Lunes, Pebrero 10, 2014

Luya o Ginger

Luya o Ginger

 (February 11, 2014- Martes-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usapang Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   Host ay si Ms. Lucy Duce)

LUYA (GINGER)
LUCY:    Paano ba magluto ng pinakamasarap na Paksiw?   Depende sa  kanyang timpla ng mga pinaghalo-halong mga sangkap. Mga  tamang pamamaraan at mga tamang sangkap, para makapagluto ka ng napakasarap na paksiw.   Anong mga sangkap yun? Alamin natin yan kay Kaka Alih sa ating segment na:

(PLAY-INTRO-USAPANG AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga   Kaka Alih. Kumusta ang iyong malamig na umaga?

ALIH: Hahahaha..   (LAUGHING).. Good morning din   Lucy, magandang umaga,    sa mga kapatid na magsasaka, sa mga mag-uuma, su manga tali-awid, at sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.  

PUNONG LUYA NA NABUNOT
MULA SA PAGKAKATANIM 
LUCY:    Anong mga sangkap o mga lamas para maging masarap ang aking lulutuin, halimbawa ay ang madaling lutuin na ulam,  ang paksiw na galunggong?

ALIH: Ano ‘ika mo Lucy, anong  mga   sangkap? 

Way mga lusod ko sa tiyan, ipagidza na kaped ku aniya si Lucy ngin kun a manga paninu endu pegkapiya I nanam su pangilutun tanu? (Opo, mga kapatid tinatanong ni Lucy, anong mga sangakap para maging masarap ang lulutuin natin).   

Marami ang sangkap ng mga lulutuing ulam,  para maging masarap ito, kaya naman ang mga tagaluto, sa pamilya ay hindi nawawalan ng sibuyas, luya, Ajos o bawang, paminta ,  asin, mantika, toyo, vinegar, sili at iba pa. Bawat pamilya ay palaging may nakaimbak na sangkap o lamas sa kusina.

Sabagay ang lahat ng nabanggit natin  ay pwedeng mabili  sa palengke, subalit ang iba dito ay hindi na kailangan bilhin pa, dahil madali lang naman itanim. Halibawa Luya, sili, paminta…kaya unahin na natin talakayin itong luya, ang luya ay di lang sangkap sa paksiw, kundi marami pang kapakipakinabang na mapaggagamitan.

Yes may friend, kilalang sangkap at pampalasa ang luya o ginger sa ilang pagkaing Pinoy gaya ng paksiw,  tinola at maraming pang klaseng lutuin.
Ang luya ay kilala ng Iranun na luya irisen.

Kilala rin ang luya sa pampakondisyon ng lalamunan kaya naman ang mga singer ay ngumunguya nito o kaya naman ay lumalagok ng salabat, na isang inuming gawa rin sa luya.

Ang salabat ay pinakuluang luya at tubig, maaari itong lagyan ng asukal ngunit mas mainam kung wala.

Ang luya ay isang perennial plant, na kilala sa naipoprodyus niyang “white at yellowish-greenish flowers.” Kilala rin ang luya sa itsura nito na walang definite na hugis o “twisting rhizoid.”

Ayon sa mga ulat, nag-originated ang luya sa China ngunit matatagpuan din ito sa iba pang parte ng mundo tulad sa India at mga bansa South West Asia, West Africa at sa Caribbean.

Mayroong matapang na aroma o amoy ang luya. Kilala rin ito sa kanyang maanghang na lasa. Ito ang nagpapatunay na nagtataglay ang luya ng tatlong porsiyento ng (3%) natural essential oils.
Marami ring mabuting dulot sa kalusugan ang pagkonsumo ng luya.
Narito ang ilan:
1. Ang luya ay may “carminative properties” (anti spasmic) na nakapagpapakalma ng kumukulo o upset na tiyan.

2. Ang pagngata ng luya ay nakatutulong na ma-stimulate ang paglabas ng mucus o sipon at nakatutulong na mabawasan ang pagkahol kapag may ubo dahil ito ay nakapagpapaginhawa ng nangangating lalamunan.

3. Nagtataglay ng anti viral, anti toxic at anti fungal properties ang luya. Nakapagpapagaling ito ng common cold o sipon.
4. Ang luya ay nagsisilbing antihistamine at nakatutulong sa paggamot ng allergies.
5. Ayon sa mga pag-aaral lumalabas na ang luya ay nakababawas ng cholesterol levels at nakatutulong na makaiwas sa pagbubuo ng blood clots.

6. Nagtataglay ang luya ng special enzymes na responsable sa pagpaparami o pagpapalabas sa protina ng ating mga kinakaing pagkain na nakapagpapabuti sa digestion at makaiwas sa cramps.

Nabatid na ang ancient Greeks ay kumakain ng luya pagkatapos ng heavy meal para ma-ease ang proseso ng digestion.

Mga sakit na nagagamot ng Luya o luya Irisen.

Migraine
Ang pagkonsumo ng luya ay makatutulong para maibsan ang tila walang katapusang sakit ng ulo. Ito ay mabisa sa pagharang sa prostaglandins na nagdudulot ng kirot at pamamaga sa blood vessels na makapipigil sa sakit ng ulo.

Lagnat at sipon
Ang luya ay matagal nang ginagamit sa maraming bansa upan malunasan ang lagnat at sipon. Bukod dito, dahil nalilinis din ng digestive tract ang luya, maaari rin itong gamitin sa paggamot ng food poisoning o pagkalason sa pagkain.

Menstrual cramp
Sa Chinese medicine, ang luya ay ginagamit para maibsan ang menstrual cramp. Ang desired effect ay natatamo kapag ang luya ay hinaluan ng brown sugar.

Morning sickness
Parusa sa kababaihan ang morning sickness. Ang masamang pakiramdam at pagsusuka sa umaga ay nakakasira sa buong araw. Sa susunod na makaranas ng morning sickness, huwag nang uminom ng vitamin B6. Ipinakikita ng ilang pag-aaral na ang luya ay kasing bisa ng vitamin B6 sa paglunas sa morning sickness.

Pananakit at pamamaga
Sa halip na uminom ng painkillers, uminom lamang ng luya upang maibsan ang pananakit ng katawan. Ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang luya ay may malakas na anti-inflammatory properties at nagsisilbing natural alternative sa pain killing drugs.
Heartburn
Marami ang hindi nakakaalam na ang luya at mabisang natural remedy para sa heartburn. Gamitin ito na parang tsaa upang mabawasan ang at maibsan ang pamamaga sa iyong dibdib at ang kirot na dulot nito.

Motion sickness
Ang motion sickness at naursea ay pahirap sa mahabang biyahe. Ngunit mayroon kang mabisang lunas. Sa susunod makaranas ng morning sickness, gamitin ang luya upang tuluyan na itong mawala.

Diabetic Nephropathy
Ang luya ay mabisang panlaban sa kidney damage bungang diabetes. Sa isinagawang experiment sa diabetic lab rats, ang mga dagang binigyan ng luya ay mas nakaiiwas sa pagkakaroon ng diabetic nephropathy.

Ovarian cancer
Sa pag-aaral na isinagawa sa University of Michigan Comprehensive Cancer Center, nadiskubreng ang  pulbos ng luya ay mabisang pumapatay sa ovarian cancer cells. Nangangahulugan na ang luya ay maaaring epektibo sa paggamot ng mga pangunahing sakit gaya ng ovarian cancer.
Colon cancer
Ang luya ay nakatutulong din para maiwasan ang colon cancer. Ito ay naidokumento sa University of Minnesota, na nakatuklas na kayang pigilin ng luya ang paglago ng colorectal cancer cells.

Mga Native na Luya
1. Maputi na Luya o  white ginger — small, very fibrous but most pungent of all kinds
2. Dilaw na Luya o yellow ginger — like the white in kind except that it is orange in color, but the part above is dark green.
3. Jamaica “Oya” — pale and moderate in size. Dried “Oya” is leather-colored and aromatic, used in the manufacture of soft drinks.
4.  Hawaiian — bigger, stouter crops and yellowish brown flesh, sometimes pinkish not so pungent but liked by foreigners. This kind yields about 20-30 tons per hectare. It is good for making into powdered or dried ginger.

Sa pagtatanim naman ng luya ay simple lang din naman, kaya kaibigan na di nakapagtanim don’t worry, kahit sa  paso nga pwede mong itanim ang luya. Yes ang mga pinagtirhan ninyo diyan yung malilit na piraso, pwede mong subukan ibaon o itanim sa paso o plastic bag.

Ang luya ay mainam sa mabuhangin o mabuhaghag na lupa, kailangan lamang na ibaon na may lalim na 30 cm o isang piye, na medyo masa-masa subalit hindi naiibak ang tubig kong umuulan. Tumutubo rin ang luya sa may lilim na lugar o silong ng mga punong kahoy.  Lalong mainam kong nasisilungan na higit kumulang na 25%.

Sa malaparan na pagtatanim. Araruhin ang bukid at alisin ang mga damo, isang linggo bago magtanim.

Kong gusto mo ng   dalawang hilera o row, maggawa ng plot na may lapad na dalawang metro, na may taas na mga 30 cm o isang piye, depende ito sa gusto ng  magtatanim.

Itanim ang bagong harvest luya, na may 20 grams, ang isang hectarya ay kinakailangan nito ang 800 seedlings.

 Bago itanim hugasan ng mabuti, sa umaagos na tubig, at para maiwasan ang sakit, maaring ibabad sa tubig ng 10-15 minuto na may gamut subalit sa nakaugalian natin ay hindi ginagawa ito.

Itanim ang luya, sa ginawang plot,  ng may lalim na 5 cm o dalawang pulgada,  na pagitan n a 25 cm 10 pulgada, maaring katumbas ito ng isang tapak ng paa. 

Kong ang tataniman ay may lilim ng niyugan, o mga punong kahoy, itanim ito na may pagitan na 20-25 cm na may layo na 45 cm halos kalahating metro.

Katulad sa mga ibang tanim, ang luya ay nangangailangan din ng abono, kong mabuhangin o sandy na lupa, maglagay ng 400 kg na complete fertilizer (14-14-14)  sa bawat hektarya, 300 kg lamang sa clay sand na lupa. Minumungkahi natin na maiging gumamit ng organic fertilizer.

Pagkatapos magtanim, takpan o lagyan ang beds ng dahon ng ipil=ipil o madre cacao, dayami o palapa ng niyog para maiwasan ang pagkatuyo ng lupa mapantiling mamasa-masa ang taniman.    At magagawa pa itong organic na abono kong mabubulok na.  

 Sa susunod na pangalawang buwan, at ika-apat na buwan, mag-abono muli ng 400 kg n g complete fertilizer sa bawat ektarya.

Alisin ang mga damo na tumutubo para na maagaw ang nutrihinu ng lupa.
Kong may sakit ang tanim pwede ring spray han sa anong klaseng chemical kumunsulta sa technician o sa nagpapabili na agricultural supply.

 Pagkalipas ng walang (8) buwan ay nagiging dilaw ang mga dahon ng luya, at magsisimula na itong malanta, at ito na ang panahon na pwede ng anihin.

Anihin lamang ang luya na gulang na. Sa pagaani, hukayin sa tulong ng panghukay, bago bunutin ang tanim,  medyo ipagpag para maalis ang nakadilkit na lupa, at ipatong sa lupa. Putulin o Alisin ang puno o katawan nito, ingatan lamang na huwag masugatan ang buto o laman.

Paghiwahiwalayin ayun sa klase at laki, at ilagay lalagyan na sako o bukag  basket,  ingatan na masugatan.

Para sa karagdagang kaalaman makipag-unayan sa opisina ng DA,.
Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si Kaka Alih  bukas abangan sa ganito ding oras   ang mga kapakipakinabang na ibabahagi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong kaalaman sa pagsasaka..

(PLAY EXTRO)   


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento