(July
9, 2013-Martes-Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang
host
ay si Ms. Lucy Duce)
Saging na Lakatan |
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
ALIH: Hahahaha..
Good morning Lucy, magandang umaga sa mga
kapatid na magasaka, , sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang mga
kapatid na Muslim, asssallamu alaikum
warahamatulahi wabarakatuh. Mamayang 6:09 ng gabi ay Ramadan na ..
LUCY: Ay tama nga pala Kaka Alih, mamaya na pala ay magsisimuula ang Ramadan at
muli naman kayong magpuwasa na mga Muslim, mga Nanamplataya sa Islam, ang aking
pagbati ng "happy Ramadan".
ALIH: Maraming
salamat Kapatid na Lucy. Ano ang aking
ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Martes? simple lang naman, hindi muna natin babaguhin
ng bigla ang nakaugalian natin, kundi dadagdagan lang natin ang kaalaman ng ating mga madlang nakikinig, lalo
na yaong mga taga Nangi at Darugao.
Ikaw Lucy nag-gugulay ka
din ba?
LUCY: Of course naman Kaka Alih, hindi kumpleto ang kainan ng
pamilya pag wala ang ulam na gulay.
ALIH: Ang pagkain ay isa sa
mga pinagkukunan ng nutrisyon pero alam ba ninyo na hindi lahat ng pagkain o
kinakain natin ay masustansya? Tulad ng
mga chichiryang nabibili natin sa tabi-tabi na atin namang gusto-gusto ng mga
kabataan. Hindi mo na ba naiisip na dahil sa mga chichirya na ito ay
nakakasira sa kanilang kalusugan?
Kaya ang payo ni Doc
Willie Ong, dapat kumain tayo ng gulay araw-araw dahil ito’y nagbibigay
sustansya, lakas at ito’y nakatutulong upang tayo rin ay tumalino.
Ang gulay ay masustansya
at maraming naibibigay sa ating pang-araw-araw na buhay kaya tayo’y magtanim ng
gulay at ito ay bigyan ng importansya.
This morning di basta
gulay ang pag-uusapan natin kundi pagkain na rin, na pwedeng pamalit sa kanin,
o support o alalayy sa kanin. Ang saging, pwedeng gulay din ang saging di b a Lucy?
LUCY: Of course naman Kaka.
ALIH: Napaka-ordinaryong
prutas para sa ating mga Pinoy ang saging. Buong taon available sa ating public market, at kahit sa mga
ordinaryong tindahan. Ngunit alam ba natin ang lawak ng bias ng saging sa ating kalusugan? At alam ba natin ang ilang
gabay sa paggamit nito?
Makinig my friend,
mag-iiba na ang paningin ninyo sa saging na isa sa mga paboritong prutas natin,
kapag narinig mo itong iahahayag natin.
Alam mo ban a taglay ng
saging ang tatlong uri ng natural na asukal? Kaya naman ito'y dagliang
naghahatid ng malakas na enerhiya sa katawan. Kahit dalawang piraso lang na lakatan na saging ay maaring magsustena sa
taong sasailalim sa isa't kalahating oras na ehersisyo.
Si Dr. Willie T. Ong ay
nagsabi na ang “Saging: Ang pinaka-healthy na prutas sa mundo”
May kasabihan na “An
apple a day keeps the doctor away.” Mali po iyan. Ayon kay Dr Willie.
Tuloy natin ang article
ni Doc tungkol sa saging.
Heto ang mga nilalaman
ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories, Vitamin A: 430 I.U.,
Vitamin B: Thiamine .04 mg., Vitamin C: 10 mg., Calcium: 8 mg., Iron: 6 mg.,
Phosphorus: 28 mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23 grams, at Protein:
1.2 mg.
Alam mo kapatid, na to much na
dami ang benepisyo ng saging?
1. Tiyan – Napakaganda
ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may
sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na
parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.
2. Puso – Mabuti ang
saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalo na kung umiinom
ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat
araw.
3. Parang multivitamin —
Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C,
Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, you
can Have It All like Edu Manzano and Feel Complete like Piolo Pascual. Tipid
pa!
4. Mabuti sa Colon -
Dahil mataas sa fiber ang sa-ging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba
pang sakit ng bituka natin.
5. Good for exercise –
Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-gym, kailangan mo ng saging para hindi
bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi, tulad ko.
6. Para sa stress at
pang-relax – Alam ba n’yo na ang sa??ging ay may tryptophan? Ito’y isang
kemikal na nagpa?pasaya sa atin at nagpapa?-gan?da ng ating emosyon. Kaya kung
depressed ka da?hil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha,
mag-saging ka na.
7. Pang-baon talaga –
Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin hindi
ba? (Kailangan mo ng knife) Pero ang saging ay medaling kainin, kamay lang
mabalatan na. Talagang ginawa ng Diyos para kainin ang saging.
8. Baka makabawas ng
leukemia at hika sa bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o
sanggol ay lagi mong pakakainin ng saging, mas hindi sila hihi?kain, at hindi
rin sila magka?karoon ng leukemia.
Hindi pa ito tiyak, pero
marami ang naniniwala nito.
Kaya kahit ano pa ang nararamdaman
mo, kumain ka na ng saging para maging healthy at malakas.
Tingnan mo ang unggoy,
palaging healthy. . . may nabalitaan ka na bang unggoy na namatay sa colon
cancer, o na-high blood, o na-heart attack ?
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
LUCY: Iyan
si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na
ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..
(PLAY EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento