Lunes, Enero 11, 2016

DAHILAN NG DI PAGKAKAUNAWAAN

(Enero 11,  2016-Martes- Script na sinulat ni Alih S. Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay  at Talakayang Pampamilya”. Host –Ms Lucy Duce)

 (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Makipangkasunndo tayo prasa sa Kapayapaan

LUCY: Magandang umaga Kaka Alih.

KAKA ALIH : Magandang umaga din Lucy, Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang  kapayapaan sasaatin nawa..)

Ang tanong mo  bakit    hindi nagkakaisa o nagkakasundo sundo  ang mga tao? Kong minsay pa  nag-away-away na may sakitan at mayroon pang  humantong na sa patayan?

 Bakit nga ba Kaibigan?

Ganito ang sagot ng isang kumpare natin  minsan itanong natin ang kahantulad na tanong:

“Ah na Kaka Ali, maraming dahilan  bakit nag-away away o hindi nagkakasundo  ang mga tao dito sa mundo.”  

Ang ibang dahilan na siya  ngayong ang uso,   na dahilan kong bakit hindi nagkakasundo kahit magkakapatid o magkakamag-anak. 

LUCY: Bakit Kaka Alih, may uso-uso pa ba ang dahilan ng away?

  Of course naman, ang  pulitika! (PLAY LAUGHING) Yes, ang pulitika o politics ito ang madalas  na dahilan.  Election Fever na!! este election period pala, nagsimula na ang GUN BAN, o bawala ang pagdadala ang baril kahit lisinsiyado, unless may permiso ka mula sa COMELEC.

Mayroon pang malalim na   dahilan na hindi pinagkakasunduan ng mga tao, karapatan sa lupang ninuno  o ang ancestral domain. Sa R’nawon at T’duray  ay tinatawag nila itong “pusaka inged” .

Ta mga Bangsamoro, ito ang tinaguriang ancestral domain, at sa mga Teduray o  IP’s Ancestral domain, unti unti ng nawawala sa kanila, kaya dapat na maibalik na sa kanila ang pamamahala sa kanilang lupang ninuno. Alam ba ninyo na isa ito na dahilan kong bakit may mga nag-rerebelde sa goberno, dahil sa karapatan sa lupang ninuno.

Ang lupa sa ngayon ay mahalaga, kong wala kang lupa saan ka titira? Katunayan nga kahit konting bahagi lamang   ng lupa, kahit na daw yaong mohon lang  o pananda ng lupa at inilipat ng isang hakbang lamang,  ay pinag-aawayan  na yan ng magkakamag-anak.  Kong minsan  magkapatid  pa nga.
Another reason kong bakit hindi nagkakasundo ay itong nalalabag ang karapatang pangtao o  human rights, isa ito sa mga matinding mga dahilan kong bakit mga nag-away-away ang  mga tao  sa ngayon:

Sa paliwanag n gating Kapatid na isang abogadong  Muslim sa Upi,  si Atty Rolando “Anwar”  Chew.  “…hindi nagkakasundo  ang mga tao tao    dahil  sa kulang sa kaalaman sa kanilang karapatan maraming dahilan ang nagiging dahilan ng mga di pinagkakasunduan ng mga tao”  

LUCY: Kaka Alih, Papaano  lulutasin ang mga ganitong problema, na nag-away  away o hindi nagkakasundo ang mga tao?

KAKA ALIH: Ang solusyon sa mga ganitong  problema?  Sa problema  sa pulitika kinakailangan ang pairalin ang tunay na  pulitika, wlang dayaan, matuto tayong sumunod sa itinakda ng  batas, huwag ng palitan ang mga nakuhang  botante ng kandidato, at kong minsan kong sino ang  maliit ang boto ay siya pa ang naproklem.

Sa usaping human rights, ang advise  ni Atty Rolando Anwar Chew, “Ang sulosyon sa ganitong problema ay, alamin mo ang inyong karapatan  ayon  sa nakasaad sa  batas.”

Ang sabi  naman ni Ustadz Faizal Dacungan : “.. ang  paniniwala sa Poong Maykapal o Diyos ang pinaka-solusyon sa ganitong problema, ang  buhay ng tao ay pinahahalagaan  ng Allah  o  Diyos tayo pa  kayang tao? “

Para maiwasan ang di pagkakaunawaan ay ganito ang dapat gawin: “Kong  ikaw ay isang Kristiyano, sundin mo inyong Biblia at kong ikaw naman ay Muslim o nanampalataya sa Islam, sundin ang Sunnah at Qur’an.”  Payo naman ni Ustadz Ahmad.

Para sa  Gabay  at Talakayang Pampamilya, ito ang inyong  Kaka Ali, ang inyong segment writer ,  na  naniniwala na ang may paniniwala sa Poong Lumikha, ay  mahirap makumbinsi ni Shaitan o Satanas na gumawa ng  masama, sapagkat ang Shaitan ang nag-uudyok sa tao  na gumawa ng masama, kaya itakwil natin  ang Shaitan o si Satanas.

Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu.

LUCY:: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, ipairal sa tuwi-tuwi na ang respeto sa bawat isa, lalo na sa ating sarili, makamtan natin ang kapayapaan.


(Play- EXTRO- Gabay  at Talakayang Pampamilya)

Linggo, Enero 10, 2016

Edukasyon ay Kayamanan

 (January 11, 2016 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talalakayang Pampamilya”. Lucy Billones)
 (Play- Intro- Gabay   at Talalakayang Pampamilya)
LUCY : Asssallamu alaikum Warahmataullahi Wabaraakatuh.   Kaka Alih, 
Kaka Alih:  Wallaikumi Sallam Lucy  at ang aking pagbati ng  assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.
Matanong kita kapatid,  gaano ba kahalaga ang edukasyon   para sa iyo?
Abdulkareem during His KinderGarten graduation
Alam mo Kapatid Ang edukasyon ay kakambal ng kaunlaran, mahirap marating ang kaularan kong salat tayo ng karunungan.
Ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan.  
Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi, hindi lamang po ng pagbasa at pagsulat.
Ang  ibig sabihin ito   ay hindi  lamang dapat mong  malaman ang isang bagay  kundi dapat  mo rin pag-aralan ang kahalagahan  nito, at papaano gagamitin. Ang kong sakalaing may sapat ka ng  kaalaman dito ay kinakailangan naman ang pag-sasanay sa sarili, na gamitin  ito.
May nagtanong din sa  akin na estudyante, assignment yata niya, “Bakit ba mahalaga ang edukasyon sir?”
Ang naging tugon sa kanya ay,  “…mahalaga ang edukasyon pagkat ito ang magsisilbing gabay sa lahat,  lalo na sa mga kabataan na tulad mo. Mahalaga  ito dahil ang isang taong may talino, matutupad ang mga pangarap saan man siya magpunta.    Ito ay  isang kayaman na kailan man ay hindi mananakaw. Ito ang  kayamanan  na kapag ipinamigay mo ay hindi  nababawasan, kundi  lalo pang  nadagdagan.”
Ikaw Lucy , may  maisasagot ka   sa ganoon tanong  “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
LUCY: Mahalaga ang edukasyon, kapag may  taglay ang isang tao sya ay nagkakaroon ng higit na kapakinabangan hindi sa kanyang sarili,  kundi sa pamilya at lipunan,  samantala  ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng suliranin hindi lang sa kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.
Kaka Alih: Tama ka Lucy, Sadyang hindi matatawaran ang kahalagahan ng edukasyon    sa ating  mga  tao. Ang salat sa edukasyon ay tatanda siyang mangmang o kulang sa kaalaman, ang taong kulang sa kaalaman ay kukunti ang maiaaabag o maitutulong sa ating pag-unlad.
Sino  na ang  gagagawa ng mga tulay, kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa mga paaralan kong walang  nakatapos na mga guro? Sino  abng gagamot sa sakitin kong walang  mga doctor?
Kaya nararapat lamang na mag-aral tayo,  pag-aralin aang  ating mga anak, DAHIL  ang edukasyon ay mahalaga sa tao, ang taong kulang sa edukasyon ay salat sa karunungan at yaman.
May sinabi ang Propeta Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin  ang karunungan mula sa duyan hanggan sa libingan).
 Ito po ang inyong Kapatid - Kaka   Alih,  Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya,  Sukran and Wassallam.
LUCY: Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral na  ibinahagi mo  ngayong umaga,   (EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Lunes, Enero 4, 2016

MATATAG NA PAMILYA AT KAUNLARAN
Get Together sa aking mga Apu, eating pungu a Tug (Nipa)
          
(January 04, 2012 {24 Jumadil Awwal 1437}-Lunes Script na sinulat ng segment writer at presentor na ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Lucy  Billones)

Host/Lucy: “Ang matatag o matibay na pamilya ay pangarap ng bawat magulang,ni  nanay o tatay… nitong unang araw ng  pangtatanghal sa ating segment na  Gabay at Talakayang Pamapamilya, ay pag-uusapan natin with our Tatay sa makabagong panahon, si Kaka Alih.

 (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Kaka Alih: Maraming Salamat Lucy, sa maganda introductory na pagpapkilala mo sa akin, “Tatay sa makabagong panahon” akala ko Tatay for all seasons! (LAUGHING) ,

Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya, at good morning sa naman sa lahat ng mga  nakikinig.

Lucy, matanong muna kita, bilang isang Nanay at Lola na rin (LAUGHING), please describe o what can you say about o  tungkol  pamilya o family?

Host/Lucy: Para sa akin Kaka Alih, Mahalaga ang pamilya sa isang pamayanan o community,  dahil ito   ang sentro ng ating lipunan.

KAKA ALIH: Tama! Halimbawa niyan Lucy  ay ang Barangay. Ang barangay  ay binubuo ng maraming pamilya, na hindi kukulangin sa dalawang libo, or else babalik sa mother Barangay, kong baong ceated barangay yan..

Kung walang tao o  mga pamilya sa  Barangay  wala ding  barangay, walang mga Barangay walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at wala  ang bansa.

Nabubuo ang isang bayan o bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan  sa mga kahalagahan ng isang pamilya.

Kong anong klaseng pamilya ang nakatira sa barangay iyon din ang magiging kalagayan ng lugar na yaon. Kapag sakitin ang mga mamayan nito, Kapag mahihina ang pamilya na nakatira dito, ay of course medyo mabagal ang kaunlaran dito

Host/Lucy:  May  tanong  pa ako “Kaka Alih, papaano ang pagbubuo ng isang matatag na pamilya?

KAKA ALIH: Bago natin sagutin ang katanungan kong papaano ang pagbuo ng isang matatag na pamilya,  ay liwanagin muna natin ang  kahulugan ng tinatawag na pamilya.  

Ano ang kahulugan  ng pamilya?

“ Simple lang  Kak, sagot kaagad ng batang mag-aaral ng Upi,   Ang sinasabing pamilya ay si tatay, si nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya” (LAUGHING)

Oo nga no?   simple lang  pala, ang term  na  pamilya,  ang  pamilya ay binubuo ni tatay, ni nanay o mga nanay (LAUGHING) oo dahil marami  ang asawa. (LAUGHING)  , si ate si Kuya si Bunso.. plus plus pa..kong masipag si tatay (LAUGHING).

Saan ko yan  makikita Kaka Alih?


Saan? Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya.  Maaaring mayaman o mahirap sila.  Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o  mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak.

 May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang   kahong puno ng mga bagay na kahit ano ang  ipinasok na gusto mo, ay pwede. Maaring  nakapaloob dito ang  pagmamahal, katuwaan, kaligayahan   at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahon  na  mabubuksan kailan mo.

Subalit lalong mainam  kong  ihalintulad natin ang  pamilya sa  kahon na  walang laman. Ok  lang  po  ba? 

Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay.  Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya. Ikaw ang naglalagay ng laman ng kahon. Ikaw ang nag-gigiya o naglilinang sa kinabukassan ng inyong pamilya.

Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa.

Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.

May nagwika pa na:  “ang  matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa.”

 Tama po ba kaibigan?

Ang payo nga ng isang guidance counselor na  kaibigan  natin : “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya. Gawing mong ehemplo o sample ang inyong sarili. Ipakita ang ugali na gustong mangyari”.

Host/Lucy: Kaka Alih, matanong ko lang, ano ang  kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?

 Kaka Ali: Lucy,  kaibigan para maging matatag ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya:

Dapat ang isang magulang ay may pananagutan sa kanyang pamilya.

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa,  sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. 

Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya.  Halimbawa ay:

·        Maging tapat sa inyong pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha.

·        Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;

·        Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya.

·        Maging maaasahan. 

·        Tumawag o magtext  sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.

·        Kung naglakbay ka sa malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming  magsabi ng  “mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)

·        Kapag may problema,  dumulog  sa isang kamag-anak, kaibigan   , para matulungan kayong harapin ito.

·        Dapat ang isang magulang ay may  pagpapahalaga sa kanyang pamilya.

Papaano?  Ipakita  pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila.

Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.

Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng  positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.

Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).

Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba,)

Dapat ang isang magulang ay may umagapay sa kanyang    pamilya.

Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng  problema.  Ngunit gamitin ang problemang ito   para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa.  Kaibigan, makinig ka,  kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag.

Pwede mo itong subukin para isolb ang problema ng iyong pamilya:

Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.

Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting.  Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay  malalagpasan ng  pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.

Harapin ang mga problema nang dahan-dahan.  Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.

Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks.  Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.

Kapamilya  muli ninyo kaming samahan   sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ito ang inyong kapamilya ang inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Host/Lucy: Inyong narinig ang amang may pagpapahalaga sa kanyang pamilya, ikaw kaibigan,  tinutulungan o umaagapay ka rin bas a  inyong pamilya, kong wala pa, hindipa  huli  ang lahat..may pagkakataon  ka pa upang lalong papatagin  ang pundasyon ng inyong pamilya.. sa muli abangan an gating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya at  sigorado  kong  marami kayong  mapupulot na aral, lalo yaong mga responsableng magulang.

(PLAY-EXTRO Gabay at Talakayang Pampamilya)


Host/Lucy: Mga giliw naming  nakikinig,  sa isa namang Gabay at Talakayang Pampamilya mula kay Kaka Alih, bukas  muling , abangan    ating segment writer na si  Kaka Alih.