(January 11,
2016 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00
A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talalakayang Pampamilya”. Lucy Billones)
(Play- Intro-
Gabay at Talalakayang Pampamilya)
LUCY : Asssallamu
alaikum Warahmataullahi Wabaraakatuh. Kaka
Alih,
Kaka Alih: Wallaikumi
Sallam Lucy at ang aking pagbati ng assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh,
sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa
mga kapatid na Muslim.
Matanong kita kapatid, gaano ba kahalaga ang edukasyon para
sa iyo?
Abdulkareem during His KinderGarten graduation |
Alam mo Kapatid Ang edukasyon
ay kakambal ng kaunlaran, mahirap marating ang kaularan kong salat tayo ng
karunungan.
Ang edukasyon ay
kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan.
Isa sa mga pangunahing
layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi,
hindi lamang po ng pagbasa at pagsulat.
Ang ibig sabihin ito ay
hindi lamang dapat mong malaman ang isang bagay kundi dapat
mo rin pag-aralan ang kahalagahan
nito, at papaano gagamitin. Ang kong sakalaing may sapat ka ng kaalaman dito ay kinakailangan naman ang
pag-sasanay sa sarili, na gamitin ito.
May nagtanong din sa akin na estudyante, assignment yata niya,
“Bakit ba mahalaga ang edukasyon sir?”
Ang naging tugon sa kanya
ay, “…mahalaga ang edukasyon pagkat
ito ang magsisilbing gabay sa lahat,
lalo na sa mga kabataan na tulad mo. Mahalaga ito dahil ang isang taong may talino,
matutupad ang mga pangarap saan man siya magpunta. Ito
ay isang kayaman na kailan man ay hindi
mananakaw. Ito ang kayamanan na kapag ipinamigay mo ay hindi nababawasan, kundi lalo pang
nadagdagan.”
Ikaw Lucy , may maisasagot ka sa ganoon tanong “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
LUCY: Mahalaga ang edukasyon, kapag may taglay ang isang tao sya ay nagkakaroon ng
higit na kapakinabangan hindi sa kanyang sarili, kundi sa pamilya at lipunan, samantala ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng
suliranin hindi lang sa kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.
Kaka Alih: Tama ka Lucy, Sadyang hindi matatawaran
ang kahalagahan ng edukasyon sa ating mga
tao. Ang salat sa edukasyon ay tatanda siyang mangmang o kulang sa
kaalaman, ang taong kulang sa kaalaman ay kukunti ang maiaaabag o maitutulong
sa ating pag-unlad.
Sino na ang
gagagawa ng mga tulay, kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa
mga paaralan kong walang nakatapos na
mga guro? Sino abng gagamot sa sakitin
kong walang mga doctor?
Kaya nararapat lamang na
mag-aral tayo, pag-aralin aang ating mga anak, DAHIL ang edukasyon ay mahalaga sa tao, ang taong
kulang sa edukasyon ay salat sa karunungan at yaman.
May sinabi ang Propeta
Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin ang karunungan mula sa duyan hanggan sa
libingan).
Ito po ang inyong Kapatid - Kaka Alih, Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin
ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya, Sukran and Wassallam.
LUCY: Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral
na ibinahagi mo ngayong umaga, (EXTRO-
Gabay at Talakayang Pampamilya)
At sabayan nag pagsisikap para sa magandang kinabukasan.sakit.info
TumugonBurahin