Huwebes, Abril 4, 2013

Halal na Pagkain


Halal na Pag-kain

 (April 5, 2013-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
NORALYN:  Kaibigan, alam mo  ba ang  ibig  sabihin ng  Haram na  Pag-kain?.Ang sinasabing  Halal na pagkain? Ano man ang inyong answer,   yes or no man ang inyong sagot, samahan kami ni Kaka Alih sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya, dahimay kasagutan dito an gating segment writer na si Si Kaka Alih.
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih…   
KAKA ALIH : Magandang umaga din Kapatid na Noralyn,   assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaatin  Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.
Dahil Biyernes ngayon, kalusugan o panganganlaga sa katawan  ang mga topics natin,at heto  na nga  ang pag-uusapan natin, sa ating segment,  ang mga  pagkain na  makakasama  at makakabuti sa ating  katawan, medyo unique nga lamang dahil sa perspektibo o sa pananaw ng  Islam, natin ito tatalakayin.
Alam mo Noralyn, sa panahon ngayon, marami na ang naglalagay ng mga “karatula” o nakapaskil na sulat sa kani-kanilang mga restaurant o  karenderia ng salitang “Halal”. 
Maging  sa mga paninda na maliliit ay may nakatatak na Halal.  Ang layunin marahil nila ay upang hikayatin ang kanilang  mga customers na Muslim.
Napansin  mo ba ito Noralyn?
NORALYN: Napansin ko na  rin yan Kaka Ali, kahit dito sa ating  bayang Upi, may mga tindahan o karenderia na nakatatak sa tindahan o paninda nilang pagkain ang words na “Halal”.
KAKA ALIH: Tama ka diyan Noralyn, ang tanong ko sa kanila, at maganda sigoro itanong ko sa iyo  “ano ang  pag-kakaintindi mo sa Halal?
NORALYN: Walang halong karneng baboy Kaka  Alih.
KAKA ALIH: Tama ka diyan Noralyn, subalit kahit walang  halong karne, langis o dugo  ng baboy  ay pwedeng maging Haram din.
NORALYN: Ha? Papaano yun nangyayari Kaka? Akala ko basta walang baboy Halal na ang pagkain.
KAKA ALIH: Buweno  Noralyn, ipapaliwanag ko sa inyo at sa madlang nanonood at nakikinig..
Ang halal ay pinahihintulutan o pinapayagan o yaong pwedeng kainin ng Muslim. Ayon sa Quran, ang lahat ng malinis na pagkain ay Halal, sa katunayan halos lahat ng mula sa dagat, tanim at hayop ay nabibilang sa Halal maliban lamang sa mga tinukoy ng Quran.
Ang tanong ay: “Anong parte ng halal na hayop ang hindi dapat kainin ng Muslim?
Ang sagot ay: “Ayon sa Hanafi school of thoughts ay 22 ang di dapat kainin sa halal na kinatay na hayop: halimbawa ay ang  guts, intestines o tinae, bladder o bahay tubig, ari ng hayop, daluyan ng dumi, dugo, semilia, ang taba, balat,  anak na nabuo na at iba pa.”
Alam ba ninyo na sa mga kultura ng mga Bangsamoro na Muslim ang mga tinae, balat ng kinatay na halal na  hayop ay haram at ito naman ay naayon sa katuruan ng Islam.
Ano naman ang ibig sabihin ng salitang Haram?
Ang Haram means - ipinagbabawal  o yaong hindi pinapayagang kainin. Ang ilan sa binanggit ng Quran na Haram na pagkain ay ang Halal na hayop na hindi nakatay ayon sa Islam, dugo, baboy, mga hayop na inialay sa mga Bathala at mga nakakalasing na inumin. Kasama din dito ang mga hayop, ibon na carnivorous at ano mang pagkain na nahaluan ng Haram.
Ang mga hayop na nakatira sa lupa ay ipinahihintulot kainin maliban sa ilang uri na ipinagbawal ng Islam at ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang asno na inaalagaan,
2. Ang anumang hayop na may pangil na ginagamit nito sa pagsila, maliban sa hyena.
3. Ang mga ibon, maliban sa mga sumusunod:
a)  Ang mga ibon na may kukong ipinandadagit o ipinansisila. Nagsabi si Ibnu ‘Abbas (RA): “Ipinagbawal ng Sugo ng Allah (SAS) ang lahat ng may pangil na mabangis na hayop at ang lahat ng ibong may kukong ipinaninila.”
b)  Ang mga ibong kumakain ng patay gaya ng agila, buwitre, uwak, at lawin dahil sa dumi ng kinakain ng mga ito.
4. Ipinagbabawal din ang mga hayop na nakapandidiri tulad ng ahas, daga, at mga kulisap (maliban sa balang at tipaklong).
5. Ang pagkain Haram pag kinain mo ito ay magkakasala ka sa Allah at tiyak na may karampatang parusa mula sa Allah.
Mayroon pang katuruan sa Islam, na kong pwede ay di dapat kainin ng  mga Muslim ito ang atinatawag na Makrooh.
NORALYN: Ano naman ang  ibig sabin naman ng  Makrooh Kaka Alih ?
KAKA ALIH: Ang Makrooh ay pagkain na hindi kanais-nais o yaong pinaiiwasan. Ito ang pagkain na pinaiiwasan ng Allah at ni Propeta Muhammad dahil maaring makasira sa tao, o dahil mapanganib.
Alam mo ba Noralyn na may pagkain din na tinatawag na  Mashbooh, na ang ibig sabihin ay nagdadalawang isip ka o yaong  hindi sigurado ang pinamulan kong ito ay hindi nahaluan ng  Haram o wala.
Ang katuruan  ng Islam dito ay ang Makrooh at Mahbooh, pag kinain mo ay wala kang kaparusahan, ngunit pag iniwasan mo ito ay may Balas o reward kang tatanggapin mula sa Allah.
Inatasan ng Allah ang Kanyang mga lingkod na kumain ng mga pagkaing nakabubuti at ipinagbawal Niya sa kanila ang mga pagkaing nakasasama. Sinasabi Niya (2:172): "O mga mananampalataya, kumain kayo ng mga nakabubuti na itinustos Namin sa inyo.…"
May halimbawa ako sa mga makroh. Makroh ang pagkain ng hilaw na sibuyas, bawang, at anumang tulad nito na may masamang amoy lalo na kung papasok sa Masjid.
Ang sinumang mapipilitang kumain ng pagkaing Haram (ipinagbawal), dahil ikapipinsala ang hindi pagkain nito, ay pinahihintulutang kumain ng makasasapat lamang upang manatiling buhay. Ang nakalalason ay hindi maaaring kainin kailanman.
Ang sinumang mapadaan sa isang taniman at namitas ng bunga sa puno nito o namulot ng nalaglag na bunga at walang anumang bakod na nakapaligid sa pataniman at wala ring nagbabantay; ipinahihintulot sa kanya na kainin ang nasabing bunga ngunit hindi siya magdadala, hindi aakyat sa puno, hindi mambabato ni manunungkit ng bunga, at hindi kakain sa mga nakatipon o nakatumpok na bunga maliban na lamang kung kinakailangan.
Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya ..
Sukran and Wassallam.
NORALYN: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid  isa naman  kaalaman,  para  sa ating  mga  Nanay, na  nagluluito  ng mga pagkain, lalo na sa mga may karenderia, na huwag natin  abusuhin  ang pag-gamit ng word na Halal, dahil ito ay may inclination sa paniniwala ng  mga Kapatid na Muslim, o mga kapatid na nanampalataya sa Isxlam.
(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento