Huwebes, Abril 17, 2014

BANGSAMORO, PILIPINO, MUSLIM AT ISLAM

(February 17, 2014,  Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”. Host –Lucy Duce)
Kasal na pinaghalo ang Kultura ,sa pananamiit st Pananapalataya
sa Islam , iba iba din ang Tribu 

Host/Lucy: “Ikaw Kaibigan, alam mo ba ang kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim, At Islam? 

Alam mo ba kailan, saan dapat gamitin? Alam mo o hindi? Samahan ninyo kami ni Kaka Alih sa ating segment na  Nakaka…..”

(PLAY INTRO-) GABAY KALAUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”

KAKA ALIH:   “Kilala ko na sila pare”.  sagot kaagad ng isa ng nating kumpare.
Sino sila?

“Sila ang mga taga Mindanao, sila ay mga Muslim, hindi kumakain ng baboy”. Paliwanag ni pare.

Iyan ba ang tunay na kahulugan ng Bangsamoro?  Ng Muslim? 

Buweno  ating tatalakayin ang Kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim at Islam, ang mga kumplikadong mga terms sa ngayon, dahil hindi pa gaanong naiintindihan.

Host/Lucy:  Kaka Alih, Sino ang Pilipino at sino naman ang tinatawag na Bangsamoro?

Kaka Alih: Kasamang Lucy, ganito ko ipapaliwaang, Tunghayan natin ang pagpapaliwanag ng isang manunulat, na di na natin kikilalanin, dahil makikilala din ninyo siya.....(PLAY LAUGHING).  basahin ninyoang sinulat ni    Kaka Ali na may titulo na Pilipino at Bangsamoro, Magkapatid?

 “Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Ang ilan sa Pilipino ay ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.

Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad na katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na o mga taga Morocco.

Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong M'ranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Suban'n, Tau Sug at marami pang iba, ang ibang manunulat, tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ng Islamized ay tinanggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang pananampalataya.”

May mahigit sampung mga tribu na kinikila   bilang mga Bangsamoro, ang alam natin dito sa Upi na Bangsamoro ay ang Maguindanaon, Meranao, Iranun,   Tau Sug at marami pang iba.

Sa FAB ay lalo pang pinatibay ang term na Bangsamoro, tinukoy dito kong sino ang Bangsamoro. Sila na mga native inhabitants, mga nauna ng nanirahan ditto sa Mindanao, ang mga pamilya nito ay tatawagin na ring Bangsamoro.

Host/Lucy:  Sino naman ang mga  Muslim?

KAKA ALIH: Alam mo kapatid na nakikinig, marami sa atin ang nag-aakala na ang Muslim ay isang taong isinilang mula sa mga magulang na Muslim, o di kaya, siya yaong isinilang sa Mindanao o sa bansa, tulad ng Saudi Arabia na ang nakakarami ay Muslim.

 Ayon sa ating mga Aleem o Marurunong, ang lahi, kulay, tribo, angkan, o pangalan ay hindi mga batayan upang ang isang tao ay matawag na Muslim. 

“Ang Muslim ay ang nilikha ng Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kanyang mga kautusan. Sa katunayan, hindi lamang tao ang matatawag na Muslim. Maging ang lahat na nilikha ng Allah bukod pa sa tao (katulad ng mga bituin sa kalangitan, ang araw at ang hangin) ay maituturing na Muslim, sapagkat silang lahat ay mga nilikha na sumusunod sa likas na batas na inilagay ng Allah sa kalikasan.

Isang kamalian at hindi kailanman matatanggap ng mga Muslim na tawagin silang mga “ Muhammedan ”, sapagkat ito ay nagbibigay kahulugan ng pagsamba kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Ang Islam ay hindi kailanman nagtuturo ng pagsamba sa Propeta o anumang nilikha lamang ng Allah. Bagkus, ito ay naghihikayat sa tao na sumamba lamang sa tangi at nag-iisang Allah, at nagbabawal sa anumang uri ng pagsamba na iniuukol sa nilikha.” (http://moro.jeeran.com/)

Host/Lucy:  Ano naman ang kahulugan ng Islam?

KAKA ALIH: Ang kahulugan ng Islam ay pagsuko at pagsunod sa mga kautusan ng Allah nang walang pagtutol.

“Ang terminong Muslim ay tumutukoy sa tao na naniniwala sa Allah(Poong Maykapal). Na sa simpleng pag-sasalin (translation) ang ibig sabinin nito ay “Naniniwala” (Believer) at sa relihiyong pag-uusap (religious connotation) ang ibig sabihin ay ang taong….. “sumuko sa Dakilang Lumikha” at ang kanyang rehiliyon ay Islam, na ang ibig sabihin naman sa payak (simple translation) na paghuhubad ay Kapayapaan (Sallam). At sa relihiyong pag-tanaw ay… “isinuko ang sarili sa Poong Lumikha” (one who submit to the Will of God).

Kapatid sana ay nagkaliwanagan na tayo sa terminong Bangsamoro, Pilipino, Muslim, Islam, sa muli kami ay nag-anyaya sa darating na Lunes, samahan ninyo kami sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ang segment writer/reporter Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Ito ang inyong kapatid   Kaka Ali ang inyong segment writer at producer,   Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

(PLAY-EXTRO GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”)


Huwebes, Abril 3, 2014

Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa Pag-unlad ng Bansa

Ang  Kahalagahan ng Edukasyon sa Pag-unlad ng Bansa

June 25, 2012 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Nuro Central Elementary School Pre-School
Host/Noralyn: “Ang edukasyon ay sadyang napakahalga sa tao, kaya naman ang lahat ay nagsisikap na pag-aralin ang kanilang mga anak, para hindi lumaking mangmang at salat sa karunungan.   Samahan ninyo kami  ni Kaka Alih sa segment:

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih,

Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.

Host/Noralyn: Matanong kita  Kaka  Alih, gaano ba kahalaga ang edukasyon  sa atin ang edukasyon?
Bago  kita sagutin ng tuluyan Kapatid, ang  tanong ano ang ibig sabihin  ng edukasyon?

Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim, ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.

Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.

Ang  ibig sabihin ito Noralyn ay hindi  lamang dapat mong  malaman ang isang bagay  kundi dapat  mo rin pag-aralan ang kahalagahan  nito, at papaano gagamitin. Ang kong sakalaing may sapat ka ng  kaalaman dito ay kinakailangan naman ang pag-sasanay sa sarili, na gamitin  ito.

May nagtanong din sa  akin na estudyante, assignment yata niya, “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”

Ang naging tugon sa kanya ay,  “…mahalaga ang edukasyon pagkat ito ang magsisilbing gabay sa lahat,  lalo na sa mga kabataan na tulad mo. Mahalaga  ito dahil ang isang taong may talino, matutupad ang mga pangarap saan man siya magpunta.    Ito ay  isang kayaman na kailan man ay hindi mananakaw. Ito ang  kayamanan  na kapag ipinamigay mo ay hindi  nababawasan, kundi  lalo pang  nadagdagan.”

Ikaw Noralyn, may  maisasagot ka   sa ganoon tanong  “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”

Host/Noralyn:  Mahalaga ang edukasyon, kapag may  taglay ang isang tao sya ay nagkakaroon ng higit na kapakinabangan hindi sa kanyang sarili,  kundi sa pamilya at lipunan,  samantala  ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng suliranin hindi lang sa kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.

Kaka Alih: Sadyang hindi matatawaran ang kahalagahan ng edukasyon  Noralyn sa ating  mga  tao. Ang salat sa edukasyon ay tatanda siyang mangmang o kulang sa kaalaman, ang taong kulang sa kaalaman ay kukunti ang maiaaabag o maitutulong sa ating pag-unlad.

Sino  na ang  gagagawa ng mga tulay, kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa mga paaralan kong walang  nakatapos na mga guro? Sino  abng gagamot sa sakitin kong walang  mga doctor?
Kaya nararapat lamang na mag-aral tayo,  pag-aralin aang  ating mga anak. May sinabi ang Propeta Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin  ang karunungan mula sa duyan hanggan sa libingan).

 Ito po ang inyong Kapatid - Kaka   Alih,  Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya,  Sukran and Wassallam.

Host/Noralyn:  Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral na  ibinahagi mo  ngayong umaga, mga kapatid sadyang ang edukasyon ay mahalaga sa tao, ang taong kulang sa edukasyon ay salat sa karunungan at yaman.

(EXTRO- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

DXUP FM  blog photo files


PAALAALA: Ito ay Re-Post mula sa naisarang Multiply.com na blog

Sa Puso, Sa Isip, Sa Salita at Sa Gawa

Sa Puso, Sa Isip, Sa Salita at Sa Gawa

(Hulyo 30, 2012-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

LGU UPI EMPLOYEES 
Host/Noralyn: Sa Puso, Sa Isip, Sa Salita at Sa Gawa, ito ang bagong kasabihan ni Kaka Alih, ang ating segment writer at presenter sa segment na gabay at talakayang pampamilya.

 (PLAY INTRO)

Host/Noralyn:  “Good morning Kaka Alih.”  
 
Kaka Alih:  Good morning Noralyn, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nanampalataya sa  Islam.

Kaibigan, Madalas mong maririnig at mababasa (lalo na sa mg facebook at blog) ang tungkol sa maraming kanais-nais na katangian bilang mamamayang Pilipino. Ito ay ba ay sapat na? NO! Hindi sapat ito dapat na malaman at maisagawa ang   ang mga katangiang ito. At mahalagang isagawa mo kaibigan ang mga katangiang ito ay dapat , sa puso, sa isip, salita at gawa.

Narito ang  ilang halimbawa   sa mga katangian na dapat mong laging isagawa kaibigan:  

Ang pagmamahal at paggalang sa ating mga nakatatanda. Bakit pagmamahal at paggalang sa ating mga nakatatanda? Ang  sagot!  Dahil maaaring maging gabay natin sa ating pangaraw-araw na buhay ang kanilang dunong at karanasan. Igalang ang mga nakatatanda sa lahat ng oras. Alagaang mabuti ang iyong mga magulang at lolo’t lola habang tumatanda sila at sikaping lagi silang kapiling, dahil ang mga matatanda ay katulad sa mga bata na kailangan ang umaalalay  sa kanila.

Naalala ko  tuloy ang mensahe ni Lola sa apo.

NORALYN: pakireplay nga Kaka Alih kahit  ilang linya lang, nagustuhan ko yun, ng minsang isama ng ating panauhin pangdangal na si Hadji Munir Jannaral.

KAKA ALIH: Ok, heto ang ilang linya sa aking sinulat namemsahe ni  Lola: “Aking apo, sa aking pagtanda unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Sa aking pagtanda, tiyak na may  kalabuan na ang aking  mga mata at maaring akoy  nakabasag   ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana ako kagagalitan.

Alam mo  apo ko, sadyang maramdamin ang isang matanda. Nagsa-self-pity   sa tuwing sisigawan mo .
Apo ko, kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana ako sabihan ng “binge!”paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang o dili kaya ay pakisenyas na  lamang  apo.

Aking apo, pasensya ka na  dahil  matanda na talaga ako. At kapag matanda na  mahina na ang  tuhod, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Aking apo,  pagpasensyahan mo sana kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Ang pakiusap ko apo ko,    pakinggan mo na lang ako,  huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Pangalawang halimbawa   sa mga katangian na dapat mong laging isagawa kaibigan ay: Katapatan sa ating bayan, Yes   isa itong katangian na   na  dapat nating pagyamanin at paunlarin. Papaano? Maaari mong ipakita ito sa pamamagitan ng pagsasalita ng  ating tinubuang wika, ang wika ng mga Pilipino,  pagpapahalaga sa ating mga bayani, lahat ng  mga bayani kasama na diyan ang mga Bangsamoro, na nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol sa bansa mula sa mananakop na Espaniol, Americkano at Hapon.

Sa  pamamagitan ng pagtulong mo sa iyong bayan para maging  masagana at maunlad ito.
Alam mo may mga katangian ang mga Pilipino na magandang mapanatili.

NORALYN: Ano  ang mga kanais-nais na katangiang Pilipino, Kaka Alih na magandang mapanaitili?

KAKA ALIH:  Mga katangian?  Una na magadang mapanatili ay ang Pananalig sa Diyos. Napakalakas ng paniniwala ni Ting o ni  Juan  sa Diyos. Hindi siya nagrereklamo tulad ng inaasahan dahil alam niyang bahala na ang Diyos sa lahat. Nag-iingat siya ng mga simbolong panrelihiyon at  mga santo sa kanyang bahay at sumasamba siya sa mga ito. At ang mga Muslim naman o mgaa Nanampalataya sa Islam ay sinusunod ang limang haligi ng Islam at pinaniniwalan  ang anim na Rukon ng Islam.

Ang iba pang magandang kaugalian,  na magandang panatilihin ay ang  pag-galang sa mga nakatatanda.    Si Ting o si Juan   ay  nagmamano sa kanyang mga magulang, ninong at ninang at nakatatandang kamag-anak. Nakikinig siya at  nagpapahalaga sa payo nila at tumutulong sa abot ng kanyang  makakaya. Inaalagaan  ang kanyang mga magulang  kapag matanda na sila.

Ang ibang magandang kaugalian na magandang panatilihin ay pag-eestima sa bisita, Tayong  mga Pilipino ay magaaling  mag-estima ng mga bisita, kaibigan at kahit estranghero. Napakainit ang pagtanggap niya at bukas-palad siya sa mga bisita sa bahay, opisina o saan man siya. 

Ang ibang magandang kaugalian na magaandang panatilihin ay  paggalang sa mga nakatatanda. . Ginagalang ni ting  o Juan  ang kanyang ina pati na ang kanyang mga kapatid, kaibigan at kasamahang babae. Nagbubukas siya ng pinto, nag-aalok ng kanyang upuan at nagbibitbit ng bag para sa mga babae at umaalalay sa kanila kapag sumasakay o bumababa sa  sasakyan.

Ang ibang magandang kaugalian na magandang panatilihin ay  mapamaraan o maabilidad/malikhain tayong mga Pilipino kasama na diyan ang Bangsamoro. Marunong mag-recycle si Ting o si  Adi. Napakahusay umimbento ni Adi ng mga bagong bagay na pwedeng gamitin at pagkapirahan. Lumilikha siya ng mga dekorasyong gawa sa lumang dyaryo at lata ng soft drink. Nagtatabi siya ng mga lumang papel at basyong lata para magamit sa susunod.

Ang ibang magandang kaugalian na magandang panatilihin ay,   matiyaga o positibong pananaw sa buhay, at ito ang dapat na makamtan at maapanitili. 
UAS-PTIA ENGR SUKARNO DATUKAN WITH
STUDENT DURING TREE PLANTING 

Tayong mga Pilipino ay lagi siyang umaasa at tumatanaw sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Hindi siya nawawalan ng pag-asa kapag may nakakaharap na mga problema. Sa katunayan, gaano man kamiserable ang buhay niya, sumusulong pa rin siya, dahil alam niyang sa bandang huli’y muling sisikat ang araw. Tulad naniniwalaa s kasabihan naa: “Don’t lost your hope beyond the dark clouds, the sun is still shining” ang ibig sabihin ay huwag mawalan  pag-asa sa makulimlim na ulap, dahil sa likod ng maitim na ulap na  yan ay andoon ang sikat ng araw.. (LAUGHING)..

Yes totoo may friend tulad ko, noon mga ilang taon lumipas, nagtitiis at  nananatili akong  mahinahon kahit nahihirapan akong  sumakay noon  ng pampasaherong sasakyan, dahil kulang ang sasakayan at baku-bakong daan papuntang Bandar a Kutawato.o Cotabato City.

O diba ngayon    ang sasakyan ang may problema, dahil ang daming di  pasahero at namimili lang si Kaka Alih kong saan sasakay. .. (LAUGHING).. at walang  serbisyo ng telepono, matandaan ko noon pupunta ka pa sa Kibleg para magtext.. (LAUGHING)..pero ano ngayon? May mobile phone service provider na, dalawa pa, di lang celpon, di internet pa, PM na  lang sa facebook o kaya naman ay  patwit-twit na lang sa twitter.

Marami pang magagandang  nating mga Pilipino o Bangsamoro, subalit ang lahat ng ito ay hindi  lamang nating sasabihin, kundi dapat magmula sa ating puso, pag-iisipan natin bago sabihin at kong ok na sa palayagay natin ay gawin ng buong katapatan at walang pag-iimbot.
Maniwala ka  may friend, bukas,  makalawa ay maari ng  ibibigay sa iyo ng Poong Lumikha ang bunga ng inyong pagsisikap at pagpupunyagi.

Ang kailangan lamang  para tayo ay umunlad ay  isa-puso, pag-isipan, bago sabihin at higit sa lahat isagawa

Ito po  ang inyong segment writer Kaka Alih. Sukran . Waassallam.

NORALYN: Maraming salamat Kaka Alih sa magandang ibinahagi mo sa  amin ngayong umaga, ako man ay may napulo na aral, di lang pala sa isip salita at sa gawa kundi sa puso pa.

(PLAY- EXTRO)



note: repost mula sa files na DXUP Multiply.com

Bakit Hindi Nag-kakaisa ang mga Tao?

Bakit Hindi Nag-kakaisa ang mga  Tao?

(Hulyo 31,  2012-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

NORALYN: “Kabigan bakit kong minsan hindi  nagkakaisa o nagkakasundo  ang mga  tao? Kong minsan pa nga, nag-away-away sa sakitan at mayroon pang  humantong na sa patayan?  bakit nga kaya?   Samahan mo kami kaibigan.

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih,

KAKA ALIH : Magandang umaga din Nits, Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang  kapayapaan sasaatin nawa..)

Ang tanong mo  kanina Noralyn   ay, bakit    hindi nagkakaisa o nagkakasundo sundo  ang mga tao? nag-away-away sa sakitan at mayroon pang  humantong na sa patayan?  bakit nga ba Kaibigan ?

“Ah na Kaka Ali, maraming dahilan  bakit nag-away away o hindi nagkakasundo  ang mga tao dito sa mundo.” Paliwanag kaagad ng  isang  sa ating  kumpare.   .

Ang kuwento ng aking kaibigan  na Pastor, ang away na ito  ay  nag-ugat pa sa mga unang taong nilikha ng Diyos, nagsimula pa ito  sa mga anak ni Adan at ni  Eba, sinimulan  ito na ina Abel at ni  Cain.

Para konting replay  sa kuwento ni Cain at Abel sa Bibliya.  Ito ang kuwento ng dalawang magkapatid na parehong sumasamba sa Diyos o  parehong relihiyoso.

Ayon Bibliya, mas pinapaboran ang mga handog na sakripisyong hayop ni Abel kaysa sa mga alay na tanim ni Cain. Dahil dito, nagselos si Cain kay Abel at pinatay ito. Nalaman ito ng Diyos at pinalayas si Cain sa Hardin ng Eden. Dalawang magkapatid, nagselos yung isa at selos na matindi para makuha niyang patayin ang kanyang kapatid.

May hailimbawa ako kaibigan na nangyari sa kasalukuyang panahon,  ang Ramgen Revilla case.

Maalaalaala ninyo   di ba   ayon sa sinumpaang salaysay na sinumite ng abogado ni Janelle Manahan, ang nakaligtas na kasintahan ni Ramgen Revilla nung siya’y pinatay, matinding away ng mga magkakapatid ang maaaring dahilan kung bakit pinatay si Ramgen. May mga okasyon daw na pisikal na nananakit si Ramgen sa kanyang mga nakakabatang mga kapatid, kahit mga babae pa ito. May tsimis pa na nanutok pa raw ng baril, at nanakal. Istrikto raw kasi si Ramgen, kaya ganun ang kanyang mga pamamaraan para disiplinahin ang kanyang mga kapatid. May kinalaman din daw ang pera sa away ng magkakapatid.

Ang ibang dahilan na siya  ngayong ang uso,   na dahilan kong bakit hindi nagkakasundo kahit magkakapatid o magkakamag-anak. 

Ang  pulitika (LAUGHING) Yes, politics ito ang madalas  na dahilan,    politika o politics.
Ito pa ang isang dahilan, karapatan sa lupang ninuno  o ang ancestral domain. Sa R’nawon at T’duray  ay tinatawag nilang “pusaka inged” .
Tulad halimbawa sa ngayon, ang Bangsamoro ancestral domain, ang IP’s Ancestral domain, unti unti ng nawawala sa kanila, kaya dapat na maibalik na sa kanila ang pamamahala sa kanilang lupang ninuno.

Katunayan nga kahit konting bahagi lamang   ng lupa, kahit na daw yaong mohon lang  o pananda ng lupa at inilipat ng isang hakbang lamang,  ay pinag-aawayan  na yan ng magkakamag-anak.  Kong minsan  magkapatid  pa nga.

Dahil marahil sa dumami ang tao at kinukulang ang lugar na dapat nating tirahan, kaya sigoro dapat ng isulong ng mababatas ang RH o reproductive Health Bill? (LAUGHING) 

Karapatang pangtao o  human rights, isa ito sa mga matinding mga dahilan kong bakit mga nag-away-away ang  mga tao  sa ngayon:

I”hindi Nagkakasundo  ang mga tao tao    dahil  sa kulang sa kaalaman sa kanilang karapatan;”  ito naman ang paliwanag ni Atty Rolando “Anwar”  Chew.  “..maraming dahilan ang nagiging dahilan ng mga di pinagkakasunduan ng mga tao”  

NORALYN: Papaano  lulutasin ang mga ganitong problema, na nag-away  away o hindi nagkakasundo ang mga tao?

KAKA ALIH: Ang solusyon sa mga ganitong  problema;   Sa problema  sa pulitika kinakailangan ang pairalin ang tunay na  pulitika, wlang dayaan, matuto tayong sumunod sa itinakda ng  batas, huwag ng palitan ang mga nakuhang  botante ng kandidato, at kong minsan kong sino ang  maliit ang boto ay siya pa ang naproklem.

Ayon naman kay Atty Rolando Anwar Chew, isang abogadong  Muslim sa Upi, Ang sulosyon sa ganitong problema ay, alamin mo ang inyong karapatan  ayon  sa nakasaad sa  batas.

Ang sabi  naman ni Ustadz Faizal Dacungan sa ating  interview by phone ay ang  paniniwala sa Poong Maykapal o Diyos ang pinaka-solusyon sa ganitong problema, ang  buhay ng tao ay pinahahalagaan  ng Allah  o  Diyos tayo pa  kayang tao? 

Kong  ikaw ay isang Kristiyano, sundin mo inyong Biblia at kong ikaw naman ay Muslim o nanampalataya sa Islam, sundin ang Sunnah at Qur’an.

Para sa  Gabay at Talakayang Pampamilya, ito ang inyong  Kaka Ali, ang inyong segment writer ,  na  naniniwala na ang may paniniwala sa Poong Lumikha, ay  mahirap makumbinsi ni Shaitan o Satanas na gumawa ng  masama, sapagkat ang Shaitan ang naguudyok sa tao  na gumawa ng masama, kaya itakwil natin  ang Shaitan o si Satanas.

Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu.

NORALYN: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran.

(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

note: repost mula sa files na DXUP Multiply.com