Ang mga
Pagbabago sa Pagsasaka o ang Modernong Pagsasaka
(June 26,
2013-Ang script na ito sadyang sinulat ni Alih Anso para sa Usaping
Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan, na host ay si
Nancy Lawan)
NANCY: Ngayong
umaga ay medyo may mga pagbabago sa
ating segment na Usaping Agrikultura,
isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan, dahil pansamantala ay kami
ni Kaka Alih, Alih Anso an gating program director ang magbibigay ng mga
kaalaman tungkol sa kalagayana ng mga magsasaka at pagsasaka sa bayan of course
kong minsan kasama na ang buong mundo,
and now the usaping agrikultura.
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
NANCY: good
morning Kaka, ano ang bago ngayon?
Ang traditional pagbubungkal ng lupa sa Pinas |
ALIH: Good
morning Nancy, sa mga kapatid na magasaka, magandang umaga, sa mga apatid na
nanampalataya sa Islam at mga kapatid na Muslim, asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.
Malapit na ang fasting o puwasa, papasok ang Ramadan sa July 8 or 9.
May tanong ako Ate Nans, “saan galing ang kinakain
mo?”
NANCY:Of course sa
mga tanim ng mga magsasaka lalo na ang bigas na kinakain sa araw araw..
ALIH: Tama ka Ate
Nans, Ikaw kapatid na nakikinig bumibili ka ba o nagtatanim?
Noong panahon kasi , karamihan ng mga tao ay
nagsasaka para may pagkunan ng pagkain sa araw-araw. Pero ngayon, sa ilang
industriyalisadong bansa, 1 tao na lang kada 50 katao ang nagsasaka. Ang tanong
ko ulit ay “Ano ang nangyari?”
Of course ang sagot diyan ay: “Unti-unting nagkaroon
ng pagbabago sa pagsasaka, at pagkatapos ay bigla itong sumulong. Bawat
pagbabago, napakalaki ng epekto sa milyun-milyong pamilya, at hanggang ngayon,
patuloy pa rin ang mga pagbabago sa buong daigdig. Para maunawaan ang
nangyayari ngayon sa daigdig, tingnan natin ang epekto sa mga tao ng pagsulong
sa pagsasaka.
Malaking Pagbabago sa Pagsasaka
Noong ika-12 siglo, biglang nagkaroon ng
malaking pagsulong sa pagsasaka sa Europa nang makaimbento ng kulyar para sa
kabayo. Sa paggamit nito, nakapagtatrabaho ang kabayo nang hindi nasasakal.
Kaya mas malakas itong humila, mas mabilis, at hindi agad napapagod kumpara sa
barakong baka na dating ginagamit. Sa tulong ng mga kabayo, mas mapalalaki ng
mga magsasaka ang kanilang ani. Puwede na silang gumamit ng bakal na pang-araro
sa mga lupang dating hindi nila mabungkal. Isa pang pagsulong noon ang
pagtatanim ng mga halamang nagpapataba at nagbibigay ng nitroheno sa lupa—gaya
ng beans, sitsaro, clover, at alfalfa. Kapag mas mataba ang lupa, mas sagana
ang ani.
Dahil sa mga pagsulong na iyon, sobra-sobra
ang ani ng ilang magsasaka kaya mayroon na silang pambenta. Bilang resulta,
nagkaroon ng mga bayan, kung saan ang mga tao ay makakabili ng pagkain,
makakapagnegosyo, at makakapagtayo ng mga pabrika. Ang ilan sa mayayamang
may-ari ng pabrika, mga negosyante, at magsasaka ay nakaimbento ng unang mga
makinarya sa pagsasaka.
Dati-rati, maraming nasasayang na binhi dahil
manu-mano itong isinasaboy. Pero noong mga 1700, nakaimbento si Jethro Tull,
isang Ingles na magsasaka, ng makinang nagtatanim ng binhi na hinihila ng
kabayo. Pagkatapos noong 1831, sa Estados Unidos, nakaimbento si Cyrus
McCormick ng makinang panggapas na hinihila ng kabayo na limang ulit na mas
mabilis gumapas kaysa sa manu-manong paggapas gamit ang lingkaw, o karit. Nang
mga panahon ding iyon, ang mga negosyante ay nagsimulang magbenta sa Europa ng
mga abono galing sa baybayin ng Andes sa Timog Amerika. Dahil sa makinarya at
abono, napakalaki ng itinaas ng ani. Pero ano ang naging epekto nito sa mga tao?
Dahil sa pagsulong sa pagsasaka, dumami ang
ibinebentang murang pagkain sa mga bayan at umakay ito sa industrial
revolution. Una itong naganap saBritanya noong mga 1750-1850. Libu-libong
pamilya ang kinailangang lumipat at magtrabaho sa mga bayan na may minahan ng
karbon, hulmahan ng bakal, pantalan, at gawaan ng tela. Wala silang magawa. Ang
maliliit na magsasaka na hindi makasabay sa bagong pamamaraan ng pagsasaka ay
walang gaanong kinikita sa kanilang ani, kaya hindi sila makabayad ng renta.
Kailangan nilang iwan ang kanilang mga bukirin at manirahan sa masisikip na
lunsod kung saan mabilis kumalat ang sakit. Sa halip na sama-samang nagsasaka
ang mga pamilya, ang mga padre-de-pamilya ay napipilitang magtrabaho nang
malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Pati mga bata, subsob sa pagtatrabaho sa
mga pabrika. Nang maglaon, ganiyan din ang nangyari sa ibang mga bansa.
Higit Pang Pagbabago Dahil sa Modernong
Pagsasaka
Modernong pamamaraan ng pagpapatubo ng hybrid niyog |
Pagsapit ng 1850, may mauunlad na bansang
gumastos para sa mga pananaliksik tungkol sa agrikultura. Patuloy pa rin
hanggang ngayon ang pagbabago dahil sa mga pananaliksik na ito. Halimbawa, may
mga nag-aral ng genetics at nakabuo ng uri ng halaman na saganang namumunga o
hindi madaling tablan ng sakit. Natuklasan din ng mga mananaliksik ang tamang
timpla ng nitrate at phosphate na kailangan sa iba’t ibang uri ng pananim at
lupa.
Habang lumalaki ang mga pananim, abala naman ang mga trabahador sa bukid
sa pag-aalis ng mga panirang-damo. Pero marami sa kanila ang nawalan ng trabaho
nang makaimbento ang mga siyentipiko ng mga herbicide na kumokontrol sa mga
panirang-damo. Matagal na ring kalaban ng magsasaka ang mga insekto, uod, at
weevil. Pero ngayon, ang magsasaka ay marami nang mapagpipiliang kemikal na
panlaban sa halos lahat ng uri ng peste.
Nagbago rin ang buhay ng mga nag-aalaga ng
hayop. Dahil sa mga makinang naggagatas at nagpapakain sa mga hayop, isang
katulong na lang ang kailangan ng isang tagapag-alaga ng kawan sa pag-aalaga ng
hanggang 200 baka. May paraan na rin ngayon para mas mabilis na bumigat ang mga
baka at baboy. Inaalagaan ang mga ito, hindi sa parang kundi sa mga kural na
may bubong, kung saan kontrolado ang temperatura at ang pagkain ng mga ito.
Kadalasan nang napakalaki ng kita sa
modernong pamamaraan ng pagsasaka. Ang produksiyon ng bawat manggagawa ay
tumaas nang sandaan o sanlibong ulit pa nga kumpara sa lumang pamamaraan. Pero
paano naman nakaapekto sa buhay ng magsasaka ang mga pagsulong na ito?
Nagbago ang Buhay ng Magsasaka
Binago ng mga makinarya ang buhay ng mga
magsasaka sa maraming lugar. Karamihan ng magsasaka at trabahador sa bukid ay
kailangan ngayong maging bihasa sa paggamit at pagmamantini ng sopistikadong
makinarya. At parami nang parami ang nagtatrabaho nang mag-isa. Hindi na
katulad noon na sama-sama sa pagtatanim, pag-aasarol, at pag-aani.
Sa maraming bansa, nagkaroon ng bagong uri ng
magsasaka, isang edukadong negosyante na nagpapakadalubhasa sa mass production
ng ilang uri, o kahit isang uri, ng produkto sa agrikultura. Namumuhunan siya
nang malaki sa lupa, mga gusali, at makinarya. Pero nakadepende pa rin siya sa
iba.
Ang malalaking kompanya na nagpoproseso ng pagkain at may-ari ng mga
supermarket ang nagdidikta hindi lamang ng presyo, kundi ng uri, laki, at kulay
ng kaniyang produkto. Ang mga agricultural engineer ang nagdidisenyo ng
kaniyang sistema ng produksiyon, at may mga kompanyang nagsusuplay ng abono,
pestisidyo, at hybrid na binhi na tamang-tama sa kaniyang bukid. Ang laki na ng
isinulong ng pagsasaka sa ngayon. Pero hirap pa rin ang magsasaka, at nababahala
ang ilan sa posibleng masasamang epekto ng ilang pamamaraan ng pagsasaka.
Nasa Krisis Pa Rin ang Magsasaka
Sa mauunlad na bansa, marami pa ring
magsasaka ang nawawalan ng lupa dahil hindi nila kayang makipagkompetensiya sa
malalaking kompanya. Para hindi iwan ng ilang magsasaka ang kanilang mga bukid,
ginawa nila itong resort o mga lugar para sa camping at golf at gawaan ng mga
handicraft. Ang ilan ay nag-alaga ng mga hayop, gaya ng ostrich at alpaca. Ang
iba naman ay nagtanim ng mga bulaklak at pananim na hindi ginagamitan ng
kemikal na pataba.
Sa mahihirap na bansa, kung saan halos 80
porsiyento ng populasyon ay umaasa sa bukid, maraming maliliit na magsasaka ang
dumanas ng matinding dagok. Nabibili ng internasyonal na mga kompanyang
gumagamit ng modernong pamamaraan ng pagsasaka ang karamihan sa
pinakamagagandang lupain, para tamnan ng mga pananim na ibinebenta sa
malalayong lugar. Kadalasan na, sa mga tigang o kakapirasong lupa na lamang
nagtatanim ang maliliit na magsasaka, gamit ang ilang makina kung mayroon man,
para mapakain ang kanilang pamilya.
May ilang
gobyerno, kung mayroon man, na nagbibigay ng praktikal na tulong sa mga
naapektuhan.
Bukas yamang din lamang na medyo nabuksan
natin ang pinto ng kaalaman sa n angyayari sa ating pagsasaka sa mundo ngayon
ay pagtuunan natin ang pagsasaka sa ating bayan, ang Upi, anop ba ang dapat at
tamang mga tanim na ating itatatanim para pakinabangan natin, na ikay ay may
kabuahatyan at mapagkukunan ng opera..
NANCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding
oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago
at epektibong pagksasaka..
(PLAY EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento