ninuno, at di nagtagal ay tinawag na mga Pilipino. (utang natin ito kay Jose Rizal kong bakit tayo natawag na
Pilipino, isa sa pinaglaban niya, dahil ang tawag noon sa sa Pilipino ay
Indiyo)
Ang mga kulturang Pilipino
ay dahan-dahan nangawala at di
man nawala ay nadagdagan o sadyang nabago sa pagdaan ng panahon.
Sa
bandang Mindanao, Sulu at Palawan
(MINSUPALA) ay nahirapan ang Espania na sakopin (ayon sa ibang manunulat ay
hindi talagang nasakop) dahil sa isa na itong matatag na bansa noon pa man bago
pa dumating ang mga mananakop na Espaniol. Bagamat hindi gaano makabago
ang armas ay organisado ang kanilang
tanggulang bansa. Hindi basta-basta nakapagtatag ng kanilang goberno dito sa
MINSUPALA ang mga dayuhang mananakop na
Espaniol, ngunit dahil sa tulong ng mga kapatid, (na nabihag) na ngayon
ay tinawag na Pilipino (na walang magawa kundi sundin ang utos ng mananakop,
kaya sila napilitang maging mandirigma na nagsisilbi para sa Espanya) ay natalo
nila ang depensa ng mga Bangsamoro sa Sambuwangan (Zamboanga), at itinayo ng
Espania ang kanilang kuta, tinawag nila itong Cota del Pilar.
Dahil sa hindi nasakop, nanatili (intact) ang
kultura mga Bangsamoro (Moro ang tawag
ng Espania sa mga tao na katulad ng kanilang nakalaban sa Morocco. At Bangsa
ang ibig sabihin sa Malay ay nangangahulugan ng angkan- kaya angkan ng mga
Moro=Bangsamoro) ang kanilang mga kultura at kaugalian. At ang mga kulturang
ito ay hinango naman sa Islam, ang
relihiyong kanilang pinaniniwalaan noon pa man.
Ang ibig sabihin ng Islam ay ..”pagtalima at
pagsuko sa nag-iisang Diyos.” Ang tagasunod ng Islam ay tinatawag naman na
Muslim na ang ibig sabihin, “…. ay naniniwala, mga taong tumalima sa kautusan
ng Allah” (ang tawag sa Poong Lumikha o Diyos).
At dahil sa paniniwalang ito sa Islam ang kanilang mga kultura at kaugalian
ay nilimbag sa timplang Islam, kaya makikita natin na halos magkatulad sa
Islam.
Dumaan ang mga panahon, dumating ang
Amerikano (tawag sa taga Amerika), natalo naman nila ang Espania at sila ay
napaalis dito sa Pilipinas, bagamat ang kanilang kamandag ay nanatili
nanalaytay pa rin sa dugo ng mga Pilipino.
Nasakop na ng Amerika ang Pilipinas, hindi
ito nagtagal, bakit ? dahil marahil wala
na silang makakatas, dahil nasaid na maraahil ng Espania ang tamis nito, kaya
iyon marahil ang dahilan na ibinigay na
nila ang “pagsasarili” (independence) sa mga Pilipino.
Ang masakit lang nito ay isinama nila ang mga
kapatid na nasa Mindanao na hindi man lang nila kinunsulta, ong papayag ba sila
o hindi. Sa kabila ng katotohanan na sila ay nagsisigaw na ibalik sa kanila ang
kanilang dating pagsasarili.
Nagplano ng mga programa ang bagong
nagsasariling bansa (ang Pilipinas) kong papaano magkaisa sa paniniwala at
kultura ang mga taong tinatawag nilang
Pilipino at ang ayaw na matawag na Pilipino (na ngayon ay lalong kilala sa
tawag na Bangsamoro).
Ang
magkapatid na ito ay magkasalamuha,
(naging kapit bahay at ang iba naging kabiyak,) at dito sa prosesong ito ay
dahan-dahan, nabuo ang mga kultura at kaugalian na hindi ginagawa ng mga ninuno
ng mga Bangsamoro at wala sa katuruan ng Islam.
Ang tanong ano ang mga ito, na mga kultura
at kaugalian na wala sa mga ninuno
at hindi itinuturo ng relihiyong Islam?
Narito ang ilan sa mga ginagawa ng ilan sa
mga Bangsamoro sa ngayon na hindi na kasama sa mga kultura at kaugalian ng mga
ninuno:
1. Pagdiriwang sa araw ng kapanganakan
(Birthday)
Ang mga “assimilated” na Bangsamoro sa ngayon ay nagdiriwang na rin ng
kaarawan ng kanilang mga anak katulad ng mga Pilipino o yaong ngayon ay
tinatawag na “settlers”.
Ang mga ninuno ng mga Bangsamoro ay may
sarili silang pagdiriwang sa mga anak na bagong panganak, pagkapanganak ay
tatawag sila ng Azan o bang sa tabi ng kanilang anak. Ilang araw o linggo ay
magtatakda sila ng kaduli na tinatawag na “gunting” dito bibibigyan ng pormal
ng pangalan ang bata. Sa ibang tribung
Bangsamoro (Maguindanaon, Iranon) mayroon din silang tinatawag na “likat
sa lantay” isa din itong uri ng kanduli
(thasksgiving).
Papaano nagdiriwang ang mga ibang Pilipino ng
kaarawan? Kanilang hinalaw marahil sa kanluraning kultura.
Ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na
bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa
pamamagitan ng pagdarasal, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng
regalo sa may kaarawan.
Diyan marahil nahango ang pagdiriwang sa
kaarawan ng kapangakan ni Jesus o Iesa (kapayapaan ay sasakanaya).
Tanong bakit kayong mga Bangsamoro ay ipinag
diriwang ang Kaarawan ni Propeta
Muhammad kong tawagin ninyo ay Maulidin Nabi
Ito ay sadyang napakalungkot na nangyayari.
Bagama’t ang mga Muslim ay may maliwanag na patnubay na nananatiling nasa
orihinal na anyo hanggang sa ngayon, hindi pa rin maiwasan ng iba ang pagsagawa
ng mga bagay na salungat sa itinuturo ng Islam. Ito ay dulot ng kamangmangan sa
pananampalataya at sa pagnanais na tularan ang ginagawa ng iba.
Si
Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Anumang bagong bagay na isinasama sa ating
pananampalatayang ito (Islam), ay hayaan itong itakwil.”
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Wala
nang iba pang gawain na makapaglalapit sa inyo sa Allah maliban lamang sa mga
naituro ko sa inyo.”
Si
Propeta Muhammad ay nagsabi:
“May dalawang bagay akong iiwanan sa inyo na
kung inyo itong panghahawakan ng mahigpit ay hindi kayo maliligaw: ang purong
Salita ng Allah at ang aking Sunnah.”
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Huwag magmalabis sa pagpuri sa akin kagaya
ng ginawa ng mga Kristiyano sa anak ni Maria. Ako ay isang alipin, kaya’t inyo
lamang sabihin: “Alipin ng Allah at
Kanyang Sugo”.
2. Pagpapaputok sa araw ng Id
Pagsapit ng Id (Hariya Puwasa at haj) ay
nagpapaputok ang mga Bangsamoro, bilang pagsasaya, katulad ng pagdiriwang mga
Intsik. Ang mga Intsik na kilalang mangangalakal sa mundo at dumating na sila
ditto sa MINSUPA, at marahil ito ang impluwensa nila sa mga Talainged (native
inahabitants).
Noon ang pinapuputok ay rebentador at kanyon
na gawang Tsino, di nagtagal ay ginaya ng mga mga Pilipinong taga Bulacan. Sa ngayon ay nawala ang mga iyon, at
napalitan ng mga makabagong armas na
pumuputok at ito na ang ginagamit.
3-Kalilang (ceremonial of marriage)
Ang kasal ay sa mga restaurant o hotel ay
isinasaayos ng mga “third generation” at kanila nila ito kinopya sa sa kultura
ng settlers at dinagdagan ng kulturang Bangsamoro, lalo na yaong hindi pa
tanggap ng mga katutubong Bangsamoro. Halimbawa ang Biblia ay pinalitan ng
Qur’an. Nagsasabay ang babae at lalaki, at nagpaparada na ang babae kahit hindi
pa sila kasal.
Naglalagay din sila ng decoration na
tinatawag na pandala.
Ang mga Bangsamoro noon kong may ikakasal ay
hiwalay ang lalaki at babae, pagkatapos ng Kutba Nikah (wedding sermon) ay
sasamahan ang lalaki ng biyanan sa babaeng pinakakasalan.
Ang kalilang ay ginagawa sa bahay ng babae,
isa araw o higit pa bago ang kawing l o kasalan.
4- Pagdadamit na nakalabas ang kahubaran, at
pag-gaya sa ibang kasarian
Sa ngayon ay nakapantalon ang mga babae
katulad ng mga lalake, at ang mga damit ay hakab na hakab ang porma ng katawan.
Ang damit ng babae ay tinatawag na minoro ang
pangitaas at malong ang pang-ibaba, ito ay kahantulad sa damit ng T’duray
noon. Nagtetendong (bandana) ang mga
babae. Naglalagay ng mga decoration ang babae sa kanyang damit ng mga ginto o
pilak.
Ang lalake naman ay gumagamit ng tubaw. At
may nakasukbit na gurok sa tagiliran (maliit na punyal) at nakasabit na sundang
o kampilan sa biwang at kong minsan may dala-dalang bangkaw (spears).
5-pag-inom ng alak na makalasing (kamer)
Sa
ngayon ay umiinom ng alak na makalasing ang mga Bangsamoro, katulad na rin mga
Settlers na Pilipino, kahit ito ay patago sa mga kamag-anak o angkan, dahil sa
isinusumpa o itinuturing noon ng mga ninuno na “kafir” (hindi naniniwala) ang
uminom ng arak (alak na makalasing) ayon sa paniniwala ng ninuno o matatanda ay
40 na araw na walang matatanggap na amal (pagsamba sa Allah o Gawain para sa
Allah ang matatanggap).
Ang basehan ng mga Bangsamoro kong bakit
hindi dapat inumin ng isang Naniniwala
ang alak na makalasing ay base na rin sa Quran.
“O
kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga nakalalasing na alak (lahat ng uri
ng inuming may alkohol at i iba pa
na nakapagbibigay ng lambong sa
kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al
Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga
paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya’t iwasan ito upang kayo ay
mangagsipagtagumpay.” [Qur’an, Surah Al Maida: 90]
Mga sakit na idinudulot ang alak, (na base sa
pananaliksik ng mga nakakaalam at
pwedeng Makita ng harap-harapan):
Binubuhay nito ang seksuwal na pagnanasa, na
siyang nagtutulak sa tao na gumawa ng kasumpa-sumpa at karumal-dumal na tawag
ng laman: na tulad ng panggagahasa, karahasan at kalaswaan. At ang
pinatutungahan nito kung minsan ay pagpapatiwakal!
Nagdudulot ito ng pinsala sa utak: Isa sa
sanhi nito ay ang pagkawala ng memorya ng isang tao, sanhi rin ito ng
pagkakaroon ng impeksiyon sa utak, pagkabulok ng ‘cortex cells’ (nagpapagalaw
sa ating kalamnan) sa utak ng isang tao
na nauuwi sa pagkasira ng ulo.
Nagiging sanhi rin ito ng unti-unting
pagkabaog o pagkainutil ng isang tao at pagkaparalitiko ng buong katawan. (kayo
sigoro marami kayong alam na naparalitiko na palainum ng alak,)
Pinipinsala rin nito ang atay ng isang tao,
na kung kaya mabibigo nitong alisin ang mga lason sa loob ng katawan,
lalung-lalo na ang ‘amonia.’ At dahil sa ganitong pangyayari ay tataas ang
antas ng lason sa dugo. At ang lason na ito ang makaka-apekto sa pagkilos ng
kaisipan at makakagambala sa emosyon: Na kung kaya, hindi na magiging normal
ang kanyang pagkilos at pag-uugali. Magiging makasarili na siya, magalitin,
mapaghinila at magiging malungkutin.
Pagkakaroon ng depekto sa kidney, sa albumin
sa ihi, at nakakamatay na pangangasim ng dugo (o fatal blood acidity), na
magwawakas sa ‘heart failure.’
Nagdudulot ng impeksiyon sa ‘Nerve’ ng mga
mata na humahantong sa pagkabulag ng tao.
Nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mga
kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.
NENITA: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon
na yan,
(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Note: ang
article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated May 18, 2012)
at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bago
nating blog: DXUP Teleradyo..(from
admin: Alih Anso)
Salam...
TumugonBurahinpwede po maka request ng article on cultural sensitivity about muslim bngsamoro...?