[Abril 9, 2015 (Biyernes )-
Script na sinulat ni Alih “Kaka Ali” Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M.) sa segment na
“Gabay Kalusugan at Talalakayang
Pampamilya”. Host –Lucy Duce)
LUCY/HOST: Dito sa
Lupang Mindanaw ay iba-ibat ang tribu at iba-iba din ang ating paniniwala,
kultura at kaugalian, ngayong umaga ay tatalakayin ng ating Bangsamoro na
Iranun, na si Kaka Ali ang kultura, kaugaliang at paniniwala ng mga Kapatid na
Bangsamoro.
(Play- Intro- Gabay Kalsuganat
Talakayang Pampamilya)
LUCY/HOST: Magandang umaga Kaka Alih,
KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Lucy, assallamu alaikum warahmatullahi
wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) lalo na sa
mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa
mga kapatid na Muslim.
Sa makabagong panahon at
henerasyon natin ngayon, marami na ang mga taong naeenganyo sa naglalabasang
mga gadgets. Di lang basta gadgets, tulad sa celpon, dahil with matching facebook
pa. (LAUGHING) Alam ko man, na halos lahat ngayon ay
may account sa facebook, bakit ay mahigit dalawang libo na friends ko taga Upi…
at sige like-like sa mga post ko. . (LAUGHING)
Sa makabagong panahon at
henerasyon na ito ngayon ay karamihan na
sa ating mga kababayang Pilipino, ang tila nakakalimot na sa mga kaugaliang
ating nakasanayan na mula pa sa ating mga ninuno. Subalit, … Alhamdulillah (Ang
lahat ng pagpupuri ay sa Allah) dahil meron pa ring mga Pilipino at Bangsamoro ang
hindi pa nakakalimot dahil magpahanggang-ngayo’y sinasasanay pa rin nila
ang kanilang mga anak o pamilya sa kaugalian at kultura na kanilang nakasanayan na.
At dahil alam ko na ang iba ay hindi pa gaanong
pamilyar sa sinasabi nating kultura.
LUCY/HOST: Ano
ang kultura Kaka Alih?
KAKA
ALIH: Ang Kultura Kapatid na Lucy, ay tumutukoy sa pamamaraan ng
pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao, sa isang tiyak na teritoryo na may pagkakakilanlan.
Ito rin ang humuhubog sa pamumuhay ang
tao at nagbibigay ng kahulugan sa buhay.
At sa umagang ito ay
kilalanin natin ang ilan sa mga Kultura,
ng mga Bangsamoro na mga Muslim. Bakit kultura ng mga Muslim? Ayon kasi kay
Rudy Rodel, isa manunulat na taga Upi o historian, ay nahahati ang Bangsamoro
sa dalawa, ang isa ay Islamized at non-Islamized.
Konting flashback. Sa simula, noong bago pa man dumating sa mga
pulo o lupang nasa Silangan ang mga Kastila, (ang mananakop, the colonizers), noong 1521. When Philippines was
discovered by Magellan. Pero mali poi to dahil bago pa dumating ang grupo ni
Magelllan mayroon ng dumating na mga sampung
Datu mula sa Borneo, at
syempre may kultura at kaugalian na ang mga naunang
naninirahan dito sa lupain na ngayon ay tinatawag na Pilipinas.
Alam naman natin na sasakop
tayo ng mga Espaniol. Bagamat ang mga ninuno natin ay nagtanggol sa kanilang
mga kaharian, sila ay nagapi dahil sa makabagong armas sila ay natalo at
nasakop ng Espania. Dahil ang mga
mamayan sa Lupang Silangan (na tinawag ng Espania na Pilipinas, na ang ibig
sabihin ay “tao ni Haring Felipe”) ay nasakop ang ating mga ninuno, at di nagtagal ay tinawag na mga Pilipino. (utang natin ito kay Jose Rizal kong bakit tayo natawag na
Pilipino, isa sa pinaglaban niya, dahil ang tawag noon sa sa Pilipino ay Indiyo)
Ang mga kulturang Pilipino ay dahan-dahan nangawala at di man nawala ay nadagdagan o sadyang nabago sa
pagdaan ng panahon.
Sa bandang Mindanao, Sulu at Palawan (MINSUPALA) ay nahirapan ang
Espania na sakopin (ayon sa ibang manunulat ay hindi talagang nasakop) dahil sa
isa na itong matatag na bansa noon pa man bago pa dumating ang mga mananakop na
Espaniol. Bagamat hindi gaano makabago ang
armas ay organisado ang kanilang tanggulang bansa. Hindi basta-basta
nakapagtatag ng kanilang goberno dito sa MINSUPALA ang mga dayuhang mananakop
na Espaniol, ngunit dahil sa tulong ng
mga kapatid, (na nabihag) na ngayon ay tinawag na Pilipino (na walang magawa kundi sundin ang utos ng
mananakop, kaya sila napilitang maging mandirigma na nagsisilbi para sa
Espanya) ay natalo nila ang depensa ng mga Bangsamoro sa Sambuwangan
(Zamboanga, Ang Ciudad de Flores o City of Flower), at itinayo ng Espania ang
kanilang kuta, tinawag nila itong Cota del Pilar. Subalit ang kutang ito ay
ilang bese na ring nabawi ng Bangsamoro.
Dahil sa hindi nasakop,
nanatili (intact) ang kultura mga
Bangsamoro. Kunting paliwanag lang po
Bakit Bangsamoro o Moro.
Ganito po yun Kapatid. Ang
tawag ng Espania sa mga tao na katulad ng kanilang nakalaban sa Morocco. At
Bangsa ang ibig sabihin sa Malay ay nangangahulugan ng angkan- kaya angkan ng
mga Moro=Bangsamoro. At ang mga kultura at kaugalian ng Bangsamoro ay
hinango naman sa Islam, ang relihiyong kanilang pinaniniwalaan noon pa man.
Ano naman ang ibig sabihin ng
Islam? Ang ibig sabihin ng Islam ay ..”pagtalima at pagsuko sa nag-iisang
Diyos.” Ang tagasunod ng Islam ay tinatawag naman na Muslim na ang ibig
sabihin, “…. ay naniniwala, mga taong tumalima sa kautusan ng Allah” (ang tawag
sa Poong Lumikha o Diyos).
At dahil sa paniniwalang
ito sa Islam ang kanilang mga kultura at
kaugalian ay nilimbag sa timplang Islam, kaya makikita natin na halos
magkatulad sa Islam.
Lumipas ang mga panahon, dumating ang Merikanu (tawag sa taga Amerika), natalo daw nila ang
Espania, pero ang totoo binili nila ang Pilipinas ng P20,000,000, di kasali ang
Bangsamoro. Para di medyo magandang pakinggan at pinalabas na natalo sa giyera
ang Espaniol, ito ang tinawag na “Battle of Manila bay” at ang Espanya ay
tuluyang ng lumayas sa Pilipinas,
subalit naiwan ang kanilang kamandag, dahil marami na silang nagging
pamilya ito ang tinawag na Filipino. Kaya ang kanilang kamandag ay nanatili
nanalaytay pa rin sa dugo ng mga Pilipino.
Nasakop na ng Amerika ang
Pilipinas, hindi ito nagtagal, bakit ?
dahil marahil wala na silang makakatas, dahil nasaid na maraahil ng
Espania ang tamis nito, kaya iyon marahil ang dahilan na ibinigay na nila ang “pagsasarili” (independence) sa mga
Pilipino.
Ang masakit lang nito ay
isinama nila ang mga kapatid na nasa Mindanao na hindi man lang nila
kinunsulta, kong papayag ba o hindi. Sa kabila ng katotohanan na sila ay
nagsisigaw na ibalik sa kanila ang kanilang dating pagsasarili.
May petition pa nga sila
(Bangsamoro) ito yung Dansalan
Declaration, na ipinasa sa Kongreso ng Amerika, na ibalik sa kanila ang pagsasarili o
independence, kong hindi possible, ay may nanaisin pa nilang manatili na sakop ng Amerika, kaysa mapabilang sa
kapatid na Pilipino, dahil islang kadahilanan: mag-kaiba sila ng Kultura at
Kaugalian, lalo na sa paniniwala, dahil ang mga Pilipino ay Kristiyano na, at
sila ay nanatiling Muslim pa rin.
At nagging nagsasarili na ang Pilipinas,
dahil binigy na ng Amerika ang “Kalayaan”. Nagplano ng mga programa ang bagong
nagsasariling bansa (ang Pilipinas) kong papaano magkaisa sa paniniwala at
kultura ang mga taong tinatawag nilang
Pilipino at ang ayaw na matawag na Pilipino (na ngayon ay lalong kilala sa
tawag na Bangsamoro).
Ang magkapatid na ito ay nagkasalamuha, (naging kapit bahay at ang
iba naging kabiyak,) at dito sa prosesong ito ay dahan-dahan, nabuo ang mga
kultura at kaugalian na hindi ginagawa ng mga ninuno ng mga Bangsamoro at wala
sa katuruan ng Islam.
Ang tanong ano ang mga ito, na
mga kultura at kaugalian na wala sa mga
ninuno at hindi itinuturo ng relihiyong
Islam?
Narito ang ilan sa mga ginagawa
ng ilan sa mga Bangsamoro sa ngayon na hindi na kasama sa mga kultura at
kaugalian ng mga ninuno:
1.
Pagdiriwang sa araw ng kapanganakan (Birthday)
Ang mga “assimilated” na Bangsamoro sa ngayon ay nagdiriwang na rin ng
kaarawan ng kanilang mga anak katulad ng mga Pilipino o yaong ngayon ay
tinatawag na “settlers”.
Ang mga ninuno ng mga
Bangsamoro ay may sarili silang pagdiriwang sa mga anak na bagong panganak,
pagkapanganak ay tatawag sila ng Azan o bang sa tabi ng kanilang anak. Ilang
araw o linggo ay magtatakda sila ng kanduli na tinatawag na “gunting” dito
bibibigyan ng pormal ng pangalan ang bata. Sa ibang tribung Bangsamoro (Maguindanaon, Iranun) mayroon din
silang tinatawag na “likat sa lantay” isa din itong uri ng kanduli (thanksgiving).
Papaano nagdiriwang ang mga
ibang Pilipino ng kaarawan? Kanilang hinalaw marahil sa kanluraning kultura.
Ang pagdiriwang ng kaarawan ay
bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang
sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay
ng regalo sa may kaarawan.
Diyan marahil nahango ang
pagdiriwang sa kaarawan ng kapangakan ni Jesus o Iesa (kapayapaan ay sasakanya).
Tanong bakit kayong mga
Bangsamoro ay ipinag diriwang ang
Kaarawan ni Propeta Muhammad kong tawagin ninyo ay Maulidin Nabi.
Ito ay sadyang napakalungkot na
nangyayari. Bagama’t ang mga Muslim ay may maliwanag na patnubay na
nananatiling nasa orihinal na anyo hanggang sa ngayon, hindi pa rin maiwasan ng
iba ang pagsagawa ng mga bagay na salungat sa itinuturo ng Islam.
Ito ay dulot ng kamangmangan sa
pananampalataya at sa pagnanais na tularan ang ginagawa ng iba.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Anumang bagong bagay na isinasama sa ating
pananampalatayang ito (Islam), ay hayaan itong itakwil.”
Si Propeta Muhammad ay
nagsabi:
“Wala nang iba pang gawain na makapaglalapit
sa inyo sa Allah maliban lamang sa mga naituro ko sa inyo.”
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“May dalawang bagay
akong iiwanan sa inyo na kung inyo itong panghahawakan ng mahigpit ay hindi
kayo maliligaw: ang purong Salita ng Allah at ang aking Sunnah.”
Si Propeta Muhammad ay
nagsabi:
“Huwag magmalabis sa
pagpuri sa akin kagaya ng ginawa ng mga Kristiyano sa anak ni Maria. Ako ay
isang alipin, kaya’t inyo lamang
sabihin: “Alipin ng Allah at Kanyang Sugo”.
2.
Pagpapaputok sa araw ng Id
Pagsapit ng Id (Hariya Puwasa
at haj) ay nagpapaputok ang mga Bangsamoro, bilang pagsasaya, katulad ng
pagdiriwang mga Intsik. Ang mga Intsik na kilalang mangangalakal sa mundo at
dumating na sila ditto sa MINSUPA, at marahil ito ang impluwensa nila sa mga
Talainged (native inahabitants).
Noon ang pinapuputok ay
rebentador at kanyon na gawang Tsino, di nagtagal ay ginaya ng mga mga
Pilipinong taga Bulacan. Sa ngayon ay
nawala ang mga iyon, at napalitan ng mga makabagong armas na pumuputok at ito na ang ginagamit.
3-Kalilang
(ceremonial of marriage)
Ang kasal ay sa mga restaurant
o hotel ay isinasaayos ng mga “third generation” at kanila nila ito kinopya sa
sa kultura ng settlers at dinagdagan ng kulturang Bangsamoro, lalo na yaong
hindi pa tanggap ng mga katutubong Bangsamoro. Halimbawa ang Biblia ay
pinalitan ng Qur’an. Nagsasabay ang babae at lalaki, at nagpaparada na ang
babae kahit hindi pa sila kasal.
Naglalagay
din sila ng decoration na tinatawag na pandala.
Ang mga Bangsamoro noon kong
may ikakasal ay hiwalay ang lalaki at babae, pagkatapos ng Kutba Nikah (wedding
sermon) ay sasamahan ang lalaki ng biyanan sa babaeng pinakakasalan.
Ang kalilang ay ginagawa sa
bahay ng babae, isa araw o higit pa bago ang kawing l o kasalan.
4-
Pagdadamit na nakalabas ang kahubaran, at pag-gaya sa ibang kasarian.
Sa ngayon ay nakapantalon ang
mga babae katulad ng mga lalake, at ang mga damit ay hakab na hakab ang porma
ng katawan.
Ang damit ng babae ay tinatawag
na minoro ang pangitaas at malong ang pang-ibaba, ito ay kahantulad sa damit ng
T’duray noon. Nagtetendong (bandana) ang
mga babae. Naglalagay ng mga decoration ang babae sa kanyang damit ng mga ginto
o pilak.
Ang lalake naman ay gumagamit
ng tubaw. At may nakasukbit na gurok sa tagiliran (maliit na punyal) at
nakasabit na sundang o kampilan sa biwang at kong minsan may dala-dalang
bangkaw (spears).
5-pag-inom
ng alak na makalasing (kamer)
Sa ngayon ay umiinom ng alak na makalasing ang
mga Bangsamoro, katulad na rin mga Settlers na Pilipino, kahit ito ay patago sa
mga kamag-anak o angkan, dahil sa isinusumpa o itinuturing noon ng mga ninuno
na “kafir” (hindi naniniwala) ang uminom ng arak (alak na makalasing) ayon sa
paniniwala ng ninuno o matatanda ay 40 na araw na walang matatanggap na amal
(pagsamba sa Allah o Gawain para sa Allah ang matatanggap).
Ang basehan ng mga Bangsamoro
kong bakit hindi dapat inumin ng isang
Naniniwala ang alak na makalasing ay base na rin sa Quran.
“O kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga
nakalalasing na alak (lahat ng uri ng inuming may alkohol at i iba pa na
nakapagbibigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot,
droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte
at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung
kaya’t iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay.” [Qur’an, Surah Al Maida: 90]
Mga sakit na idinudulot ang
alak, (na base sa pananaliksik ng mga nakakaalam at pwedeng makita ng harap-harapan):
1. Binubuhay
nito ang seksuwal na pagnanasa, na siyang nagtutulak sa tao na gumawa ng
kasumpa-sumpa at karumal-dumal na tawag ng laman: na tulad ng panggagahasa,
karahasan at kalaswaan. At ang pinatutungahan nito kung minsan ay
pagpapatiwakal!
2. Nagdudulot
ito ng pinsala sa utak: Isa sa sanhi nito ay ang pagkawala ng memorya ng isang
tao, sanhi rin ito ng pagkakaroon ng impeksiyon sa utak, pagkabulok ng ‘cortex
cells’ (nagpapagalaw sa ating kalamnan)
sa utak ng isang tao na nauuwi sa pagkasira ng ulo.
3. Nagiging
sanhi rin ito ng unti-unting pagkabaog o pagkainutil ng isang tao at
pagkaparalitiko ng buong katawan. (kayo sigoro marami kayong alam na naparalitiko
na palainum ng alak,)
4. Pinipinsala
rin nito ang atay ng isang tao, na kung kaya mabibigo nitong alisin ang mga
lason sa loob ng katawan, lalung-lalo na ang ‘amonia.’ At dahil sa ganitong
pangyayari ay tataas ang antas ng lason sa dugo. At ang lason na ito ang
makaka-apekto sa pagkilos ng kaisipan at makakagambala sa emosyon: Na kung
kaya, hindi na magiging normal ang kanyang pagkilos at pag-uugali. Magiging
makasarili na siya, magalitin, mapaghiala at magiging malungkutin.
5. Pagkakaroon
ng depekto sa kidney, sa albumin sa ihi, at nakakamatay na pangangasim ng dugo
(o fatal blood acidity), na magwawakas sa ‘heart failure.’
6. Nagdudulot
ng impeksiyon sa ‘Nerve’ ng mga mata na humahantong sa pagkabulag ng tao.
7. Nagtutulak
sa isang tao na gumawa ng mga kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.
Ito po ang inyong Kapatid na
Bangsamoro, Kaka Alih, hanggang sa muli. Wassallamu Alaikum Warahamatullahi
Wabarakatuh.
LUCY/HOST: Maraming
salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, sana mga kapatid na
nanonood at nakikinig, mayroon kayong napulot ana aral at muli kaming samahan,
bukas sa isa pang segment na ibabahagi ni Kaka Ali.
(Play- EXTRO- Gabay Kalusugan at
Talakayang Pampamilya)