Miyerkules, Abril 8, 2015

Kultura, Kaugalian at Paniniwala ng mga Bangsamoro

Kaka Alih, co-Anchor/segment
presenter/writer ng Buhay-buhay sa DXUP.
[Abril 9, 2015 (Biyernes )- Script na sinulat ni Alih “Kaka Ali” Anso para sa programang “Buhay –buhay  sa DXUP” (8:00-9:00 A.M.) sa segment na “Gabay Kalusugan  at Talalakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)

LUCY/HOST: Dito sa Lupang Mindanaw ay iba-ibat ang tribu at iba-iba din ang ating paniniwala, kultura at kaugalian, ngayong umaga ay tatalakayin ng ating Bangsamoro na Iranun, na si Kaka Ali ang kultura, kaugaliang at paniniwala ng mga Kapatid na Bangsamoro.

(Play- Intro- Gabay Kalsuganat Talakayang Pampamilya)

LUCY/HOST: Magandang umaga Kaka Alih, 

KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Lucy,   assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) lalo na sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.

Sa makabagong panahon at henerasyon natin ngayon, marami na ang mga taong naeenganyo sa naglalabasang mga gadgets. Di lang basta gadgets, tulad sa celpon, dahil with matching facebook pa. (LAUGHING) Alam ko man, na halos lahat ngayon ay may account sa facebook, bakit ay mahigit dalawang libo na friends ko taga Upi… at sige like-like sa mga post ko. . (LAUGHING)

Sa makabagong panahon at henerasyon na ito ngayon ay  karamihan na sa ating mga kababayang Pilipino,    ang tila nakakalimot na sa mga kaugaliang ating nakasanayan na mula pa sa ating mga ninuno. Subalit, … Alhamdulillah (Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah) dahil  meron pa ring mga Pilipino at Bangsamoro ang hindi pa nakakalimot dahil  magpahanggang-ngayo’y sinasasanay pa rin nila ang kanilang mga anak o pamilya sa kaugalian at kultura na  kanilang nakasanayan na.

At  dahil alam ko na ang iba ay hindi pa gaanong pamilyar sa sinasabi nating kultura.  

LUCY/HOST: Ano ang kultura Kaka Alih?

KAKA ALIH: Ang Kultura Kapatid na Lucy, ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao,  sa isang tiyak na teritoryo na may pagkakakilanlan.  Ito rin ang humuhubog sa pamumuhay ang tao at nagbibigay ng kahulugan sa buhay.  

At sa  umagang ito ay  kilalanin natin ang ilan sa  mga  Kultura,   ng mga  Bangsamoro na mga Muslim.  Bakit kultura ng mga Muslim? Ayon kasi kay Rudy Rodel, isa manunulat na taga Upi o historian, ay nahahati ang Bangsamoro sa dalawa, ang isa ay Islamized at non-Islamized.

Konting flashback.  Sa simula,  noong bago pa man dumating   sa mga pulo o lupang nasa Silangan ang mga Kastila, (ang mananakop, the colonizers), noong 1521. When Philippines was discovered by Magellan. Pero mali poi to dahil bago pa dumating ang grupo ni Magelllan mayroon ng dumating na mga sampung  Datu mula sa  Borneo, at syempre   may kultura at kaugalian na ang mga naunang naninirahan dito sa lupain na ngayon ay tinatawag na Pilipinas.

Alam naman natin na sasakop tayo ng mga Espaniol. Bagamat ang mga ninuno natin ay nagtanggol sa kanilang mga kaharian, sila ay nagapi dahil sa makabagong armas sila ay natalo at nasakop ng Espania. Dahil  ang mga mamayan sa Lupang Silangan (na tinawag ng Espania na Pilipinas, na ang ibig sabihin ay “tao ni Haring Felipe”) ay nasakop ang ating mga ninuno,  at di nagtagal ay  tinawag na mga Pilipino.  (utang natin ito  kay Jose Rizal kong bakit tayo natawag na Pilipino, isa sa pinaglaban niya, dahil ang tawag noon sa sa Pilipino ay Indiyo)

Ang mga kulturang  Pilipino  ay dahan-dahan nangawala at di  man nawala ay nadagdagan o sadyang nabago sa pagdaan  ng panahon.

 Sa bandang Mindanao,  Sulu at Palawan (MINSUPALA) ay nahirapan ang Espania na sakopin (ayon sa ibang manunulat ay hindi talagang nasakop) dahil sa isa na itong matatag na bansa noon pa man bago pa dumating ang mga mananakop na Espaniol. Bagamat hindi gaano makabago ang   armas ay organisado ang kanilang tanggulang bansa. Hindi basta-basta nakapagtatag ng kanilang goberno dito sa MINSUPALA ang mga dayuhang mananakop na  Espaniol, ngunit dahil sa tulong ng mga kapatid, (na nabihag) na ngayon ay tinawag na Pilipino (na walang magawa kundi sundin ang utos ng mananakop, kaya sila napilitang maging mandirigma na nagsisilbi para sa Espanya) ay natalo nila ang depensa ng mga Bangsamoro sa Sambuwangan (Zamboanga, Ang Ciudad de Flores o City of Flower), at itinayo ng Espania ang kanilang kuta, tinawag nila itong Cota del Pilar. Subalit ang kutang ito ay ilang bese na ring nabawi ng Bangsamoro.

Dahil sa hindi nasakop, nanatili (intact) ang kultura   mga Bangsamoro.  Kunting paliwanag lang po Bakit Bangsamoro o Moro.  

Ganito po yun Kapatid. Ang tawag ng Espania sa mga tao na katulad ng kanilang nakalaban sa Morocco. At Bangsa ang ibig sabihin sa Malay ay nangangahulugan ng angkan- kaya angkan ng mga Moro=Bangsamoro. At ang mga kultura at kaugalian ng Bangsamoro     ay hinango naman sa Islam, ang relihiyong kanilang pinaniniwalaan noon pa man.

Ano naman ang ibig sabihin ng Islam? Ang ibig sabihin ng Islam ay ..”pagtalima at pagsuko sa nag-iisang Diyos.” Ang tagasunod ng Islam ay tinatawag naman na Muslim na ang ibig sabihin, “…. ay naniniwala, mga taong tumalima sa kautusan ng Allah” (ang tawag sa Poong Lumikha o Diyos).

At dahil sa paniniwalang ito  sa Islam ang kanilang mga kultura at kaugalian ay nilimbag sa timplang Islam, kaya makikita natin na halos magkatulad sa Islam.
Lumipas  ang mga panahon, dumating ang Merikanu  (tawag sa taga Amerika), natalo daw nila   ang Espania, pero ang totoo binili nila ang Pilipinas ng P20,000,000, di kasali ang Bangsamoro. Para di medyo magandang pakinggan at pinalabas na natalo sa giyera ang Espaniol, ito ang tinawag na “Battle of Manila bay” at ang Espanya ay tuluyang ng lumayas sa Pilipinas,  subalit naiwan ang kanilang kamandag, dahil marami na silang nagging pamilya ito ang tinawag na Filipino.   Kaya ang kanilang kamandag ay nanatili nanalaytay pa rin sa dugo ng mga Pilipino.

Nasakop na ng Amerika ang Pilipinas, hindi ito nagtagal, bakit ?  dahil marahil wala na silang makakatas, dahil nasaid na maraahil ng Espania ang tamis nito, kaya iyon marahil ang dahilan na ibinigay na  nila ang “pagsasarili” (independence) sa mga Pilipino.

Ang masakit lang nito ay isinama nila ang mga kapatid na nasa Mindanao na hindi man lang nila kinunsulta, kong papayag ba   o hindi. Sa kabila ng katotohanan na sila ay nagsisigaw na ibalik sa kanila ang kanilang dating pagsasarili.

May petition pa nga sila (Bangsamoro)  ito yung Dansalan Declaration, na ipinasa   sa Kongreso ng Amerika,    na ibalik sa kanila ang pagsasarili o independence, kong hindi possible, ay may nanaisin pa nilang manatili  na sakop ng Amerika, kaysa mapabilang sa kapatid na Pilipino, dahil islang kadahilanan: mag-kaiba sila ng Kultura at Kaugalian, lalo na sa paniniwala, dahil ang mga Pilipino ay Kristiyano na, at sila ay nanatiling Muslim pa rin.    

At nagging nagsasarili na ang Pilipinas, dahil binigy na ng Amerika ang “Kalayaan”. Nagplano ng mga programa ang bagong nagsasariling bansa (ang Pilipinas) kong papaano magkaisa sa paniniwala at kultura  ang mga taong tinatawag nilang Pilipino at ang ayaw na matawag na Pilipino (na ngayon ay lalong kilala sa tawag na Bangsamoro).

 Ang magkapatid na ito  ay nagkasalamuha, (naging kapit bahay at ang iba naging kabiyak,) at dito sa prosesong ito ay dahan-dahan, nabuo ang mga kultura at kaugalian na hindi ginagawa ng mga ninuno ng mga Bangsamoro at wala sa katuruan ng Islam.

Ang tanong ano ang mga ito, na mga kultura at  kaugalian na wala sa mga ninuno at  hindi itinuturo ng relihiyong Islam?

Narito ang ilan sa mga ginagawa ng ilan sa mga Bangsamoro sa ngayon na hindi na kasama sa mga kultura at kaugalian ng mga ninuno:

1. Pagdiriwang sa araw ng kapanganakan (Birthday)

Ang mga “assimilated” na  Bangsamoro sa ngayon ay nagdiriwang na rin ng kaarawan ng kanilang mga anak katulad ng mga Pilipino o yaong ngayon ay tinatawag na “settlers”.

Ang mga ninuno ng mga Bangsamoro ay may sarili silang pagdiriwang sa mga anak na bagong panganak, pagkapanganak ay tatawag sila ng Azan o bang sa tabi ng kanilang anak. Ilang araw o linggo ay magtatakda sila ng kanduli na tinatawag na “gunting” dito bibibigyan ng pormal ng pangalan ang bata. Sa ibang tribung  Bangsamoro (Maguindanaon, Iranun) mayroon din silang tinatawag na “likat sa lantay” isa din itong uri ng  kanduli (thanksgiving).

Papaano nagdiriwang ang mga ibang Pilipino ng kaarawan? Kanilang hinalaw marahil sa kanluraning kultura.

Ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng regalo sa may kaarawan.

Diyan marahil nahango ang pagdiriwang sa kaarawan ng kapangakan ni Jesus o Iesa (kapayapaan ay sasakanya).

Tanong bakit kayong mga Bangsamoro ay ipinag diriwang ang  Kaarawan ni Propeta Muhammad kong tawagin ninyo ay Maulidin Nabi.

Ito ay sadyang napakalungkot na nangyayari. Bagama’t ang mga Muslim ay may maliwanag na patnubay na nananatiling nasa orihinal na anyo hanggang sa ngayon, hindi pa rin maiwasan ng iba ang pagsagawa ng mga bagay na salungat sa itinuturo ng Islam.

Ito ay dulot ng kamangmangan sa pananampalataya at sa pagnanais na tularan ang ginagawa ng iba.

 Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
 “Anumang bagong bagay na isinasama sa ating pananampalatayang ito (Islam), ay hayaan itong itakwil.”
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
 “Wala nang iba pang gawain na makapaglalapit sa inyo sa Allah maliban lamang sa mga naituro ko sa inyo.”

 Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“May dalawang bagay akong iiwanan sa inyo na kung inyo itong panghahawakan ng mahigpit ay hindi kayo maliligaw: ang purong Salita ng Allah at ang aking Sunnah.” 

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Huwag magmalabis sa pagpuri sa akin kagaya ng ginawa ng mga Kristiyano sa anak ni Maria. Ako ay isang alipin, kaya’t inyo lamang  sabihin: “Alipin ng Allah at Kanyang Sugo”.

2. Pagpapaputok sa araw ng Id

Pagsapit ng Id (Hariya Puwasa at haj) ay nagpapaputok ang mga Bangsamoro, bilang pagsasaya, katulad ng pagdiriwang mga Intsik. Ang mga Intsik na kilalang mangangalakal sa mundo at dumating na sila ditto sa MINSUPA, at marahil ito ang impluwensa nila sa mga Talainged (native inahabitants).

Noon ang pinapuputok ay rebentador at kanyon na gawang Tsino, di nagtagal ay ginaya ng mga mga Pilipinong taga Bulacan.  Sa ngayon ay nawala ang mga iyon, at napalitan ng mga makabagong  armas na pumuputok at ito na ang ginagamit.

3-Kalilang (ceremonial of marriage)

Ang kasal ay sa mga restaurant o hotel ay isinasaayos ng mga “third generation” at kanila nila ito kinopya sa sa kultura ng settlers at dinagdagan ng kulturang Bangsamoro, lalo na yaong hindi pa tanggap ng mga katutubong Bangsamoro. Halimbawa ang Biblia ay pinalitan ng Qur’an. Nagsasabay ang babae at lalaki, at nagpaparada na ang babae kahit hindi pa sila kasal.

Naglalagay din sila ng decoration na tinatawag na pandala.

Ang mga Bangsamoro noon kong may ikakasal ay hiwalay ang lalaki at babae, pagkatapos ng Kutba Nikah (wedding sermon) ay sasamahan ang lalaki ng biyanan sa babaeng pinakakasalan.

Ang kalilang ay ginagawa sa bahay ng babae, isa araw o higit pa bago ang kawing l o kasalan.

4- Pagdadamit na nakalabas ang kahubaran, at pag-gaya sa ibang kasarian.
Sa ngayon ay nakapantalon ang mga babae katulad ng mga lalake, at ang mga damit ay hakab na hakab ang porma ng katawan.

Ang damit ng babae ay tinatawag na minoro ang pangitaas at malong ang pang-ibaba, ito ay kahantulad sa damit ng T’duray noon.  Nagtetendong (bandana) ang mga babae. Naglalagay ng mga decoration ang babae sa kanyang damit ng mga ginto o pilak.

Ang lalake naman ay gumagamit ng tubaw. At may nakasukbit na gurok sa tagiliran (maliit na punyal) at nakasabit na sundang o kampilan sa biwang at kong minsan may dala-dalang bangkaw (spears).

5-pag-inom ng alak na makalasing (kamer)
 Sa ngayon ay umiinom ng alak na makalasing ang mga Bangsamoro, katulad na rin mga Settlers na Pilipino, kahit ito ay patago sa mga kamag-anak o angkan, dahil sa isinusumpa o itinuturing noon ng mga ninuno na “kafir” (hindi naniniwala) ang uminom ng arak (alak na makalasing) ayon sa paniniwala ng ninuno o matatanda ay 40 na araw na walang matatanggap na amal (pagsamba sa Allah o Gawain para sa Allah ang matatanggap).

Ang basehan ng mga Bangsamoro kong bakit hindi dapat inumin ng isang  Naniniwala ang alak na makalasing ay base na rin sa Quran.

 “O kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga nakalalasing na alak (lahat ng uri ng inuming may alkohol at i iba pa  na  nakapagbibigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya’t iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay.” [Qur’an, Surah Al Maida: 90]

Mga sakit na idinudulot ang alak, (na base sa pananaliksik ng mga nakakaalam  at pwedeng makita ng harap-harapan):
1.     Binubuhay nito ang seksuwal na pagnanasa, na siyang nagtutulak sa tao na gumawa ng kasumpa-sumpa at karumal-dumal na tawag ng laman: na tulad ng panggagahasa, karahasan at kalaswaan. At ang pinatutungahan nito kung minsan ay pagpapatiwakal!
2.     Nagdudulot ito ng pinsala sa utak: Isa sa sanhi nito ay ang pagkawala ng memorya ng isang tao, sanhi rin ito ng pagkakaroon ng impeksiyon sa utak, pagkabulok ng ‘cortex cells’ (nagpapagalaw sa ating kalamnan)  sa utak ng isang tao na nauuwi sa pagkasira ng ulo.
3.     Nagiging sanhi rin ito ng unti-unting pagkabaog o pagkainutil ng isang tao at pagkaparalitiko ng buong katawan. (kayo sigoro marami kayong alam na naparalitiko na palainum ng alak,)
4.     Pinipinsala rin nito ang atay ng isang tao, na kung kaya mabibigo nitong alisin ang mga lason sa loob ng katawan, lalung-lalo na ang ‘amonia.’ At dahil sa ganitong pangyayari ay tataas ang antas ng lason sa dugo. At ang lason na ito ang makaka-apekto sa pagkilos ng kaisipan at makakagambala sa emosyon: Na kung kaya, hindi na magiging normal ang kanyang pagkilos at pag-uugali. Magiging makasarili na siya, magalitin, mapaghiala at magiging malungkutin.
5.     Pagkakaroon ng depekto sa kidney, sa albumin sa ihi, at nakakamatay na pangangasim ng dugo (o fatal blood acidity), na magwawakas sa ‘heart failure.’
6.     Nagdudulot ng impeksiyon sa ‘Nerve’ ng mga mata na humahantong sa pagkabulag ng tao.
7.     Nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mga kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.

Ito po ang inyong Kapatid na Bangsamoro, Kaka Alih, hanggang sa muli. Wassallamu Alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.

LUCY/HOST: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, sana mga kapatid na nanonood at nakikinig, mayroon kayong napulot ana aral at muli kaming samahan, bukas sa isa pang segment na ibabahagi ni Kaka Ali.

(Play- EXTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento