coconut nursery of UAS PTIA |
BUKO Juice ay Gamot?
(January 31, 2014, Biyernes - Script na
sinulat ni Alih Anso para sa programang “Bantay bayan” (5:00-6:30 A.M) sa
segment na “UGRI UPDATES”. Host –Lucy Duce)
Host/ Lucy: “Kapatid na
Magsasaka, May problema ka ba sa bato dahil sa pagkahilig sa mga pagkaing
maaalat? Kong mayroon, makinig sa amin
ni Kaka Alih, dahil may gamut na tayo, na available sa ating bakuran, para
malaman ninyo samahan kami sa ating
segment na:
(PLAY INTRO- AGRI UPDATES)
Lucy: Good morning Kaka
Alih, itudo mo na.. (LAUGHING)
KAKA ALIH: Ang ibig sabihin ni
Kasamang Lucy ay Volume na nila!! (LAUGHING) ang kanilang mga radio.
Bago ang lahat ang aking pagpupugay ng magandang umaga sa
mga magsasaka ng Darugao at Rempes.
My greetings of peace or Assallamu alaikum warahmatullahi
wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o yaong mga kapatid na
Muslim.
Ang tanong kanina ni Lucy: “May problema ka ba sa bato?
dahil sa pagkahilig sa mga pagkaing maaalat?”
Ang sagot ni Pare: “Pare para yata!!”…Kong mayroon, don’t
worry dahil, may gamut na tayo, sa sakit
nay an, at available pa sa ating
bakuran, provided kong ikaw ay hindi tamad. Anong gamut? Ana … beteng a niyog!
Lucy: Anong beteng Kaka?
Kaka Alih: buko juice, iyan ang ibig sabihin ng beteng a niyog, R'nawon term ito.
Pero bago natin pag-usapan ang sakit sa bato, ito ang
paalaala ko sa mga kapatid, na mahilig sa maalat na pagkain, may kasabihan ang
mga health conscious “ounce of
prevention, a is better a kilo of cure or medicine”.. (LAUGHING) What I mean is, lalong maigi na di magkasakit kaysa
sabihing walang problema may gamut naman diyan. (LAUGHING)
Ang maalat na pagkain ay ang
pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng bato sa ating kidney. Halimbawa nito ay asin, patis, bagoong, toyo
at iba pang gaya nito ang kinahihiligan ng marami sa atin, tulad ko na hindi makakain kapag walang sawsawan na patis
o bagoong kapag sinigang na isda ang ulam. Magana nga namang kumain kapag
ganito ang sawsawan na may konting anghang. Di ba?
Sa ngayon, ipinapayo ng health experts ang pagkakaroon ng
healthy lifestyle. Ang umiwas sa mga pagkaing matataba at maaalat.
Hindi biro ang pagkakaroon ng sakit sa bato. Kadalasan ayaw
magpa-opera ng iba dahil natatakot at umaasa lamang sa gamot at iba pang
supplements para tunawin ang bato na namuo sa kidney.
Kong sakaling mayroon na kayo heto ang isa sa inirerekomenda
at napatunayan nang panlaban sa sakit sa bato regular na uminom ng sabaw ng buko o in short buko juice.
Lucy: Bakit Kaka Alih, may
pag-aaral na bang naisagawa tungkol sa buko juice?
KAKA ALIH: Yes, of course marami na. Alam mo ba Lucy, na ipinakita sa
isang pag-aaral ng Urology Department, Chinese General Hospital sa Maynila,
napatunayan na ang injection o pagtuturok ng coconut water o buko juice sa pamamagitan ng catheter sa
urethra ay nakababawas sa laki ng bato, nakapagpapabilis sa pagtunaw ng bato
nang hindi sumasailalim sa operasyon.
Ang proseso ay tinawag na “bukolysis” ay epektibo sa 87% ng
1,672 pasyente na sumailalim “buko therapy.” Ipinapayo ng report na ang
pag-inom ng coconut water (buko juice) ng 2 hanggang 3 beses sa isang linggo
upang maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stones.
Dahil sa resulta ng
pananaliksik na ito, inirekomenda ni
AGHAM Party-list Rep. Angelo B. Palmones ang coconut water o buko juice bilang pambansang inumin ng mga Pinoy
dahil sa mabuting dulot nito sa ating kausugan at wala pang maituturing na
ganito sa Pilipinas gaya sa ibang mga bansa.
Paliwanag ni
Palmones, “…base sa mga pag-aaral, ang buko juice ay natural na mababa sa
carbohydrates, sugar at fat-free. Nagtataglay ito ng organic compounds na
nakatutulong na manatiling wasto ang temperatura sa katawan, nakapagpapataas ng
metabolismo sa katawan, boost immune system, nakapaglilinis ng digestive tract,
nakapagpapababa ng timbang, at nakatutulong mabawasan ang kulubot at lumalaylay
ang balat. Idinagdag pa ng mambabatas na
ipinakita sa mga pananaliksik na ang buko juice ay nakapagpapataas ng good
cholesterol ng 46.2%, nakapagpapababa ng liver cholesterol ng 26.3% at nakapagpapabawas
ng panganib sa naninigas na arteries ng 41.1%.”
Ang ganda pa nito Kaibigan, available o sapat ang supply nito. Dahil ayon sa ilat ang Industriya
ng niyog sa Pilipinas, (kong saan ditto nanggagaling ang buko juice, ay isa sa pangunahin at mahalagang
"agri-based industries" natumutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng
bansa.
Ang niyog ay ang siyang pangunahing agricultural crop ng
higit kumulang na 69 na lalawigan sa bansa . Ito din ay isa sa panguna- hing
"foreign exchange earners." Sa huling limang taon (2005-2010), ito ay
nakapagtala ng mahigit kumulang isang bilyong dolyar na kita para sa bansa.
Mahigit kumkulang na 3.5 milyong magsasaka at 24 milyong mga
Pilipino ang umaasa sa industrya ng Niyog.
UAS-PTIA Coconut plantation |
Heto Lucy ang another na magandang dahilan kong bakit ko ito
napili na topic ngayon. Ang niyog, dahil gusto ko ding suportahan ang goberno sa
hinihikayat tayong magtanim ng niyog. Kayo nakatanim na ba kayo ng niyog? Kong
wala pa at nagbabalak pa lang kayong magtanim, makipag-ugnayan pos a LGU Upi o sa UAS.
May tanong naman ako ulit, Pumasok na ba sa inyong isipan na
ang buko juice o coconut water ay maging isang pangunahing inumin ng mga
propesyonal na manglalaro sa Estados Unidos?
Lucy: Hindi pa Kaka Alih,
bakit? Katulad ba yan ng Gatorade?
KAKA ALIH: Yes Lucy, pwedeng
ihalili sa Gatorade. Totoo po, ang buko
juice ay pinagtutuunan ng isang masusing pag-aaral sa Estados Unidos na
maaaring ipalit sa Gatorade.
Mismong ang Pangulong Benigno Aquino III ang nagtataguyod
upang gawing pangunahing inumin na makakapagbigay sigla o lakas sa bawa't sulok
ng Pilipinas ang buko juice.
Ayon sa ating Pangulo, dalawang kompanya sa Estados Unidos
ay nagbabalak na mamuhunan sa buko juice o "coconut water" para
matugunan ang pandaigdigang "supply" o pangangailangan nito. Maging
ang ating Pangulo ay nananabik sa magiging bunga ng programa na magdudulot ng
magandang pag-unlad sa ibat-ibang panig ng pilipinas.
Ang pag-inom buko juice ay mabilis na lumalaganap sa Estados
Unidos dahil ito ay masustansiyang inumin na hindi nakakasira ng kalikasan at
magiging isang bagong likas na inumin ng mga manglalaro sa Estados Unidos at
makakapag-bigay ng milyon dolyar na kita sa industriya ng niyog.
Kaya kapatid, pagtuunan natin ng pansin ang niyog, may gamut
ka na, may pera ka pa.
Madali lang naman itanim ang niyog, kailangan lamang ang
dagdag kaalaman ditto, kaya makinig ng regular sa ating segment na Agri
Updates.
Ito ang inyong kapatid na Iranun na Bangsamoro, at inyong
segment writer sa AGRI UPDATES. Kaka Ali, Wassallamu Alaikum
Warahmatullahi Wabarakatuh.
Lucy: Maraming salamat
Kaka, sa napakagandang kaalaman na yan, na iyong ibinahagi, kaya mga giliw naming tagapakinig, abangan sa
Lunes ang segment ni ni Kaka Ali na Agri
Updates, dahil di pagtatanim ng gulay at puno, kundi tiyak
marami kayong mapupulot na aral at impormasyon, sa ibat ibat larangan, tulad ng
pangkalusugan, na siyang dapat makamtan ng bawat mamayan.
(PLAY-EXTRO- AGRI
UPDATES)