Nuro Central Elementary Scholl Pre-school activities na ginanap sa Upi gymnasium, ang layunin ay upang lalong mahasa ang mga bata na makihalubilo sa lipunan. |
(February 10,
2014 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00
A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talalakayang Pamapamilya”. Host –Lucy
Duce)
Host/LUCY: “Ang
edukasyon ay sadyang napakahalaga sa tao, kaya naman ang lahat ay nagsisikap na
pag-aralin ang kanilang mga anak, para hindi lumaking mangmang at salat sa
karunungan. Samahan ninyo kami ni Kaka Alih sa segment:
(Play- Intro- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
Host/LUCY: Magandang umaga Kaka Alih,
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum
warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim.
Host/LUCY: Matanong kita
Kaka Alih, gaano ba kahalaga ang
edukasyon sa atin ang edukasyon?
Bago kita sagutin ng tuluyan Kapatid, ang tanong ano ang ibig sabihin ng karunungan o edukasyon?
Ang edukasyon o
pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at
saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim, ang
pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.
Isa sa mga pangunahing
layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.
Ang ibig sabihin ito Lucy, ay hindi
lamang ang dapat mong malaman ang
isang bagay kundi dapat mo rin pag-aralan ang kahalagahan nito, at papaano gagamitin.
Ang kong sakalaing may sapat
ka ng kaalaman dito ay kinakailangan
naman ang pag-sasanay sa sarili, na gamitin
ito.
May nagtanong din sa akin na estudyante, assignment yata niya, “Sir,
Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
Ang tanging naisagot ko sa
kanya ay, “…mahalaga ang edukasyon
pagkat ito ang magsisilbing gabay sa lahat,
lalo na sa mga kabataan na tulad mo. Mahalaga ito dahil ang isang taong may talino,
matutupad ang mga pangarap saan man siya magpunta. Ito
ay isang kayaman na kailan man ay hindi
mananakaw. Ito ang kayamanan na kapag ipinamigay mo ay hindi nababawasan, kundi lalo pang
nadagdagan.”
Ikaw Lucy, may maisasagot ka sa ganoon tanong “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
Host/LUCY: Mahalaga ang edukasyon, kapag may taglay ang isang tao sya ay nagkakaroon ng
higit na kapakinabangan hindi sa kanyang sarili, kundi sa pamilya at lipunan, samantala ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng
suliranin hindi lang sa kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.
Kaka Alih: Sadyang hindi matatawaran ang kahalagahan ng
edukasyon Lucy sa ating mga
tao.
Ang salat sa edukasyon ay
tatanda siyang mangmang o kulang sa kaalaman, ang taong kulang sa kaalaman ay
kukunti ang maiaaabag o maitutulong sa ating pag-unlad.
Sino na ang
gagagawa ng mga tulay, kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa
mga paaralan kong walang nakatapos na
mga guro? Sino abng gagamot sa sakitin kong
walang mga doctor?
Kaya an g ating goberno ay
may programa na tinawag na” Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na
binubuo ng Department of Social Welfare
and Development (DSWD)
4843 ang active
benificiaries ng 4Ps sa Upi at ang
approved na may biometric registration
ay 3920 lamang.
Ang tentative schedule ng
cash payout sa Upi March 5 at 6, nitong taon.
Ang layunin ng biometric
registratioin ay para maiwasan ang mga pekeng claimants sa biyaya ng Pantawid
Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay nagsagawa ng malawakang rehistrasyon ng
biometric sa bansa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na
kinukunan ng automated fingerprints ang bawat membro ng 4Ps.
Ang biometric registration
ay una ng inilunsad sa Leyte at
dito sa probinsiya ng Maguindanao ay
sinimulan nitong ika-15 ng Enero 2013. At isusunod naman kaagad ang ibang
probinsiya ng Lanao, Basilan, Sulu, at Tawi-tawi, na pawang sakop ng Autonomous
Region in Muslim Mindanao (ARMM), at kasama din ang lungsod ng Marawi at Lamitan.
Ang 4P’s ay isang
istratehiya ng DSWD na nagbibigay tulong sa mga mahihirap na pamilya sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng conditional cash grants upang mabawasan ang
kahirapang kanilang nararanasan.
Kaakibat sa patuloy na
pagtanggap ng cash grant ang mga kondisyon, na ang pagpapatingin ng ina sa mga
anak sa health centers, bakit kailangan ang health department sa 4Ps?
Nahalaga ang kalusugan ng
bawat mamayan, lalo na ating mga anak; pagsisigurong pumamapasok ang bata sa
eskwelahan at pagdalo ng mga magulang sa family development sessions.
Ang 4Ps ay sinimulan noong
bago magtapos ang taong 2010 sa rehimen
ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA), inilunsad ang Conditional
Cash Transfer (CCT) sa bansa. Sa panunungkulan ni Pangulong Benigno ‘Noy-Noy’
Aquino III (P-Noy) ang CCT ay kinilala bilang 4Ps at itinaas sa P39.5 bilyon
mula sa P10.8 bilyong badyet para dito.
Ang education ay napakahalga
sa ating lalo sa ating mga anak. Kaya nararapat lamang na mag-aral tayo, pag-aralin aang ating mga anak. May sinabi ang Propeta
Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin ang karunungan mula sa duyan hanggan sa
libingan).
Ito po ang inyong Kapatid - Kaka Alih, Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin
ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay Kalusugan at Talakayang Pamapamilya, Sukran and Wassallam.
Host/LUCY: Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral
na ibinahagi mo ngayong umaga, mga kapatid sadyang ang
edukasyon ay mahalaga sa tao, ang taong kulang sa edukasyon ay salat sa
karunungan at yaman.
(EXTRO- Gabay at
Talakayang Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento