Huwebes, Pebrero 20, 2014

Ayaw ka bang Dalawin ng Antok? o Hindi na Talaga Makatulog?

DR. WILLIE ONG

(February 21, 2014,  -Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan  at Talakayang Pampamilya”. Host Ms Lucy Duce)

LUCY:  Kaibigan, ayaw ka bang dalawin ng antok? O  hindi na talaga makatulog?        Don’t worry just listen to  Kaka Alih, baka masulosyonan ang problema mo kaibigan.

 (PLAY-INTRO  - GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
LUCY:  Magandang umaga Kaka Alih.

KAKA ALIH: Magandang umaga din Lucy, at sa mga kapatid na nakikinig    Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, naman sa mga kapatid na Muslim, sa mga Nanampalataya sa Islam,.  

Marahil Lucy, mayroon kang kaibigan na  ang naidadaing o nirereklamo  ay   ay ayaw dalawin ng antok, o minsan hindi makatulog.

LUCY:  Tama ka diyan Kaka, may gamut ba diyan?.

KAKA ALIH: Of course naman Lucy, mayroon, heto an gating tatalakayin, kaya makinig.

Dahil common sickness na ang ganitong problema, ito ang napili natin na topic, heto  nag-hanap  ako ng sulosyon sa problemang nasagap natin, thru internet.

Search ko sa google search engine, ang hindi makatulog, laking pasasalamat natin, lumabas kaagag ang sagot.  Ang naging friend natin sa Facebook at Blogs, na mag-asawang Dr. at Dra. Willie Ong, (ang nagpadala sa ating mga babasahing aklat) ang naging  sagot sa   problema. Ito  ang nagustuhan ko, sa may internet connection ka,   dahil sa new technology, sa isang kisap mata may sagot kana sa mga tanong.

Ayon sa sinulat ni Dr. Willie Ong, ganito ang nakasulat: “Dear Doc. Willie. Hirap akong makatulog. Kapag stressed ako, hindi ko mapigilan mag-isip ng mga problema. Ano po ang mapapayo niyo? Umaasa, James”

Hayun similar ang tanong sa atin sa tanong din kay Dr. Willie Ong.

Heto  ang sagot ni Doc Willie Ong:

“Ang pagtulog ay isang normal na proseso ng katawan. Puwede mong turuan ang iyong sarili na makatulog ng mahimbing.”
Morning Jogging with former Mayor Marmar, along  Jalan Malioboro
in Yogyakarta, Indonesia

Kapatid kong may problema ka sa pagtulog o  kong wala pa  naman, makinig ka  parin  anong malay  baka bukas, maranasan mo ang nararanasan ng kaibigan ni Kaka Ali at James.

Kapatid heto na ang mga payo ni Doctor, Willie Ong.  

“1)      Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog. Matulog ng parehong oras bawat gabi. Halimbawa, tuwing alas-9 ng gabi ay nakahiga ka na para masanay ang inyong katawan.”

Kaka, Papaano ang favorite kong teleserye sa TV? No probs my friend,  Eh  simple lang adjust ka ng time sa pag-tulog, tuwing 11 oclock ka matulog, ang iportante sabi  ni Dok sanayin ang oras sa pagtulog.  

“2)      Kumain ng tama. Huwag magpakabusog o magpakagutom. Mahirap matulog kung kumukulo ang tiyan dahil sa gutom. Umiwas din sa maaanghang o spicy foods bago matulog.

3)      Uminom ng Vitamin B Complex. Pampagana ito ng pagkain at makatutulong din sa pagtulog

4)      Magkaroon ng regular na ehersisyo. Masarap matulog kapag napagod ang katawan sa umaga. Ayon sa Bibliya, masarap ang tulog ng manggagawa. Ito’y dahil pagod ang katawan ng isang nagtratrabaho.

Kaibigan pwede kang maglinis sa umaga sa bakuran o sa bukid kaya, huwag masyadong tamad.

5)      Umiwas sa pag-inom ng kape. Pampagising kasi ang caffeine, na nakukuha sa kape.

6)      Umiwas din sa pag-inom ng alak. U huwag na talagang uminom, dahil ito ay Haram sa Islam. Marami ang gumagamit ng alak para sila makatulog pero may masamang epekto po ito sa ating puso at atay. Matamlay ka at may hang-over din sa umaga.

7)      Umiwas sa paninigarilyo. May nicotine ito na nagdudulot ng kanser at gumigising sa iyong isipan. Kaya naman sa ngayon ay deklaradong Haram na ito n gating Darul Ifta ang paninigarilyo.

8)      Huwag magtrabaho pagkalampas ng ika-6 ng gabi. Yes lalo na mga Muslim, yaong nanamplataya sa Islam, dahil waktu nay an ng Magrib, or sunset prayer, Pare Mare, magsalah ka, o magsambayang tayo.  Ihinto mo na ang iyong isipan. Hayaan mo nang mag-relax ang iyong utak.

9)      Mag-relax bago matulog. Puwede kang manood ng katawa-tawang palabas sa telebisyon o magbasa ng magasin o komiks.  Pwede din daw yung…. never mind…..(LAUGHING).

Kaibigan, mayroon    nakaka na payo si  Dok Willie, at alam ko magugustuhan  mo  na rin katulad ng kumpare ko,.  

Makakatulong daw  ang makipag-sex sa gabi sa inyong asawa.

Ayon sa study, na isinagawa ang mga expert,  nakatatanggal daw ng stress ang pakikipagsex,    of course… only  sa ating  asawa o sa ating mga asawa..

(LAUGHING).

LUCY:  Papaano  Kaka ang walang asawa?

KAKA: A nana mag-asawa, kong wala ng asawa, o hindi pa nakapag asawa,laktawan na lang itong payo number 9 ni Doc Willie Ong. (LAUGHING).

Ano ba yan, balikan natin si Doc, ang sabi Doc Willie: “Nagiging mahimbing din ang pag-tulog ng tao pagkatapos   ng sex.. (LAUGHING).

Pare Walang malisya! Telling the truth tayo, mula iyan kay Doc Willie. (LAUGHING).

10)   Ilayo ang mga relos O  ALARM  CLOCK. Huwag kumuha ng maiingay na relos na tumutunog kada oras. Bumili ng digital clock. Baka ka ma-stress dahil maaalala mong hindi ka pa nakatulog.

Gumamit ng celpon bilang alarm clock, speaking of celpon, nakakadistorbo din ang celpon, kaya pwedeng OFF muna, or silent mode,  para wala ng txt o call.

11)  Huwag mag-schedule ng maagang meeting. I suggest 9 ng umaga, but come on time. Kung alam mong may gagawin ka ng maaga bukas, baka hindi ka makatulog sa gabi. Normal lang po ito dahil excited ka.

12)  Gawing matahimik at komportable ang iyong tulugan. Bawasan ang mga ingay at kaluskos sa tabi. PUKSAIN ANG PESTENG DAGA NA  MAINGAY. Itali ang asong tahol ng tahol, pakainin baka gutom na yan. Patulugin na si rin si beybi. Gawing madilim ang silid. OFF your lights, makakatipis ka pag bayarin sa korente. Ang hirap nito baka iba ang interpretasayon ni Mr… (LAUGHING).

13)  Bumili ng komportableng kama, unan at kumot. MAYROON NAMAN DIYAN NA INSTALLMENT, abangan yaong mga Bombay na nagpapautang. (LAUGHING).. Puwede kang magkulambo para hindi ka kagatin ng lamok. At ligtas ka pa sa kagat ng lamok na may dalang dengue.

14)  Huwag itapat sa iyo ang electric fan. Masama po ito sa  kalusugan at puwede kang magka-Bell’s Palsy (ngumiwi at maparalisa ang mukha). Hayaan lang umi­kot-ikot paitaas ang hangin.

15)  Uminom ng mainit na gatas o sopas bago matulog. Maganda rin ang saging o cookies sa gabi.PeroLucy, ang sinasabi kong saging ay totoong saging , (LAUGHING)..  Saba o lakatan o iba pang variety. Ang saging ay may tryptophan na nakakaantok.

16)  Huwag umidlip sa hapon. Umiwas sa siesta at pagtulog sa araw. Dahil kapag nakatulog ka na sa araw ay hindi ka na aantukin sa gabi. Ipunin mo na lang ang iyong tulog sa gabi.

17)  At siyempre, huwag kalimutan magdasal   Ipasa mo ang iyong iniisip sa Diyos. Siya na ang bahala lumutas nito. SA MGA MUSLIM PWEDE MABISA ANG MAGTASBIH KAYO HALIMBAWA “SUBAHANALLAH”,“ALLAH AKBAR”, “ALHAMDULLLILAH”…Ang isa pa na sinabi ni Ustadz,  “Magbasa tayo ng Quran”, lalo kong Ramadan, times 70 na hasana ang reward mo sa bawat titik o letra na mababasa.

SA MGA KRISTIYANO naman ay Magdasal ng ganito: “Diyos ko, gawin mo pong maganda ang araw na ito para sa akin at pamilya. May mga problema ako pero alam kong hindi mo ako pababayaan. Matutulog na ako at ipapakiusap ko na bantayan mo ang aking mga mahal sa buhay. Ipapasa ko na sa iyo ang lahat ng problema ko. At paggising ko bukas, ng malakas at masaya, magagawa ko na po ang pinagagawa mo sa akin. Amen.” 

Ito po ang inyong Kapatid  na si  Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat ituloy ang pananaliksik ng karunungan, katulad ng sinabi ng Propeta Muhamad SAW:  “Seek knowldege from the cradle to the grave” (hanapin mo ang karunungan mula sa duyan hanggang sa libingan.)   

Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na gabay at talakaayang pampamilya,..  Sukran and Wassallam

LUCY:  Maraming salamat Kaka Alih, muling abangan ang mga makabuluhan at punong puno na kaalaman na sadya niresearch at sinulat ni Kaka Alih, at sinisigoronamin  sa inyo na maaaliw pa kayo, basta si  Kaka Ali, katum ini.

(PLAY-EXTRO- GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)

Miyerkules, Pebrero 19, 2014

Bangsamoro, Pilipino, Muslim, At Islam

(February 20, 2014,  Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “GABAY KALAUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”. Host –Lucy Duce)
Kaka Alih sa segment na Gabay Kalusugan at Talakayang
pampamilya sa Buhay-buhay (8:00-8;00 AM-Mon-Fri)



Host/Lucy: “Ikaw Kaibigan, alam mo ba ang kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim, At Islam? Alam mo ba kailan, saan dapat gamitin? Alam mo o hindi? Samahan ninyo kami ni Kaka Alih sa ating segment na  Nakaka…..”

(PLAY INTRO-) GABAY KALAUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”

Kaka Alih:   “Kilala ko na sila pare”.  sagot kaagad ng isa ng nating kumpare.
Sino sila?

“Sila ang mga taga Mindanao, sila ay mga Muslim, hindi kumakain ng baboy”. Paliwanag ni pare.

Iyan ba ang tunay na kahulugan ng Bangsamoro?  Ng Muslim? Buweno  ating tatalakayin ang Kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim at Islam, ang mga kumplikadong mga terms sa ngayon, dahil hindi pa gaanong naiintindihan.

Host/Lucy:  Sino ang Pilipino at Bangsamoro?

Ibat ibang tribu ng Mindanaw na Bangsamoro
Tunghayan natin ang pagpapaliwanag ng isang manunulat kong sino ang Bangsamoro at Pilipino na sinulat ni Kaka Ali na may titulo na Pilipino at Bangsamoro, Magkapatid?

 “Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Ang ilan sa Pilipino ay ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.

Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad na katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na o mga taga Morocco.

Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong M'ranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Suban'n, Tau Sug at marami pang iba, ang ibang manunulat, tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ng Islamized ay tinanggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang pananampalataya.”

May mahigit sampung mga tribu na kinikila   bilang mga Bangsamoro, ang alam natin dito sa Upi na Bangsamoro ay ang Maguindanaon, Meranao, Iranun,   Tau Sug at marami pang iba.

Sa FAB ay lalo pang pinatibay ang term na Bangsamoro, tinukoy dito kong sino ang Bangsamoro. Sila na mga native inhabitants, mga nauna ng nanirahan ditto sa Mindanao, ang mga pamilya nito ay tatawagin na ring Bangsamoro.

Host/Lucy:  Sino naman ang mga  Muslim?

Alam mo kapatid na nakikinig, marami sa atin ang nag-aakala na ang Muslim ay isang taong isinilang mula sa mga magulang na Muslim, o di kaya, siya yaong isinilang sa Mindanao o sa bansa, tulad ng Saudi Arabia na ang nakakarami ay Muslim.

 Ayon sa ating mga Aleem o Marurunong, ang lahi, kulay, tribo, angkan, o pangalan ay hindi mga batayan upang ang isang tao ay matawag na Muslim. 

“Ang Muslim ay ang nilikha ng Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kanyang mga kautusan. Sa katunayan, hindi lamang tao ang matatawag na Muslim. Maging ang lahat na nilikha ng Allah bukod pa sa tao (katulad ng mga bituin sa kalangitan, ang araw at ang hangin) ay maituturing na Muslim, sapagkat silang lahat ay mga nilikha na sumusunod sa likas na batas na inilagay ng Allah sa kalikasan.

Isang kamalian at hindi kailanman matatanggap ng mga Muslim na tawagin silang mga “ Muhammedan ”, sapagkat ito ay nagbibigay kahulugan ng pagsamba kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Ang Islam ay hindi kailanman nagtuturo ng pagsamba sa Propeta o anumang nilikha lamang ng Allah. Bagkus, ito ay naghihikayat sa tao na sumamba lamang sa tangi at nag-iisang Allah, at nagbabawal sa anumang uri ng pagsamba na iniuukol sa nilikha.” (http://moro.jeeran.com/)

Host/Lucy:  Ano naman ang kahulugan ng Islam?

Ang kahulugan ng Islam ay pagsuko at pagsunod sa mga kautusan ng Allah nang walang pagtutol.

 “Ang terminong Muslim ay tumutukoy sa tao na naniniwala sa Allah(Poong Maykapal). Na sa simpleng pag-sasalin (translation) ang ibig sabinin nito ay “Naniniwala” (Believer) at sa relihiyong pag-uusap (religious connotation) ang ibig sabihin ay ang taong….. “sumuko sa Dakilang Lumikha” at ang kanyang rehiliyon ay Islam, na ang ibig sabihin naman sa payak (simple translation) na paghuhubad ay Kapayapaan (Sallam). At sa relihiyong pag-tanaw ay… “isinuko ang sarili sa Poong Lumikha” (one who submit to the Will of God).

Kapatid sana ay nagkaliwanagan na tayo sa terminong Bangsamoro, Pilipino, Muslim, Islam, sa muli kami ay nag-anyaya sa darating na Lunes, samahan ninyo kami sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ang segment writer/reporter Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Ito ang inyong kapatid   Kaka Ali ang inyong segment writer at producer,   Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

(PLAY-EXTRO GABAY KALAUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”)


FEBRUARY 20, 2014 MAGELCO CURTAILMENT SCHEDULE

MAGUINDANAO ELECTRIC COOPERATIVE (MAGELCO) CURTAILMENT SCHEDULE

M1 curtailment 2/20/14

(6am-12nn)parang
(12nn-5pm)eversun
(4-8pm)parang
(8-10pm)eversun
(10pm-1am)parang
-----------------------------
M2 curtailment 2/20/14
(1-6am)maganoy
(6am-12nn)datupiang
(12nn-4pm)maganoy
(5-7pm)datupiang
(7-11pm)maganoy
(11pm-1am)datupiang
----------------------------------
M4 curtailment 2/20/14
(5-7am)upi
(6am-12nn)dos
(12nn-5pm)upi
(5-10pm)dos
(8-9pm) upi
(11pm-1am)upi

Linggo, Pebrero 16, 2014

Humakot ng Karangalan ang Upi Delegation sa Katatapos na 3rd Sagayan Festival ng Maguindanao

February 17, 2014… Nitong Biyernes ay nagtapos ang ikatlong Sagayan Festival ng Magindanao na ginanap sa Buluan at humakot ng mga karalangan o awards ang delegation ng Upi.

Sa Street at Showdown ay Champion a ng UAS – PTIA na tumanggap ng P250,000.00  na cash.
Sa cheerdance ng MagPeace scholars ay nakamatan din nila ang unang karangalan na tumanggap naman ng isang daang piso.

Nakuha din ng MagPeace Scholars ang 1st runner up sa Quiz Bee na sina Rochelle Salik, Loraine Ladrido at Elorde Delon Jr., na tumanggap ng cash na limang libong piso. Ang   coach ng mga scholars ay si Bai Zuhiera Sali Kanakan at kabuuan na naiuwi ng UAS_PTIA ay may kabuuang  355,000.


Sa 36 na municipyo na  LGU Booth ay First place ang Upi sa Best Dressed Booth na tumanggap ng 30,000.00, na kasamang plaque.

Natamo din ng LGU Upi Booth ang Best Travel and tour package kasama ng LGU ng Parang. Na tumanggap ng tig labing limang libong piso.

UPI MAYOR RAMON PIANG SR.
Nag-Champion din sa Float competition ang Upi na tinanggap naman ang 75,000…

At Ang sampung  tumanggap ng karangalan sa 36 na municipyo ng Maguindanao sa Best Dressed Booth o magandang pagkakaayos ay ang:
1.     Barira
2.     Paglat
3.     Sultan sa Barongis

UAS-PTIA KATRIBUNG UPI
4.     Mangudadatu
5.     Datu Paglas
6.     South Upi
7.     Buldon
8.     Datu Abdullah Sangki
9.     Datu Saudi Ampatuan
10.                         Datu Blah Sinsuat


At ang  Most Promising Product na booth ay nakamit ng Pandag municipality  dahil sa kanilang Coco palm vinegar.

Sabado, Pebrero 15, 2014

Induction of Officers of the Provincial Tourism Council of Maguindanao

Induction of Officers of Provincial Tourism Council -Maguindanao
Feb 14, 2014- Induction of Officers of the  Provincial Tourism Council of Maguindanao, during the Governor Night  of Honorable  Governor Esmael "Toto" Mangudadatu, as finally of  the 3rd Sagayan Festival held  in BBGM, Buluan,  Magindanao.

Officer s of Provincial Tourism Council –Maguindanao
Honorary Chairman- Hon. Gov. Esmael Mangudadatu
Chairperson – Elizabeth Tayuan
Vice Chairperson – Monina C. Macarongon
Secretary – Kim Bagundang
Treasurer – Ms Ayesha Dilangalen
Auditor - Bai Zarina Datukon
PRO – 1st District   Maguindanao – Alih S. Anso
-2nd District Maguindanao – Leah Sagan
Business Managers:
1. Bai Ramla Kadalem
2. Mr. Carlo Manalo
3. Ali Kagui
Inducting Officer – Hon Zahid G. Mangudadatu, Al Haj
Congressman, 2nd District Maguindanao
Members:
1. DepEd (Division 1 & 2)
2. AFP 
3. PNP
4, Provincial Engineer
and other related agencies/proncial offices to tourism activities or program. 
(Alih Anso)

FOR MORE PHOTOShttps://www.facebook.com/kakaalih/media_set?set=a.812597192089264.1073741866.100000169717649&type=3&uploaded=2

Martes, Pebrero 11, 2014

LABU o UPO

UPO AY LABU SA R'NAWUN AT T'EDURAY
(February 12, 2014 Wednesday - Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce.

LUCY:  Nayong umaga ay Gulay pa rin ang ibabahagi ni  Kaka Alih,  subalit sinigorado niya sa iyo Kaibigan,   na gulay naman   na pampalakas, na nagbibigay sigla sa ating mga magsasaka.  
                                   
(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY:   Magandang umaga Kaka Alih, kumusta na  ang iyong umaga?  

ALIH:   Hahahaha.. Lucy, ano pa nga ba..   eh di gulay pa rin  tayo, este its fine, nag-gugulay na rin ako (PLAY LAUGHING) but kaibigan please huwag mata-matain ang gulay, ano mang ay pampapalakas dahil ay maraming sustansiya!!!

LUCY:   at huwag kalimutan ang payo ni Doc Willie na kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw kong gusto mong humaba ang iyong buhay.

ALIH:  Tama!  But before anything  else Lucy eh, allow me to greet everybody,     with sweet “Good morning, ladies and gentlemen” in Filipino ay… magandang umaga mga kababayan ko… of course most .especially to all   mga kapatid na magsasaka.  Sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o ang mga kapatid na Muslim,  my greetings ng: asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.
Buweno tulad ng nasabi natin, pampalakas at pampalusog na gulay ang ibabahagi ko ngayong umaga, …tantaraan!!!!  ang Upo.  

Ang  scientific name ng upo ay Lagenaria siceraria at sa  Ingles called is as  calabash or other called it white squash (putting kalabasa). Ang tawag dito ng Iranun at Teduray ay labu…

Ang Upo  ay isang uri ng halamang baging o gumagapang na may mga mahahaba at mapuputing bunga na kahugis ng batuta. Ang kinakain o ginugulay ay ang bata pang bunga.

LUCY:   Masarap lutuin yan lalo kong  ihahalo sa native na manok.
 
KAKA ALIH:  Lucy wag mo naman akong paglawayin, maaga pa, saka na lang nating pag-usapan ang paano lutuin ito, paglabas ko, pwqede mo ng ikuwento ang pagluluto,…LAUGHING)

Ang gulay na ito ay mayaman sa carbohydrates. Ang buto nito ay maaaring mapagkunan ng langis na panggamit sa buhok.

Napakadaling patubuin ang Upo, may dalawang uri, ito ay  ang Indian club Shape at Round form.

Sa pagpili ng lupang pagtataniman, ang upo ay nangangailangan ng lupang mabuhaghag at mayaman sa organiko.  Iwasang magtanim sa mga lugar na may mataas na acidity, alkalinity o salinity. Malaki ang epekto ng hindi magandang lupa sa produksyon ng babaeng bulaklak ng tanim.

Maaaring itanim ang upo sa anumang uri ng klima. Gayunpaman, ang malakas na pag-ulan ay hindi makabubuti sa tanim. Ang temperaturang kailangan ng upo ay 300 hanggang 350C. Kapag ang temperatura ay masyadong mataas, mas maraming bulaklak na lalaki ang mabubuo na nagdudulot ng mababang ani at kita. Para sa mas masaganang ani, magtanim sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre o mula Mayo hanggang Hulyo.

Linisin, araruhin at suyurin nang dalawang beses ang lupang tatamnan. Gumawa ng tudling na may layong 3 metro at butas ng mga tudling na may layong 1 metro.

Ang upo ay maaaring itanim nang direktang buto (direct seeded) o punla (transplanted). Ang distansya ng pagtatanim ay 3 metro x 10 metro. Sa panahon ng tag-ulan, itanim ito sa bandang ibabaw ng tudling at sa bandang ibaba naman ng tudling sa panahon ng tag-araw. Maglagay ng dalawang buto sa bawat butas. Bunutin ang mga payat na punla 7 araw pagkatapos umusbong. Magtira lamang ng isang tanim sa bawat butas.

Magdamo 14 na araw pagkatapos magtanim at magsablay o araruhin palabas ng puno isang buwan pagkatanim kapag hindi naalip-ipan.

Maglagay ng abono o dumi ng hayop upang mapakinabangan ng mga pananim ang mga sustansiya mula sa dumi ng hayop. Makakatulong ang pagpapatubig dito.

Maaari nang anihin ang bunga 50 hanggang 60 araw pagkatanim. Mainam na gumamit ng kutsilyo sa pamimitas ng bunga upang mahiwa ang tangkay 5 sentimetro mula sa dulo ng bunga.

Sa pagluluto ng Upo ay abangan  sa buhay-buhay  doon tayo magluluto.

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahagi na tiyak naming na pakikinabangan nating lahat.


(PLAY EXTRO)

Lunes, Pebrero 10, 2014

Luya o Ginger

Luya o Ginger

 (February 11, 2014- Martes-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usapang Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   Host ay si Ms. Lucy Duce)

LUYA (GINGER)
LUCY:    Paano ba magluto ng pinakamasarap na Paksiw?   Depende sa  kanyang timpla ng mga pinaghalo-halong mga sangkap. Mga  tamang pamamaraan at mga tamang sangkap, para makapagluto ka ng napakasarap na paksiw.   Anong mga sangkap yun? Alamin natin yan kay Kaka Alih sa ating segment na:

(PLAY-INTRO-USAPANG AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga   Kaka Alih. Kumusta ang iyong malamig na umaga?

ALIH: Hahahaha..   (LAUGHING).. Good morning din   Lucy, magandang umaga,    sa mga kapatid na magsasaka, sa mga mag-uuma, su manga tali-awid, at sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.  

PUNONG LUYA NA NABUNOT
MULA SA PAGKAKATANIM 
LUCY:    Anong mga sangkap o mga lamas para maging masarap ang aking lulutuin, halimbawa ay ang madaling lutuin na ulam,  ang paksiw na galunggong?

ALIH: Ano ‘ika mo Lucy, anong  mga   sangkap? 

Way mga lusod ko sa tiyan, ipagidza na kaped ku aniya si Lucy ngin kun a manga paninu endu pegkapiya I nanam su pangilutun tanu? (Opo, mga kapatid tinatanong ni Lucy, anong mga sangakap para maging masarap ang lulutuin natin).   

Marami ang sangkap ng mga lulutuing ulam,  para maging masarap ito, kaya naman ang mga tagaluto, sa pamilya ay hindi nawawalan ng sibuyas, luya, Ajos o bawang, paminta ,  asin, mantika, toyo, vinegar, sili at iba pa. Bawat pamilya ay palaging may nakaimbak na sangkap o lamas sa kusina.

Sabagay ang lahat ng nabanggit natin  ay pwedeng mabili  sa palengke, subalit ang iba dito ay hindi na kailangan bilhin pa, dahil madali lang naman itanim. Halibawa Luya, sili, paminta…kaya unahin na natin talakayin itong luya, ang luya ay di lang sangkap sa paksiw, kundi marami pang kapakipakinabang na mapaggagamitan.

Yes may friend, kilalang sangkap at pampalasa ang luya o ginger sa ilang pagkaing Pinoy gaya ng paksiw,  tinola at maraming pang klaseng lutuin.
Ang luya ay kilala ng Iranun na luya irisen.

Kilala rin ang luya sa pampakondisyon ng lalamunan kaya naman ang mga singer ay ngumunguya nito o kaya naman ay lumalagok ng salabat, na isang inuming gawa rin sa luya.

Ang salabat ay pinakuluang luya at tubig, maaari itong lagyan ng asukal ngunit mas mainam kung wala.

Ang luya ay isang perennial plant, na kilala sa naipoprodyus niyang “white at yellowish-greenish flowers.” Kilala rin ang luya sa itsura nito na walang definite na hugis o “twisting rhizoid.”

Ayon sa mga ulat, nag-originated ang luya sa China ngunit matatagpuan din ito sa iba pang parte ng mundo tulad sa India at mga bansa South West Asia, West Africa at sa Caribbean.

Mayroong matapang na aroma o amoy ang luya. Kilala rin ito sa kanyang maanghang na lasa. Ito ang nagpapatunay na nagtataglay ang luya ng tatlong porsiyento ng (3%) natural essential oils.
Marami ring mabuting dulot sa kalusugan ang pagkonsumo ng luya.
Narito ang ilan:
1. Ang luya ay may “carminative properties” (anti spasmic) na nakapagpapakalma ng kumukulo o upset na tiyan.

2. Ang pagngata ng luya ay nakatutulong na ma-stimulate ang paglabas ng mucus o sipon at nakatutulong na mabawasan ang pagkahol kapag may ubo dahil ito ay nakapagpapaginhawa ng nangangating lalamunan.

3. Nagtataglay ng anti viral, anti toxic at anti fungal properties ang luya. Nakapagpapagaling ito ng common cold o sipon.
4. Ang luya ay nagsisilbing antihistamine at nakatutulong sa paggamot ng allergies.
5. Ayon sa mga pag-aaral lumalabas na ang luya ay nakababawas ng cholesterol levels at nakatutulong na makaiwas sa pagbubuo ng blood clots.

6. Nagtataglay ang luya ng special enzymes na responsable sa pagpaparami o pagpapalabas sa protina ng ating mga kinakaing pagkain na nakapagpapabuti sa digestion at makaiwas sa cramps.

Nabatid na ang ancient Greeks ay kumakain ng luya pagkatapos ng heavy meal para ma-ease ang proseso ng digestion.

Mga sakit na nagagamot ng Luya o luya Irisen.

Migraine
Ang pagkonsumo ng luya ay makatutulong para maibsan ang tila walang katapusang sakit ng ulo. Ito ay mabisa sa pagharang sa prostaglandins na nagdudulot ng kirot at pamamaga sa blood vessels na makapipigil sa sakit ng ulo.

Lagnat at sipon
Ang luya ay matagal nang ginagamit sa maraming bansa upan malunasan ang lagnat at sipon. Bukod dito, dahil nalilinis din ng digestive tract ang luya, maaari rin itong gamitin sa paggamot ng food poisoning o pagkalason sa pagkain.

Menstrual cramp
Sa Chinese medicine, ang luya ay ginagamit para maibsan ang menstrual cramp. Ang desired effect ay natatamo kapag ang luya ay hinaluan ng brown sugar.

Morning sickness
Parusa sa kababaihan ang morning sickness. Ang masamang pakiramdam at pagsusuka sa umaga ay nakakasira sa buong araw. Sa susunod na makaranas ng morning sickness, huwag nang uminom ng vitamin B6. Ipinakikita ng ilang pag-aaral na ang luya ay kasing bisa ng vitamin B6 sa paglunas sa morning sickness.

Pananakit at pamamaga
Sa halip na uminom ng painkillers, uminom lamang ng luya upang maibsan ang pananakit ng katawan. Ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang luya ay may malakas na anti-inflammatory properties at nagsisilbing natural alternative sa pain killing drugs.
Heartburn
Marami ang hindi nakakaalam na ang luya at mabisang natural remedy para sa heartburn. Gamitin ito na parang tsaa upang mabawasan ang at maibsan ang pamamaga sa iyong dibdib at ang kirot na dulot nito.

Motion sickness
Ang motion sickness at naursea ay pahirap sa mahabang biyahe. Ngunit mayroon kang mabisang lunas. Sa susunod makaranas ng morning sickness, gamitin ang luya upang tuluyan na itong mawala.

Diabetic Nephropathy
Ang luya ay mabisang panlaban sa kidney damage bungang diabetes. Sa isinagawang experiment sa diabetic lab rats, ang mga dagang binigyan ng luya ay mas nakaiiwas sa pagkakaroon ng diabetic nephropathy.

Ovarian cancer
Sa pag-aaral na isinagawa sa University of Michigan Comprehensive Cancer Center, nadiskubreng ang  pulbos ng luya ay mabisang pumapatay sa ovarian cancer cells. Nangangahulugan na ang luya ay maaaring epektibo sa paggamot ng mga pangunahing sakit gaya ng ovarian cancer.
Colon cancer
Ang luya ay nakatutulong din para maiwasan ang colon cancer. Ito ay naidokumento sa University of Minnesota, na nakatuklas na kayang pigilin ng luya ang paglago ng colorectal cancer cells.

Mga Native na Luya
1. Maputi na Luya o  white ginger — small, very fibrous but most pungent of all kinds
2. Dilaw na Luya o yellow ginger — like the white in kind except that it is orange in color, but the part above is dark green.
3. Jamaica “Oya” — pale and moderate in size. Dried “Oya” is leather-colored and aromatic, used in the manufacture of soft drinks.
4.  Hawaiian — bigger, stouter crops and yellowish brown flesh, sometimes pinkish not so pungent but liked by foreigners. This kind yields about 20-30 tons per hectare. It is good for making into powdered or dried ginger.

Sa pagtatanim naman ng luya ay simple lang din naman, kaya kaibigan na di nakapagtanim don’t worry, kahit sa  paso nga pwede mong itanim ang luya. Yes ang mga pinagtirhan ninyo diyan yung malilit na piraso, pwede mong subukan ibaon o itanim sa paso o plastic bag.

Ang luya ay mainam sa mabuhangin o mabuhaghag na lupa, kailangan lamang na ibaon na may lalim na 30 cm o isang piye, na medyo masa-masa subalit hindi naiibak ang tubig kong umuulan. Tumutubo rin ang luya sa may lilim na lugar o silong ng mga punong kahoy.  Lalong mainam kong nasisilungan na higit kumulang na 25%.

Sa malaparan na pagtatanim. Araruhin ang bukid at alisin ang mga damo, isang linggo bago magtanim.

Kong gusto mo ng   dalawang hilera o row, maggawa ng plot na may lapad na dalawang metro, na may taas na mga 30 cm o isang piye, depende ito sa gusto ng  magtatanim.

Itanim ang bagong harvest luya, na may 20 grams, ang isang hectarya ay kinakailangan nito ang 800 seedlings.

 Bago itanim hugasan ng mabuti, sa umaagos na tubig, at para maiwasan ang sakit, maaring ibabad sa tubig ng 10-15 minuto na may gamut subalit sa nakaugalian natin ay hindi ginagawa ito.

Itanim ang luya, sa ginawang plot,  ng may lalim na 5 cm o dalawang pulgada,  na pagitan n a 25 cm 10 pulgada, maaring katumbas ito ng isang tapak ng paa. 

Kong ang tataniman ay may lilim ng niyugan, o mga punong kahoy, itanim ito na may pagitan na 20-25 cm na may layo na 45 cm halos kalahating metro.

Katulad sa mga ibang tanim, ang luya ay nangangailangan din ng abono, kong mabuhangin o sandy na lupa, maglagay ng 400 kg na complete fertilizer (14-14-14)  sa bawat hektarya, 300 kg lamang sa clay sand na lupa. Minumungkahi natin na maiging gumamit ng organic fertilizer.

Pagkatapos magtanim, takpan o lagyan ang beds ng dahon ng ipil=ipil o madre cacao, dayami o palapa ng niyog para maiwasan ang pagkatuyo ng lupa mapantiling mamasa-masa ang taniman.    At magagawa pa itong organic na abono kong mabubulok na.  

 Sa susunod na pangalawang buwan, at ika-apat na buwan, mag-abono muli ng 400 kg n g complete fertilizer sa bawat ektarya.

Alisin ang mga damo na tumutubo para na maagaw ang nutrihinu ng lupa.
Kong may sakit ang tanim pwede ring spray han sa anong klaseng chemical kumunsulta sa technician o sa nagpapabili na agricultural supply.

 Pagkalipas ng walang (8) buwan ay nagiging dilaw ang mga dahon ng luya, at magsisimula na itong malanta, at ito na ang panahon na pwede ng anihin.

Anihin lamang ang luya na gulang na. Sa pagaani, hukayin sa tulong ng panghukay, bago bunutin ang tanim,  medyo ipagpag para maalis ang nakadilkit na lupa, at ipatong sa lupa. Putulin o Alisin ang puno o katawan nito, ingatan lamang na huwag masugatan ang buto o laman.

Paghiwahiwalayin ayun sa klase at laki, at ilagay lalagyan na sako o bukag  basket,  ingatan na masugatan.

Para sa karagdagang kaalaman makipag-unayan sa opisina ng DA,.
Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si Kaka Alih  bukas abangan sa ganito ding oras   ang mga kapakipakinabang na ibabahagi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong kaalaman sa pagsasaka..

(PLAY EXTRO)