Martes, Marso 26, 2013

Lumalalang Peace and Order, Anong Dahilan?

KAKA ALIH  sa Udto na Di 
Lumalalang Peace and Order,  Anong Dahilan?

 (March 26, 2013, - Bahagi ng script at Topic na sinulat ni Alih Anso para sa programang “UDTO NA DI ” (11:00-12:00 NOON) Host Alih S. Anso)
 11:00-(PLAY- TOP OF THE HOUR)
11:01-(PLAY INTRO- UDTO NA DI )
11:02- OPENING OF ANCHOR:
“Good morning  Kapatid, magandang umaga din  sa lahat ng mga Kapatid na nakikinig at nanood sa kanila-kanilang telebesyon. At Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nananampalataya sa katuruan ng  Islam.
Once again your Kaka Alih, sa inyong radio program na Udto na di, maudto den Ting! (PLAY-LAUGHING WITH MAUDTO DEN TING) Partner natin sa kabilang kuwarto, sa malamig na kuwarto ng mga technician natin na si Omar Dadigan sa radio at Donald Ventura sa tv na siya ding camera man natin.
At para sa mga may gusting ipaabot sa ating programa, pwede niyong ipaabot sa pamamagitan ng SMS o text sa ating mga number na: smart # 0939 845 4436 at sa globe # natin na: 0906 705 4037, huwag lang kalimutan ang iunang isulat in capital letter ang UDTO or simple na DI.
Ang tanong natin, na siya nating pagtutulungan sagutin ay:
Ang tanong din sa atin na ganito: “Bakit kaya lumalala ang peace and order natin sa ating bansa?”
Ang sagot sa ating pagbabalik.
(TECHNICIAN PLAY-RADIO PLUGS)
(ANCHOR PLAY- SA MULING PAGBABALIK NI KAKA ALIH)
KAKA ALIH: Sa Ganito natin sasagutin ang question. Ang tanong din sa atin na ganito: “Bakit kaya lumalala ang peace and order natin sa ating bansa?”
Ang pag-unlad at pag-angat ng isang bayan o barangay  ay  nakasalalay sa katahimikan at kaayusan na umiiral sa nasabing lugar.
Alam natin na  lumalala na ang sitwasyon ng peace and order sa ating bansa. Hindi lang dito sa Mindanao, kundi pati Luzon at Visayas.
Ang bansa natin ngayon marami ng grupo ang nag-aalsa o nagrerebelde, dilang ang mga mamamayan kundi pati na  rin ang nasa goberno. 
Marami din mga krimen, na nangyayari, may binabaril, may pamilyang nagbabarilan. Bakit? Simple ang sagot nila, dala maraming lost firearms kahit simpleng tao ay may baril, hindi mo basta magalaw dahil may papeles pala ang bakal na dala.
Sa ating bansa ngayon patuloy na pagtaas ng bilang ng carjacking sa bansa, pati Upi ay hindi na dito exempted,  ang  ating pulis record ang siyang batayan natin, di ba nitong mga nakaraang buwan,   may nahuli na carnapper ng motor?
Ayon sa ating Kapulisan ng Upi, hayun humihimas sa malamig na bakal (LAUGHING).
Alam ninyo Kapatid, ayon sa   isinagawang Global Peace Index survey noong taong 2012, lumalabas sa report na sa kabuuang 158 na bansa sa buong  mundo, ika-133 ang Pilipinas. Anong ibig sabihin nito? This mean  na isa tayo sa 26 na bansa sa buong mundo na may pinakamalalang sitwasyon ng peace and order.
Kong ihahambing natin ang kalagayan ng peace and order index   karatig bansa sa South East Asia, lubhang napakababa ng ating ranking sa nasabing survey.
Ang Malaysia ay pang 20th,  Singapore - 23th, Vietnam - 34th, Indonesia - 63th, Cambodia -108th at Thailand,- 126th.
Pero don’t worry Lucy, may nadaig naman tayo, na kalapit bansa,  Ang bansang Myanmar lamang ang dinaig natin na pang 139th. At kumpara sa resulta ng Global Peace Index noong 2010, samantalang nag-improve ang rankings ng ating mga karatig bansa sa South East Asia, ang Pilipinas lamang ang lumala o mas bumaba ang global ranking.
Bakit nagaganap ito sa ating bansa? Nasaan ang pagsunod sa batas ng Diyos at sa batas ng tao? Nasaan ang pagmamahal para sa kapayapaan? Nasaan ang tunay na pagkakapatiran ng bawat Pilipino?
Sa isang demokratikong bansa tulad natin, ang kaayusan ng lipunan ay napapanatili dahil sa mga sistemang itinatag upang sundin at tangkilikin ng lahat. Ito ang tinatawag na rule of law.
Kailangang igalang ang batas at maging ang karapatan ng bawat tao upang makamit natin ang isang tunay na kaayusan at kapayapaan.
 (TECHNICIAN-PLAY RADIO PLUGS)
(ANCHOR PLAY- SA MULING PAGBABALIK NI KAKA ALIH)
Mahaba pa ang oras natin, kaya pwede pa tayong magdag dag ng mga tanong at ating din sasagutin. Ang isa pang tanong ay: Ang tanong natin ay ganito: Ang Pagdadala ba ng Armas ay  Likas na sa Bangsamoro?  

But natin sasagutin ang mga tanong ay  maghahandog muna ako ng awitin, na handog sa lahat ng nakikinig lalo na ng mga Bangsamoro.

(PLAY-SONG- BANGSAMORO)

(ANCHOR PLAY- SA MULING PAGBABALIK NI KAKA ALIH)

Sa ngayon ay may   gun ban o pagbabawal ng  pagdadala ng armas sa labas ng tahanan, dahil sa panahon ng election, pero may mga kababayan tayong patuloy pa rin ang pagdadala ng armas de fuego, kahit bawal, anong armas? …. armas de fuego,  armas na pumuputok ng pulbura, dahil armas na iba ang ipinuputok hindi pulbura. (PLAY LAUGHING)

Marahil bibihira sa atin na naninirahan sa Bangsamoro homeland, na di niya  mapapansin pag-dadala ng armas, ng mga Bangsamoro

Bakit?  

Kaya naman dapat sigorong itanong mo din na:   likas na ba talaga sa mga kapatid na Bangsamoro ang pagdadala ng armas?

Bago ko sagutin ang katanungan, may isa pa akong tanong:  “Ano ang armas na ating tinatalakay?

Ang armas na sinasabi natin ay, ano mang bagay na ginagamit sa pagtatanggol na hinahawakan ng kamay ay maibibilang sa armas, marami ang klase ang armas, may malaki, maliit, mahaba, madalas ang armas ay nakakamatay ng tao, ngunit huwag ka kuyang, may armas din na nakakabuhay ng tao, ano iyon?  kayo na mga tagapakinig ang sumagot, hindi ko alam, ngunit kong pipilitin ako sasabihin ko rin…………. (PLAY LAUGHING)

Kaibigan baka hindi mo pa alam, na  ang pagdadala ng ano mang armas ay likas na sa tao.  

Yes,  kahit noong pang mga unang panahon, ay nagdadala na ng armas ang tao?  Kaya lamang tulad nga sinabi natin, iba-iba ang klaseng  armas, may armas na de fuegol, o pumutok, kaya  lang noong panahon na di pa naimbento ang pulbura syempre walang armas na pumututok, kaya walang firearms.  Ang   armas ng mga ninuno nation mula pa kay Adam (Kapayapaan ay sasakanya) ay maaaring ordinaryong kahoy, nakilala sa ngayon tawag na tungkod, tulad ng kay  Propeta Moses (alayhi sallam o ang kapayapaan ay sumasakanya), di ba si Moses may dala-dala tungkod? Si Noah (AS) ang ibang Propeta nagdadala rin ng armas.

Ang tanong ko ulit, bakit sila nagdadala ng armas o pananggalang sa sarili? Ang sagot ay:  dahil kinakailangan ng pagkakataon, diba?

Alam ba ninyo na kahit sa panhon ni   Hesus ay nagdadala din ng armas. Ng asabihin ko ito, agad nag-react ang isa nating tagapakinig, na peace loving daw ang mga kasamahan ni Hesus.

 Ang sagot ko Kapatid ay  basahin mo ang Biblia-Luke 22:35-38. In this passage, immediately before leaving the upper room to go to Gethsemane, Jesus said, “The one who has no sword must sell his cloak and buy one.” When the disciples point out that they possess, amongst them, a total of two swords, Jesus replies, “It is enough.”.

May nag-sabi sa atin na hindi daw iyon tunay na espada, ok hindi ako masyado pamilyar, sa Biblia, ngunit sa unahan mababasa mo may tinigpas ang disipulo na tainga na napigtal ngunit ibinalik ni Jesus (alayhi sallam o ang kapayapaan ay sumasakanya), sa medaling salita, matalas na espada, totoong espada hindi patpat.

Balikan natin ang mga Bangsamoro, likas na ba talaga sa kanila ang pagdadala ng armas, upang ipananggalang o ipangtanggol ang sarili?

Yes, opo, at hindi lang Bangsamoro, pati ang ibang nilikha ay binigyan din ng Poong Lumikha, pangtanggol sa sarili, halimbawa aang alimango, di ba may sipit, para saan ang sipiot? para sa pag-kain at kalaban, di ba? Ang ibang hayop, halimbawa ang kalabaw, bakit may sungay, para ba dekorasyon ng kanyang katawan? hindi, para sa kanyang kalaban.

Ano ang dinadala noon ng mga Bangsamoro na armas, marami, halimbawa, gurok, gunong, sundang, kampilan, bangkaw o dil’k, badong, salakop, pana o busog. Ang pinaka paborito ng Bangsamoro na sikretong armas ay gurok, isang maliit na sandata na isinusukbit sa baywang sa ngayon ay katumbas ng pistola na sinusukbit din sa baywang.

Ano ang dahilan at nagdadala ng armas ang tao?

Tulad ng sinabi natin, ang pagdadala ng armas ay di bago, noon pang unang panahon, ang dahilan, tulad sa ibang nilikha, upang ipagtanggol ang sarili sa kalaban. Ang mga Bangsamoro ay binibigyan pa rin ng halaga ang costume at tradition, at isa sa kanilang kaugalian at kultura ang pagdadala ng armas, at dahil sa panahon ngayon ng makabago, nawala ang gurok, bankaw, ang naging kapalit ng gurok ay kalibre .45 o .38 at sa sundang ay armalite, M-14, sa bangkaw, nandiyan ang M-203, at ang pana  ay may kapalit na din ang powerful sniper gun 50 caliber na barret.

Bakit hanggang ngayon ay nagdadala pa rin armas ang Bangsamoro, wala ng kalaban, dahil malaya na tayo, mula sa pananakop ng Kastila, ng Amerikano, binigyan na tayo ng pag-sasarili o independence kaya dapat ng isalong ang sandata at iasa sa tanggulang bansa ang pagdadala ng armas.

Sino Ang dapat magdala ng armas, sa isang maayos o malaya na bansa?

of course ang dapat na magdala lamang ay authorized person, iyong authoridad, sa Pilipinas ay AFP at Pulis, dahil sila ang naatasan na magtanggol sa ating bansa. Tulad din iyan sa mga langgam may army ants din sila, ngayon bakit nagdadala ang mga Bangsamoro na hindi naman sundalo o Pulis? Tulad ng sinabi natin, nakaugat nasa kultura at paniniwala, ano ang kultura at paniniwala? na ang mga Bangsamoro ay Malaya at nagsasariling bansa, may sarili silang goberno ang sultanate, tulad ng Pilipinas may sarling bansa, at katungkulan ng Sultanato na iorganized ang kanyang mamayan, una na dito papaano ipagtanggol.

Mananatili ba ang pagdadala ng armas ang tao?

Ang sagot natin, habang may matatawag na kalaban ang isang nilikha ay di ihihiwalay sa sarili ang armas ngunit pag pag wala na siyang maituturing na kalaban, di mo man sabihan o pagbawalan ay hindi aabalahin ang sarili na magdala ng armas, dahil talagang sagabal sa araw-araw na galaw ng buhay ang magdala ng armas, kaya ang pag-tuunan ng pansin, kong papaano mawawala ang paglaban-laban ng tao, alamin ang mga punot dulo ng gulo o labanan,

Ano nga ba ang punot dulo?

Sa kaso ng Bangsamoro, ang kanilang isinisigaw ay katarungan, o justice na hindi pa binibigay sa kanila.

"Correct me if im wrong"

Napahaba yata tayo ng talakayan, sa tanghaling ito, pero di bale sulit naman diba? (PLAY LAUGHING) In behalf ng dalawang technician na sina:   Omar Dadigan sa radio at Donald Ventura sa tv na siya ding camera man natin. Sa ngalan pa rin ng station manager Mario Debolgado, Ito po ang inyolng Kaka Ali, Wassallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.


11:55 AM-(PLAY EXTRO- UDTO NA DI – AZAN AT  TOP OF THE HOUR)

Huwebes, Marso 7, 2013

Ang Panawagan para sa Karapatan ng mga Kababaihan


Ang Panawagan para sa Karapatan ng mga Kababaihan

(Marso 7, 2013-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

NORALYN:    Ngayon buwan ng marso ay  women celebration month, at bukas nga dito sa Upi ay may pagtitipon ang mga kababaihan, sa buong bayan natin, at dahil diyan ang tatalakayion ni Kaka Alih ay karapatan ng mga kababaihan,  sa ating segment na….

 (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih,  ano ang maibabahagi mong usapin na  ngayon ay ‘buwan ng kababihan” o women month?

KAKA ALIH: Magandang umaga din Nor, Insha Allah, (may awa ang Allah  Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig.

At dahil buwan ng mga kababaihan ngayon ay minarapat natin na magresearch sa tungkol sa usaping patungkol sa kababaihan.  Ang isa sa source natin ay ang: http://womeninislam.ws/ph/call-for-womens-rights.aspx o kababaihan sa Islam.

Ang mga sarisaring panawagan para sa kalayaan ng mga kababaihan at pantay na karapatan sa mga lalaki ay narinig na mula sa iba’t ibang panig ng Mundo, at maraming panawagan ang naimbento para sa mga pagmamartsa. Tulad din dito sa Pilipinas. Aqng panawagan ng iba, ang : “dapat pantay ang babae sa lalaki, ano ang mayroon ang lalaki ay mayroon ang mga babae”.
Sa ibang mga lipunan ang mga babae ay nabuhay sa pagmamaltrato, pagmamalupit at walang katarungan at ipinagkait ang kaukulang karapatan bilang tao. Mayroong naman mga Muslim na pinasinungalingan ang ganitong kalakaran dahil sila ay lumabas sa turo at alituntunin ng Islamikong Prinsipyo. Sa kabilang banda, ang batas ng Islam ay sinusugan ang karapatan ng mga babae sa paraang magaang maunawaan at bilang pantay na pamamalakad at ubligasyon.
Ang pagsusuri ng maigi sa mga panawagang ipinalaganap ng mga kilusang pagpapalaya ng mga kabababihan ay ipinakita na ang mga ito ay umiikot sa tatlong elemento:

  • 1.      ‘Pagpapalaya sa mga Kababaihan;

  • 2.      ‘Pantay na Karapatan sa mga Kalalakihan’ at ang

  • 3.       ‘Karapatan ng mga Babae’.


Susuriin natin ang mga ito batay sa liwanag ng Batas ng Islam at sa mga katuruan nito, kahit ano pa ang pag-uugali ng mga ignorante at ng mga lumihis sa tunay na daan na mga Muslim.

Una sa lahat, ang salitang ‘pagpapalaya’ ay nagpapahiwatig na mayroong mga tanikala, pagkasakal at pagbabawal na nangingibabaw, at pangalawa nito, ang mga babae ay inaalipin at kailangan palayain. Ito ay walang katiyakan at walang katotohanan dahil ang tunay na kalayaan ay hindi mangyayari, kahit pa sila ay mga lalaki o mga babae.

Bakit?  Dahil ang tao ay likas na may hangganan at maraming ipinagbabawal sapagka’t ang kanyang kakayahan at kaalaman ay may hangganan at dahil sa pangangailangan ng samahang panlipunan.

 Samakatuwid ang mga lalaki at mga babae, sa partikular na lipunan, ay nabubuhay sa ilalim ng batas, alituntunin at panuntunan na siyang nagpapalakad sa lahat ng kalakaran ng kanyang pamumuhay.

Ano ang ibig sabihin nito kapatid?

Ang ibig sabihin ay  ang tao ay hindi malaya at nagsasarili sa kanyang mga gawa o kaya naman ay walang pananagutan sa kanyang mga gawain?

Maaari bang maging malaya ang sinuman mula sa mga likas na hangganan at sa mga pagbabawal na alinsunod sa batas?

Kung sakaling sila ay mga alipin, ang tanong ay magiging kanino?

Ang kalayaan samakatuwid ay may mga itinakdang hangganan na kung umaalinsunod sa anumang batas, panuntunan o regulasyong itinakda, na kung ito ay lumampas sa hangganan, hahantong sa di kanais-nais na gawain na mapapansin ng lahat na ito ay masagwa, mahalay, hindi sibilisado at napakasama.

Ang batas ng Islam ay nagpanukala para sa mga lalaki at mga babae sa paghahanap ng kalayaan at pagpapalaya mula sa pagsamba sa mga diyus-diyosan, kalupitan, pagsasamantala at mula sa di makatarungan. Ang mga banal na ipinahayag na prinsipyo at batas ay nagtuturo at mahigpit na nagtatagubilin sa pagsamba lamang sa Isang Diyos (Allah), pagkapantay-pantay at dakilang moralidad o kabutihang-asal.

Sa loob ng balangkas na ito, ang mga lalaki at mga babae ay mayroong kanya-kanya at kapupunan o bahaging tungkulin sa bawa’t isa.

Ang Islamikong batas ay nagbigay sa kababaihan ng karapatan na makitungo ng harapan sa maraming bagay sa lipunan, kaysa ipagkatiwala niya ang pagnenegosyo sa kanyang katiwala, bilang opisyal na mananagot at maging katiwala sa pamamalakad ng lahat ng kanyang negosyo, gaya ng pang-ekonomya, panlipunan, pam-pulitika at sa ibang paraan gaya ng ibang pamayanan.

Para sa pagkalinga at panustos ng babae, ang kanyang ama, kapatid (na lalaki), tiyo at asawa – ang mga kalalakian – ay inuubliga at legal nilang pananagutan na pangalagaan ang kanilang dangal, ang pagtustos ng kanilang ikabubuhay at dapat sa maayos na pamumuhay sa lahat ng kalagayan, (na ang pagtustos) ay nararapat na ankop sa kanilang kakayahan, sa buong buhay niya. Ito ba ay pagmamaliit ba sa kanyang katayuan o pagpaparangal?

Sa Islam, ipinagbabawal sa parehong lalaki at babae ang hindi disenteng pagkilos o pag-aayos sa publiko, at ang ipinapatupad ay magkaiba sa dalawang kasarian sa likas na mga kadahilanan. Lahat ay dapat pangalagaan at bantayan ang kanilang dangal o moral maging sa pribado o publiko. Ang Islamikong batas ay kinakalinga ang kababaihan mula sa pananakot at panliligalig, na sa ganitong pagkakataon ipinagbabawal sa bawat isa (babae o lalaki) na huwag kumilos ng makamundong tila nang-aakit o nanunukso sa bawa’t isa. Sa kadahilanang ito ipinapatupad ng batas ng Islam sa mga babae na maging disente sa pagdadamit kung lumalabas sa pamamahay, at ipinagbabawal ang pakikipagbiruan at pakikihalubilo at kahit na anong uri ng pagdadaiti sa mga lalaki.

Inilalarawan ng Islam ang konsepto ng kalayaan sa isang paraan na bawa’t kilos at pag-uugali ay hindi dapat, sa lahat ng pagkakataon, makakasakit sa kanyang sarili o sa mga ibang tao o makasisira sa kabuuang pamayanan, gaya ng pagpapaliwanag sa mga salita ng Sugo ng Allah (r) ng sinabi niya sa kanyang mapananaligan tradisyon:

“Ang kahalintulad ng isang taong tumutupad sa mga ipinagbabawal na hangganan ng batas at kautusan ng Allah, at ang isang taong sumisira o sumusuway sa mga ito ay katulad ng dalawang pangkat ng mga tao na nasa isang barko at nagpasiyang maghati ng puwesto. Ang isang pangkat ay nasa itaas na parte bilang bahagi. Samantalang ang isa namang pangkat ay nasa ibabang parte bilang kanilang nakuhang bahagi. Tuwing ang mga tao sa ilalim na bahagi ay sasalok ng tubig, kinakailangang dumaan muna sila sa bahaging itaas (nakakaabala sa kanilang pagdaan). Kaya ang mga taong nasa ibaba ay nag-isip na, ‘kung tayo ay gumawa ng butas sa ating nakuhang lugar, malapit ang pagkuha natin ng tubig na hindi makaabala sa mga taong nasa bahaging itaas.’ Kung hahayaan ng mga taong nasa itaas ang mga taong nasa ibaba na gumawa ng butas upang madaling makakuha ng tubig, lahat ng tao sa barko ay mamamatay. Ngunit, kung sila ay pagbabawalan mula sa pagbutas, silang lahat ay magiging ligtas.” (Bukhari at ibpa.)

Si Ginoong Schopenhauer, isang kilalang Pilosopong Aleman ay nagsabi:

"Bigyan ng tunay na Kalayaan ang babae sa loob ng ISANG TAON LAMANG, at magtanong sa akin pagkaraan nito tungkol sa bunga ng gayong kalayaan. Huwag ninyong kalilimutan na kayong lahat, kasama na ako, ay magmamana ng katangian, kalinisan at magandang moral. Kung ako ay mamatay (bago ito) ay Malaya kayo sa inyong maaaring sasabihing, ‘Siya ay nagkamali!’ o ‘Nakamit niya ang katotohanan!"

Si Ginang Helesian Stansbery, isang Amerikanong tagapagbalita, na naugnay sa mahigit na 250 pahayagan, at nagtrabaho sa larangan ng peryodismo at pamamahayag ng higit na 20 taon, at naglakbay sa maraming bansang Muslim, ay nagsabi pagkaraan ng huli niyang paglalakbay sa isang bansang Muslim:

“Ang Arabo-Islamikong lipunan ay kaaya-aya at malusog. Ang lipunang ito ay dapat magpatuloy na pangalagaan ang kanilang tradisyon na nagbabawal sa kanilang kalalakihan at kababaihan sa isang itinakda at makatuwirang hangganan. Ang lipunang ito ay ibang-iba kaysa sa Europa at Amerika. Ang Arabo-Islamikong lipunan ay may sariling tradisyon na nagtatakda ng mga pagbabawal at hangganan sa mga babae, paggalang at pagsunod sa mga magulang. Una at higit sa lahat, ang mahigpit na pagbabawal at may hangganang kalayaang pang-seksuwal na tunay na nagbibigay panganib sa lipunan at sa mga pamilya ng Europa at Amerika.

Samakatuwid, ang pagbabawal na ipinataw ng Islamikong lipunan ay legal at nakakabuti. Ako ay matatag na nagpapayo sa inyo na kayo ay mahigpit na sumunod sa inyong tradisyon at alituntunin ng kagandahang-asal (moral).
  1. Ipagbawal ang pagsasama ng babae at lalaki sa mga paaralan.
  2. Higpitan ang kalayaan ng mga babae, o dili kaya ay magbalik sa tradisyong Purdah (pananamit ng ayon sa Islamikong Kaayusan). Tunay na ito ay makabubuti sa inyo kaysa sa kalayaang sekswal na ginagawa sa Europa at Amerika.
  3. Ipagbawal ang pagsasama sa paaralan ng mga babae at lalaki, sapagkat kami sa Amerika ay nagdusa mula rito. Ang lipunan ng Amerika ay naging masalimuot, puno ng lahat ng uri ng sekswal na kalayaan. Ang mga biktima ng kalayaang sekswal at pagsasama sa paaralan ay pumupuno sa mga kulungan, kalsada, bar at bahay aliwan. Ang maling kalayaan na aming ipinagkaloob sa aming mga anak na babae ay siyang nagtulak o nagbaling sa kanila sa bawal na gamot, krimen at pagtitinda ng katawan (prostitution). Ang ganitong kalayaan sa Europa at Amerika ay nagbigay panganib sa pamilya at winasak ang dangal at pag-uugali."
Ang katanungan na dapat bigyang kasagutan tungkol sa hangarin ng 'Pagpapalaya sa mga Babae' ay ito:

Ano ang pinakamabuting pamamaraan na makakatulong at makapangangalaga sa Dangal, Puri, at Katayuan ng babae?

Ito ang inyong Kaka Alih, na nakikiisa sa mga kababaihan sa buong mundo sa panawagan na give justice to women, o ibigay ang karapatan ng mga kababaihan, ayon sa katuruan ng Islam.

Sukran Wassallamu Alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.

NORALYN: Maraming salamat Kaka Alih, sa suportang ibinibigay mo sa aming mga kababaihan.

(PLAY-EXTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya)

SOURCE: http://womeninislam.ws/ph/call-for-womens-rights.aspx

Upi Women Ipinagbubunyi ang Araw ng Kababaihan


Upi Women Ipinagbubunyi ang Araw ng Kababaihan

Women celebration in Upi assisted by the Upi PNP
March 8, 2013 (Nuro, Upi)...…Kasalukuyang  ipinagdiriwang ng mga kababaihan ng Upi ang Araw ng Kababaihan, na ginaganap sa Gymnasium.

Mahigit dalawang libong membro ng kababaihan ang dumalo mula sa 23 barangay ng Upi.

Sinimulan ang programa nitong umaga ng isang mahabang parada, palibot sa Poblacion ng Barangay Nuro, sa pamumuno ni Amelita Piang President ng Kababaihan sa Upi at maybahay ni Upi Mayor Ramon Piang Sr.

Ang pagdiriwang ay ang pagtatampok ng mga gawaing may kinalaman sa mga karapatan at papel ng mga babae sa pagbabawas ng panganib ng sakuna at pagbuo ng matibay na komunidad.

Ipinagdiriwang bawat taon ang Pandaigdigang Selebrasyon ng Araw ng Kababaihan (International Women's Day - IWD) na ginaganap tuwing ika-8 ng Marso. Ang pagdaraos na ito ay kinikilala sa halos lahat ng bansa na may layuning ipagbunyi ang kababaihan sila man ay nahahati dahil sa kanilang pagkakaiba ng wika, kultura, o sa antas ng pamumuhay.

Ipinagmamalaki din ng selebrasyon na ito ang ilang dekadang pagsusumikap ng mga kababaihan na makamit ang pagkakapantay-pantay, katarungan, kapayapaan at paglilinang gayun din ang pag-asam na magkaroon ng bahagi sa lipunan at pantay na pagkakakilala at pagtanggap tulad ng sa mga kalalakihan.

Live sa DXUP Teleradyo ( Radio at TV) 
Pagkakataon din sa IWD ang makilala at ipagbunyi sa buong mundo ang mga tagumpay ng mga kababaihan sa larangan ng ekonomiya, politika at sa pamayanan. 

Sa Pilipinas sa tuwing sumasapit ang buwan ng Marso na kilala bilang Buwan ng Kababaihan (Women's Month) at ang ika-8 ng Marso, iba't-ibang organisasyon ang naghahanda at nakikilahok upang bigyan ng halaga ang papel ng mga kababaihan sa bansa gayun din ang kaakibat na suliranin na patuloy na nararanasan ng mga kababihan-bata man o matanda.

Ang mga iba't-ibang mga lalawigan, lungsod at bayan sa buong Pilipinas ay namamahala ng mga gawain na magbibigay-halaga sa kakayanan ng mga kababaihan at ang kanilang papel at kontribusyon sa pagpapaunlad ng bansa. (Alih S. Anso)