Miyerkules, Enero 29, 2014

BUKO Juice ay Gamot?

coconut nursery of UAS PTIA
BUKO Juice ay  Gamot?

(January 31, 2014, Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Bantay bayan” (5:00-6:30 A.M) sa segment na “UGRI UPDATES”. Host –Lucy Duce)

Host/ Lucy:  “Kapatid na Magsasaka, May problema ka ba sa bato dahil sa pagkahilig sa mga pagkaing maaalat?  Kong mayroon, makinig sa amin ni Kaka Alih, dahil may gamut na tayo, na available sa ating bakuran, para malaman ninyo samahan kami  sa ating segment na:

(PLAY INTRO- AGRI UPDATES)

Lucy:  Good morning Kaka Alih, itudo mo na.. (LAUGHING)

KAKA ALIH:  Ang ibig sabihin ni Kasamang Lucy ay Volume na nila!! (LAUGHING)  ang kanilang mga radio.  

Bago ang lahat ang aking pagpupugay ng magandang umaga sa mga magsasaka ng Darugao at Rempes.

My greetings of peace or Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o yaong mga kapatid na Muslim.

Ang tanong kanina ni Lucy: “May problema ka ba sa bato? dahil sa pagkahilig sa mga pagkaing maaalat?”  

Ang sagot ni Pare: “Pare para yata!!”…Kong mayroon, don’t worry dahil,  may gamut na tayo, sa sakit nay an, at  available pa sa ating bakuran, provided kong ikaw ay hindi tamad. Anong gamut? Ana … beteng a  niyog!

Lucy:  Anong beteng Kaka?

Kaka Alih:   buko juice, iyan ang ibig sabihin ng  beteng a niyog, R'nawon term ito.

Pero bago natin pag-usapan ang sakit sa bato, ito ang paalaala ko sa mga kapatid, na mahilig sa maalat na pagkain, may kasabihan ang mga health conscious  “ounce of prevention, a is better a kilo of cure or medicine”.. (LAUGHING) What I mean is, lalong maigi na di magkasakit kaysa sabihing walang problema may gamut naman diyan. (LAUGHING)

Ang maalat na pagkain ay   ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng bato sa ating kidney.  Halimbawa nito ay asin, patis, bagoong, toyo at iba pang gaya nito ang kinahihiligan ng marami sa atin, tulad ko na  hindi makakain kapag walang sawsawan na patis o bagoong kapag sinigang na isda   ang ulam. Magana nga namang kumain kapag ganito ang sawsawan na may konting anghang. Di ba?

Sa ngayon, ipinapayo ng health experts ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Ang umiwas sa mga pagkaing matataba at maaalat.

Hindi biro ang pagkakaroon ng sakit sa bato. Kadalasan ayaw magpa-opera ng iba dahil natatakot at umaasa lamang sa gamot at iba pang supplements para tunawin ang bato na namuo sa kidney.

Kong sakaling mayroon na kayo heto ang isa sa inirerekomenda at napatunayan nang panlaban sa sakit sa bato regular na uminom  ng sabaw ng buko o in short buko juice.

Lucy:  Bakit Kaka Alih, may pag-aaral na bang naisagawa tungkol sa buko juice?

KAKA ALIH: Yes, of course marami na. Alam mo ba Lucy, na ipinakita sa isang pag-aaral ng Urology Department, Chinese General Hospital sa Maynila, napatunayan na ang injection o pagtuturok ng coconut water o  buko juice sa pamamagitan ng catheter sa urethra ay nakababawas sa laki ng bato, nakapagpapabilis sa pagtunaw ng bato nang hindi sumasailalim sa operasyon.

Ang proseso ay tinawag na “bukolysis” ay epektibo sa 87% ng 1,672 pasyente na sumailalim “buko therapy.” Ipinapayo ng report na ang pag-inom ng coconut water (buko juice) ng 2 hanggang 3 beses sa isang linggo upang maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stones.

Dahil  sa resulta ng pananaliksik na ito,  inirekomenda ni AGHAM Party-list Rep. Angelo B. Palmones ang coconut water o buko  juice bilang pambansang inumin ng mga Pinoy dahil sa mabuting dulot nito sa ating kausugan at wala pang maituturing na ganito sa Pilipinas gaya sa ibang mga bansa.

 Paliwanag ni Palmones, “…base sa mga pag-aaral, ang buko juice ay natural na mababa sa carbohydrates, sugar at fat-free. Nagtataglay ito ng organic compounds na nakatutulong na manatiling wasto ang temperatura sa katawan, nakapagpapataas ng metabolismo sa katawan, boost immune system, nakapaglilinis ng digestive tract, nakapagpapababa ng timbang, at nakatutulong mabawasan ang kulubot at lumalaylay ang balat.  Idinagdag pa ng mambabatas na ipinakita sa mga pananaliksik na ang buko juice ay nakapagpapataas ng good cholesterol ng 46.2%, nakapagpapababa ng liver cholesterol ng 26.3% at nakapagpapabawas ng panganib sa naninigas na arteries ng 41.1%.”

Ang ganda pa nito Kaibigan, available o sapat  ang supply nito. Dahil ayon sa ilat ang Industriya ng niyog sa Pilipinas, (kong saan ditto nanggagaling ang buko juice,  ay isa sa pangunahin at mahalagang "agri-based industries" natumutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Ang niyog ay ang siyang pangunahing agricultural crop ng higit kumulang na 69 na lalawigan sa bansa . Ito din ay isa sa panguna- hing "foreign exchange earners." Sa huling limang taon (2005-2010), ito ay nakapagtala ng mahigit kumulang isang bilyong dolyar na kita para sa bansa.

Mahigit kumkulang na 3.5 milyong magsasaka at 24 milyong mga Pilipino ang umaasa sa industrya ng Niyog.
UAS-PTIA Coconut plantation 

Heto Lucy ang another na magandang dahilan kong bakit ko ito napili na topic ngayon. Ang niyog, dahil gusto ko ding suportahan ang goberno sa hinihikayat tayong magtanim ng niyog. Kayo nakatanim na ba kayo ng niyog? Kong wala pa at nagbabalak pa lang kayong magtanim, makipag-ugnayan pos a LGU Upi o sa UAS.
May tanong naman ako ulit, Pumasok na ba sa inyong isipan na ang buko juice o coconut water ay maging isang pangunahing inumin ng mga propesyonal na manglalaro sa Estados Unidos?

Lucy:  Hindi pa Kaka Alih, bakit? Katulad ba yan ng Gatorade?

KAKA ALIH: Yes Lucy,  pwedeng ihalili sa Gatorade.  Totoo po, ang buko juice ay pinagtutuunan ng isang masusing pag-aaral sa Estados Unidos na maaaring ipalit sa Gatorade.

Mismong ang Pangulong Benigno Aquino III ang nagtataguyod upang gawing pangunahing inumin na makakapagbigay sigla o lakas sa bawa't sulok ng Pilipinas ang buko juice.

Ayon sa ating Pangulo, dalawang kompanya sa Estados Unidos ay nagbabalak na mamuhunan sa buko juice o "coconut water" para matugunan ang pandaigdigang "supply" o pangangailangan nito. Maging ang ating Pangulo ay nananabik sa magiging bunga ng programa na magdudulot ng magandang pag-unlad sa ibat-ibang panig ng pilipinas.

Ang pag-inom buko juice ay mabilis na lumalaganap sa Estados Unidos dahil ito ay masustansiyang inumin na hindi nakakasira ng kalikasan at magiging isang bagong likas na inumin ng mga manglalaro sa Estados Unidos at makakapag-bigay ng milyon dolyar na kita sa industriya ng niyog.
Kaya kapatid, pagtuunan natin ng pansin ang niyog, may gamut ka na, may pera ka pa.
Madali lang naman itanim ang niyog, kailangan lamang ang dagdag kaalaman ditto, kaya makinig ng regular sa ating segment na Agri Updates.
Ito ang inyong kapatid na Iranun na Bangsamoro, at inyong segment writer sa AGRI UPDATES. Kaka Ali, Wassallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Lucy:  Maraming salamat Kaka, sa napakagandang  kaalaman na  yan, na iyong ibinahagi, kaya  mga giliw naming tagapakinig, abangan sa Lunes  ang segment ni ni Kaka Ali na Agri Updates, dahil di pagtatanim ng gulay at puno, kundi   tiyak marami kayong mapupulot na aral at impormasyon, sa ibat ibat larangan, tulad ng pangkalusugan, na siyang dapat makamtan ng bawat mamayan.

(PLAY-EXTRO- AGRI UPDATES)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento