Bakit Hindi Nag-kakaisa ang mga Tao?
(Hulyo 31, 2012-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)
NORALYN: “Kabigan bakit kong minsan hindi nagkakaisa o nagkakasundo ang mga tao? Kong minsan pa nga, nag-away-away sa sakitan at mayroon pang humantong na sa patayan? bakit nga kaya? Samahan mo kami kaibigan.
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih,
KAKA ALIH : Magandang umaga din Nits, Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang kapayapaan sasaatin nawa..)
Ang tanong mo kanina Noralyn ay, bakit hindi nagkakaisa o nagkakasundo sundo ang mga tao? nag-away-away sa sakitan at mayroon pang humantong na sa patayan? bakit nga ba Kaibigan ?
“Ah na Kaka Ali, maraming dahilan bakit nag-away away o hindi nagkakasundo ang mga tao dito sa mundo.” Paliwanag kaagad ng isang sa ating kumpare. .
Ang kuwento ng aking kaibigan na Pastor, ang away na ito ay nag-ugat pa sa mga unang taong nilikha ng Diyos, nagsimula pa ito sa mga anak ni Adan at ni Eba, sinimulan ito na ina Abel at ni Cain.
Para konting replay sa kuwento ni Cain at Abel sa Bibliya. Ito ang kuwento ng dalawang magkapatid na parehong sumasamba sa Diyos o parehong relihiyoso.
Ayon Bibliya, mas pinapaboran ang mga handog na sakripisyong hayop ni Abel kaysa sa mga alay na tanim ni Cain. Dahil dito, nagselos si Cain kay Abel at pinatay ito. Nalaman ito ng Diyos at pinalayas si Cain sa Hardin ng Eden. Dalawang magkapatid, nagselos yung isa at selos na matindi para makuha niyang patayin ang kanyang kapatid.
May hailimbawa ako kaibigan na nangyari sa kasalukuyang panahon, ang Ramgen Revilla case.
Maalaalaala ninyo di ba ayon sa sinumpaang salaysay na sinumite ng abogado ni Janelle Manahan, ang nakaligtas na kasintahan ni Ramgen Revilla nung siya’y pinatay, matinding away ng mga magkakapatid ang maaaring dahilan kung bakit pinatay si Ramgen. May mga okasyon daw na pisikal na nananakit si Ramgen sa kanyang mga nakakabatang mga kapatid, kahit mga babae pa ito. May tsimis pa na nanutok pa raw ng baril, at nanakal. Istrikto raw kasi si Ramgen, kaya ganun ang kanyang mga pamamaraan para disiplinahin ang kanyang mga kapatid. May kinalaman din daw ang pera sa away ng magkakapatid.
Ang ibang dahilan na siya ngayong ang uso, na dahilan kong bakit hindi nagkakasundo kahit magkakapatid o magkakamag-anak.
Ang pulitika (LAUGHING) Yes, politics ito ang madalas na dahilan, politika o politics.
Ito pa ang isang dahilan, karapatan sa lupang ninuno o ang ancestral domain. Sa R’nawon at T’duray ay tinatawag nilang “pusaka inged” .
Tulad halimbawa sa ngayon, ang Bangsamoro ancestral domain, ang IP’s Ancestral domain, unti unti ng nawawala sa kanila, kaya dapat na maibalik na sa kanila ang pamamahala sa kanilang lupang ninuno.
Katunayan nga kahit konting bahagi lamang ng lupa, kahit na daw yaong mohon lang o pananda ng lupa at inilipat ng isang hakbang lamang, ay pinag-aawayan na yan ng magkakamag-anak. Kong minsan magkapatid pa nga.
Dahil marahil sa dumami ang tao at kinukulang ang lugar na dapat nating tirahan, kaya sigoro dapat ng isulong ng mababatas ang RH o reproductive Health Bill? (LAUGHING)
Karapatang pangtao o human rights, isa ito sa mga matinding mga dahilan kong bakit mga nag-away-away ang mga tao sa ngayon:
I”hindi Nagkakasundo ang mga tao tao dahil sa kulang sa kaalaman sa kanilang karapatan;” ito naman ang paliwanag ni Atty Rolando “Anwar” Chew. “..maraming dahilan ang nagiging dahilan ng mga di pinagkakasunduan ng mga tao”
NORALYN: Papaano lulutasin ang mga ganitong problema, na nag-away away o hindi nagkakasundo ang mga tao?
KAKA ALIH: Ang solusyon sa mga ganitong problema; Sa problema sa pulitika kinakailangan ang pairalin ang tunay na pulitika, wlang dayaan, matuto tayong sumunod sa itinakda ng batas, huwag ng palitan ang mga nakuhang botante ng kandidato, at kong minsan kong sino ang maliit ang boto ay siya pa ang naproklem.
Ayon naman kay Atty Rolando Anwar Chew, isang abogadong Muslim sa Upi, Ang sulosyon sa ganitong problema ay, alamin mo ang inyong karapatan ayon sa nakasaad sa batas.
Ang sabi naman ni Ustadz Faizal Dacungan sa ating interview by phone ay ang paniniwala sa Poong Maykapal o Diyos ang pinaka-solusyon sa ganitong problema, ang buhay ng tao ay pinahahalagaan ng Allah o Diyos tayo pa kayang tao?
Kong ikaw ay isang Kristiyano, sundin mo inyong Biblia at kong ikaw naman ay Muslim o nanampalataya sa Islam, sundin ang Sunnah at Qur’an.
Para sa Gabay at Talakayang Pampamilya, ito ang inyong Kaka Ali, ang inyong segment writer , na naniniwala na ang may paniniwala sa Poong Lumikha, ay mahirap makumbinsi ni Shaitan o Satanas na gumawa ng masama, sapagkat ang Shaitan ang naguudyok sa tao na gumawa ng masama, kaya itakwil natin ang Shaitan o si Satanas.
Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu.
NORALYN: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran.
(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
note: repost mula sa files na DXUP Multiply.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento