Huwebes, Marso 7, 2013

Upi Women Ipinagbubunyi ang Araw ng Kababaihan


Upi Women Ipinagbubunyi ang Araw ng Kababaihan

Women celebration in Upi assisted by the Upi PNP
March 8, 2013 (Nuro, Upi)...…Kasalukuyang  ipinagdiriwang ng mga kababaihan ng Upi ang Araw ng Kababaihan, na ginaganap sa Gymnasium.

Mahigit dalawang libong membro ng kababaihan ang dumalo mula sa 23 barangay ng Upi.

Sinimulan ang programa nitong umaga ng isang mahabang parada, palibot sa Poblacion ng Barangay Nuro, sa pamumuno ni Amelita Piang President ng Kababaihan sa Upi at maybahay ni Upi Mayor Ramon Piang Sr.

Ang pagdiriwang ay ang pagtatampok ng mga gawaing may kinalaman sa mga karapatan at papel ng mga babae sa pagbabawas ng panganib ng sakuna at pagbuo ng matibay na komunidad.

Ipinagdiriwang bawat taon ang Pandaigdigang Selebrasyon ng Araw ng Kababaihan (International Women's Day - IWD) na ginaganap tuwing ika-8 ng Marso. Ang pagdaraos na ito ay kinikilala sa halos lahat ng bansa na may layuning ipagbunyi ang kababaihan sila man ay nahahati dahil sa kanilang pagkakaiba ng wika, kultura, o sa antas ng pamumuhay.

Ipinagmamalaki din ng selebrasyon na ito ang ilang dekadang pagsusumikap ng mga kababaihan na makamit ang pagkakapantay-pantay, katarungan, kapayapaan at paglilinang gayun din ang pag-asam na magkaroon ng bahagi sa lipunan at pantay na pagkakakilala at pagtanggap tulad ng sa mga kalalakihan.

Live sa DXUP Teleradyo ( Radio at TV) 
Pagkakataon din sa IWD ang makilala at ipagbunyi sa buong mundo ang mga tagumpay ng mga kababaihan sa larangan ng ekonomiya, politika at sa pamayanan. 

Sa Pilipinas sa tuwing sumasapit ang buwan ng Marso na kilala bilang Buwan ng Kababaihan (Women's Month) at ang ika-8 ng Marso, iba't-ibang organisasyon ang naghahanda at nakikilahok upang bigyan ng halaga ang papel ng mga kababaihan sa bansa gayun din ang kaakibat na suliranin na patuloy na nararanasan ng mga kababihan-bata man o matanda.

Ang mga iba't-ibang mga lalawigan, lungsod at bayan sa buong Pilipinas ay namamahala ng mga gawain na magbibigay-halaga sa kakayanan ng mga kababaihan at ang kanilang papel at kontribusyon sa pagpapaunlad ng bansa. (Alih S. Anso)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento