Nanampalatayang Islam sa Upi Nag-kaisa sa pagdiwang ng Hariraya Puwasa
Nuro, Upi (July 18, 2015)….NITONG Biyernes ay mahigit isang libong mga |Muslim o mananampalatayang Islam ang nakikiisa sa isinasagawang Jamaah Salaah o mananampalatayang Islam ang nakikiisa sa isinasagawang congregational prayer ng Hariraya Puwasa o Eidil Fitr sa bayan ng Upi.
Ang anim na Masjeed sa Barangay Nuro ay nag-kaisa na sa open ground ng Nuro Central Elementary School. At ang nagbigay ng Kuthbah o sermon ay si Shiek Abdulhadie Gumander na isang pantas na nagtapos ng pag-aaral sa bangsang Kuwait. Sa kanyang Kuthba o sermon ay Wikang Pilipino ang ginamit dahil sa marami pa sa Nanampalataya sa Islam sa Upi ang hindi maintindihan ang wikang Iranun o Maguindawon.
Dahil sa malinaw na naintindihan ang Kuthba ay taimtim na nakinig ang lahat, katulad ni Atty. Rolando “Anwar” Chew isang mestizong Pilipino Chinese, na ilang taon pa lang tinanggap ang Islam. Ang ilan sa mga ito ay nagmungkahi na paminsanminsan ay gamitin ang wikang Pilipino o Tagalog sa mga Kuthba.
Sa Barangay Nuro na nagtipontipon ay ang Masjeed Nor, Masjeed Rahmani, Masjeed Darusallam, Masjeed Falahi na nasa Upi Agrcultural School, Masjeed Sarifuddin at Masjeed Blensong.
Sa Barangay ay nagkaisa din ang mga Masjeed na isagawa ang Salaah sa Upi Mahad o Madrasa na nasa tabi ng highway, ganoon din sa Barangay Kibleg.
Ang pagsambayang o congregational prayer sa open ground ay isa nakaugalian ng mga Gawain ni Propeta Muhammad (ang Kapayapaan ay Sasakanya Nawa).
Di naman mabilang na mga text ng celpon ang nagpapaabot ng pagbati ng happy eidel fitr mula sa mga mamamayan, ganon din sa mga official ng bayan.
Nagpadala din si Mayor Ramon Piang Sr, ng sms o text ng kanyang pakikiisa at panalangin sa mga Kapatid na Muslim Ummah, at ito ay nai-resend naman ni Kaka Alih sa libo-libong nanampalatayang Muslim sa bayan ng Upi, at inipost din nito sa kanyang Facebook account na tumanggap naman ng magagandang comento.
Samantala kasabay din ng pagtatapos ng Ramadan, hiling din ng mga Muslim na matapos na ang kaguluhang nangyayari sa Mindanao.
Sa panayam naman mga kasamahang Media kay Ghadzali Jaafar, ang MILF vice chairman for political affairs, umaasa ito na mabigyan na ng kapayapaan ang Mindanao at tapusin na ang kaguluhan sa mapayapang paraan.
Dagdag pa nito na dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar, naapektuhan na rin ang buong bansa.
Binigyang-diin nila na kailangang manatili ang diwa ng fasting sa puso at isipan ng mga Muslim bilang pag-alala sa mga taong walang makain at walang mainom.
Samantala Naibalita din sa may Visayas na malpayapa naman na natapos ang pagtitipon ng mga Muslim sa pagtatapos ng Ramadan sa Lungsod ng Cebu sa may Plaza Independencia kung saan sabay-sabay silang nanalangin at pagkatapos ay nagkaroon ng kaunting salo-salo.
Ang Jamaah Edil Fiter sa Upi ay ginanap sa Nuro Central Elementary School, na umabot sa isang libo ang nakadalo. |
Sa Dua o Dasal ni Ustadz Najeeb Razul Fernandez, ang presidente ng Voice of Islam, na ang pag-aayuno sa Ramadan ay siyang makakapagbago sa buhay ng isang tao kung saan magagabayan at makakaiwas ito sa mga Nanampatayang Muslim sa mga bagay na magiging dahilan ng kanilang pagkakasala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento