(July 7, 2014, -Lunes - Script na sinulat ni
Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na
“Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)
Ang Philippine peso bill, (compliment:bayanworldwide.com) |
Host/Lucy: “Pagpapautang o pagpapahiram ng pera o ano mang bagay,
ay isang magandang kaugalian nating mga
Pinoy at mga Bangsamoro, subalit nitong kasalukuyang panahon, ay hindi na pagtulong sa kapuwa ang pagpapautang, kundi
naging negosyo na, at dahil negosyao na nga, syempre may
ganansiya o tubo na ito. Sa
umagang ito muli kaming samahan with Kaka Ali, sa ating segment na:
(Play- Intro- Gabay Kalusugan at
Talakayang Pampamilya )
Host/Lucy: Magandang umaga Kaka Alih. Matanong nga kita, Nagpapautang ba kayo?
Kaka Alih: Nagpapautang? Bago kita sagutin, magpupugay muna ako, magandang umaga Lucy at at
sa pangkalahatan, specially sa mga Kapatid na nanampalataya sa Islam, asssallamu alaikum warhamatullahi wabartakatuh (Ang Kapayapaan ay Saainyo Nawa, an gang
Pagpalain nawa kayo ng Allah).
Ang tanong ni Lucy sa akin ay, “kong nagpapautang ako?” Oh no..
oh yes.. utang na loob Lucy, kalimutan
mo na ang tanong na yan, dahil ako
ang umuutang, hindi
nagpapautang.. eh.. (LAUGHING)
Yes! tuloy natin ang utangan, este usapan…(LAUGHING) Bweno mga kapatid, our topics for today is: pag-papautang.
LUCY: Anong klaseng Pagpapautang Kaka? 5/6 ?
KAKA ALIH: 5/6 IYAN DAW ANG USO, NA pagpaputang, but medyo di ko
tutumbukin ang usaping 5/6 kasi po marami masasagasaan, din a lamang tayo sa
pag-papautang, as simple as that, OK.
How we define pagpapautang?
Ganito ko sasagutin ang tanong,
Lucy. Ang pagpapautang ng pera o
ano mang bagay sa ating kapuwa ay isang
kaugalian natin mga Pilipino maging ang mga Bangsamoro, nagpapatibay ng samahan.
Ang pag-papautang ay isa itong pagtulong
sa ating kapuwa na
nangangailangan ng tulong, dahil
sa kasalatan o kakulangan sa pera, o mga
bagay na maaring naubusan siya o wala na ang isang tao, ngunit maaring magkakaroon din siyang muli.
Sa unang pagtingin ay parang nanghiram ka lamang, kaibhan lang sa paghiram, ay isasauli
mo din ang hiniram mo, samantala sa pautang ay ang
ibabalik mo ay hindi na ang nakuha o nahiram
mo, kundi
katulad o katumbas na lamang ng
hiniram mong bagay o pera.
Halimbawa nito ay nanghiram ka ng isang daang piso, pag
nagkaroon ka na ay ibabalik mo din ang
isang daan piso.
LUCY: May Tanong Kaka, bakit nanghihiram ang isang tao?
KAKA ALIH: Ang sagot diyan Lucy, ay maraming dahilan, maaring dahil
sa may pag-gagastusan ka na wala sa plano o wala
sa budget, halimbawa pa ay
biglang may mahohospital sa pamilya at
kailangan mo ang malaking halagang pera, kaya kinakailangan mong
manghiram sa kaibigan o
kamag-anak, ito na ngayon
ang tinatawag na utang o pautang.
LUCY: Tanong pa ako ulit Kaka, bakit tinawag
na pagpapautang?
KAKA ALIH: Ang sagot pa rin
ay: Ang sistema ng pautang kong
papano ang pagbabayad ay ang pag-papautang.
Alam ba ninyo na ayon sa isang
Maestra: “Ang pagpapautang ay naging bahagi na ng ating lipunan sa ngayon, ito ay naging negosyo na, nawala na ang konsepto nito na pagtulong sa kapuwa,
o pagtulong sa nangangailangan”.
Ayon pa sa isang ekonomista, o
taong may kaalaman sa takbo ng pamumuhan: “kapag matamlay ang ekonomiya at
kapos sa pera ang nakararami ay ang
negosyong pautang o patubuan.”
Marami kasi ang gustong magpundar
ng maliit na negosyo, naghahanap ng sideline o nagbabaka-sakali mag-abroad.
Lahat ng ito ay nangangailangan ng puhunan sa lalong madaling panahon. Dahil
dito ay paboritong puntahan ng mga tao ang mga lending company at mga
indibidwal na nagpapautang.
Ang sabi ni Attorney, “Legal
naman ang magpautang kahit walang permit basta huwag lang napakalaki ng tubo,
at huwag ding gagamitin ang katagang “lending company” sa pangalan ng negsosyo
mo kung gagawin mo itong negosyo”.
Maliban sa konting tubo, walang
ipinagkaiba ito sa pagpapautang ng pera sa isang kaibigan o kakilala na
pinagkakatiwalaan mo. Subalit habang dumadami ang pinapautang mo, lumalaki din ang
peligro bilang negosyante, dahil ang possibility na
may hindi makabayad ay malapit sa katotohanan.(PLAY LAUGHING)
Ngayon Kapatid kung gusto mo ng
legal, matatag at mas sistematikong paraan ng pagpapautang, bakit hindi mo
tuklasin ang Micro-lending Business?
Mayroon na
dito sa atin, nauna lang ang Maynila, marami na yata ditto sa Upi ang nagpapautang,
na legal?
But reminder, ayon sa Lending Act
of 2007, korporasyon lang ang papayagang pumasok sa negosyong lending company
na may mga miyembrong hindi hihigit sa 19 na investor. Isang milyong piso naman
ang minimum o pinakamaliit na puhunang pahihintulutan. Sa ganitong set-up,
lubhang mas maliit ang peligro para sa mga mamumuhunan, mas produktibo ang
management sa pondo, mas matatag ang kita at, higit sa lahat, mas maraming tao
ang potensyal na matutulungan.
Kung may sapat na pondo na kayo
ng mga kasama mong mamumuhunan, pwede n’yo nang irehistro sa Securities and
Exchange Commission (SEC) ang inyong lending company.
Siyempre pa, kailangan din ng iba
pang mga karaniwang legal na sertipikasyon gaya ng sa Bureau of Internal
Revenue (BIR), Mayor’s Permit, at kung may empleyado ka, Social Security
System, PhilHealth, at Pag-IBIG.
May nagtanong sa akin Lucy, Ano ba
daw ang nalalaman ko tungkol sa pagpapautang?
Napakadali magpautang. Sapagkat marami ang nangangailangan
ng pera, di mo na nga kailangan ipa-malita sa buong bayan na nagpapautang ka
dahil mabilis kumalat ang balita.
LUCY: Gaano kabilis Kaka Alih ?
KAKA ALIH: Kasing bilis ng kidlat at kasing tulin ni superman, Lucy. (PLAY LAUGHING) Magugulat
ka na nga lang kasi babahain ka at baka malunod ka ng mga taong di mo kilala.
Maraming kakatok sa bahay nyo kung sino sino at magugulat ka pa kasi feeling
nila, friends at close na kayo kung maka
utang, at halos di mo naman kilala , at magtataka ka kung paano nila nalaman na
nagpapautang ka.
LUCY: Ganun ka dali kumalat ang balita Kaka?
KAKA ALIH: Ganoon kadali Lucy, Hindi mo na kailangan maghanap ng mga customer
na uutang sayo…sila na ang hahanap sa iyo, kahit tulog ka gigisingin ka.
LUCY: Wala na bang problema Kaka?
KAKA ALIH: Anong walang problema? Ahhh ang mahirap nito, sa dami
nila, na gusting umutang, mauubusan ka ng puhunan, at dahil excited ka pa
kumita at naiisip mo na kung lahat ng sila ay mapautang mo.. ang laki ng kita
mo….magiging gahaman ka ngayon (exaggerated lang po) na lahat sila ay pautangin
upang mabilis na lumago ang business mo, na halos lahat ng pera mo ay ipautang
muna na halos eksakto na lang ang pera mo sa pang araw araw na pangangailan…kaya
ikaw naman ang mangungutang sa kaibigan, para lang di masira ang “credibility
mo sa tao”, sabi mo sa sarili mababawi
din kapag nakabayad ung isa, dalawa…
Pero kwidaw daw ang ganito, Mali
ang ganitong eksena, mali ang pautangin mo silang lahat.
Huwag kalimutan ang kasabihan ng
mga Bisaya, Utang lipay-lipay, bayad likay likay (PLAY LAUGHING)
Madali ang magpautang mahirap maningil.
Sa pagpapautang marami ang
natutulungan, pero pansamantala lang? Yes lalo na kong
nag-pautang ka naman ay 5/6 o may malaking tubo. Natulungan mo siya sa oras ng
pangangailangan, subalit kinatay mo naman siya dahil sa tubo. Biruin mo ang 5
hundred pesos after a month six hundred
pesos na…
Mga giliw kong nakikinig at
nanoonod, ito lang ang pakatandaan nyo,
kahit gaano sya kaganda, kaguwapo, kabango, at gaano mo sya kakilala o best friend o kamag-anak mag iingat ka! Kong minsan sila na mga malapit sa iyo ang madalas manghiram, at madalas din di marunong
magbayad. (PLAY LAUGHING)
Kong minsan itovpa
ang mga dahilan bakit nagkakaaway-away ang magkaibigan dahil sa
utang, dahil sa utang na di binabayaran.
Kaya kaibigan, advise lang, Piliin
mabuti kung sino ang dapat pautangin. Dapat may criteria ka kung sino ang dapat
pautangin, kung bagsak sa criteria mo ang tao na umuutang kahit kaibigan mo pa siya, tanggihan mo.
Bilang isang namumuhunan, ikaw
ang may kapangyarihan magpasya kung
dapat o hindi dapat siya pautangin. Subalit paalaala, kung hindi mo siya pauutangin,
dahil wala sa criteria mo na dapat siyang pautangin, maghanda ng mga linya na sasabihin kung bakit
hindi mo sya papautangin, dapat madami ka ring dahilan na kasing
dami ng puhunan mo, (PLAY LAUGHING)….kasi
ang kalaban mo dyan ay sama ng loob, pag di mo na pautangin magtatanim yan ng
sama ng loob sa iyo, at ikaw ang maghaharvest ng sama ng loob.
Sa oras ng singilan naman, kong
minsan sila pa ang may lakas ng
loob na magalit, bakit daw
hindi na kayo makapaghintay. (PLAY LAUGHING)
Pag-aralan mabuti kung ano ba ang
criteria mo sa pag papautang, yung tipo sigurado ka makakabayad sayo kahit
magka earthquake o bumaha kinabukasan, pautangin (PLAY LAUGHING)
at pag di sya pasado sa iyo, dapat maging expert ka din sa paghingi ng
sorry at di mo sila napautang.
Haneps din naman, LAUGHING) Ikaw pa ang
hihingi ng sorry, kung bakit di mo sila
napautang, Yes, magpakumbaba ka, ang mga
taong umuutang ay sensitive. Kung ang
umuutang ay di mo napautang at nagkataon na kamag-anak mo, ayayay.. patay kang bata ka! Chismis at alitan
ang mangyayari nyan malas mo kapag pinakulam ka, hahhaha LAUGHING)
At ito pa ang masakit Nawalan ka
na ng pera, nagkasala ka pa…
Sa pananaw ng Islam ang
pagpapautang na may tubo o
interes ay tinawag na Riba,
LUCY/HOST: Ano naman ang sinasabi ng Islam sa Riba?
KAKA ALIH: Ayon sa interbiyu ko kay sinabi
ni Ustadz Ali Abdulatip: “ang
sinabi ng Allah, pinapayagan ng Allah
ang pagbebenta o pagnenegosyo, subalit ang riba ay ipinagbabawal ng Allah, ang
sinasabing riba ay may tubo o interes, halimbawa nanghiram ka ng isang
daan, ibabalik mo ay may magiging one
hundred fifty o kahit magkano ang tubo.
Ang ganito ay malaking kasalanan, dahil ang katumbas nito
ay parang nakipag-zina o
nakipag-niig ka kay nanay mo,
ito ay mahigpit na ipinagbabawalng Allah.
Kaibigan katakutan natin
ang impyerno, na naglalaglab na
apoy…
Bago ka masunog sa naglagablab na
apoy sa imperno.
Ito ang inyong Kaka Alih, Sukran wasssallamu alaikum Warahmnatullahi wabarakatuh.
HOST/LUCY: Maraming salamat Kaka Alih
Mga Kapatid muling abangan ang presentasyon n gating Kapatid na R’nawon na si
Kaka Ali, at sinisugoro namin na marami kayong mapupulot na aral at maaliw pa
kayo.
(PLAY EXTRO: Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya
Kailangan mo ba ng kagyat na pinansiyal na pautang sa pautang?
TumugonBurahin* Napakabilis at mabilis na paglipat sa iyong bank account
* Ang mga refund ay magsisimula ng walong buwan pagkatapos kumita ka ng pera
Bank account
* Mababang interes rate ng 2%
* Long term repayments (1-30 taon) Long
* May kakayahang umangkop sa mga tuntunin ng pautang at mga buwanang pagbabayad
*. Gaano katagal ang gastos para sa pananalapi? Matapos magsumite ng aplikasyon ng pautang
Maaari mong asahan ang unang tugon sa mas mababa sa 24 na oras
pagpopondo sa loob ng 72-96 oras pagkatapos matanggap ang impormasyong kailangan nila
mula sa iyo.
Makipag-ugnay sa lehitimong at lisensyadong kumpanya, awtorisadong
upang magbigay ng pinansiyal na tulong sa lahat
Para sa karagdagang impormasyon at mga application form ng pautang
Email: homeofequity@gmail.com
Ang iyong Taos-puso
Sir Nicolas Payne
EQUITY CAPITAL LOAN COMPANY
punong ehekutibong opisyal
Email: homeofequity@gmail.com
Webisite: https: //equitycapital5.webnode.com
Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
TumugonBurahinmayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.