Miyerkules, Pebrero 19, 2014

Bangsamoro, Pilipino, Muslim, At Islam

(February 20, 2014,  Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “GABAY KALAUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”. Host –Lucy Duce)
Kaka Alih sa segment na Gabay Kalusugan at Talakayang
pampamilya sa Buhay-buhay (8:00-8;00 AM-Mon-Fri)



Host/Lucy: “Ikaw Kaibigan, alam mo ba ang kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim, At Islam? Alam mo ba kailan, saan dapat gamitin? Alam mo o hindi? Samahan ninyo kami ni Kaka Alih sa ating segment na  Nakaka…..”

(PLAY INTRO-) GABAY KALAUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”

Kaka Alih:   “Kilala ko na sila pare”.  sagot kaagad ng isa ng nating kumpare.
Sino sila?

“Sila ang mga taga Mindanao, sila ay mga Muslim, hindi kumakain ng baboy”. Paliwanag ni pare.

Iyan ba ang tunay na kahulugan ng Bangsamoro?  Ng Muslim? Buweno  ating tatalakayin ang Kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim at Islam, ang mga kumplikadong mga terms sa ngayon, dahil hindi pa gaanong naiintindihan.

Host/Lucy:  Sino ang Pilipino at Bangsamoro?

Ibat ibang tribu ng Mindanaw na Bangsamoro
Tunghayan natin ang pagpapaliwanag ng isang manunulat kong sino ang Bangsamoro at Pilipino na sinulat ni Kaka Ali na may titulo na Pilipino at Bangsamoro, Magkapatid?

 “Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Ang ilan sa Pilipino ay ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.

Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad na katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na o mga taga Morocco.

Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong M'ranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Suban'n, Tau Sug at marami pang iba, ang ibang manunulat, tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ng Islamized ay tinanggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang pananampalataya.”

May mahigit sampung mga tribu na kinikila   bilang mga Bangsamoro, ang alam natin dito sa Upi na Bangsamoro ay ang Maguindanaon, Meranao, Iranun,   Tau Sug at marami pang iba.

Sa FAB ay lalo pang pinatibay ang term na Bangsamoro, tinukoy dito kong sino ang Bangsamoro. Sila na mga native inhabitants, mga nauna ng nanirahan ditto sa Mindanao, ang mga pamilya nito ay tatawagin na ring Bangsamoro.

Host/Lucy:  Sino naman ang mga  Muslim?

Alam mo kapatid na nakikinig, marami sa atin ang nag-aakala na ang Muslim ay isang taong isinilang mula sa mga magulang na Muslim, o di kaya, siya yaong isinilang sa Mindanao o sa bansa, tulad ng Saudi Arabia na ang nakakarami ay Muslim.

 Ayon sa ating mga Aleem o Marurunong, ang lahi, kulay, tribo, angkan, o pangalan ay hindi mga batayan upang ang isang tao ay matawag na Muslim. 

“Ang Muslim ay ang nilikha ng Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kanyang mga kautusan. Sa katunayan, hindi lamang tao ang matatawag na Muslim. Maging ang lahat na nilikha ng Allah bukod pa sa tao (katulad ng mga bituin sa kalangitan, ang araw at ang hangin) ay maituturing na Muslim, sapagkat silang lahat ay mga nilikha na sumusunod sa likas na batas na inilagay ng Allah sa kalikasan.

Isang kamalian at hindi kailanman matatanggap ng mga Muslim na tawagin silang mga “ Muhammedan ”, sapagkat ito ay nagbibigay kahulugan ng pagsamba kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Ang Islam ay hindi kailanman nagtuturo ng pagsamba sa Propeta o anumang nilikha lamang ng Allah. Bagkus, ito ay naghihikayat sa tao na sumamba lamang sa tangi at nag-iisang Allah, at nagbabawal sa anumang uri ng pagsamba na iniuukol sa nilikha.” (http://moro.jeeran.com/)

Host/Lucy:  Ano naman ang kahulugan ng Islam?

Ang kahulugan ng Islam ay pagsuko at pagsunod sa mga kautusan ng Allah nang walang pagtutol.

 “Ang terminong Muslim ay tumutukoy sa tao na naniniwala sa Allah(Poong Maykapal). Na sa simpleng pag-sasalin (translation) ang ibig sabinin nito ay “Naniniwala” (Believer) at sa relihiyong pag-uusap (religious connotation) ang ibig sabihin ay ang taong….. “sumuko sa Dakilang Lumikha” at ang kanyang rehiliyon ay Islam, na ang ibig sabihin naman sa payak (simple translation) na paghuhubad ay Kapayapaan (Sallam). At sa relihiyong pag-tanaw ay… “isinuko ang sarili sa Poong Lumikha” (one who submit to the Will of God).

Kapatid sana ay nagkaliwanagan na tayo sa terminong Bangsamoro, Pilipino, Muslim, Islam, sa muli kami ay nag-anyaya sa darating na Lunes, samahan ninyo kami sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ang segment writer/reporter Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Ito ang inyong kapatid   Kaka Ali ang inyong segment writer at producer,   Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

(PLAY-EXTRO GABAY KALAUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento