Lunes, Enero 11, 2016

DAHILAN NG DI PAGKAKAUNAWAAN

(Enero 11,  2016-Martes- Script na sinulat ni Alih S. Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay  at Talakayang Pampamilya”. Host –Ms Lucy Duce)

 (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Makipangkasunndo tayo prasa sa Kapayapaan

LUCY: Magandang umaga Kaka Alih.

KAKA ALIH : Magandang umaga din Lucy, Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang  kapayapaan sasaatin nawa..)

Ang tanong mo  bakit    hindi nagkakaisa o nagkakasundo sundo  ang mga tao? Kong minsay pa  nag-away-away na may sakitan at mayroon pang  humantong na sa patayan?

 Bakit nga ba Kaibigan?

Ganito ang sagot ng isang kumpare natin  minsan itanong natin ang kahantulad na tanong:

“Ah na Kaka Ali, maraming dahilan  bakit nag-away away o hindi nagkakasundo  ang mga tao dito sa mundo.”  

Ang ibang dahilan na siya  ngayong ang uso,   na dahilan kong bakit hindi nagkakasundo kahit magkakapatid o magkakamag-anak. 

LUCY: Bakit Kaka Alih, may uso-uso pa ba ang dahilan ng away?

  Of course naman, ang  pulitika! (PLAY LAUGHING) Yes, ang pulitika o politics ito ang madalas  na dahilan.  Election Fever na!! este election period pala, nagsimula na ang GUN BAN, o bawala ang pagdadala ang baril kahit lisinsiyado, unless may permiso ka mula sa COMELEC.

Mayroon pang malalim na   dahilan na hindi pinagkakasunduan ng mga tao, karapatan sa lupang ninuno  o ang ancestral domain. Sa R’nawon at T’duray  ay tinatawag nila itong “pusaka inged” .

Ta mga Bangsamoro, ito ang tinaguriang ancestral domain, at sa mga Teduray o  IP’s Ancestral domain, unti unti ng nawawala sa kanila, kaya dapat na maibalik na sa kanila ang pamamahala sa kanilang lupang ninuno. Alam ba ninyo na isa ito na dahilan kong bakit may mga nag-rerebelde sa goberno, dahil sa karapatan sa lupang ninuno.

Ang lupa sa ngayon ay mahalaga, kong wala kang lupa saan ka titira? Katunayan nga kahit konting bahagi lamang   ng lupa, kahit na daw yaong mohon lang  o pananda ng lupa at inilipat ng isang hakbang lamang,  ay pinag-aawayan  na yan ng magkakamag-anak.  Kong minsan  magkapatid  pa nga.
Another reason kong bakit hindi nagkakasundo ay itong nalalabag ang karapatang pangtao o  human rights, isa ito sa mga matinding mga dahilan kong bakit mga nag-away-away ang  mga tao  sa ngayon:

Sa paliwanag n gating Kapatid na isang abogadong  Muslim sa Upi,  si Atty Rolando “Anwar”  Chew.  “…hindi nagkakasundo  ang mga tao tao    dahil  sa kulang sa kaalaman sa kanilang karapatan maraming dahilan ang nagiging dahilan ng mga di pinagkakasunduan ng mga tao”  

LUCY: Kaka Alih, Papaano  lulutasin ang mga ganitong problema, na nag-away  away o hindi nagkakasundo ang mga tao?

KAKA ALIH: Ang solusyon sa mga ganitong  problema?  Sa problema  sa pulitika kinakailangan ang pairalin ang tunay na  pulitika, wlang dayaan, matuto tayong sumunod sa itinakda ng  batas, huwag ng palitan ang mga nakuhang  botante ng kandidato, at kong minsan kong sino ang  maliit ang boto ay siya pa ang naproklem.

Sa usaping human rights, ang advise  ni Atty Rolando Anwar Chew, “Ang sulosyon sa ganitong problema ay, alamin mo ang inyong karapatan  ayon  sa nakasaad sa  batas.”

Ang sabi  naman ni Ustadz Faizal Dacungan : “.. ang  paniniwala sa Poong Maykapal o Diyos ang pinaka-solusyon sa ganitong problema, ang  buhay ng tao ay pinahahalagaan  ng Allah  o  Diyos tayo pa  kayang tao? “

Para maiwasan ang di pagkakaunawaan ay ganito ang dapat gawin: “Kong  ikaw ay isang Kristiyano, sundin mo inyong Biblia at kong ikaw naman ay Muslim o nanampalataya sa Islam, sundin ang Sunnah at Qur’an.”  Payo naman ni Ustadz Ahmad.

Para sa  Gabay  at Talakayang Pampamilya, ito ang inyong  Kaka Ali, ang inyong segment writer ,  na  naniniwala na ang may paniniwala sa Poong Lumikha, ay  mahirap makumbinsi ni Shaitan o Satanas na gumawa ng  masama, sapagkat ang Shaitan ang nag-uudyok sa tao  na gumawa ng masama, kaya itakwil natin  ang Shaitan o si Satanas.

Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu.

LUCY:: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, ipairal sa tuwi-tuwi na ang respeto sa bawat isa, lalo na sa ating sarili, makamtan natin ang kapayapaan.


(Play- EXTRO- Gabay  at Talakayang Pampamilya)

1 komento: