(Marso 7, 2013-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para
sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at
Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)
NORALYN: Ngayon buwan ng marso ay women celebration month, at bukas nga dito sa
Upi ay may pagtitipon ang mga kababaihan, sa buong bayan natin, at dahil diyan
ang tatalakayion ni Kaka Alih ay karapatan ng mga kababaihan, sa ating segment na….
(Play- Intro- Gabay
at Talakayang Pampamilya)
NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih,
ano ang maibabahagi mong usapin na
ngayon ay ‘buwan ng kababihan” o women month?
KAKA
ALIH: Magandang umaga din Nor, Insha Allah, (may awa ang Allah Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,
sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, at good morning sa naman sa lahat ng
nakikinig.
At dahil buwan ng mga
kababaihan ngayon ay minarapat natin na magresearch sa tungkol sa usaping
patungkol sa kababaihan. Ang isa sa
source natin ay ang: http://womeninislam.ws/ph/call-for-womens-rights.aspx
o kababaihan sa Islam.
Ang mga sarisaring panawagan
para sa kalayaan ng mga kababaihan at pantay na karapatan sa mga lalaki ay
narinig na mula sa iba’t ibang panig ng Mundo, at maraming panawagan ang
naimbento para sa mga pagmamartsa. Tulad din dito sa Pilipinas. Aqng panawagan
ng iba, ang : “dapat pantay ang babae sa lalaki, ano ang mayroon ang lalaki ay
mayroon ang mga babae”.
Sa ibang mga lipunan ang mga
babae ay nabuhay sa pagmamaltrato, pagmamalupit at walang katarungan at
ipinagkait ang kaukulang karapatan bilang tao. Mayroong naman mga Muslim na
pinasinungalingan ang ganitong kalakaran dahil sila ay lumabas sa turo at
alituntunin ng Islamikong Prinsipyo. Sa kabilang banda, ang batas ng Islam ay
sinusugan ang karapatan ng mga babae sa paraang magaang maunawaan at bilang
pantay na pamamalakad at ubligasyon.
Ang pagsusuri ng maigi sa mga
panawagang ipinalaganap ng mga kilusang pagpapalaya ng mga kabababihan ay
ipinakita na ang mga ito ay umiikot sa tatlong elemento:
- 1. ‘Pagpapalaya sa mga Kababaihan;
- 2. ‘Pantay na Karapatan sa mga Kalalakihan’ at ang
- 3. ‘Karapatan ng mga Babae’.
Susuriin natin ang mga ito
batay sa liwanag ng Batas ng Islam at sa mga katuruan nito, kahit ano pa ang
pag-uugali ng mga ignorante at ng mga lumihis sa tunay na daan na mga Muslim.
Una sa lahat, ang salitang
‘pagpapalaya’ ay nagpapahiwatig na mayroong mga tanikala, pagkasakal at
pagbabawal na nangingibabaw, at pangalawa nito, ang mga babae ay inaalipin at
kailangan palayain. Ito ay walang katiyakan at walang katotohanan dahil ang
tunay na kalayaan ay hindi mangyayari, kahit pa sila ay mga lalaki o mga babae.
Bakit? Dahil ang tao ay likas na may hangganan at
maraming ipinagbabawal sapagka’t ang kanyang kakayahan at kaalaman ay may
hangganan at dahil sa pangangailangan ng samahang panlipunan.
Samakatuwid ang mga lalaki at mga babae, sa
partikular na lipunan, ay nabubuhay sa ilalim ng batas, alituntunin at
panuntunan na siyang nagpapalakad sa lahat ng kalakaran ng kanyang pamumuhay.
Ano ang ibig sabihin nito
kapatid?
Ang ibig sabihin ay ang tao ay hindi malaya at nagsasarili sa
kanyang mga gawa o kaya naman ay walang pananagutan sa kanyang mga gawain?
Maaari bang maging malaya ang sinuman
mula sa mga likas na hangganan at sa mga pagbabawal na alinsunod sa batas?
Kung sakaling sila ay mga
alipin, ang tanong ay magiging kanino?
Ang kalayaan samakatuwid ay may
mga itinakdang hangganan na kung umaalinsunod sa anumang batas, panuntunan o
regulasyong itinakda, na kung ito ay lumampas sa hangganan, hahantong sa di
kanais-nais na gawain na mapapansin ng lahat na ito ay masagwa, mahalay, hindi
sibilisado at napakasama.
Ang batas ng Islam ay
nagpanukala para sa mga lalaki at mga babae sa paghahanap ng kalayaan at
pagpapalaya mula sa pagsamba sa mga diyus-diyosan, kalupitan, pagsasamantala at
mula sa di makatarungan. Ang mga banal na ipinahayag na prinsipyo at batas ay
nagtuturo at mahigpit na nagtatagubilin sa pagsamba lamang sa Isang Diyos (Allah),
pagkapantay-pantay at dakilang moralidad o kabutihang-asal.
Sa loob ng balangkas na ito,
ang mga lalaki at mga babae ay mayroong kanya-kanya at kapupunan o bahaging
tungkulin sa bawa’t isa.
Ang Islamikong batas ay
nagbigay sa kababaihan ng karapatan na makitungo ng harapan sa maraming bagay
sa lipunan, kaysa ipagkatiwala niya ang pagnenegosyo sa kanyang katiwala,
bilang opisyal na mananagot at maging katiwala sa pamamalakad ng lahat ng
kanyang negosyo, gaya ng pang-ekonomya, panlipunan, pam-pulitika at sa ibang
paraan gaya ng ibang pamayanan.
Para sa pagkalinga at panustos
ng babae, ang kanyang ama, kapatid (na lalaki), tiyo at asawa – ang mga
kalalakian – ay inuubliga at legal nilang pananagutan na pangalagaan ang
kanilang dangal, ang pagtustos ng kanilang ikabubuhay at dapat sa maayos na
pamumuhay sa lahat ng kalagayan, (na ang pagtustos) ay nararapat na ankop sa
kanilang kakayahan, sa buong buhay niya. Ito ba ay pagmamaliit ba sa kanyang
katayuan o pagpaparangal?
Sa Islam, ipinagbabawal sa
parehong lalaki at babae ang hindi disenteng pagkilos o pag-aayos sa publiko,
at ang ipinapatupad ay magkaiba sa dalawang kasarian sa likas na mga
kadahilanan. Lahat ay dapat pangalagaan at bantayan ang kanilang dangal o moral
maging sa pribado o publiko. Ang Islamikong batas ay kinakalinga ang kababaihan
mula sa pananakot at panliligalig, na sa ganitong pagkakataon ipinagbabawal sa
bawat isa (babae o lalaki) na huwag kumilos ng makamundong tila nang-aakit o
nanunukso sa bawa’t isa. Sa kadahilanang ito ipinapatupad ng batas ng Islam sa
mga babae na maging disente sa pagdadamit kung lumalabas sa pamamahay, at
ipinagbabawal ang pakikipagbiruan at pakikihalubilo at kahit na anong uri ng
pagdadaiti sa mga lalaki.
Inilalarawan ng Islam ang
konsepto ng kalayaan sa isang paraan na bawa’t kilos at pag-uugali ay hindi
dapat, sa lahat ng pagkakataon, makakasakit sa kanyang sarili o sa mga ibang
tao o makasisira sa kabuuang pamayanan, gaya ng pagpapaliwanag sa mga salita ng
Sugo ng Allah (r) ng sinabi niya sa kanyang mapananaligan tradisyon:
“Ang
kahalintulad ng isang taong tumutupad sa mga ipinagbabawal na hangganan ng
batas at kautusan ng Allah, at ang isang taong sumisira o sumusuway sa mga ito
ay katulad ng dalawang pangkat ng mga tao na nasa isang barko at nagpasiyang maghati
ng puwesto. Ang isang pangkat ay nasa itaas na parte bilang bahagi. Samantalang
ang isa namang pangkat ay nasa ibabang parte bilang kanilang nakuhang bahagi.
Tuwing ang mga tao sa ilalim na bahagi ay sasalok ng tubig, kinakailangang
dumaan muna sila sa bahaging itaas (nakakaabala sa kanilang pagdaan). Kaya ang
mga taong nasa ibaba ay nag-isip na, ‘kung tayo ay gumawa ng butas sa ating
nakuhang lugar, malapit ang pagkuha natin ng tubig na hindi makaabala sa mga
taong nasa bahaging itaas.’ Kung hahayaan ng mga taong nasa itaas ang mga taong
nasa ibaba na gumawa ng butas upang madaling makakuha ng tubig, lahat ng tao sa
barko ay mamamatay. Ngunit, kung sila ay pagbabawalan mula sa pagbutas, silang
lahat ay magiging ligtas.” (Bukhari at ibpa.)
Si Ginoong Schopenhauer, isang
kilalang Pilosopong Aleman ay nagsabi:
"Bigyan
ng tunay na Kalayaan ang babae sa loob ng ISANG TAON LAMANG, at magtanong sa
akin pagkaraan nito tungkol sa bunga ng gayong kalayaan. Huwag ninyong
kalilimutan na kayong lahat, kasama na ako, ay magmamana ng katangian,
kalinisan at magandang moral. Kung ako ay mamatay (bago ito) ay Malaya kayo sa
inyong maaaring sasabihing, ‘Siya ay nagkamali!’ o ‘Nakamit niya ang
katotohanan!"
Si Ginang Helesian Stansbery,
isang Amerikanong tagapagbalita, na naugnay sa mahigit na 250 pahayagan, at
nagtrabaho sa larangan ng peryodismo at pamamahayag ng higit na 20 taon, at
naglakbay sa maraming bansang Muslim, ay nagsabi pagkaraan ng huli niyang
paglalakbay sa isang bansang Muslim:
“Ang
Arabo-Islamikong lipunan ay kaaya-aya at malusog. Ang lipunang ito ay dapat
magpatuloy na pangalagaan ang kanilang tradisyon na nagbabawal sa kanilang
kalalakihan at kababaihan sa isang itinakda at makatuwirang hangganan. Ang
lipunang ito ay ibang-iba kaysa sa Europa at Amerika. Ang Arabo-Islamikong
lipunan ay may sariling tradisyon na nagtatakda ng mga pagbabawal at hangganan
sa mga babae, paggalang at pagsunod sa mga magulang. Una at higit sa lahat, ang
mahigpit na pagbabawal at may hangganang kalayaang pang-seksuwal na tunay na
nagbibigay panganib sa lipunan at sa mga pamilya ng Europa at Amerika.
Samakatuwid,
ang pagbabawal na ipinataw ng Islamikong lipunan ay legal at nakakabuti. Ako ay
matatag na nagpapayo sa inyo na kayo ay mahigpit na sumunod sa inyong tradisyon
at alituntunin ng kagandahang-asal (moral).
- Ipagbawal ang pagsasama ng
babae at lalaki sa mga paaralan.
- Higpitan ang kalayaan ng
mga babae, o dili kaya ay magbalik sa tradisyong Purdah (pananamit ng ayon
sa Islamikong Kaayusan). Tunay na ito ay makabubuti sa inyo kaysa sa
kalayaang sekswal na ginagawa sa Europa at Amerika.
- Ipagbawal ang pagsasama sa
paaralan ng mga babae at lalaki, sapagkat kami sa Amerika ay nagdusa mula
rito. Ang lipunan ng Amerika ay naging masalimuot, puno ng lahat ng uri ng
sekswal na kalayaan. Ang mga biktima ng kalayaang sekswal at pagsasama sa
paaralan ay pumupuno sa mga kulungan, kalsada, bar at bahay aliwan. Ang
maling kalayaan na aming ipinagkaloob sa aming mga anak na babae ay siyang
nagtulak o nagbaling sa kanila sa bawal na gamot, krimen at pagtitinda ng
katawan (prostitution). Ang ganitong kalayaan sa Europa at Amerika ay
nagbigay panganib sa pamilya at winasak ang dangal at pag-uugali."
Ang katanungan na dapat bigyang
kasagutan tungkol sa hangarin ng 'Pagpapalaya sa mga Babae' ay ito:
Ano
ang pinakamabuting pamamaraan na makakatulong at makapangangalaga sa Dangal,
Puri, at Katayuan ng babae?
Ito
ang inyong Kaka Alih, na nakikiisa sa mga kababaihan sa buong mundo sa
panawagan na give justice to women, o ibigay ang karapatan ng mga kababaihan,
ayon sa katuruan ng Islam.
Sukran
Wassallamu Alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.
NORALYN:
Maraming salamat Kaka Alih, sa suportang ibinibigay mo sa aming mga kababaihan.
(PLAY-EXTRO
- Gabay at Talakayang Pampamilya)
SOURCE:
http://womeninislam.ws/ph/call-for-womens-rights.aspx
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento