Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa
Pag-unlad ng Bansa
June 25, 2012 - Script
na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa
segment na “Gabay at Talalakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Nuro Central Elementary School Pre-School |
Host/Noralyn: “Ang edukasyon ay sadyang napakahalga sa tao, kaya
naman ang lahat ay nagsisikap na pag-aralin ang kanilang mga anak, para hindi
lumaking mangmang at salat sa karunungan.
Samahan ninyo kami ni Kaka Alih
sa segment:
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih,
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum
warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim.
Host/Noralyn: Matanong kita Kaka
Alih, gaano ba kahalaga ang edukasyon
sa atin ang edukasyon?
Bago kita sagutin ng tuluyan Kapatid, ang tanong ano ang ibig sabihin ng edukasyon?
Ang edukasyon o pagtuturo ay
kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang
bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim, ang pagbahagi ng
kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.
Isa sa mga pangunahing layunin ng
edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.
Ang ibig sabihin ito Noralyn ay hindi lamang dapat mong malaman ang isang bagay kundi dapat
mo rin pag-aralan ang kahalagahan
nito, at papaano gagamitin. Ang kong sakalaing may sapat ka ng kaalaman dito ay kinakailangan naman ang
pag-sasanay sa sarili, na gamitin ito.
May nagtanong din sa akin na estudyante, assignment yata niya,
“Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
Ang naging tugon sa kanya
ay, “…mahalaga ang edukasyon pagkat ito
ang magsisilbing gabay sa lahat, lalo na
sa mga kabataan na tulad mo. Mahalaga
ito dahil ang isang taong may talino, matutupad ang mga pangarap saan
man siya magpunta. Ito ay isang kayaman na kailan man ay hindi
mananakaw. Ito ang kayamanan na kapag ipinamigay mo ay hindi nababawasan, kundi lalo pang
nadagdagan.”
Ikaw Noralyn, may maisasagot ka sa ganoon tanong “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
Host/Noralyn: Mahalaga ang
edukasyon, kapag may taglay ang isang
tao sya ay nagkakaroon ng higit na kapakinabangan hindi sa kanyang sarili, kundi sa pamilya at lipunan, samantala
ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng suliranin hindi lang sa
kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.
Kaka Alih: Sadyang hindi matatawaran ang kahalagahan ng
edukasyon Noralyn sa ating mga
tao. Ang salat sa edukasyon ay tatanda siyang mangmang o kulang sa
kaalaman, ang taong kulang sa kaalaman ay kukunti ang maiaaabag o maitutulong
sa ating pag-unlad.
Sino na ang
gagagawa ng mga tulay, kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa
mga paaralan kong walang nakatapos na
mga guro? Sino abng gagamot sa sakitin
kong walang mga doctor?
Kaya nararapat lamang na mag-aral
tayo, pag-aralin aang ating mga anak. May sinabi ang Propeta
Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin ang karunungan mula sa duyan hanggan sa
libingan).
Ito po ang inyong Kapatid - Kaka Alih,
Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating
programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang
Pamapamilya, Sukran and Wassallam.
Host/Noralyn: Maraming
salamat Kaka Alih sa magandang aral na
ibinahagi mo ngayong umaga, mga
kapatid sadyang ang edukasyon ay mahalaga sa tao, ang taong kulang sa edukasyon
ay salat sa karunungan at yaman.
(EXTRO- Gabay at Talakayang
Pamapamilya)
DXUP FM blog photo files |
PAALAALA:
Ito ay Re-Post mula sa naisarang Multiply.com na blog
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento