Linggo, Abril 26, 2015

Peace Caravan, Suporta sa Maagang Pagpasa ng BBL

Nuro, Upi, Maguindanao (April 27, 2015)….Tagumpay ang Backup Caravan for
Mula sa Midsayap (kuhang larawan ni
Mubarak Dumato)
Peace   na pinangunahan ng Mindanao Alliance for Peace  (MAP) na ginanap nitong  Sabado na binasagang BANGSAMORO  FOR JUST AND DIGNIFIED PEACE na sabay-sabay na ginanap sa ibat-ibang converging area sa Mindanao: Midasayap, Amas, Kidapawan, Marawi City, Malabang Lanao Del Sur, Davao City , Isulan, Pagadian City  at Tawi-tawi.

Sa panayam ng DXUP Teleradyo sa programang Bantay Bayan,  nitong  umaga kay Professor Raby Angkal, tagapagsalita ng   MAP  kanyang sinabi na umabot sa 10,006 ang kabuuang bilang  ng mga sasakyang sumama sa Backup Caravan for Peace.  

Pinakamaraming sasakyan ang nasa Marawi City converging area na may 1,087 motor at tricycles at  2,788 naman ang mga 4 wheel na sasakyan.

Midsayap converging area na may 959 na motorsiklo at 1,151 naman ang ibat-ibang sasakyan. Amas Kidapawan area ay 1,763, Malabang, Lanao Del Sur-1,132, Isulan-939, Davao City-73, Pagadian-19, Tawitawi-95.  

North Cotabato (mula sa Facebook ni Abdulmaguid Abdullah)
Ngayong hapon  ay isasagawa naman ang BBL: SIGAY SA BANGSAMORO (Bangsamoro Light for Peace) na gaganapin sa compound ng Cotabato City Polytechnic College, na sisimulan ang programa bandang alas tres ng hapon, at ang mga tagapagsalita ay ang si Shiek Abdulrahman “Abu Huraira” Udasan, Grand Mufti ng Darul Ifta of the Philippines.

Pagkatapos ng sambayang ng Magrib (sunset prayer) ay mag-sasagawa ng  Torch parade, susundan ng bonfire at pagkatapos ng Eisha prayer (evening prayer) ay magpapalipad ng  Hot Air Balloon bilang pagpapakita ng pag-kakaisa ng mga mamayan.   

Midsayap , Cotabato  (by : Mubarak Dumato)
Layunin ng nasabing aktibidadis  na ipakita ang buong suporta sa Bangsamoro Basic Law (BBL) na maipasa na kaagad ng Kongreso.


Sa June 30, 2016 ay magtatapos na ang termino ni Pangulong Aquino at ayon sa pinirmahang Comprehensive Agreement  on the Bangsamoro ay magkakaroon ng regular na halalan sa proposed Bangsamoro entity sa May 10, 2016 regular election. 
(Balita nina: Noralyn Bilual at Alih Anso)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento