Linggo, Enero 26, 2014

Bayan Ko, Mamahalin Ko

Magtanim ng puno at maging masipag
sa pagtatanim pagkain ng ma Pinoy
 Bayan Ko, Mamahalin Ko

(January 27, 2014 -Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)

Host/Lucy:   Ang mga taga Upi, maging Teduray, Kasila o R’nawon ay nagsisikap kong papaano uunlad ang ating bayang Upi. Ang katanungan natin sa madlang nakikinig at nanonood ay:  ang bayan ba ng Upi ay maituturing ng  maunlad? Ang Kasagutan sa kabuuan ng ating segment na:

(PLAY INTRO-GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)

Host/Lucy:   Magandang umaga Kaka Alih.

Kaka Alih:  “Magandang umaga din Lucy at magandang umaga good morning sa Lahat, at Assallamu  Alaikum Warahmataullahi Wabarkatuh, sa mga kapatid na Nanampalataya sa Islam, sa mga kapatid na Muslim.  

Ang tanong ay:  “…ang bayan ba ng Upi ay maituturing ng  maunlad?”

Bago ko yan sagutin ay maganda rin itanong ang ganito: “Papaano Uunlad ang Bayan?”

Anong sagot ninyo diyan…hoy.. pare/mare koy..  itigil muna ninyo ang tsismis maaga pa.. sama-sama muna tayo.. (PLAY LAUGHING)

OK sagot!

“Dapat ang goberno hindi mangurakot” sagot ni Tapulano o  Juan Dela Cruz.

May dagdag pa akong  tanong  kong mararapatin ninyo,kasi ang dami damiko ng tanong kasi eh. (PLAY LAUGHING) “Ang  bansang Pilipinas ba ay  maituturing  na bang maunlad?”

 Ang sagot  ng karamihan na natanong ko na ay: “Hindi!” (PLAY LAUGHING)

Ang tanong ko ulit ay “Bakit?”

Bakit, bakit,  bakit……….. hanggang ngayon ay hindi pa rin  umuunlad ang Pinas? At naiwanan na tayo ng kapit bansa natin tulad Vietnam, Malaysia, na tayo pa ang naunang magsariling bansa o magka-independence. Bakit nauna pa sa sila sa larangan ng kaunlaran? Bakit kaya?  

Ikaw kaibigan maulit ang tanong,   “papaano ba uunlad ang bayan o ng bansa?”

Ang tanong ni Tapulano sino ba ang goberno Kaka? Tama ka may friend,   Sino ba talaga ang goberno?  Ang sagot ni Atty aming guro sa History.    tayong mamayan,  ang goberno? Tama ka sir. Hindi ba ang ating gobernong  ay tinatawag na demokrasiya?

Alam ba ninyo ang kahulugan ng salitang democracy?  

Ang democracy ay …. “Ang demokrasya ay ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala")..”

Aminin natin na sangkatutak na nga talaga ang problema ng ating bansang  Pilipinas. Kaya naman  ang tanong,  may pag-asa pa ba tayo?   

Ikaw may sagot ka ba s  tanong o talagang wala kang alam, kaibigan.. kong wala ....makinig…

My answer?

Ako Lucy  ang sagot ko ang sagot ko ay    Yes!!! Na yes, may pag-asa tayong umulang kong gugustuhin natin.?

Host/Lucy:   yes din ako Kaka Alih..

Kaka Alih: Very good Lucy, Alam mo naman tayo,   positive palagi, dapat kasi huwag   tayong mawalan ng pag-asa.

Dapat na tayong humulagpos o makawala sa tanikala,   sa ating mental  kolonisasyon…na  ipinama ng mga naging “colonizers” natin o mga mananakop na dayuhan at kapuwa Pilipino na rin,   na ang  pinamulat sa atin ay     sila ang magaling at tayo ay mga “Segunda Mano” lamang na mga mamamayan.

“Kaka Ali, sana maliban sa mga negatibong obserbasyon, magbigay din tayo ng mga positibo na likas sa ating mga Pilipino na maipagmamalaki natin.” Payo ng isang retiradong guro.

Ang tanong Maam papaano nga ba?, please give me an example o halimbawa.

Heto ang Halimbawa:   “… alam ninyo.. (hindi ko pa alam, tuloy mo) likas sa atin (sino? Mga Pilipino of course)  ang pagkakaroon ng close family ties”, tugon pa rin ng isang retiradong guro. “Diba sa ibang mauunlad na bansa, kadalasan pinapaubaya na lang sa mga caregivers ang pag-aalaga sa mga matatanda.”

Ito ang isa pang positibong sagot: “...unahin and edukasyon ng ating mga mamamayan” advise nagging kasama natin sa Suara Talainged na si  Ustadz Muhamad Taha Yusof (guro sa Arabic school sa Upi).

Tama si Ustadz Taha, marami sa ating mga mamamayan ang hindi alam ang mga proseso sa gobyerno, marami rin ang hindi alam ang pinag-kaiba ng Senado sa Congreso, kahit ako   hindi ko alam ang tunay na struktura ng gobyerno,  Democracy raw tayo, pero anung klase? Free Capital pero may kulang, di ba minsan  kailangan  din natin ng political science?

“…dapat highschool palang ituro na ang economics,   politics at sistemang  goberno na dapat pairalin”.   tugon ng isang educators na nainterview natin.,

Yes,  marami sa ating mga kabayan ang hindi aabot na makapasok sa Unibersidad o college.. dito sa bayan ng Upi, mapalad ka na kong makatungtong ka sa high school.

Dapat alam natin  paano pinalalakad ng mga opisyal ng goberno ang bansa at kung bakit ginagawa ang mga "bill and policy", sa totoo lang kahit ako.... natutohan ko lang ang mga term na ito ng nasa media na ako.   

Ayon sa isang nakasama natin sa seminar workshop: “ang kulang lang satin ay pagmamahal sa sariling bayan, ang tao natin laging pinagbibintangan ang goberno ng negatib, pero kelangan din natin kumilos hindi lamang ang gobyerno, sabi nga … demokrasiya tayo, kaya may kapangyarihan ang boses natin (tulad sa EDSA I and II), pero kelangan din natin alamin ang limitasyon ng kakayahan na ito, hindi lahat ay gagawin ng gobyerno,o hindi lahat gagawin ng mamamayan, alalahanin ang Pilipinas ay isang pamilya.”

“Dapat Kaka Ali,  matuto tayong  sumunod sa batas papaano kasi kahit simpleng batas lamang, tulad ng traffic rules di sinusunod ng mamayan.”ito ang minsan naidaing sa atin noon  ng isa sa dating babaeng Sanggunian Bayan ng Upi, si   Maam Neneng Castro.

Kaibigan, kailangan seryosohin na natin ang sinasabi nating pag-unlad, dapat lahat tayo ay  kikilos, kung ang gobyerno man ay walang ginagawa, at least tayo kumilos, kung mapaganda natin ang paligid o ambiance  sa Pilipinas pwedeng tumaas ang tourism natin. 

Alam nyo napansin ko kasi dito sa Pinas (Pilipinas/Philippines)… ang ibang Pilipino   lakas manglait sa kapuwa Pinoy, napansin ninyo?   

Ang problema  natin ay hindi natin tinitingnan ang mga mabuting gawain ng gobyerno, ang hinahanap lagi ng mga  reporter o media (hindi kasama ang DXUP FM)  ay yaong mga palpak na nagagawa o  basurang ginagawa ng ating mga lider, kung may ipakita naman na maganda, ang sinasabi natin ay "ngayon lang yan", o di kaya "hindi yan totoo" “ginagawa lang iyan dahil malapit ng eleksyon”.

Kaibigan, kailangan itaas rin natin ang morale ng ating mga kababayan, kailangan rin mahalin natin ang ating sariling kultura, mayroon pa rin sa ating mga mamayan na hindi nila kilala ang kanilang sariling kultura at kaugalian, kong minsan pa ikinahihiya pa nila na sila ay nabibilang sa kanilang tribu.

Madali lang Kaka, teach Pinoys how  to plant malungay para hindi na sila manghingi.. bigyan sila ng talbos ng kamote para makatanim at din a manghingi sa kapitbahay.. bigyan ng buto ng kamatis, para di nabumili sa palengke.” Dagdag ng kaibigan guro.

Kaya nga sa umagang programa natin na Agri updates,  ay palaging may mga pangkalusugan na bahagi ang mga itinatanim na gulay o prutas.

“Regaluhan ng    tandang at inahin na manok na walang bird flu para  paramihin at sigoradohing  hindi gawing pulutan or pang ulam ang inahin para dumami pa”. biro ni Maestro, nakaugalian kong tawag sa kaibigang guro.

“… use condom or magpa vasectomy.. para hindi masyadong maraming palamunin.” Paliwanag ng health worker, na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Ayon naman sa isang manunulat sa  blog: (baka si Kaka Ali na yan) “Disiplina ang kailangan”  Ang tanong papaano mo ipapatupad ang disiplina?

Para kay Marvin: “Magiging maunalad ang pamayanan pag ang mga tao ay relihiyoso” nagbabayad sila ng kaukulang buwis, may proyekto silang pangkaunlaran na pinapatupad sa kanilang mga barangay”

Ano pa kaibigan?  "…manalangin tayo palagi sa Allah, sa Diyos at hilingin natin na palaging ituro sa ating ang tamang gagawin at tamang pagmamahal at bigyan ng gabay sa araw-araw  para sa   ating mga mahal sa buhay…  “

Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi natin..   sa ating segment na  GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA) …. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP F .. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Host/Lucy:   MARAMING SALAMAT Kaka Alih, sa magandang ibinahagi mo ngayong umaga, Kaibigan, Kapatid magsama-sama tayo, magtulong-tulong tayong maipatupad ang mga batas na umiiral sa ating bayan, para sa ating kaunlaran.

EXTRO: GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento